Download as odp, pdf, or txt
Download as odp, pdf, or txt
You are on page 1of 28

I-Pakinggan ang babasahing pabula ng guro at sagutin ang

mga sumusunod na tanong. Isulat sa guhit ang letra ng


tamang sagot.
Sina Muning at Mingming ay matalik na magkaibigan.
Isang araw, habang ang dalawang pusa ay naglalakad sa
daan, may nakita silang isang piraso ng isda. Mabilis na
kinagat ni Muning ang isda at agad siyang tumakbo.
Hinabol naman siya ng galit na galit na si Mingming.
Nang maabutan ni Mingming si Muning ay pinag-agawan
nila ang isang pirasong isda. Nakita sila ni Bantay, ang
kaibigan nilang aso. Sinabi nito na para hindi sila mag-away
ay siya na ang maghahati sa isda. Hinati ni Bantay ang isda
sa gitna at pinapili ang dalawang pusa. Pinili ni Muning ang
ulong bahagi at buntot naman ang pinili ni Mingming.
Parehong binahagian ng dalawang pusa si Bantay at silang
tatlo ay masayang kumain.
1. Sino- sino ang mga tauhan sa pabula?
A. Muning at Bantay C. Muning at Mingming
B. Mingming at Bantay D. Muning, Mingming
at Bantay
2. Ano ang nakita nila habang sila ay naglalakad
sa daan?
A. karne C. saging
B. isda D. tinapay
3. Sino ang nagsabi na paghatian nalang nila ang
isang pirasong isda?

A. Bantay C. Mingming
B. Muning D. Karding
4. Mahalaga ba ang paghahati at pagbibigayan?

A. Opo upang hindi mapagalitan ni nanay.


B. Opo, para hindi mawalan ng kaibigan.
C. Opo, upang maging masaya ang lahat.
D. Opo, dahil masarap po sa pakiramdam ang
magbahagi o magbigay sa kapwa.
5. May bago kayong kaklase at nais mong magpakilala sa
kaniya. Ano ang sasabihin mo?
A.Anong pangalan mo?
B.Saan ka nakatira?
C.Kumusta, ako nga pala si Kiko. Ikaw ano ang pangalan
mo?
D.Hoy,ikaw ba iyong bago naming kaklase? Anong
pangalan mo?
6. Nais mong dumaan sa pintuan ng inyong silid-aralan
ngunit nag-uusap ang iyong guro at nanay ng iyong kaklase.
Ano ang sasabihin mo?

A.Tumabi naman po kayo!


B. Nakaharang po kayo sa pinto.
C. Ma’am padaan nga po ako.
D. Paumanhin po, maaari po ba akong makiraan?
7. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang
nagpapakita na bawal pumarada ang mga
sasakyan?

A. B. C. D.

This Photo by Unknown Author


This Photo by Unknown Author is
is licensed under CC BY-SA
licensed under CC BY-NC
8. Pumunta ka sa silid-akalatan at nakita mong nakapaskil
ang pananda na ito.
Ano kaya ang nais ipahiwatig ng pananda?

A. Bawal mag-ingay!
B. Bawal magkalat!
C. Bawal magsulat!
D. Bawal magtapon ng basura!
9. Paano ang tamang pagsulat sa pangalan
ng ating lugar?
A. Hermosa, Bataan C. hermosa, bataan
B. HerMosa, BaTAAn D. HERMOSA, BATAAN

10. Ano ang tunog ng letrang Bb?


A. /luh/ B. /puh/ C. /duh/ D. /buh/
11. Ano ang simulang tunog ng
nasa larawan?
A. S B. A C. W D. O
12. Ano ang pinapahiwatig
ng nasa larawan?
A. masaya B. mainit
C. Maingay D. malungkot
14. Si Kirk ay aking matalik na kaibigan.
Alin sa mga sumusunod ang ngalan ng
tao?
A. akin
B. matalik
C. Kirk
D. kaibigan
15. “May bagong alaga si Kiko. Ito ay mabalahibo at
mahilig sa buto. Ito rin ay mataba at maamo”. Alin
sa mga sumusunod na tanong ang mabubuo batay sa
kuwento?
A. Ano ang alaga ni Kiko?
B. Saan naglaro si Kiko?
C. Paano mag-alaga si Kiko
D. Sino ang alaga ni Kiko?
16. Ang magkakapatid ay nagtatanim ng halaman sa
bakuran. Ano ang kailanan ng salitang may
salungguhit?

A. isahan
B. dalawahan
C. maramihan
17. Isulat ang letrang kasunod ng letra E at bilugan
ito. Alin sa mga sumusunod ang nakasunod sa
panuto?
Panuto: Piliin ang letra ng nabuong
bagong salita sa pamamagitan ng
pagdaragdag o pagpapalit ng isang
tunog sa mga salitang nasa ibaba.
18. puto
A. pusa B. pato C. baso
19. Bata
A. tala B. batas C. gatas
20. Bata
A. baso B. plato C. tasa
Ang Batang Masipag
Si Kiko ay pitong taong gulang, sa murang edad
tinutulungan na niya ang kanyang mga
magulang sa mga gawaing bahay. Paggising
niya sa umaga ay tumutulong na siyang
magluto ng kanin at ulam, bago siya maglilinis
ng bahay.
Masipag din si Kiko na magbasa at magsulat,
madalas siyang makipaglaro sa kanyang mga
kaibigan kapag tapos na siya sa mga gawaing
bahayat kanyang mga takdag aralin. Mabait
din siyang kuya dahil inaalagaan niya ang
kanyang nakababatang kapatid kapag may
ginagawa ang kanyang ina.
21. Sino ang batang masipag sa
kwento?
A. Tata C. Kiko
B. Lisa D. Toto
22. Anu-ano ang mga ginagawa ng batang
masipag?
A. magbasa at magsulat
B. inaalagaan niya ang kanyang nakababatang
kapatid
C. mga gawaing bahay
D. Lahat ng nabanggit.
23. Ano ang unang ginagawa ni Kiko paggising
niya sa umaga?

A. Naglalaro ng cell phone.


B. Tumutulong magluto ng kanin at ulam.
C. Gumagawa ng takdang aralin.
D. naglilinis ng bahay
24. Ano ang ginagawa ni Kiko bago siya
makipaglaro sa kanyang mga kaibigan?
A. Nanonood ng telebisyon.
B. Naglalaro ng video games.
C. Tumutulong sa gawaing bahay at
gumagawa ng takdang aralin.
D. Natutulog
25. Dapat mo bang tularan si Kiko?

A. Opo upang matuwa ang aking mga magulang.


B. Opo, para hindi magalit ang nanay ko.
C. Hindi po, upang hindi ako mapagod.
D. Hindi po, dahil hindi tama ang kanyang mga
ginagawa.
Panuto: Bigkasin at bilangin ang mga pantig sa bawat
salita. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Panuto: Bigkasin ang mga pantig at piliin ang letra
ng tamang sagot.
29. pag-ka-in
A. pagkain
B. pagkanin
C. pagasa
D. pangkain
30. Tukuyin sa mga larawan ang naobserbahang
pangyayari sa iyong paligid noong nakalipas na
pasko.

A. B. C.

You might also like