Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1. Magsaliksik ng Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo.

2. Magtala ng mga pangyayari kasama ang buwan/taon at lugar ng pinangyarihan.


3. Magtala ng paghahambing ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Ang El filibusterismo ay isang nobela na tanyag sa Pilipinas na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ang nobelang ito
ay napaka importante para sa mga Pilipino dahil dito namulat ang mga tao noon kung ano ang mga pang-
aalipustang ginagawa ng mga Kastila. Ang El Fili ay nangangahulugang “Ang paghahari ng kasakiman” sa
Tagalog. Pinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa ibang bansa dahil sa pagbabanta ng
mga kastila sa kaniyang buhay.

Dahil sa paggarote sa tatlong paring martyr noong 1872, naisulat ni Rizal ang El Filibusterismo.

Sinimulan ni rizal isulat ang nobela noong taong 1887 buwan ng oktubre sa Calamba laguna

Agosto 1887 bumalik si rizal sa pilipinas galing espanya

PEbrero 1888 ay naglakbay si rizal sa ibat ibang bansa ng asya, Europa, at amerika

Inayos ang banghay at konsepto ng nobelo sa London, England noong 1888

Lumipat siya sa Brussels Belgium kasama si Jose Albert upang mapagtuunan ang pagsusulat sa nobela
tanong 1890

Mars0 29 1891, natapos ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Ghent Belgium. Dito rin ito naipalimbag
ang manuskrito at ipinadala kay Jose Alejandro. Ngunit di natapos mailimbag ang akda dahil kulang ang
pera

Natuloy ang paglilimbag noong setyembre 1891 sa tulong ni Valentin Ventura, sa hongkong napunta ang
karamihan ng aklat at ang iba ay sa pilipinas. Setyembre 22 natapos ang paglilimbag

Inialay ni rizal ang noli me tangere sa inang bayan, ang el fili naman ay sa GOMBURZa. Tumatalakay ang
noli me tangere sa pamumuhay at estado ng buhay ng mga Pilipino. Ang el fili naman ay sa pamamahala
ng mga kastila sa politika.naging daan ang dalawang nobela upang mailarawan ang suliranin sa Lipunan
noong panahon ng Espanyol. Isa pang pagkakaiba ng dalawa ay, ang noli me tangere ay nakatuon sap ag-
aasam ng pag-asa at paghihiganti. Ang el fili naman ay tungkol sa determinasyon sa pagbabago ng
Lipunan.
1. Paano pinaghambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang pamahalaan?
2. Ano-ano ang ikabubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng
Maynila?
3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?
4. Ano ang sinisimbolo ng tubig at apoy na winika ni Isagani?

Napaghambing ang bapor tabo at pamahalaan dahil sa katiwalian at pang-aabusong nagaganap sa


Lipunan. Nagpapahirap at nagmumukang kawawa ang mga mamamayan o tinatawag nilang
“indiyo”, habang nagpapakasarap ang iilan para sa kapangyarihan. Makikita sa dalawa ang hindi
pantay-pantay na trato sa mga mamamayan. Mga nasa taas lamang ang may Karapatan at
kapangyarihan habang naghihirap ang mga nasa baba.

Kapag malalim ang kanal na dinadaanan ng bapor, mas malinis at patuloy ang daloy ng pagbiyahe dahil
kung mababaw ang tubig ay maaaring sumabit ang bapor sa mga bato at buhangin. Mas ikabubuti kung
malalim dahil mas episyente ito sa Kapitan ng barko at pasahero na naglalakbay.

Ang palatandaan ni simoun na dukkha ang isang lalawigan kapag ang mga nandito ay hindi kayang bumili
ng alahas. Isa pa rito ay ang diskriminasyon sa Pilipino at mga kastila. Mababa ang kakayahan ng bayan
na mayroong prayleng Pilipino pero kapag kastila ay tinuturing na maunlad ang bayan.

Ang sinisimbolo ng tubig ayon kay isagani ay ang determinasyon ng mga Pilipino para sa pagbabago,
tulad ng tubig na hindi tiyak ang anyo at patuloy na nagbabago. At ang apoy naman ay sa mga
nanunungkulan sa Lipunan at ang mga makapangyarihan

1. Sino si Kabesang Tales sa El Filibusterismo? Ano ang paglalarawan ang ipinakita ni Rizal sa
kanyang katauhan?
2. Isalaysay ang kuwento ng agnos ni Huli?
3. Ano ang ginawa ni Huli na pinintasan ni Rizal? Ipaliwanag.
4. Ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Kabesang Tales na "Magiging lupa rin tayo at hubad tayo nang
ipinanganak"?
5. Ano ang kalagayan ng Cabeza de Barangay na ipinakita ni Rizal sa El Filibusterismo? Ibigay ang
pagkakaiba nito sa kasalukuyang panahon.
Si kabesang tales ay biktima ng pang-aapi ng mga prayle at opisyal ng gobyerno, ngunit sa
kabila ng kaniyang mga pinagdaanan ay meron siyang ipinaglalaban at may matapang na
katangian. Siya ay simbolo ng isang Pilipino, labis ang pinapakita niyang pagamahal sa pamikya
at Lipunan, mayroon siyang dterminasyong makamit ang Karapatan para sa olahat.

You might also like