Ap10mastery Test 1.1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
GENERAL SANTOS CITY SPED INTEGRATED SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 10
MASTERY TEST 1.1
URMATAN, ANTIPORDA, VILLEGAS
Pangalan: ____________________________ Pangkat at Batch: _______________________
LRN: _________________________
Pangkalahatang Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan at ibigay ang wastong sagot:

I. Multiple Choice: Basahin ang mga katanungan at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa iyong sagutang kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon

2. Ito ay isang pampublikong bagay na may kaugnay sa krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga
suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
A. Isyung Personal B. Isyung Panlipunan C. Isyung Ekonomiko D. Isyung Sibiko

3. Ito ay isyung tumutukoy sa paglala ng mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalakas na
bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha.
A. Isyung Medikal B. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Pangkalusugan D. Isyung Pang Ekonomiya

4. Ang Kontempoaryong Isyu ay isa mga tuon ng pag-aaral sa Agham Panlipunan. Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang HINDI katangian ng Kontemporaryong Isyu?
A. Mga pangyayaring nakaaapekto sa iilang (few) tao.
B. Mga pangyayaring nakapagbibigay suliranin sa lipunan
C. Mga bagay pinag-uusapan ng mga tao sa isang pamayanan
D. Mga pangayayaring naganap noon, nagaganap ngayon at maari pang mangyari sa hinaharap.

5. Ang pag-aaral ng Kontemporayong Isyu ay itinuturing na mahalagang bahagi ng ating pamumuhay. Bakit
mahalagang pag-aralan ito?
A. Nagbibigay kaalaman kung paano nabubuhay ang tao.
B. Nabibigay ideya sa atin kung paanong susulusyanan ang mga isyu sa lipunan
C. Nabibigay kaalaman sa mga bagay bagay tungkol sa iba’t ibang pangkat ng tao
D. Nagbibigay ideya sa mga pangyayaring naganap noon sa kasaysayan ng daigdig

6. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng kontemporaryongisyu?


A. Ito ang pag –aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan
B. Malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba ng tao
C. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugansa kasalukuyan
D. Ito ay ang pag –aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at hamongpangkapaligiran ,pang-
ekonomiya,pangkasarian at pampolitika

7. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang

Addresses: Quezon Avenue, Dadiangas West, 9500 General Santos City, Philippines (Main Campus)
Prk. Malipayon, Brgy. San Isidro, 9500 General Santos City, Philippines (San Isidro Campus)
Telephone: (083) 552-3689
Email Add: gscspedis@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
GENERAL SANTOS CITY SPED INTEGRATED SCHOOL
mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang
pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan na nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang
tinalakay sa talata?
A. Yamang tubig B. Yamang gubat C. Yamang lupa D. Yamang mineral

8. Ang pagkasira ng mga likas na yaman ang isa sa mga pangunahing suliraning pangkapaligiran na
kinakaharap ng bansa.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa dahilang ito?
A. Pagtaas sa ng mga dayuhang bumibili sa ating likas na yaman
B. Pagiging nag-iisang supplier ng Pilipinas sa mga hilaw na sangkap ng mga industriya
C. Pagtaas ng demand sa likas na yaman dahil sa paglaki ng popuplasyon ng Pilipinas.
D. Pagdami ng pangangailangan ng Pilipinas sa mga hilaw na sangkap sa limalaking industriya nito.

9. Ang paggamit ng mga fossil fuel ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng maraming green house gasses na
nagbibigay daan sa global warming. Sa kabila nito patuloy parin ang mga bansa sa paggamit ng fossil fuel.
Ano ang nag-uudyok sa mga bansa na gumamit nito?
A. mas madaling gamitin ang fossil fuel sa paglikha ng enerhiya
B. maraming deposito ng fossil fuel sa mundo kay mas mura itong gamitin
C. mas pinapaboran ng mga gobyerno sa mundo ang paggamit ng fossil fuel kaysa sa ibang pangatong
D. ginagamit ng mga kompanya ang fossil fuel dahil ito ang gusto ng gobyerno na ipagamit sa kanila

10. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 8742 C. Republic Act 7942 D. Republic Act 7586

II. Identification: Tukuyin kung anong batas at programa na nangangalaga sa kapaligiran ang inilalarawan ng
mga pangungusap sa iba-iba. Isulat ang iyong sagot iyong sagutang kwaderno.

11. Batas na ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sector.
12. Batas na naglalayong mapangalagaan ang mga tinatawag na protected areas mula sa pang-aabuso.
13. Ito ang batas naglalayong mapanatiling malinis at libre sa greenhouse gas emissions ang hangin sa bansa.
14. Samahang binuo ng pamahalaan upang itinataguyod, upang makipag-ugnayan, bumalangkas, sumubaybay,
at sumuri ng mga programa at mga pagkilos hinggil sa pagbabago ng klima.
15. Samahang binuo upang pagaanin ang negatibong epekto ng climate change at magsagawa ng isang mabilis
na pagsusuri ng mga epekto nito sa bansa.

Addresses: Quezon Avenue, Dadiangas West, 9500 General Santos City, Philippines (Main Campus)
Prk. Malipayon, Brgy. San Isidro, 9500 General Santos City, Philippines (San Isidro Campus)
Telephone: (083) 552-3689
Email Add: gscspedis@gmail.com

You might also like