Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

LUBAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL

“Isang Sulyap sa Haraya ng Gunita sa Bayan ng Real”


Sa Panulat ni Laurence P. Caña/SST-I
Sa Pagbigkas ni Myriah Rachelle Anne C. Leynes

Sa luntiang kabundukan nanahan ang hiwagang kumikinang, sa dagat nakaangkla ang


mundo ng mamamayang nagsusumikap habang nagpapasaripoy sa alon. Ang bayan ng Real
ay disiplinado at produktibong naglalakbay ngayon patungo sa direksyong magpapasibol ng
pag-unlad.

Sa aking pagsulyap ay nadama ko ang makulay na haraya sa kasaysayan ng bayang


ito. Buksan natin ang telon sa panahon ng mga español, 1565 naging pormal na teritoryo ng
España ang Pilipinas. Lumipas ang mga taon, nagbago ang madilim na mundo kasabay nang
pagiging sibilisado. Habang ang bansa ay nasa kamay ng España, ang bayan ng Real ay isa
lamang barrio ng Binangonan Del Ampon na ngayon ay bayan ng Infanta.

Tinatapik ng mga sagwan ang alon habang bumabaybay sa rabaw ng dagat ang bangka
ng mga bandido sapagkat ang lugar na ito ay kalapit lamang ng dagat kaya malimit na dinarayo
upang pagsamantalahan ang pwede nilang pakinabangan hanggang ang pagdurusa ng mga
tao ay makaabot sa kaalaman ng pamunuang España. Nangamba ang España sa kaguluhang
ito, upang matigil ang tens’yon mawala ay nagpadala sila ng puwersa at tumulong sa mga tao
na magtayo ng kanilang kampo; tinawag itong Puerto Real kung saan mag-aabang ang mga
guwardiya sibil na magtatanggol laban sa mga bandido.

Mga panahon ay patuloy na lumipas, taong 1889 ay nagpatayo naman ang mga
Español ng bahay-imbakan ng Tap-ong o edible chuck of salt kalapit ng Puerto Real upang
magbigay hanap-buhay sa mga tao.

LUBAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL (LNHS)


“Building Hope and Excellence, Upholding Values and Services”
Brgy. Lubayat, Real, Quezon 4335 Email us at:sdo.quezon.lubayatnhs@gmail.com
DepEd Tayo Lubayat NHS-Quezon Province +63995-648-5477
LUBAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL

Maganda ang sikat ng araw na nagbibigay liwanag sa panatag na kalooban ng mga


taong di alintanang may paparating na bagong puwersang mananakop sa kanilang lugar.
Nabalot nang takot ang damdamin ng mga tao nang kanilang masaksihan ang pagdating mga
Hapon na dumaong dito sakay ng kanilang submarines at hukbong pandigma. Hindi nagtagal
ay nakapagtayo rin sila ng kampo tanda ng kanilang pagsakop dito. Sinubukang makuha ng
mga Hapon ang tiwala ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga pier at
paaralan na magtuturo ng kanilang kultura sa mga Kabataan subalit ang ibang mga Pilipino
ay bumuo ng pangkat sa kabundukan upang lumaban sa mga Hapon.

Madirinig ang mga pagsabog sa iba’t ibang bahagi ng lugar kasabay ng iyakan ng mga
Kabataang hindi pa maunawaan ang kaguluhan, sa di kalayuan ay matatanaw ang mga
sundalong Amerikanong nagpapabagsak sa mga kampo ng Hapon noong 1944 na kasabay
ring paglusob ng mga hukbong Pilipino kaya hindi nagtagal sa taong 1945 ay sumuko ang
lahat ng mga kalaban dito sa ating lugar.

Noong ika-15 ng disyembre 1960 ay tila binuksan ni dating Pangulong Carlos P.


Garcia ang tanglaw sa pintuan ng bayan ng Real nang kanyang lagdaan ang kautusang
tagapagpaganap blg. 410 na nagtatalaga sa bayan ng Real bilang isang distrito
Munisipalidad. Makalipas ang ilang taon ito ay pinagtibay upang maging ganap na
Munisipalidad noong 1963. Ang pamahalaan ay pinangunahan ni Ginoong Ricardo Macasaet
bilang itinalagang alkalde datapwat ang unang eleksyon dito ay ginanap din sa parehong taon
na pinagwagian ni Lazaro A. Atendido Sr. bilang alcalde.

Isang patunay na ang bayan ng Real ay hindi na maninirahan sa yungib at dikta ng iba
sapagkat ang lahat ng pamamahala ay mapasasakamay na.
Talagang ngang bumukas ang bahagi ng langit sapagkat ipinagkaloob sa atin ang
magiting na hindi natin ipagpapalit. Pinasibol ang dahong umantig sa puso ng damdaming
maka-Pilipinong nakababatid sa dilim ng kahapong tinatakasang pilit.

LUBAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL (LNHS)


“Building Hope and Excellence, Upholding Values and Services”
Brgy. Lubayat, Real, Quezon 4335 Email us at:sdo.quezon.lubayatnhs@gmail.com
DepEd Tayo Lubayat NHS-Quezon Province +63995-648-5477
LUBAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL

Sa katunayan, ngayon ang bayan ng Real ay nasa pamumuno ng masipag at magaling


na mayor: mayor Diana Abigail Diestro Aquino na naglalayong paularin saka pagaanin ang
pamumuhay ng mamamayang disiplinado at produktibo sa pamamagitan ng kanyang mga
magagandang proyekto sa likod ng mga adhikain ng kanyang amang si Joel Amando Amparo
Diestro na isa sa mga pundasyon ng bayang ito siya ring nag-iwan nang hindi malilimutang
mga katagang “walang ibang magmamahal sa bayan ng Real kundi kapwa Realeño”

Kaya halika na, itangan natin sa mataas na pedestal ang bawat yapak na inuukit natin
ngayon. Tara na’t makisabay sa makabagong daigdig dala ang kulturang Realeño. Tayo na at
itatak ang sulyap sa haraya ng gunita

Muli, mabuhay!
at maraming salamat po.

LUBAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL (LNHS)


“Building Hope and Excellence, Upholding Values and Services”
Brgy. Lubayat, Real, Quezon 4335 Email us at:sdo.quezon.lubayatnhs@gmail.com
DepEd Tayo Lubayat NHS-Quezon Province +63995-648-5477

You might also like