Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Lansones

Ang Alamat ng Lansones


"The Legend of the Langsat/Lanzones"

Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na
may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga
ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng
tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay
na lason.

Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang "puno ng lason" ng may isang manlalakbay ang
nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom
at sa kaayaayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang
kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain
nito ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain
ang nakalalasong bunga.

Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at


halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang
matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang
magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa... ang puno na nagtataglay ng nakalalasong
bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing
tagtuyot dulot ng matinding tag-init.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng
ito dahil ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong
namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae,
ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at
nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.

Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno
sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay
babgsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari, sa halip
ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit
ang mga kabataan sa babae.

Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga
masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng
nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang
ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang
isang bata upang tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang nasabi ng bata at muli itong
pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno
upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating
itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang
nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatidna wala na
ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga
taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin.
Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang
"lansones".

You might also like