Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGTATAYA SA ARALING PANLIPUNAN 2


School Year 2022-2023

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________


Baitang/Seksyon: _____________________________________ Iskor: _______________

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa pribilehiyo at pangangailangan na dapat tinatamasa ng


isang bata upang makapamuhay nang maayos sa komunidad?
A. Karapatan C. Serbisyo
B. Posisyon D. Tungkulin

2. Mahalaga sa komunidad ang pagtutulungan, alin sa sumusunod ang


nagpapakita ng pagtulong sa kapwa?
A. Magtago kung may sunog.
B. Tutulan ang programa sa Tree Planting.
C. Makipagtulakan kapag sumasakay ng dyip.
D. Mag-ipon ng damit na maaaring ipamigay sa mga nasunugan.

3. Bilang pangalawang magulang sa paaralan, ano ang serbisyong naibibigay


ng mga guro sa mga batang mag-aaral?
A. Nagbibigay ng libreng gamot sa mga bata.
B. Nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga bata.
C. Namamagitan kung may nag-aaway sa komunidad.
D. Tinuturuan ang mga bata na matutong bumasa at sumulat.

4. Kung ang isang bata ay may malusog na pangangatawan, ano ang


magiging epekto nito sa kanyang karapatang makapag-aral?
A. Lagi siyang maysakit
B. Magiging malungkutin siya.
C. Madaling matututo sa mga aralin ang bata.
D. Mawawalan ng ganang pumasok sa paaralan.

5. Kung ikaw ang papipiliin, sino sa sumusunod ang makapagbibigay ng


serbisyo at produkto sa komunidad?
A. Guro C. Magsasaka
B. Pulis D. Manggagamot

6. Nakakuha ng medalya si Ana sa kanilang paaralan, alin ang tungkulin ang


kanyang ginawa bilang isang batang mag-aaral?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
A. Naglinis siya sa paaralan. C. Nag-aral siya nang mabuti.
B. Naglaro siya sa paaralan. D. Nagtanim siya sa paaralan.

7. Ano ang naibibigay ng mga magsasaka, guro, panadero at pari sa


komunidad?
A. Pera C. Pagkain
B. Serbisyo D. Hanapbuhay

8. Piliin ang magiging damdamin ng isang bata kung naibibigay sa kanya ang
kanyang karapatan.
A. C.
B. D.

9. Aling karapatan ang naibibigay sa bata kung habang lumalaki ay nagiging


masunurin siya sa mga matatanda?
A. Karapatang mahasa ang talento at kaalaman
B. Karapatang mahalin at alagaan ng magulang
C. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan
D. Karapatang lumaki na may magandang pag-uugali

10. Ang sumusunod ay tungkulin mo sa iyong sarili, alin ang hindi?


A. Magpuyat sa gabi.
B. Maghugas mabuti ng kamay.
C. Putulin ang mga mahabang kuko.
D. Magsipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

11. Kung tayo ay nasa loob ng pook-dalanginan, ano ang dapat nating gawin
habang nagsasalita ang pari o pastor?
A. Makinig C. Maglaro
B. Matulog D. Maglakad

12. Kung ikaw ay nabigyan ng karapatang lumaking malusog, alin sa mga


larawan sa ibaba ang iyong gagawin upang lumakas ang iyong
pangangatawan?
A. C.

B. D.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
13. Bilang anak, paano natin mapasasalamatan ang ating magulang na nag-
aaruga at nagbibigay ng ating pangunahing pangangailangan?
A. Hayaan ang mga magulang.
B. Igalang at sundin ang mga magulang.
C. Pagtawanan ang ating mga magulang.
D. Pansinin ang mga magulang kung ikaw ay may kailangan.

14. Kung ang bawat tao ay may karapatan na tinatamasa. Ano ang katumbas
ng bawat karapatan?
A. Serbisyo C. Kailangan
B. Tungkulin D. Karapatan

15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng pagtupad sa mga


tungkulin sa komunidad?
A. Magulo ang mga tao. C. Malungkot ang mga tao.
B. Maingay ang mga tao. D. Nagkakasundo ang mga tao.

16. Bilang miyembro ng pamilya, aling tungkulin ang maaari mong gawin?
A. Maglaro kahit anong oras na gusto mo.
B. Manood ng telebisyon hanggang nais mo.
C. Sumunod sa payo ng iyong mga magulang.
D. Makipagkwentuhan sa labas ng bahay hanggang nais mo.

17. Bawat isa sa sumusunod ay nagbibigay ng serbisyo sa komunidad. Sa iyong


palagay, sino ang higit na makakatulong sa punong barangay at sa mga
kagawad sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng komunidad?
A. Pulis C. Barangay tanod
B. Kaminero D. Barangay health worker

18. Si Jose ay nagkasakit at ipinagamot siya ng kaniyang mga magulang sa


ospital. Anong karapatan ang ipinakita nito?
A. Karapatang makapag-aral
B. Karapatang mabigyan ng kasuotan
C. Karapatan sa pangangalagang medikal
D. Karapatang makapaglaro at maglibang

19. Kung isa kang bata na nabibigyan ng pribilehiyo o karapatan, ano ang
dapat mong gawin?
A. Pag-iisipan ko ito. C. Pahahalagahan ko ito.
B. Ipagmamalaki ko ito. D. Pababayaan ko na lang.

20. Kung gusto mong magkaroon ng magandang edukasyon, ano ang


gagawin mo?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
A. Pumasok sa paaralan.
B. Tumulong sa paglilinis ng paligid.
C. Kumain nang masustansiyang pagkain.
D. Sundin ang mga babala sa komunidad.

21. Dumarami ang mga batang nagkakasakit ng dengue sa inyong lugar, ano
ang dapat mong gawin?
A. Lumipat ng bahay na uuwian.
B. Patingnan sa ibang ospital ang mga maysakit.
C. Pababayaan na lamang na kumalat ang sakit.
D. Itapon ang mga gamit na maaaring pamugaran ng mga lamok.

22. Sa mga karapatan na ating natatamasa, bakit mahalaga na gawin ang


bawat tungkulin ng mga tao sa komunidad?
A. Upang yumaman ang komunidad
B. Upang maging masaya ang buong komunidad
C. Upang magkaroon ng pag-aaway sa komunidad
D. Upang maging maayos ang pagsasama sa komunidad

23. Kung ikaw ay magbibigay ng serbisyo sa komunidad, alin ang iyong


gagawin upang makatulong sa maayos na paglilingkod sa komunidad?
A. Abogadong laging talo sa kaso.
B. Tinderang kulang sa sukat ang timbangan.
C. Pulis na naghihingi ng pera sa mga drayber.
D. Guro na may mag-aaral na natututo sa mga aralin.

24. Pangarap ni John na maging matagumpay na pulis pagdating ng araw


kaya pinapasok siya ng kaniyang mga magulang sa paaralan sa kanilang
lugar. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod na karapatan ang
naibigay kay John?
A. Karapatang medikal
B. Karapatang makapaglaro
C. Karapatang makapag-aral
D. Karapatang mabigyan ng kasuotan

25. Iba-iba ang relihiyon ng mga mag-aaral ni Gng. Sarocam. Alin san
sumusunod ang nararapat gawin ng bawat isa?
A. Igalang ang paniniwala ng iba.
B. Pagtawanan ang batang iba ang relihiyon.
C. Iwasan ang kamag-aral na iba ang paniniwala.
D. Awayin ang kamag-aral na iba ang paniniwala sa iyo.

You might also like