Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

Modyul 9: Panitikan Noong Panahon ng mga Amerikano

Mga Layuning Pampagkatuto

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Nakatutukoy ng mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noong Panahon ng


mga Amerikano.
2. Naipakilala ang mga iba't ibang manunulat ng Panitikan noong Panahon ng mga
Amerikano.
Naipakilala ang mga iba't ibang manunulat ng Panitikan noong Panahon ng mga
Amerikano.
3. Nakasusulat ng mga maikling sanaysay hinggil sa mga pangyayari noong Panahon ng
mga Amerikano.

 Sa panahon ng Amerikano nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan ng


demokrasya.

 Ginanyak ang mga Pilipino na mag-aral at ginamit panturo ang wikang Ingles.

 Ang mga may talino at may kakayahang mamamayan ay unti -unting pinahawak
ng mahalagang tungkulin sa pamahalaan.

 Sa ibinigay na kaluwagan ng bagong mananakop,ang mga manunulat sa wikang


katutubo ay naging masigla lalo nasa wikang Tagalog.

 Nagsipagsulat sila sa larangan ng panitikan, tula, maikling kwento, nobela, dula,


sanaysay, pahayagan at iba pa.

 Ang mga naging paksa tungkol sa pag -ibig sa bayan at nasyonalismo.

 Noong 1900,nagtatag ng mga pahayagang makabayan si Pascual Poblete gaya


ng "El Grito del Pueblo"at "El Renacimento"na pinamatnugutan ni Rafael Palma.

 Sa pangamba ng mga Amerikano na mabilis na paglaganap ng nasyonalismo


kaya't hinigpitan nila ang sensura.

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

At may apat na kalayaang ipinalabas ang mga Amerikano para sa mga


mamamayang Pilipino:

1. kalayaan sa pagsasalita,pamamahayag,pagtitipon at pagpupulong.


2. kalayaan sa pagpili ng relihiyon.
3. kalayaan sa wastong paggamit ng batas.
4. karapatang idulog sa pamahalaan ang mga karaingan at dinggin ang mga ito
ng nga makapangyarihan.

Mga Manunulat Noong Panahon ng Amerikano:

Cecilio Apostol

 Isinilang noong taong 1877, siya’y abogado at naging piskal sa Maynila.


 Siya ay ginawang kaanib sa Academia Espanyol at may tula siyang hinandog
kina Dr. Jose P. Rizal, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini.

Fernando Maria Guerrero


 Siya ang nakakita ng unang liwanag sa Ermita,Maynila noong Mayo 30,1873.
 Siya ay mahilig gumuhit at nag-aral siya sa Ateneo de Manila.
 Naging tanyag siya sa pagkamakata bilang mahigpit na kaagaw sa karangalan ni
Cecillo Apostol.
 Si Dr. Jose Rizal ang kanyang inspirasyon sa pagtula at isinalin niya tulang "A
Rizal" (del Rosario et.al.)

Jesus Balmori
 Siya ay isinilang sa Maynila noong Enero 10,1886.
Sampung taong gulang ng sumulat siya ng una niyang tula at ipinalagay siyang
"Porta Laureado" ng mga Pilipinong nagsasalita ng wikang Espanyol.
 Noong 1939,siya ay pinarangalan sa Madrid,Espanya at tinanghal bilang
makatang Pandaigdig sa wikang Espanyol.
 Nakalaban niya sa balagtasan si Manuel Bernabe sa paksang "El Recuerdo y El
Olvido"(ibig sabihin ay "Ang Gunita at ang Limot")
 Ang sumunod ay ang salin ng tula niyang "Filipina"(del Rosario et.al.)

Manuel Bernabe
 Siya ay isinilang sa Paranaque,Rizal noong Pebrero 1890.
 Siya ay makatang liriko noong 1929 at karadapat na kahalili ni Jesus Balmori.
 Ang kanyang tula ay tinipon sa isang aklat na may pamagat na "Cantos del
Tropico" (ibig sabihin ay "Mga Awit ng Tropic")

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

 Ang sumunod ay salin ng kanyang akda na"No Mass Amos Que El Tuyo"(del
Rosario et.al.)

Claro M. Recto
 Siya ay isinilang sa Tiaong,Tayabas(ngayon ay lalawigan ng Quezon)
 Siya ay naging pangulo ng lupon ng Saligang Batas at naging kagawad ng
kataas-taasang Hukuman ,Manananggol,Matalinong Mambabatas at
Makata.
 Mga aklat na kanyang sinulat tungkol sa batas at gawaing pampulitiko.
 Naglingkod siya bilang isang Batasang Tagapayo ng Kapulungan noong
1916-1919.
 Nahalal siyang kinatawan ng pangatlong distrito ng Batangas at naging
pangulo siya sa Mababang Kapulungan ng minorya.
 Noong taong 1924,nahalal siya ulit bilang kagawad ng Pangkalayaang
Misyon.
 Tinanggap siyang kasapi sa Pambansang Manananggol sa Estados
Unidos at nahalal sa Senado noong 1931 at naglingkod siya bilang puno
ng minorya sa loob ng 3 taon.
Nanungkulan bilang senador at muling nahalal noong 1941 at 1949.
 Naging kinatawan siya ng Pilipinas sa Pandaigdig na hukuman sa
Hague,Netherlands at namatay siya noong Octubre 2,1960.

Mga salin niyang tula:"Mi Choza De Nipa" (ibig sabihin ay "Ang Dampa
Kong Pawid"

Ang Dampa kong Pawid


Salin ng tulang “Mi Choza De Nipa” ni Claro M. Recto

Halikayo sa kuta ko, sa marupok na tahanan


Na pakiming nangungubi sa malalim na sagningan,
Masok kayo nang maingat, pawid lamang at kawayan,
Ngunit siyang dambana ng ligpit kong pamumuhay.

Kahambing ng ilang naging marurunong na tumakas


Sa daigdig na magulo,dito ako namumugad,
At dito ko natagpuan ang Edeng naggwad
Ng pang-aliw sa diwa ko’t pag-asa sa pangarap.

Kasaliw ng alaala, ako rito’y nagtatalik


Na kasama’y mga ibon, saka araw na may init,
At hanging tila baga sa kudyapi’y umaawit

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

At ang bagong nangaiwanng yumaong panaginip.


Ang dalit sa kabukiran na hudyat ng dapithapon
Sa oras ng pagdalangi’t pagsapit ng orasyon
Tila baga nagdarasal, tila baga lumalangoy
Ng malungkot na awitin ng tumakas na panahon.

Ako rito kung abutin ng gabing may panambitin,


Sa ulilang pag-iisa ay para akong nananamnam
Ang tamis ng malulugod na sandaling kaaliwan
Na hindi magbabalik sa mabilis na paglisan.

Kung ang dusa’y nakanitin, tinutungo ko ang gubat


Na ang aking guniguni’y punong-punong pangarap,
Sa aliw na mahiwaga ng tanawing mamalas,
Ang diwa ko’y bumabalat kay Bathala naaakyat.

Lahat ng may liwanag na maniningning


Nagbibigay kasiglahan sa matatag na mithiin
At sa aki’y nawari naming nagsasabi’t nagtuturing
Ng lihimna mabibigat sa kabilang buhay natin.
At ang buwang nag-iingat ng hirap ko’t kasawian
Nagsasabog sa hardin ko ng liwanag ng malamlam,
Siya naming gumigising sa gunitang nahihimlay
Ng magaslaw na pag-ibig noong aking kalikutan.

Oh’ saying na kabataan! Sawingpalad na hangarin


Sa diwa ko ay nag-iwang bakas ng damdamin,
Noo’y nasa iyong labi ang hamog ng salimisin
At sariwang namumjugad sa puso mo ang damdamin.
Sa ilalim ng malunting mga dahon ng niyugan

Namumugad ang ligaya’t ang pighati’t tumatanan,


Dito’y walang naghahari kundi pawing kapurihan
At ang imbing pagnanais sa puso ay walang puwang.

Ang pabulong na dalnging umaakyat hanggang langit,


Na ang tanglaw ay kapuros-na- bituing sakdal dikit,
Siay naming naghuhudyat ng lubos kong pananabik

Sa buhay na mapayapa, dakila, at matahimik


Kapag aking naririnig sa pagbubukang-liwayway
Ang awit ng mga ibon ay nanagi sa isipan
Na ang mundo’y hindi isang larangan ng luha’t lumbay,
Manapa nga, ang buhay ay ganap na kabutihan.

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

Oh, lungsod na siyang pugad ng maruming taong ganiod


Na siyang nagpapaunlad sa kanilang imbing nais,
Ika’y walang kabuluhan sa ibon ng aking bukid
Ni sa rosas ng hardin kong magbulaklak at tahimik.
Halikayo at pumasok sa hamak na ang aking buhay
Na masayang itinayo sa malalim na sagingan,
Ang buhay ko kahit pawid at marupok na kawayan
Ay may yamang inihahandog: ang diwa ng aking bayan.
Na masayang itinayo sa malalim na sagingan,
Ang buhay ko kahit pawid at marupok na kawayan
Ay may yamang inihahandog: ang diwa ng aking bayan.

Zoilo Hillario
 Isinilang siya sa San Juan, San Fernando, Pampanga noong Hunyo 27, 1891.
 Bantog rin siyang manunulat,makata,mananalaysay at hukom.
 Kapampangan at Espanyol ang kanyang isinulat na mga akda at kabilang siya sa
tagapagtatag ng Katipunan Mipanapum.
 Bago magkadigma noong 1930-1934 siya ay naging kinatawan ng Pampanga sa
Pambansang Asemblea.
 Noong Hunyo 27,1961,siya ang unang hukom sa dulugan sa Tarlac at isa siyang
hinirang ni Pangulong Quezon bilang kinatawan ng wikang Kapampangan.
 Kasapi rin siya sa Lupong Pangkasaysayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang
kamatayan noong Hunyo 1963.

Lope K. Santos
 Siya ang "Ama ng Balarila",nobelista,kuwentista,guro at pulitiko.
 Naging kagawad siya ng tinatag na Surian ng Wikang Pambansa at humalili siya
kay Jaime C. De Veyra bilang patnugot ng Surian.
 Naging propesor siya ng wika sa Unibersidad ng Pilipinas at naging gobernador
ng lalawigan ng Rizal.
 Ang nobelang "Banaag at Sikat"ang ipinalagay na kanyang obra maestra.

Jose Corazon de Jesus


 Siya ay may sagisag na "Huseng Batute",at "Hari ng Balagtasan".
 Tinaguriang siyang "Makata ng Pag-ibig"
"Isang Punong Kahoy" ang kanyang obra maestra.

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

Amado V. Hernandez
 Tinagurian siyang "Makata ng mga Manggagawa".
 Mahusay rin siya na
makata,kuwentista,nobelista,mandudula,mamamahayag,pulitiko at lider ng
manggagawa.

Mga akdang kanyang naiilimbag sa panitikan:

1.Isang Dipang Langit 4.Luha ng Buaya


2.Bayang Malaya 5. Muntinlupa
3. Mga Ibong Mandaragat 6. Inang Wika
7. Kalayaan at Panday

Julian Cruz Balmaceda


 Siya ay napabilang sa pangkat ng makata at mandudula.
 Sa balagtasan sa paksang "Kahapon,Ngayon at Bukas" ay pinanalo niya
ang panig ng "Bukas"laban kina Inigo Ed Regalado at Benigno Ramos.
 Ang dulang kanyang sinulat at naging tanyag ay may pamagat
na"Bunganga ng Pating"

Florentino Collantes
 Siya kilala sa sagisag na "Kuntil Butil" at ang kanyang akda ay sa wikang
tagalog,kapampangan,Ilokano at Bisaya.
 Siya ang naglabas ng tulang mapanudyo na may pamagat na"Buhay
Lansangan“.
Kilala rin siyang pangunajing duplero tulad ni Jose Corazon de Jesus at naging
"Hari ng Balagtasan“.
Ang kanyang obra maestra ay"Ang Lumang Simbahan“.

Ildefonso Santos

 Siya ang kauna-unahang guro na Pilipino sa National Teacher's College.


 Hindi lng sa pagsusulat ng tula pati na rin ang pagsasalin sa Tagalog ng ibang
akdang nakasulat sa ibang wika.
Ang pambansang awit ang labis na hinangaan ng marami.

Ilan lamang sa kanyang mga sinulat:


1. Gabi 5. Ang Ulap
2. Ang Guryon 6. Sa Tabi ng Dagat
3. Tatlong Inakay 7. Simuon
4. Sa Hukuman ng Pag-ibig

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

Teodoro Gener

 Naging pangulo siya ng "Kapisanang Ilaw at Panitik" at naging kalihim ng


Sanggunian ng mga Pantas.
 Ang kanyang obra maestra na isinalin niya sa Tagalog ang nobelang "Don
Quijoye de la Mancha"

Ang kanyang nagawang tula:


1. Ang Guro
2. Ang Masamang Damo
3. Ang Buhay at Pag-ibig

Valeriano Hernandez Peña


 Siya kilala sa sahisag na "Kintig Kulirat" sa pitak niyang "Buhay Maynila"sa
pahayagang "Muling Pagsilang“
 Kilala siya sa tawag na Tandang Anong
Ang kanyang obra maestra ang nobelang "Nena at Neneng".

Ilan lamang sa kanyang nobela:


1. Mag-inang Mahirap
2. Hatol ng Panahon
3. Ang Pahimakas ng Ina
4. Pagluha ng Matuwid
5. Dangal ng Magulang
6. Bunga ng Pag-iimbot
7. Kasawian ng Unang Pag-ibig

Inigo Ed Regalado
 Siya nag manunulat na sumunod sa yapak ng kanyang ama at gumamit ng
sagisag na “Odaager.”
 Naging patnugot ng “ Ang Magi”, “Pagkakaisa”, “Watawat” at “Kapangyarihan ng
Bayan”.
 Naging Punong tagapagpaganap sa lingguhang “ Ilang-Ilang” at punong patnugot
ng “Liwayway”.
 Ang kanyang aklat ay may pamagat na “Damdamin” at nagtamo ito ng Unang
Gantimpala sa Timpalak ng Commonwealth noong 1941.
 Siya ay batikang Nobelista, Kwentista, Makata, Mandudula, at Peryudista.
Editor at Kolumnista ng “Taliba” at isa sa mga unang kasangguni sa “ Surian ng
Wikang Pambansa”.

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

Mga nobelang tagalog na isinulat ni Regalado sa Panahon ng Ginto ay:


1. Madaling Araw
2. Sampaguitang Walang Bango
3. Ang Dalaginding
4. May Pagsinta’y Walang Puso
5. Ang May Lasong Ngiti
6. Ang Huling Pagluha

Faustino Aguilar
 Siya ang naglimbag ng nobelang “Pinaglahuan” noong 1907.
“Alejandro Dumas ng Panitikang Tagalog” tawag ni Regalado sa kanya.
“Bagong Propagandista” tawag naman ni Amado V. Hernandez.
Binuhay niya sa kanyang nobela ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga
manggagawa.

Mga nobelang sinulat pa ni Faustino Aguilar:


1. Lihim ng Isang Pulo
2. Mga Busabos ng Palad
3. Sa Ngalan ng Diyos
4. Nangangalawod sa Katha

N. V. M. Gonzales (Nestor Vicente Madali Gonzalez)


 Siya ay mamamahayag, makata,manunulat at guro.
 Nagturo siya sa ibat-ibang pamantasan sa Maynila.
Siya ang may-akda ng:
Warm Hand
My Island
Children of the Ash Cover Loam

Zoilo Galang
 Siya ang sumulat ng “ A Child of Sorrow”, kauna-unahang nobelang Pilipino sa
wikang Ingles.

Natividad Marquez
 Mahusay siya sa pagsulat ng tulang nasa wikang Ingles.
Isa sa mga tula niyang nailathala sa “Philippine Herald” ay ang “ Sampaguita”

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Main Campus, V Cudilla Sr. Ave, Estancia, Iloilo

Angela Manalang Gloria


 Siya ang tanyag na makatang babae sa kanyang panahon.
Ang kanyang tula ay Maharaya at Lipos ng Damdamin.

 Ilan pa sa kanyang tula ay:


April Morning
To The Man I Married
Ermita In The Rain

Estrella Alfon
 Siya ang pinakapangunahing manunulat sa Ingles bago sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

EED 120 – Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan sa Pilipinas) BALLARA, N.B.

You might also like