Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 80

APAT NA MAKRONG KASANAYANG

PANGWIKA

PAKIKINIG
PAGSASALITA
PAGBASA
PAGSULAT
Panimula
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong
berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang
kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng
nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.

Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at


maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang
matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na
paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang
kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang
kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang
maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Panimula
• Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na
ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang
makatotohanang gawain upang iparanas sa
kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring
bigyan sila ng maraming babasahing aklat,
palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula,
paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng
mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na
pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng
isang maunlad na wika.
Paano nalilinang ang mga kasanayang
pangwika?
• Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang
kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng
komunikasyon.
• Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang
maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan
sa kanilang mga kaklase.
• Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa
pag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay
aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at
karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at
kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro ,
mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
A. Makrong
Kasanayan
sa
PAKIKINIG
Mga Bahagi ng Tainga
Kahulugan ng PAKIKINIG
• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil
nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa
ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang
napakinggan.
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid
ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay
nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.
At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang
wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa
utak.
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit
na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na
nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa
auditory nerve patungo sa utak.
Kahalagahan ng Pakikinig
• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan
ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang
pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat
isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong
konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o
paggunita sa narinig.
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming
oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig
kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay
mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa
magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng
silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa
talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa
aktibong makilahok sa kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat
Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
• Alamin ang layunin sa pakikinig
• Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
• Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
• Maging isang aktibong kalahok
• Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa
kakayahan ng tagapagsalita
• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
• Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan
MGA URI NG PAKIKINIG
Deskriminatibo
Layunin;
• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang
paraan ng komunikasyon.
• binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng
tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang
nagsasalita.
Komprehensibo
Kahalagahan:
• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang
pinakikinggan.
MGA URI NG PAKIKINIG
Paglilibang
Layunin:
• upang malibang o aliwin ang sarili
• ginagawa para sa sariling kasiyahan
Paggamot
Kahalagahan:
• matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan
o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing
o suliranin ng nagsasalita
MGA URI NG PAKIKINIG
Kritikal
Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang
makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri
sa paksang narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa
narinig
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais
niyang maintindihan
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

• Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba
ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes,
bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay
hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil
sa nababagot sila kundi dahil sa mga
nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang
kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang
kahinaan na ng kanilang pandinig
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.
• Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa
madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa
oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.
• May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang
isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng
tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.
• Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas
aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae
• Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at
maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging
negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At
gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may
pansarili silang interes.
• Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita
dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng
paliwanag.
Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa
sa mga lalaki dahil madali silang mainip
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Tsanel
▪ Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng
mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono,
mikropono, radyo atbp.
▪ Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng
mensahe ay ang personal na pakikipag-usap
kaysa sa paggamit ng instrumento dahil
malinaw na masasabi ang mensahe gayon din
ang kanyang emosyon.
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Kultura
• Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan
din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.
• Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay
iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong
Pilipino pero magkaiba ng kultura.
• Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong
at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam
pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang
nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at
magtatanong lamang sila kapag tapos na itong
magsalita.
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

• Konsepto sa sarili
▪ ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay
na maari niyang magamit sa pagkontra o
pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
▪ Ang sariling pagpapakahulugan ng
tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe
ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti
o di-mabuting katapusan.
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

•Lugar
▪ Ang tahimik at malamig na lugar ay
lubusang nakahihikayat at
nakapagpapataas ng level ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng
isang panayam.
▪ Ang mainit, maliit at magulong lugar ay
nagdudulot ng pagkainis at kawalang
ganang makinig ng mga tagapakinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang
tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan,
ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay
isang malaking tanong.
• Sleeper
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik
na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong
makinig.
• Tiger
Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng
reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang
sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at
mananagpang
MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang
maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang
pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa
kanyang mga naririnig.
• Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang
may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha
ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang
kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang
oportunidad na makapagtanong para
makapag-paimpres.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y
kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang
bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa
kanya, positibo man o negatibo.
• Busy Bee
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang
pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa
ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan
sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
•Two-eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig,
nakikinig siya gamit hindi lamang ang
kanyang tainga kundi maging ang
kanyang utak. Lubos ang partisipasyon
niya sa gawain ng pakikinig. Makikita
sa kanyang mukha ang kawilihan sa
pakikinig.
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG
PAKIKINIG
❖ Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo
ang matigas na damdamin
❖ Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na
makikinig sa kanya
❖ Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang
pakikinig sa wastong paraan
❖ Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o
di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita
❖ Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig
❖ Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago
sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa
pamamagitan ng masusing pakikinig
MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG

ang pakikinig daw ang pinakamadali


sa apat na makrong kasanayan
ang mga marurunog lamang daw
ang mahuhusay makinig
hindi na raw kailangang
pagplanuhan ang pakikinig
MGA HADLANG SA PAKIKINIG

•Pagbuo ng maling kaisipan


•Pagkiling sa sariling opinion
•Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
•Pisikal na dahilan
•Pagkakaiba ng kultura
•Suliraning pansarili
B. Makrong
Kasanayan sa
PAGSASALITA
Mga Bahagi ng Bibig
Kahulugan ng Pagsasalita
• Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang
tao na maihayag ang kanyang ideya,
paniniwala at nadarama sa pamamagitan
ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.
• Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang
ng mga tao: ang nagsasalita at ang
kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming
niloloob ng nagsasalita
• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga
tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin
ng nakikinig
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang
may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang
magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya
sa pagpapatupad ng mga ito.
Mga Pangangailangan sa mabisang
pagsasalita

•Kaalaman
•Kasanayan
•Tiwala sa Sarili
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

▪tinig
▪bigkas
▪tindig
▪kumpas
▪kilos
Limang Kasanayan sa Pagsasalita

• Pakikipag-usap
• pakikipanayam
• pagkatang talakayan
• pagtatalumpati
• pakikipagdebate
Pakikipag-usap
Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang:
1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa
2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap
3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng
ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa
nag-uusap ang pagsasalita
4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at
karanasan ng nag-uusap
5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob
Pakikipanayam (Interbyu)
• Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng
pakikipanayam:
• Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras,
at lugar na maluwag sa kakapanayamin
• Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang
paksa
• Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa
kakapanayamin
• Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras
• Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng
kawilihan
• Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at
mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang
• Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu
Pangkatang Talakayan
Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan;
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa
pagtatalakayan
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan,
huwag manatiling tahimik
3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring
makapagpabagal sa talakayan
4. Magkaroon ng bukas na isipan
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag
sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami
6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa
mga kasama
Pakikipagdebate o pagtatalo
Tungkol sa pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga
patunay at katuwiran ng kalaban
Tungkol sa pagtatanong
a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng
sinundang tagapagsalita
b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa
iisang tagapagsalita
c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban
kung siya ang nagtatanong
Uri ng talumpati
Impromptu
Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang
walang ganap na paghahanda.
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati:
• Maglaan ng oras sa paghahanda
• Magkaroon ng tiwala sa sarili
• Magsalita nang medyo mabagal
• Magpokus sa paksa habang nagsasalita
Extemporaneous
Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon
na walang tiyak na kahandaan sa
pagbigkas.
Mga itinakdang konsiderasyon para sa
extempore:
• Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha
ng paksa at sa mismong paligsahan
• Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
Pinaghandaang talumpati
Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang
talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado
o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.
Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya
Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin
sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at
ang pagsulat ng panimula, katawan at
wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may
kaisahan.
Kahinaan sa pagtatalumpati
1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng
maayos kapag nakaharap sa maraming tao.
2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi
nakapokus ang pansin sa mga nakikinig
3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang
kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang
binibitiwan.
4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang
marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati
Mga mungkahi kung paano makapagsasalita
ng maayos sa harap ng madla:
• Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya
mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi
nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa
mga unang segundo o munuto ng pagsasalita.
• Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang
ideya na ibabahagi sa madla.
• Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong
tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at
kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping
maging ang mga taong may depekto ay maari ring
magtagumpay.
• Magkaroon ng marubdob na pagnanasang
maging mahusay na tagapagsalita.
Mga mungkahi kung paano makapagsasalita
ng maayos sa harap ng madla:
• Harapin mo ang takot, huwag mong takasan.
Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi
mo susubukan.
• Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa
pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa
malalaking madla.
• Isiping ang mga madlang tagapakinig ay
palakaibigan at hindi mapanghusga.
• Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong
Maykapal.
C.Makrong
Kasanayan sa
PAGBASA
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na
simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga
nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
• Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa
mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
• Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan
natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
• Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay
nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay,
nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang
suliranin sa buhay.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng
panlasa sa mga babasahin
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi
pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa
kundi pangangatwiran at pag-iisip.
• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng
impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan,
pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang
kadahilanan:
• may nagbabasa upang kumuha ng dagdag
kaalaman o karunungan
• may nagbabasa dahil gusto niyang malaman
ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang
mapag-iwanan ng takbo ng panahon
• may nagbabasa upang maaliw o malibang ,
mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman
Apat na hakbang ng pagbasa:
Ayon kay William S. Gray, “Ama ng
Pagbasa”,
• Ang pagbasa sa akda
• Ang pag-unawa sa binasa
• Ang reaksyon sa binasa
• Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng
mga bagong kaalaman sa binasa at ng
dating kaalaman
Layunin sa Maunlad na Pagbasa
• Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa
• Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa
masaklaw at masidhing pagbasa
• Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan
upang matamo ang impormaasyon hinggil sa
iba’t ibang larangan tulad ng sining, agham at
mga bagay na pangkatauhan o humanities.
• Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat
Layunin sa Maunlad na Pagbasa
• Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at
magkaroon ng mabisang pag-uugali sa
pag-aaral sa tahanan, paaralan at aklatan.
• Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal
na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at
pagpapahalaga sa mga binabasa.
• Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na
dulot ng pagbabasa.
MGA URI NG PAGBASA
Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin
Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan
A. Mabilisang pagbasa – (skimming) ang
pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang
tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang
malaman ang pangkalahatang pananaw na
matatagpuan sa mga aklat at iba pang
nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din
itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na
paraan ng pagbasa.
Layunin sa Maunlad na Pagbasa
Ginagamit ang paraang ito sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
• Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa
kabuuang nilalaman ng isang aklat
• pagtingin at pagbasa ng mahahalagang
datos na kailangan sa pananaliksik (key
word)
• pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa
nilalaman
MGA URI NG PAGBASA
B. Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa
paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang
pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na
makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y
makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan.
Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo,
paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento
(buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen ,
numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.
C. Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading)
nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa
pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na
pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.
MGA URI NG PAGBASA
D. Pamumunang Pagbasa (Critical reading)
Dapat na matiyak ng mambabasa na
naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa
pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda
ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang
pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan
(nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng
pansin o puna ang istruktura ng mga
pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo
sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang
kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
MGA URI NG PAGBASA
E. Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata
lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito,
walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya
walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa
ng teksto.

F. Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa


teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa
mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na
marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
MGA URI NG PAGBASA
G. Masinsinang Pagbasa
– hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito
ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang
maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga
salitang bumubuo sa teksto.

Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa


pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral
at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang
kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong
pamamaraan.
Uri ng Pagbasa Ayon sa layunin
A. Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang
isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o
marating. Kailangan natin ang layuning ito upang
maragdagan ng bago an gating dating kaalaman.
Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat
larangan na ating tinatahak.
B. Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay
mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas ng
isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan
at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.
Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa
• Pagkilala sa mga salita (word perception)
Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng salita,
pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas
• Pag-unawa (comprehension)
Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas
mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.
• pagpapahalagang literari (literary appreciation)
may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga
ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.
• Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research &
dictionary skills)
May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay
at kaalamang di-makita o matagpuan
Limang dimensyon sa pagbasa
1. Pag-unawang literal
2 Pagbibigay ng Interpretasyon
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
4. Paglalapat o Aplikasyon
5. Pagpapahalaga
D. Makrong
Kasanayan
sa
PAGSULAT
Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang
ang kaisipan ng isang tao ay kanyang
maipahayag sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ito ay isang paraan ng
pagpapahayag kung saan naiaayos ang
iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating
isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
• kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa
iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa
ngayon.
• Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay,
pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel
pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
• Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng
liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas
pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa
paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
kliyente at maramipang iba.
Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay
nakukuha sa pamamagitan ng
pagsasanay, ng maraming pagtatangka at
pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring
tularan ang iba at alamin ang kanilang
pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t
kinakailangan natin ito sa
pakikipag-ugnayan sa buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat
Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing
daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may
paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang
mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat.
Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman
kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa
ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at
pagtuklas. Kailangang makapangalap ng
sapat na materyales at ebidensyag
magpapatunay. Bukod sa ating sariling
karanasan, maaari tayong magsaliksik sa
dyornal, magazine, ensayklopedya,
pahayagan, interbyu at maging sa panonood
ng sine at telebisyon.
Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga
materyales, binbigyan na natin ng hugis
an gating paksang susulatin. Maaari na
nating sulatin ang burador na maaari
ring maging batayan sa pangangalap ng
mga kagamitan. Kailangan Makita natin
ang pokus n gating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili
kung ano ang tunay na paksa.
Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang
upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay
nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa
mga di-formal na tala tungo sa unang burador,
hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga
nalathalang sulatin ay dumaan ng mga
pagbabago at muling pagsulat hanggang sa
maabot nito ang pinakawasto at tumpak na
pamaraan ng pagsulat.
Mga Bahagi ng Pagsulat

• Panimula
• Katawan
• Konklusyon
• Rekomendasyon
Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat –
• ang sulating pormal at ang sulating di-pormal.
• Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon
na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar.
Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa
pagbuo ng kathang pasalita.
• Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga
mag-aaral ng isang kathang di-pormal.
• Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng
kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda
at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NA
IMINUNGKAHI PARA MAKATULONG SA
PAGSULAT
1. Pumili ng paksang susulatin.
Dapat na makabuluhan o mahalaga ang paksa,
lalo na para sa mga mambabasa.
2. Pagkuha ng magagamit na mga materyales.
Maaaring ang mga impormasyon ay kailangang
saliksikin sa mga aklat,babasahin,magasin o
peryodiko
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
3.Plano ng Pagsulat.
Maaaring buuin muna sa papel o sa isip ang
paksang susulatin.Story line ang tawag dito.
4. Aktwal na Pagsulat.
May ilang paraan ng pagsulat na ginagamit
ang mga manunulat.May nagsusulat na
nagsisimula sa pag-iisip ng gagamiting pamagat
ng akdang susulatin.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
5.Pagrerebisa sa Akda.
Gaya nang naipahiwatig sa Aktwal
na Pagsulat,ang rebisyong gagawin ay
ukol sa pagtatama sa mga
kamalian,pagbabawas sa mga isipang
naisama na hindi dapat isama at
pagdaragdag sa nakaligtaang ideya
habang isinusulat ang teksto.
MGA URI NG
PAGSULAT
Mauuri sa iba’t ibang pangangailangan ng tao sa lipunan.
`~batayan kung bakit nasulat ang tao
Magbigay ng impormsyon
Tumalakay sa isang paksa
Mang-aliw ng mambabasa.
MGA URI/ANYO NG PAGSULAT
AKADEMIK
• Pagsulat sa paaralan mula sa antas na
primarya hanggang doktoradong pag aaral.
• Itinuturing ng isang intelektwal na pagsulat.
• Hal:
Kritikal na sanaysay, term paper,lab report,
ekspiremento.
MGA URI/ANYO NG PAGSULAT

TEKNIKAL
•Nagsasaad ng impormasyon na
maaring makatugon sa isang
komplikadong suliranin.
•Nakatuon sa isang espesipik ng
audience.
MGA URI/ANYO NG PAGSULAT

JOURNALISTIK
•Uri ng pagsulat na ginagawa ng
isang journalist.
•Makikita sa columnar ng
dyaryo,tulad ng editoryal,balitang
sulatin, lathalain.
MGA URI/ANYO NG PAGSULAT

REPERENSYAL
• Sulatin na naglalayon magrekomenda ng iba pang
mga sors o reference.
• Para sa mas malawak na pag intindi sa isang paksa.
• Hal.:
Literatura mula sa awturidad, thesis sa bahaging
Mga kaugnay na pag aaral at literatura.
MGA URI/ANYO NG PAGSULAT

Propesyonal
•Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib
sa isang tiyak na propesyon.
•Hal:
Pulis report, Investigative report,
Medical report.
MGA URI/ANYO NG PAGSULAT
MALIKHAIN
• Masining
• Pokus ang imahinasyon ng manunulat.
• Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.
• Piksyunal o di-piksunal
• Hal: tula, nobela, maikling kwento,
malikhain sanaysay.

You might also like