Idea-Exemplar Filipino 4 Q3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

FILIPINO

Learning Area
School Grade Level FOUR
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area FILIPINO
Teaching Date Quarter THIRD
LESSON
EXEMPLAR Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang;


Makapaglalarawan ng tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at
naging damdamin.

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag


Pangnilalaman ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Nakapagbibigay ng panuto, naisasakilos ang katangian ng mga


Pagganap tauhan sa napakinggang kuwento

C. Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at nagging


Pinakamahalagang damdamin
Kasanayan sa
Pagkatuto F4PS-IIIb-2.1.
(MELC) (Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalaga
ng kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Paglalarawan ng Tauhan Batay sa Ikinilos, Ginawi, Sinabi, at
Naging Damdamin
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 158
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN INTEGRATIVE APPROACH


Scaffold-Knowledge lntegratjon
The 4 As Activity
- Activity (8uild on siudents ideas)
- Analysis (Make thinking visible)
- Abstraction (Encourage listening to others)
- Application(PromoteautonomV/lifelonglearning)
A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK
(Panimula)

Handa ka na ba sa ating aralin? Halika! Umpisahan mo na ang pag-


aaral sa araw na ito. Anong katangian ng mga tauhan ang
inilalarawan sa bawat bilang? Pumili ng sagot sa ibaba. Isulat lamang
ang letra ng tamang sagot.

a. maingat c.masikap e. mapagmahal


b. masipag d. maalalahanin
_____ 1. Pinipili ni Ana ang palabas sa telebisyon na
maganda para sa kabataan.
_____ 2. Araw-gabi ay nag-aaral ng leksyon si Julio.
_____ 3. Pinipilit ni Sofia na makakuha ng mataas na
marka kahit mahirap ang aralin.
_____ 4. Inaalagaan at inaasikaso ni Cesar ang
kanyang ama.
_____ 5. Inaalalayan ako ng aking guro sa pag-unawa
ng aming leksyon.
BALIK-ARAL
Alamin naman natin kung ano ang natutunan mo sa nakaraang aralin
tungkol sa uri ng pangngalan. Handa ka na ba?
Panuto: Piliin ang letra ng pang-abay na bubuo sa diwa ng
pangungusap.
1. Si Riza ay______ makisama sa ibang tao tulad ng kanyang mga
kaklase at kaibigan.

A. mahusay B. mabilis C. malinis


2. Siya ay_______ magpayo sa mga kaibigang napasasama sa mga
away.

A. matagal B. madiin C. magaling


3. _________ siyang magpaliwanag na iwasan ang pakikipag-away
at sa halip ay makipagbati sa nakaaway.

A. Madiin B. Maayos C. Mahirap


4. _________ din siyang magpakita ng mabuting halimbawa sa iba.

A. Matagal B. Mahirap C. Masipag


5. _________ tularan ang isang batang tulad ni Riza para maging
payapa at maayos ang silid-aralan.

A. Maganda B. Madiin C. Mahirap


ARALIN
ESP INTEGRATION
B. Development Bago ka mag-umpisa sa ating aralin ngayon, nais ko munang
(Pagpapaunlad) basahin mo ang talata at sagutin mo ang mga sumusunod na
katanungan.

Sa simula naging palaisipan si Celia sa kanyang guro. Mahiyain


siya, palaging kupas ang damit, walang baon, walang kaibigan, at
palaging tahimik.
Isang araw, pinagbintangan ito ni Ferdinand.
Malapit na sanang paniwalaan ng guro si Ferdinand dahil siya ay
isang malinis na bata, palaging puti ang suot, bibung-bibo, at
palaging mabango. Inisip ng guro na talagang may pera si
Ferdinand at si Celia ay wala. Maya-maya’y dumating ang bata na
nasa ika-limang baitang na siyang nakapulot sa pera ni Ferdinand.
Buti na lang ay hindi napagalitan ng guro si Celia.
Ngayon, ating suriin ang talatang inyong binasa.
1. Sino-sino ang tauhan sa maikling kuwento?
2. Paano inilarawan si Celia sa kuwento?
3. Ano sa palagay mo ang kalagayan sa buhay ni Celia
base sa kanyang katangian?
4. Ano naman ang masasabi mo kay Ferdinand?
Sa guro?
5. Ano naman ang taglay na katangian ng batang
nakapulot ng pitaka ni Ferdinand?
Naunawaan mo ba ang talata? Sagutin mo ang inihanda kong
gawain upang malaman kung gaano mo naunawaan ang mga
kaalamang aking inilahad.
Ilarawan si Celia sa pamamagitan ng kanyang
1. Damit ___________________________________
2. Ugali ____________________________________
3. damit __________________________________
4. ugali ___________________________________
5. pagsasalita _____________________________
Ano ang ibig sabihin ng paglalarawan ng katangian?
 Ang paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay maaaring
mahinuha sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanyang kilos o gawi,
paraan ng pagsasalita at reaksyon sa mga sitwasyon sa kuwento.
MGA PAGSASANAY
ACTIVITY
PAGSASANAY 1
Basahin ang mga sitwasyon nasa ibaba. Ilarawan ang katangian ng
mga tauhan dito. Isulat ang titik ng tamang sagot.
C. Engagement 1. Nalaglag ang hawak na pera ng bata. Agad iyong pinulot ni Julio
(Pagpapalihan)
at iniabot sa may-ari. Si Julio ay isang
batang____________________.
A. masipag B. matapat C. matulungin
2. May bagong palda si Ana. Nalaman niyang kailangan ni Elsa ng
isusuot sa kanilang programa. Ipinahiram niya iyon sa mahirap na
kaibigan.
A. masipag B. matapat C. matulungin
3. May uwing pagkain ang tatay. Sinabi ng tatay na hatian ni Sofia
nang magkasinlaki at ibigay niya kay kay Cesar ang parte nito.
A. masinop B. mapagbigay C. marunong

PAGSASANAY 2
ANALYSIS
MATH INTEGRATION
Basahin ang talata. Sagutan at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

Sabado noon. Isinama ng nanay sa palengke si Maricar. “Inay”,


marami palang tao rito sa palengke,” nasabi ni Maricar.
“Talagang maraming tao rito. Bukod sa maraming tindera,
napakarami ang bumubili,” paliwanag ni Aling Aida.
Naalala bigla ni Maricar ang ipinagbilin ng kanyang Itay na bibili
ng saging kaya sinabihan ang kanyang nanay. Inuna nila ang
pagbili ng isang piling na lakatan na nagkakahalaga ng P24.00.
Isang dalawampung pisong papel at isang sampung pisong papel
ang nakita ni Maricar na ibinayad ng nanay niya. Nagbigay ng
sukli ang tinder. Sa halip na P6.00 lang ay sobra-sobra ito.
“Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli sa atin ng Ale. Ang
ibinayad po natin ay tatlumpung piso,” sabi ni Maricar.
“ Naku! Aling tindera, sobra nga naman ho ng siyam na na piso
ang sukli n’yo sa amin,” natatawang sabi ni Aling Aida.
“ Salamat ho,” nakangiting wika ng tindera. “Hoy, Ine, halika,”
nakangiting tawag ng tindera kay Maricar. “Dahil sa iyong
katapatan, heto naman ang alaala ko sa iyo...isang matamis na atis.
“Salamat po,”nasabi ni Maricar habang tinatanggap ang atis na
kaloob ng tindera.

1. “Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli sa atin ng ale,” sabi ni


maricar. Si Maricar ay_________________
A. masinop B. magaling C. matapat
2. Ilarawan ang katangian ni Aling Aida______________
A. matapang B. mabait C. masungit
3. “Tanggapin mo ito, Ine. Ito’y para sa iyo.” Ang tindera ay
isang_________________
A. mapagbigay B. masungit C. matulungin
4. Naalala ni Maricar ang bilin ng tatay na bumili ng saging na
lakatan___________________
A. maalalahanin B. masungit C. maramot
5. “Salamat po,” sambit ni Maricar sa tindera._______
A. makasarili B. mataray C. mababang loob

PAGSASANAY 3
Ilarawan ang ipinapakitang katangian ng mga nasa larawan.

1. Naglilinis sila ng paligid, Sila ay________________.

2. Nagtatapon ng basura sa dagat, Siya ay____________.


3. Umiinom ng gatas araw-araw, Siya ay___________.

4. Nagsusuot ng facemask tuwing lalabas, Siya ay_____.


5. Nag-aaral ng leksyon , Sila ay _______________.

PAGLALAHAT
ABSTRACTION

Marami ka bang natutunan sa araw na ito? Ano-ano ang mga


natutunan mo?
 Ang paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay maaaring
mahinuha sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanyang kilos o gawi,
paraan ng pagsasalita at reaksyon sa mga sitwasyon sa kuwento.
D. Assimilation PAGPAPAHALAGA
(Paglalapat)

Ang katapatan ay mahalaga sa pagtata- gumpay ng isang tao. Sino sa


mga tauhan sa ibaba ang maituturing na matapat?

Kulayan ang para sa tauhang matapat o ang para sa


tauhang mapaghusga.

1. “Naku, nawawala ang pera ko.Celia, ikaw ang


nakapulot nito?”

2.“Mabuting kausapin ko kayong maigi ukol dito


Ferdinand, ang wika ng guro .”

3. “Si Celia po ang huling nakita ko sa paligid. Batid kong


siya ang nakapulot.

4. “ Si Celia ay mahirap at madungis kaya siya ay mahina


sa klase.”

5. “Ibinalik ng batang nasa ika-limang baitang ang napulot


niyang pera.”

PAGSUSULIT
APPLICATION

Piliin ang tamang paglalarawan sa tauhan batay sa kanyang


ikinilos,ginawi, sinabi o naging damdamin. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Napapansin ng batang tagapagsalaysay ang mga bagay-bagay na
nangyayari sa kanyang Nanay.

A. Ang bata ay mahilig makialam sa mga nangyayari sa nanay niya.


B. Ang bata ay nag-aalala at sumusuporta sa nanay niya.

C. Ang bata ay gumagawa ng kuwento tungkol sa nanay niya.


2. Sa loob ng isang taon ay hindi ginalaw ni Nanay ang mga gamit na
iyon at nanatili lang sa munting studio ni Tatay na nasa likod n
gaming bahay.
A. Nasasaktan si Nanay kapag nakikita ang mga gamit ni Tatay.
B. Napapagod si Nanay kaya ayaw niya munang magligpit.
C. Naghihintay si Nanay ng pagkakataong maipagbili ang mga gamit
ni Tatay.

3. “Magliligpit lang sana ako ng mga gamit ng Tatay mo nang makita


ko ang canvass na ito. Nasimulan niya pero hindi na niya natapos ang
larawan. Alam ko para sa akin ito dahil alam niyang paborito ko ang
sunflower,” sabi ni Nanay habang itinutuloy ang pagpipinta sa
larawan.
A. Si Nanay ay Masaya.
B. Si Nanay ay malungkot.
C. Si Nanay ay naiinis.

4. “Hindi ko akalaing ganito ka kagaling, Nenet. Napakaganda ng


iyong mga obra. Aayusin ko ang isang solo exhibit para sa iyong
mga ipininta.”
A. Si Tito Ben ay interesadong magpaturo.

B. Si Tito Ben ay interesadong bumili.


C. Si Tito Ben ay humahanga sa mga ipininta.

5. Dumating ang araw ng solo exhibit ni Nanay. Ala kong


kinakabahan siya pero nawala lahat ng takot, kaba, at pagod niya
nang magdatingan ang maraming tao sa exhibit at magpahayag ng
labis na paghanga sa kanyang mga gawa.
A. Si Nanay ay nagtagumpay sa kanyang pagpipinta.
B. Si Nanay ay hahanap na ng ibang pagkakaablahan.
C. Si Nanay ay magiging isa nang mangangalakal.

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like