Pagsusulit BLG V

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Iskor:

Baitang at Seksiyon: Petsa:


I. Pagpili-pili (Multiple Choice)
Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot. Ilagay sa sagutang papel. BAWAL ANG MAY BURA.
1. Ito ay isang maikling kwento ng mga taga Luzon tungkol sa magkaibigan na mayroong
magkaibang gawi, kilos at pag-uugali.
a. Sina Julio at Bosart b. Sina Julius at Bogart c. Sina Julies at Bernard d. Sina Jules at Bert
2.Alin sa mga uri ng sanaysay napabibilang ang talumpati?
a. Impormal b. Di-pormal c. Di-tiyak d. Pormal
3.Ito ang hakbang o paraan upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng ngalan o
pangngalan sa isang pangungusap.
a. Paggamit ng pandiwa c. Paggamit ng pang-uri
b. Paggamit ng panghalip d. Paggamit ng kohesib
4. Siya ay tauhan sa maikling kuwento na mahilig maglaro ng online games, kaya naman
bumagsak siya sa pagsusulit.
a. Bernart b. Berto c. Bart d. Bogart
5.Ito ay buod ng kaisipan o opinyon ng tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
harap ng tagapakinig.
a. Talumpati b.Dyornal c. Impormal d. Pormal
6.Ang kuwento ng tauhan na “Sandaang Damit” ay tungkol sa .
a. Sanggol b. Matanda c. Batang Babae d. Batang Lalaki
7. Ito ay isang talumpati na nagmula sa Lungsod ng Quezon.
a. Ako si Magiting b. Ako si Mandirigma c. Ako si Malakas d. Ako si Marikit
8. Ang diwa ng isang salita ay madaling makuha batay sa .
a. konteksto at pagkakaiba nito sa pangungusap.
b. konteksto at pagkakatulad nito sa pangungusap.
c. konteksto at pagkakagamit nito sa pangungusap.
d. lahat ng nabanggit
9.Ano ang maaaring kahulugan ng adhikain?
a. layunin b. pagkain c. ehersisyo d. laro
10.Si Magiting ay isang .
a. mananalumpati b. mayaman c. masipag d. mayabang
11.Ang anapora ay may tatlong titik “ana” at apat na titik “pora”. Ito ay tinatawag din bilang
isang
.
a. anahuli b. ana c. anaporik d. anauna
12.Ang panandang ito ay nasa unahan ang panghalip at hulihan ang pangngalan.
a. Anapora b. AnaporiK c. Katapora d. Kataporik
13.Ito ang panghalili sa tao, bagay, hayop at pook ng isang pangungusap.
a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pambalana d. Panghalip
14.Ang salitang “siya, kaniya, sila” ay panghahali sa pangngalan ng .
a. tao b. bagay c. hayop d. pook
15.Ang salitang “ito, doon, dito” ay panghahali sa pangngalan ng .
a. tao b. bagay c. hayop d. pook

II. Tama o Mali


1. Ang anapora at katapora ay mga pananda sa ngalan o pangngalan na ginagamit sa
pangungusap.
2. Anahuli ang ibang tawag sa anaporik.
3. Ang katauna ay nahahati sa “kata” apat na titik at “una” tatlong titik.
4. Ang panghalip sa tao ay salitang siya, kaniya, niya, nila, at kanila.
5. Ang panghalip sa pook, bagay at hayop ay salitang ito, doon, dito at iyon.

III. Tukuyin ang mga salitang may pananda, isulat ang ANA kung ito ay panghalip na
panandang ginagamit na panghalili sa hulihan at KATA kung panghalip na panghalili sa unahan ng
pangungusap
1. May batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang
kaniyang pagiging walang imik. Madalas ay nag-iisa siya. Lagi siyang nasa sulok.
2. Pabalik-balik lamang ang kaniyang damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nila ang
baon ng batang babae ay kapirasp lamang ng tinapay na madalas wala pang palaman.
3. Matatas na siyang magsalita ng wikang Ingles kaya nakalimutan na ni Binibining Marikit na
magsalita ng wikang Tagalog.
4. Hindi naawa ang kaniyang kamag-aral niya dahil hindi nila alam kung ano ang kaniyang
pinagdaraanan.
5. Halos hindi na nagsalita si Binibining Marikit ng Tagalog dahil sabi niya ay nakalimutan na niya.
6. Ang batang babae ay naging masiyahin dahil natutuhan niyang ipaglaban ang kaniyang
sarili.
7. Napaiyak siya dahil hindi niya akalain na nakararanas na pala ng pang-aabuso si Ada.
8. Pinatuloy sila at tinanggap sa tahanan ng batang babae.
9. Ang sandaang damit ay nakaguhit sa papel. Ito ay idinikit niya sa pader upang makita ng
mga bisita.
10. Pumunta sila sa bahay ni Ada, dala-dala ang isang piling ng saging.

You might also like