Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

CHRISTY SHEALTIEL V.

GUPETEO

I. LAYUNIN

LC: Naiisa-isa ang iba't-ibang uri ng negosyo

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang Iba’t ibang uri ng negosyo

b. Naiisa-isa ang mga uri ng negosyo sa pamayanan

c. Naibabahagi ang karanasan sa pagbili

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Iba't ibang Uri ng Negosyo na Maaring Pagkakitaan

Sanggunian: EPP 4 Kagamitan ng mag-aaral ICT/ENTREP pp. 9-14 (First

Quarter)

Kagamitang Panturo:

Balyu: Pagtitiyaga sa paghahanapbuhay, pagbangon mula sa kahirapang

dulot ng pandemya

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na Panalangin

2. Pagbati

3. Pagtatala ng mga liban at pagsasaayos ng silid


Bago mag simula ang klase ang guro ay aatasan ang mga mag-

aaral na tumayo at kantahin ang EPP SONG

B. Balik-Aral

Balik-aralan ang nakaraang aralin


Paggamit ng laro: Boom – Panis!

Panuto: Isulat ang Boom! kung ang pangungusap ay tama at Panis! Kung
mali.
1.Sa pangangasiwa ng Negosyo, kailangang may kasanayan at kaalaman sa
produktong ipinagbibili.
2. Ang isang entrepreneur ay hindi mapagsamantala sa mga presyo ng
paninda.
3. Huwag ugaliing ilagay ang tamang presyo ng paninda.
4. Ayusin ang paninda ayon sa sukat at kulay upang madaling makita at
makuha kapag may bumibili.
5. May malasakit, tatag ng loob at tiwala sa sarili ang isang entrepreneur.
C. Palinang na Gawain

1. Pagganyak

Panuto: Pagmasdan ang apat na larawan. Ano ang pumapasok

sa isip mo sa mga larawang ito? Gawing gabay ang mga ibingay

na titik sa pagbuo ng salita.

N __ __ O __ __ O

2. Presentasyon

Pagnenegosyo

Bago tayo dumako sa ating aralin ay sagutin lamang ang ilang katanungan.
1. Ano-anong negosyo ang matatagpuan sa inyong lugar o pamayanan?
2. Ano-anong produkto ang mabibili dito?
3. Anong serbisyo ang ibinibigay nito sa mga mamamayan?
Alamin natin ano ba ang pagnenegosyo?

Ang pagnenegosyo ay ang pagbebenta ng produkto o serbisyo.


May dalawang paraan ng pagkakaroon ng Negosyo

1. Pagprodus ng mga produkto galing sa pinagkukunang yaman.


2. Pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng kabayaran

Uri ng Negosyo
1. Nag-aalok o nagbebenta ng PRODUKTO
2. Nag-aalok ng SERBISYO

3. Paglalahat

1.Ano ang Negosyo?

2. Ano ano ang mga uri ng Negosyo na ating tinalakay?

3. Naranasan niyo na bang bumili ng produkto sa loob ng inyong

pamayanan?

4. Paglalapat

Tukuyin ang uri ng negosyo na dapat puntahan ayon sa mga

sumusunod na pangangailangan. Isulat lamang ang titik ng

tamang sagot.

1.Pagpapagupit ng buhok A. Hawks Gasoline

2 Pagbili ng asukal at kape B. Jenny’s Beauty

Parlor
3. Paghahanap ng masarap na makakainan C. Greg’s Talyer

4 Pagpapaayos ng sasakyan D. Ineng’s Sari sari

store

5. Pagpapalagay ng gasoline. E. Jollibee

IV. PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin at bilugan


sa loob ng panaklong kung anong uri ng negosyo ang isinasaad nito.

1. Inutusan ng kanyang nanay si Sally na bumili ng isang bote ng suka.


Saan siya dapat pumunta?

(tindahan , karinderya)

2. Naisipan ni Peter na magtayo ng negosyo na may kinalaman sa


buhok ng mga lalake. Anong negosyo ang dapat niyang itayo?

(Massage Parlor, Barberya)

3.Inabot na ng tanghalian si Dianne sa kalsada, hindi pa siya kumakain.


Saang lugar siya dapat pumunta?

(karinderya , Massage Parlor)


Paglalapt ng Laro: TikTok Time!
B. Panuto: Isulat ang TIK kung tama at TOK kung mali ang isinasaad sa pangungusap.
____4. Ang pagawaan ng sirang gamit ay negosyong maaaring pagkakitaan sa
pamayanan o sa tahanan.

____5. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.

V. TAKDDANG ARALIN
Panuto: Gawing ang mga sumusunod.

1. Magsaliksik ng iba pang ahensya ng pamahalaan na


makatutulong upang maging matagumpay ang pagnenegosyo
2. Magtala ng sampung mga natatanging paninda na maaring ibenta
sa inyong pamayanan.

You might also like