Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PAARALAN: STA.

MARCELA BAITANG: G-10


NATIONAL HIGH
SCHOOL
GURO: MARK NEIL A. ASIGNATURA: ARALING
MASUSING CONSTANTINO PANLIPUNAN
BANGHAY PETSA AT APRIL 1,2024 MARKAHAN: IKAAPAT
ARALIN ORAS NG MARKAHAN
PAGTUTURO WEEK 1-2
II. LAYUNIN
B. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay… ay may pag-unawa sa
kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok
sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon
ng pamay anan at bansang maunlad, mapayapa at
may pagkakaisa.
C. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay… nakagagawa ng pananaliksik
tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at politikal ng mga
mamamayan sa kanilang pamayanan.

E. Pamantayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong


pagmamamayan

D.Mga Tiyak na Layunin Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay


inaasahang;
A. Nabibigyang kahulugan ang salitang
pagkamamamayan at katangian nito

B. Natutukoy ang katuturan ng pagkamamamayan


ayon sa artikulo IV ng Saligang Batas 1987

C. Nakagagawa ng isang sanaysay ukol sa


kahalagahan ng pagkamamamayang Pilipino.

IV. Paksang Aralin Pagkamamamayan:Konsepto at Katuturan


VI. Kagamitang Panturo
A.Sanggunian
1.Mga Pahina sa gabay ng Guro CO_Q4_AP_Module 1
2.Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral CO_Q4_AP_Module 1
4. Mga pahina sa teksbuk
4.karagdagang kagamitan mula sa portal ng
LRMDS
C. Iba pang Kagamitang panturo  Powerpoint presentation
 Larawan
 Video
IV.Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
a.Paghahabi sa layunin Gawain 1:Awit Suri!
ng aralin
Panuto:Suriin ang Awiting “Ako’y
Isang Mabuting Pilipino” ni Noel
Cabangon.

Gawain 2:Human Chart

Panuto:Pagkatapos marinig ang


awitin ,ang mga mag-aaral ay ilalagay
ng mga mag-aaral ang mga nakitang
katangian ng isang mabuting Pilipino
sa mga kahon.

b.Pag-uugnay ng mga Mula sa inyong binuong salita


halimbawa sa bagong tungkol saan sa tingin niyo ang ating
-aralin aralin ngayon?
Pagkamamamayan

Tama!Ang ating pag-aaralan ngayon


at tungkol sa Pagkamamamayan:
Konsepto at Katuturan.

c.Pag-tatalakay ng Ang ating paksang aralin ngayon ay


bagong konsepto at tungkol sa ligal na pagkamamamayan
paglalahad ng bagong at lumawak na pagkamamayan.
kasanayan #1

Kapag sinabi nating


pagkamamamayan ano ang
pumapasok sa inyong mga kaisipan?
Ito ay tumutukoy katapatang -loob
ng isang indibidwal sa isang
estado.
Ang Pagkamamamayan o
Citizenship ay nangangahulugan ng
pagiging kasapi o miyembro ng isang
bansa, ayon sa itinatakda ng batas.

Hindi lahat ng naninirahan sa bansa


ay mamamayan nito dahil may mga
dayuhang nakatira na hindi kasapi
rito.

Ano sa tingin niyo ang layunin ng


mga dayuhan sa pagpunta sa ating
bansa?
Mamasyal
Magtrabaho
Halimbawa ng mga mamamayan na
naninirahan sa ating bansa na ang
layunin lamang ay mag-aral,
mamasyal, at magnegosyo ay hindi
maituturing na mamamayan ng
Pilipinas dahil sila ay mamamayan ng
ibang bansa.

Tinatayang panahon ng kabihasnang


Griyego nang umusbong ang
konsepto ng citizen. Ang kabihasnang
Griyego ay binubuo ng mga lungsod-
estado na tinatawag na polis.

Ito ay isang lipunan na binubuo ng


mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin.
Ang polis ay binubuo ng mga citizen
na limitado lamang sa kalalakihan.

Ayon kay Murray Clark Havens


(1981), ang pagkamamamayan o
citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal sa isang estado.

Ito ay tumutukoy sa pagiging


miyembro ng isang indibiduwal sa
isang estado at kabilang siya bilang
isang citizen, siya ay gumagawa ng
karapatan at tungkulin.

Bilang isang mamamayan ng


Pilipinas ano ang inyong mga
tungkulin?
Ipagtanggol ang bansa
Pagtulong sa kapwa
Pagboto sa araw ng halalan

Sino-sino ang itinuturing na


mamamayang Pilipino? Mga taong nakatira at ipinanganak
na sa Pilipinas

Merong dalawang uri ng


mamamayang Pilipino ito ang;

1. Likas/Natural born citizen -


nakukuha an pagkamamamayan ayon
sa lugar ng kapanganakan o sa
pagkamamayan ng magulang.

2. Di likas /Naturalized Citizen


-dumadaan sa proseso ng batas bago
makuha ang pagkamamamayan.

A. Ligal na Pananaw

Ang ligal na pananaw ng


pagkamamamayan ay katayuan o
kundisyon ng isang indibidwal para
maituring na sya ay tunay na
mamamayan o nakatira sa estado o
bansa

Sa Pilipinas, ang pagkamamamayan


ay may mga batayan at ito ay
nakapaloob sa Saligang Batas ng
Pilipinas o mas tinatawag na ligal na
pananaw ng pagkamamamayan

Dito rin nakapaloob ang mga


tungkulin at karapatan ng bawat
mamamayang Pilipino.

Ang Katuturan ng Pagkamamamayan


(Citizenship) ayon sa Artikulo IV ng
Saligang Batas ng 1987.

Ano nga ba ang saligang batas 1987? Ito ang pinakamataas na batas ng
isang bansa at nakasulat dito ang
mahahalagang batas na dapat
sundin ng bawat mamamayan.
Sa Artikulo IV, Seksyon 1- 5 ng
1987 Konstitusyon, nakasaad ang
mga itinatakda ng batas hinggil sa
kung sino ang itinuturing na
mamamayang Pilipino.

SEKSYON 1. Ang sumusunod ay


ang mamamayan ng Pilipinas:

(1) Ang mamamayan ng Pilipinas sa


panahon ng pagpapatibay ng Saligang
Batas na ito;

 Ito ay tumutukoy sa mga taong


itinuturing na mga mamamayan
ng Pilipinas noong pinagtibay
ang Saligang Batas noong 1987.

(2) Ang mga ama o ina ay


mamamayan ng Pilipinas;

 Ito ay nangangahulugang kahit


ang isang tao ay hindi
ipinanganak sa Pilipinas,ngunit
ang kanyang ama o ina ay
mamamayan ng Pilipinas ,siya ay
maaring maging mamamayan din
ng Pilipinas.

(3) Ang mga isinilang bago sumapit


ang Enero 17, 1973 na ang ina ay
Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit
ng karampatang gulang;

 Ito ay nangangahulugang sa isang


tiyak na edad,ang mga taong ito
ay maaring magpahayag ng
kanilang intensyon na maging
mga mamamayan ng Pilipinas.

(4) Ang naging mamamayan ayon sa


batas.

 Kinabibilangan ito ng mga


sumusunod:

 Naturalization -tumutukoy sa
legal na proseso kung saan
ang isang dayuhan ay
nagiging mamamayan ng
isang bansa.
 Derivative Citizenship -Ang
mga taong may mga
magulang na naging
mamamayan din ng Pilipinas.

 Repatriation -Ito ay proseso


kung saan ang isang dating
mamamayan na nawala ang
kanyang pagkamamamayan
ay nagbabalik at nagiging
mamamayan muli ng
Pilipinas.

SEKSYON 2. Ang katutubong


inanak na mamamayan ay ang
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa
pagkasilang na wala nang
kinakailangang gampanan ano mang
hakbangin upang matamo o malubos
ang kanilang pagkamamayang
Pilipino.

Ano ang pagkakaintindi sa salitang Ito ay tumutukoy sa indibidwal na


katutubong inaanak? na ipinanganak sa Pilipinas.

Nangangahulugang sila ay may


likas na tagapagmana ng kultura at
lahi ng Pilipinas dahil sila ay
ipinanganak sa bansa.
SEKSYON 3. Ang
pagkamamamayang Pilipino ay
maaaring mawala o muling
matamo sa paraang itinatadhana ng
batas.

 Dito sa Pilipinas ,may mga


sitwasyon at proseso na
maaring magresulta sa
pagkawala o pagkamit muli
ng pagiging mamamayang
Pilipino.

Ilang sa mga ito ang :


 Naturalisasyon sa ibang
bansa
 Pagkakasala ng Krimen
 Pagkamit muli ng
Pagkamamamayan
SEKSYON 4. Mananatiling angkin
ang pagkamamamayan ng mga
mamamayan ng Pilipinas na mag-
asawa ng mga dayuhan, matangi kung
sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing sa
ilalim ng batas na nagtakwil ito.

Ano ang inyong pagkakaintindi sa


pahayag na ito? Ipinapahiwatig nito na ang mga
mamamayan ng Pilipinas na nag-
asawa ng ng mga dayuhan ay
mananatiling mamamayan ng
Pilipinas maliban na lang kung sila
ay nagkasala o lumabag sa batas
na nagtakwil sa kanilang pagiging
mamamayan.

SEKSYON 5. Ang dalawahang


katapatan ng pagkamamamayan ay
salungat sa kapakanang pambansa at
dapat lapatan nang kaukulang batas.

Ang dalawang katapatan ng


pagkamamamayan ay tumutukoy sa
sitwasyon kung saan ang isang
indibidwal ay may dalawang
pagkamamamayan.

Halibawa nito ay ang isang Pilipino


na nagkaroon ng pagkamamamayan
sa ibang bansa sa pamamagitan ng
naturalisasyon o pag-aasawa ng isang
dayuhan.

Ang mga indibidwal na may


dalawang katapatan ng
pagkamamamayan ay may mga
responsibilidad sa parehong bansa
kung saan sila naninirahan.

d.Pagtatalakay ng Ngayon dumako naman tayo sa


bagong konsepto at Lumawak na Pananaw ng
paglalahad ng bagong Pagkamamamayan
kasanayan #2
Ang Lumawak na Pananaw ng
pagkamamayan ay nakabatay sa
pagtugon ng isang sa kanyang mga
tungkulin sa lipunan at sa paggamit
ng kanyang karapatan sa ikabubuti ng
pangkalahatan

Batay sa lumawak na pananaw ng


pagkamamamayan, maaari nating
matukoy ang mga katangian ng isang
mabuting mamamayan. Ayon kay
Yeban (2004), ang isang
responsableng mamamayan ay
inaasahang:
1. makabayan,
2. may pagmamahal sa kapwa,
3. may respeto sa karapatang
pantao,
4. may pagpupunyagi sa mga
bayani
5. Gagampanin ang mga karapatan
at tungkulin bilang mamamayan,
6. may disiplina sa sarili, at
7. may kritikal at malikhaing pag-
iisip

Naglahad ang abogadong si Alex


Lacson ng labindalawang gawaing
maaaring makatulong sa ating
bansa. Ang mga gawaing ito ay
maituturing na mga simpleng
hakbangin na maaaring gawin ng
bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng
pagiging simple ng mga ito ay
maaaring magbunga ang mga ito ng
malawakang pagbabago sa ating
lipunan.
1. Sumunod sa batas-trapiko.
Sumunod sa batas.
2. Laging humingi ng opisyal na
resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay
nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na
produkto. Bilhin ang gawang-
Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng
tungkol sa atin gayundin sa sariling
bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng
batas-trapiko, pulis at iba pang
lingkod-bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura.
Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang
tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa
pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o
isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang.
Turuan ng pagmamahal sa bayan ang
mga anak.

e.Paglinang sa GAWAIN 1: Pilipino O Hindi


kabihasaan (Tungo sa Pilipino
Formative
Assessment) Panuto: Isulat ang salitang
PILIPINO sa patlang bago ang
bilang kung ang tao na nabanggit sa
pahayag ay isang mamamayang
Pilipino, HINDI PILIPINO kung
ito’y hindi mamamayang Pilipino.
Gumamit ng sagutang papel.
____1. Si Aiman ay anak ng mag-
asawang Pilipino at sila ay
kasalukuyang nakatira sa Ilocos.
____2. Nagbabakasyon sa Pilipinas
tuwing Pasko si Jude na isang
Australyano.
____3. Si Amber ay ipinanganak sa
Canada. Ang kanyang ina ay isang
Pilipino mula sa Bikol at ang kanyang
ama ay isang Amerikano.
____4. Si Thomas ay isang sundalo.
Sa takot na madamay ang kanyang
mga magulang sa digmaan, tinakasan
niya ang kanyang tungkulin sa
kasagsagan ng labanan.
____5. Nakapanirahan na ng limang
taon sa Pilipinas si George na isang
British. Nakapagpatayo na rin siya ng
mga negosyo sa bansa.
f.Paglalapat ng aralin GAWAIN 2: Ipaliwanag
sa pang-araw araw ng
buhay (Finding Panuto:Sa isang sanaysay na may
practical application humigit limang pangungusap
of concepts and skills ipaliwanag ang pahayag.
in daily living)
Merong isang paanyaya sa mga
propesyunal na magtrabaho sa
Canada kasama ng buong pamilya
kapalit ng pagpapalit ng iyong
pagkamamamayan.Ipagpapalit mo ba
ang iyong pagkamamamayan Pilipino
upang magkaroon ng maginwahang
buhay sa ibang bansa?

g.Paglalahat ng aralin Ating balikan ang mga napag-aralan


(making upang masuri kung naintindihan niyo
generalizations and ng lubos ang ating aralin.
abstractions about the
lesson) Ano ulit ang ibig sabihin ng Ito ay tumutukoy sa pagiging
pagkamamamayan? miyembro ng isang indibiduwal sa
isang estado at kabilang siya bilang
isang citizen, siya ay gumagawa ng
karapatan at tungkulin.
Merong dalawang uri ang
mamamayang Pilipino ano ang ulit
amg mga iyon?
Natural Born Citizen
Naturalized Citizen
Okay!Mahusay!!
h.Pagtataya ng Aralin GAWAIN 2: Tukuyin Mo
Panuto: Basahin ang sumusunod na
pahayag at isulat sa patlang ang
hinihinging sagot. Gumamit ng
sagutang papel.
____1. Ang prinsipyo ng
pagkamamamayan na nakabatay sa
lugar ng kapanganakan.
____2. Legal na paraan kung saan
ang isang dayuhan na nagnanais na
maging mamamayan ng isang bansa
ay sumasailalim ng isang proseso sa
korte.
____3. Ang kalagayan o katayuan ng
isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado.
____4. Legal na basehan ng
pagkamamamayan ng isang
indibidwal.
____5. Ito ang tawag sa kusang loob
na pagbabalik sa bansang
pinagmulan.

i.Karagdagang gawain Panuto:Magsaliksik tungkol sa


para sa takdang -aralin kahalagahan ng pakikilahok ng mga
remediation mamamayan sa gawaing pansibiko at
gawaing politikal.

V. Mga Tala
VI. Pagninilay
a. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
b. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation.
c. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
d. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
e. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng ubos?
Paano ito nakatulong?
f. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyonan sa tulong
ng aking punongguro
at superbisor?
g. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

JESSICA P. TAÑECA ROLLY P. BAÑAGA


Gurong Nagsasanay Gurong Taga-pagsanay

You might also like