8 TH

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PAARALAN: STA.

MARCELA BAITANG: G-10


NATIONAL HIGH
SCHOOL
GURO: JESSICA P. TAÑECA ASIGNATURA: ARALING
MASUSING PANLIPUNAN
BANGHAY PETSA AT APRIL 1,2024 MARKAHAN: IKAAPAT
ARALIN ORAS NG MARKAHAN
PAGTUTURO WEEK 1
II. LAYUNIN
B. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay… ay may pag-unawa sa
kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok
sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon
ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at
may pagkakaisa.
C. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay… nakagagawa ng pananaliksik
tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at politikal ng mga
mamamayan sa kanilang pamayanan.

D.E. Pamantayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong


pagmamamayan

D.Mga Tiyak na Layunin Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay


inaasahang;

A. Naipapaliwanag ang dalawang prinsipyo ng


pagkamamamayang Pilipino
B. Natutukoy ang dahilan ng pagkawala ng
pagkamamamayan at kung paano ito maibabalik
C. Napapahalagahan ang papel ng isang
mamamayan para sa pagbabagong panlipunan

III.
IV. Paksang Aralin Pagkamamamayan:Konsepto at Katuturan
V.VI. Kagamitang Panturo
A.Sanggunian
1.Mga Pahina sa gabay ng Guro CO_Q4_AP_Module 1
2.Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral CO_Q4_AP_Module 1
3. 4. Mga pahina sa teksbuk
4.karagdagang kagamitan mula sa portal ng
LRMDS
C. Iba pang Kagamitang panturo  Powerpoint presentation
 Larawan
 Video
IV.Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
a.Balik Aral/ Bago tayo dumako sa panibagong
Pagsisimula ng aralin tayo’y magbalik aral muna sa
bagong paksa huli nating talakayan.

Gamit ang data retrieval chart punan


ang diagram sa ibaba sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
wastong sagot tungkol sa
labindalawang gawaing maaaring
makatulong sa ating bansa.ayon kay
Alex Lacson.

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12

b.Paghahabi sa Gawain 1:ROLL THE DICE


layunin ng aralin
Panuto:Punan ang salitang nasa
ibaba katungbas ng numero with a
twist.Ang mga mag-aaral ay
magbibilang ng kung ilan ang naroll
ng dice at ang mag-aaral na
natapatan ay siyang sasagot.

b.Pag-uugnay ng mga Mula sa inyong mga binuong salita


halimbawa sa bagong tungkol saan sa palagay ninyo ang
-aralin ating aralin ngayon? Tungkol po sa Jus Sanguinis at Jus
Soli
Okay!Sa ating aralin ngayon ay may
dalawa tayong paksa ang una ay ang
mga prinsipyo ng
pagkamamamayang Pilipino at ang
pangalawa ay ang dahilan ng
pagkawala ng pagkamamamayan at
kung paano ito maibabalik.

c.Pag-tatalakay ng Ang Pagkamamamayan o


bagong konsepto at Citizenship ay nangangahulugan ng
paglalahad ng bagong pagiging kasapi o miyembro ng isang
kasanayan #1 bansa, ayon sa itinatakda ng batas.

May dalawang prinsipyo ng


pagkamamamayan na sinunod na
sinunod sa Pilipinas ito ay ang;

Jus Sanguinis at jus Soli.

Kapag sinabi nating Jus Sanguinis


anong ideya ang inyong naiisip?
Kapag sinabi nating Jus Sanguinis
po ay kapag Pilipino ang ama at ina
ay magiging Pilipino rin po yung
anak .
JUS SANGUINIS
1.
 ay naaayon sa dugo o
pagkamamamayan ng mga
magulang o isa man sa kanila.
 Ito ang prinsipyo na sinusunod
sa Pilipinas.
 Halimbawa, kung ang isang
dayuhang Indian ay nanganak sa
Pilipinas, ang pagkamamamayan
ng kanyang anak ay Indian din
katulad ng kanyang magulang
kahit sa Pilipinas ito
naipanganak.

2. JUS SOLI
 ang prinsipyo na naaayon sa
lugar ng kanyang kapanganakan
anuman ang pagkamamamayan
ng mga magulang.
 Ito ang prinsipyo na sinusunod
sa bansang Amerika.

Sino ang makapagbibigay ng


sitwasyon kung saan nagaganap ang Halimbawa po if yung parents
jus Soli? nagto tour po sa ibang bansa like
America and biglang nanganak po
yung nanay then maaring maging
citizen po ng America yung bata.

Okay!Very Good!

Halimbawa ng Jus Soli ay ang isang


Pilipino na ipinanganak sa Amerika
ay magiging American Citizen ito
kahit Pilipino ang kanyang mga
magulang dahil sa bansang Amerika
siya ipinangak

d.Pagtatalakay ng Ngayon dumako naman tayo sa mga


bagong konsepto at sanhi at dahilan ng pagkawala ng
paglalahad ng bagong pagkamamamayan at kung paano ito
kasanayan #2 maibabalik.

Alinsunod Seksyon 3 ng Saligang


Batas, ang pagkamamamayan ng
isang indibiduwal ay maaaring
mawala ngunit ito ay maaaring
maibalik.

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng


mga dahilan o sanhi ng pagkawala ng
Pagkamamamyan? Paglabag sa mga batas
Hindi pagbabayad ng buwis
Pagtataksil sa bansa

Ang sumusunod ay maaaring maging


mga balidong sanhi ng pagkawala ng
pagkamamamayan ng isang Pilipino:

(1) sa pamamagitan ng
naturalisasyon sa ibang bansa,

(2) expatriation o kusang pagtalikod


sa pagkamamamayan,
(3) panunumpa ng katapatan ng
Saligang Batas ng mga banyaga
pagsapit ng 10-20 taon,
(4) paglilingkod sa hukbong
sandatahan ng ibang bansa, at
(5) pag-aasawa ng dayuhan at
pagsunod sa pagkamamamayan nito.

Kung ang pagkamamamayan ay


pwedeng mawala itoy pwedeng ring
maibalik

Sa tingin niyo klass sa anong paraan


maaring ibalik ang Pagbabalik loob sa bansang
pagkamamamayan? pinagmulan.

Pag fifile po ng application para


maging citizen muli

Ang nawalang pagkamamamayan ay


maaaring maibalik sa pamamagitan
ng sumusunod na paraan:
(1) Naturalisasyon
 ay paraan ng pagtanggap ng
bansa sa isang dayuhan at
pagkakaloob sa kanya ng
karapatang tinatanggap ng mga
mamamayan.
 Maaari itong makamit sa
pamamagitan ng hatol ng
hukuman o batas ng Kongreso.
 Ang mga mamamayan na
sumailalim sa bisa ng
naturalisasyon ay tinatawag na
naturalisado.

(2) Repatriation
 ang tawag sa kusang pagbabalik
ng isang tao sa kanyang
pinanggalingang bansa
pagkatapos na mabawi ang
kanilang pagkamamamayan.

(3) Aksyon ng Kongreso


 pagtugon ng Mababang
Kapulungan ng Kongreso ukol
sa aplikasyon para maging isang
mamamayang Pilipino.

(4) Pagpapatawad ng gobyerno sa


isang tumakas sa Sandatahang
Lakas ng bansa
 ang paraang ito ay kadalasang
para sa mga sundalo na nagsilbi
sa pamahalaan ngunit tumakas
habang sila’y nasa tungkulin lalo
na sa panahon ng digmaan kaya
nabawi ang pagkamamamayang
Pilipino mula sa kanila.
Sa tingin niyo klass sa anong paraan
pinapatawad ng gobyerno ang mga
mamamayang na nasa sitwasyong
ito?
Sa pamamagitan po ng pagsisilbi sa
bansa.
Okay !Ang detalye o proseso ay
magkakaiba depende sa batas at
regulasyon ng bansa.

Dito sa Pilipinas ang mga bagay na


ito ay karaniwang hinahawakan ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas
(AFP) at ng Department of National
Defense (DND).

e.Paglinang sa GAWAIN 1:FILL ME UP


kabihasnan (Tungo sa
Formative Panuto:Punan ang talahayan ng ayon
Assessment) sa tinutukoy.

f.Paglalapat ng aralin GAWAIN 2:


sa pang-araw araw ng PAGKAMAMAMAYANKO
buhay (Finding PARA SA BAYAN KO”
practical application
of concepts and skills Panuto: Bilang isang mapanagutang
in daily living) mamamayan, ilahad ang mga
hakbang na iyong gagawin para
makatulong sa mga namamahala sa
paglutas ng suliraning kinakaharap
ng inyong pamayanan o para
makatulong sa pambansang pag-
unlad. Maaari mo rin isa-isahin ang
mga “agenda” o proyekto na iyong
ipapatupad sakaling mabigyan ng
pagkakataong maging isang lider ng
mga kabataan. Gawin ito sa hiwalay
na papel.
g.Paglalahat ng aralin Ating balikan ang mga napag-aralan
(making kung inyong naiintindihan.
generalizations and
abstractions about the Ano ulit ang dalawang prinsipyo ng
lesson) pagkamamamayang Pilipino?
Jus Sanguinis at Jus Soli
Ito ay principyo ng
pagkamamamayan na naayon sa
dugo o pagkamamamayan ng mga
magulang? Jus Sanguinis

At kapag sinabi naman nating Jus


Soli saan ito naayon?
Ang Jus Soli ay naayon sa lugar ng
kanyang kapanganakan.
Merong apat na paraan upang
maibalik ang pagkamamamayan ano
ulit ang mga ito? Naturalisasyon
Repatriation
Aksyon ng Kongreso
Pagpapatawad ng gobyerno sa isang
tumakas sa sandatahang lakas bansa

h.Pagtataya ng Aralin GAWAIN 1:TAYAHIN MO!

A. Panuto: Gamit ang sariling


sagutang papel, isulat sa patlang ang
TAMA kung ang pahayag ay
makatotohanan at MALI kung ito ay
hindi makatotohanan.
B.
____1. Hindi na maibabalik pa ang
natanggal na pagkamamamayan ng
isang sundalong Pilipino na nagtaksil
sa bayan.

____2. Dapat masunod ng isang


dayuhang nagnanais maging Pilipino
ang mga kwalipikasyong itinatakda
ng batas bago maigawad sa kanya
ang pagkamamamayang Pilpino.

____3. Ang pagkamamamayan ayon


sa Artikulo IV, Seksyon 3 ng
Saligang Batas ay maaaring mawala
ngunit maaari ring maibalik.

____4. Sumasailalim sa proseso ng


naturalisasyon ang sinumang
dayuhang nagnanais makamit ang
pagkamamamayang Pilipino.

____5. Sa prinsipyong jus sanguinis,


ang pagkamamamayan ay nababatay
sa lugar ng kapanganakan ng isang
indibwal.

i.Karagdagang gawain Panuto:Gumawa ng isang poster


para sa takdang -aralin tungkol sa pagpapahalaga sa
remediation pagiging mamamayang Pilipino.

V. Mga Tala
VI. Pagninilay

a. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
b. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation.
c. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
d. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
e. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng ubos?
Paano ito nakatulong?
f. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyonan sa tulong
ng aking punongguro
at superbisor?
g. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

You might also like