Professional Documents
Culture Documents
Ikaapat Na Markahang Pagsusulit
Ikaapat Na Markahang Pagsusulit
FILIPINO 9
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A.TALAMBUHAY NI RIZAL
1. Saan ipinanganak si Dr. Jose P. Rizal?
A. Tarlac B. Laguna C. Mindanao D. Rizal
2. Siya ang huling pag-ibig ni Rizal.
A. Josephine Bracken B. Seiko Usui C. Leonor Rivera D. Gertrude Beckett
3. Petsa ng kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal
A. Hunyo 19, 1862 B. Hunyo 19,1861 C. Hunyo 18, 1862 D. Hunyo 18, 1862
4. Siya ang sinasabing unang kalungkutan ng ating bayani.
A. Saturnina B. Narcissa C. Concepcion D. Soledad
5. Lugar kung saan binaril si Dr. Jose P. Rizal
A. Real Fuerza De Santiago B. Dapitan C. Barcelona D. Bagumbayan
B. TALASALITAAN
6. Isang Kristiyanong sumusuway at ayaw sumampalataya sa ilang kautusang pinag-uutos ng Simbahang katoliko Romano.
A. Erehe B. Pilibustero C. Subersibo D. Alperes
7. Ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubo ng Pilipinas. Negatibo ang kahulugan ng salitang ito sapagkat ito ay ginagamit bilang pang-
aalipusta sa mababang kalagayan ng mga Pilipino.
A. Erehe B. Indio C. Alperes D. Mestizo
8. Tawag sa pinuno ng pulisya ng isang bayan noong panahon ng Espanyol
A. Alperes B. Indio C. Pilibustero D. Prayle
9. Taong kalaban ng mga prayle o ng relihiyong Katoliko Romano.
A. Erehe B. Pilibustero C. Subersibo D. Tulisan
10. Taong lumalaban sa umiiral na sistema ng pamahalaan.
A. Pilibustero B. Alperes C. Subersibo D. Prayle
11. “Kaisa mo kami sa iyong layunin. Huwag mong pansinin ang pagtutol nila sa plano mo.” Ito ay nagpapakita ng _______
A. Pagsipsip B. Pagkampi C. Pagtutol D. Pagkainis
12. Si Kapitan Tiago ay mapagparaya at matulungin sa mga nagdarahop. Ito ay nangangahulugan na __________.
A. Siya Ay Mapagbigay. B. Siya Ay Masayahin. C. Siya Ay Palakaibigan D. Siya Ay Nagpapalimos.
13. Kinamuhian ni Padre Damaso si Crisostomo. Ang salitang may salungguhit ay kasingkahulugan ng ________.
A. Kinatuwaan B. Kinagiliwan C. Kinasuklaman D. Kinabukasan
14.Parang daloy ng kuryente ang pagkalat ng balitang maghahanda si Kapitan Tiyago. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?
A. sobrang bilis B. maraming alam C. mabola magsalita D. tanda ng paggalang
15.Siya ay hinog na sa karanasan kaya naman ang kanyang mga payo ay maaaring panghawakan. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. madaling makaintindi B. maraming alam C. sinubok ng panahon D. positibo sa buhay
16.Maraming pulitiko sa kasalukuyan ang mabulaklak magsalita. Ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?
A. mabagal magsalita B. puno ng kaalaman C. maligoy magsalita D. maganda sa pandinig
C. PAGKILALA SA TAUHAN: Tukuyin kung sino ang inilalarawan o sinasabi sa bawat pahayag sa HANAY A at piliin ang titik ng sagot sa HANAY B.
HANAY A HANAY B
17. Siya ang kurang nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Rafael Ibarra. A. Padre Salvi
18. Siya ang nagkuwento kay Ibarra nang tunay na sinapit ng kanyang ama. B. Crispin
19. Siya ang asawa ni Kapitan Tyago. C. Tiya Isabel
20. Ang paring lihim na may pagtingin kay Maria Clara. D. Elias
21. Siya ang sakristang napagbintangang nagnakaw. E. Sisa
22. Siya ay isang mapagmahal na inang nawala sa katinuan nang F. Padre Damaso
mawala ang kanyang mga anak. G. Donya Consolasion
23. Siya ang nag-alaga kay Maria Clara. H. Donya Victorina
24. Siya ang Pilipinang nagpapanggap na Espanyola. I. Kap. Tiago
25. Siya ang taong laging tumutulong kay Crisostomo. J. Tenyente Guevarra
26. Siya ang kinikilalang ama ni Maria Clara. K. Pia Alba
PARA SA BILANG 46-48. Tukuyin ang angkop na damdaming namayani sa mga pahayag.
46. Isinumpa kong iibigin kita… paliligayahin… at sa pagkakataong ito ay inuulit ko sa iyo ang sumpang iyon.” Si Crisostomo Ibarra ay _____
A. natatakot B. nalulungkot C. nagmamahal D. nagmamakaawa
47. “Dapat mong isipin ang tungkulin mo at kinabukasan. Dapat mong tuklasin ang karunungan ng buhay na hindi maibibigay sa iyo ng sarili mong
bayan upang pakinabangan ka niya sa ibang araw” Si Don Rafael Ibarra ay _____.
A. nagagalit B. nagtatampo C. nangangaral D. nambibintang
48. “Hindi ako nakapaglakbay na tulad mo. Wala akong narating kundi Maynila at Antipolo at ang bayan mo. Ngunit mula nang magpaalam ako sa
iyo bago pumasok sa kumbento ay lagi kitang naaalala at hindi kita nilimot kahit iniutos ng aking kompesor na limutin kita.” Si Maria Clara ay _____
A. nagseselos B. nalulungkot C. nagagalit D. nanunumbat