Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

POINT A: Kapag ginawa nang legal ang prostitusyon sa pinas, iyong morals ng mga tao ay

bababa. Dahil nga legal na ang prostitusyon, uulit-ulitin nilang gagawin iyon kasi para sa kanila
mas madaling kumita doon. At sa ganoong paraan, di na sasagi sa utak nila yung paghahanap
ng mas maayos na trabaho kasi syempre, anjan na ang prostitusyon. Isang gabing serbisyo
lang, instant na ang pera. Ito ang magiging pangunahing pagkukunan nila ng income kasi para
sa kanila, kampante sila na ano man oras o araw ay may magbabayad para sa serbisyo nila.
Dahil sa kawalan ng proteksyon at seguridad sa trabaho, ang mga sex worker ay madalas na
nabibiktima ng pang-aabuso at karahasan mula sa mga kliyente, mga pimp at iba pang mga
indibidwal.

POINT B: Sa usapang kalusugan naman. Ang pagbibenta ng sariling katawan ay maaaring


magresulta sa mga negatibong epekto sa kalusugan, kasama na ang pagkalat ng mga
nakakahawang sakit tulad ng HIV at AIDS o STD, mental na stress at depresyon dahil sa
pang-aabuso at pressure, at posibleng pinsala sa pisikal at emosyonal na kalusugan dulot ng
krimen at pang-aabuso. Ngayon pa nga lang na hindi ito legal ay grabe na ang pagkalat ng
HIV/AIDS, paano pa kung gagawin na tomg legal? Bukod sa STD, madalas maging epekto ng
pagpasok sa larangang ito ay trauma, depression, anxiety, at kawalan ng respeto sa sarili.

POINT C: HUMAN TRAFFICKING, ABUSE, AND RAPE. Kapag dumating sa puntong ginawang
legal na ang prostitusyon, sino na ang mananagot kapag may mga babae o lalaking pinapadala
sa ibang bansa para gawing parausan? Prostitusyon ang nagiging ugat ng tatlong bagay na to
(human trafficking, abuse, rape). Ang magiging mindset ng mga tao ay ayos lang kung ipadala
iyong mga biktima sa ibang bansa para gawing parausan ng tao dun kasi nga bayad din naman
sila. Ayos lg kung may mangyaring pang-aabuso at rape sa mga biktima dahil nha bayad sila.
Kumbaga bayad ang karapatang pantao ng mga biktima kaya’t walang dapat managot.

POINT D: Para sa kasiyahan? Huwag nating gawing takbuhan ang pagamit ng mga babae o
lalaking biktima ng prostitusyon dahil lamang malungkot ang buhay mo. Maraming pwedeng
gawin para manumbalik ang kasiyahan sayo. Isipin mi ang tinatapakan mong karapatang
pantao ng taong katalik mo. Hindi mo alam kung itong tao na ito ay nagdadala ba ng sakit. Hindi
mo rin alam na ang taong ito ay biktima ng human trafficking at napilitan lamang sa trabahong
ito.

You might also like