Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PANGALAN:________________________________________________ ISKOR:______________

1Talento 19Bokasyon 4Hilig 29Pahalagahan at paunlarin


2Makialam 6Artistic 12Malikhain 9Ipagdasal sa Diyos
7Pagpapahalaga 11Investigative 23Sarili 15Sarili, kapuwa at lipunan
13Misyon 14SMART 24STEM 16Maging mayaman
17Simbahan 18Conventional 26Arts Track 22Kabutihan
5Cooking 20Musical 25Tech-Voc 27ABM
3Katayuang pinansiyal 8Talento, kasanayan at mithiin
30Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip 10Pangangailangan na hindi matatamo mag-isa
28Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob 21Kailangang magkaroon ng maraming kaibigan

1. Pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa kahusayan, galing o tiyak na abilidad
2. Tumutukoy sa pakipagkapwa at pakibahagi sa buhay na ang layunin ay makipag-ugnayan at makipagtulungan
3. Pansariling salik na kailangang matugunan kung walang kakayahan ang magulang na suportahan ang pag-aaral
4. Pansariling salik na magiging daan sa tagumpay kung ang interes ang mapapaunlad
5. Hindi halimbawa ng multiple intelligence
6. Interes na mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan
7. Pansariling salik na nakikita sa magulang at madadala sa paggawa ng propesyon at pagtulong sa mahihirap
8. Mga batayan sa pagpili ng kurso
9. Ang mabisang paraan bilang ganti sa pagmamahal ng iyong mga magulang sa iyo
10. Pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba
11. Mapanuri, malalim, matatalino at task-oriented ang mga katangian
12. Katangian ng isang artistic
13. Hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan
14. Paraang kailangang gamitin sa pagsasagawa ng personal na pahayag ng misyon sa buhay
15. Ang dapat na makatatanggap ng kabutihan mula sa pagpapasya
16. Hindi layunin o batayan para sa pagpili ng track o kurso
17. Sa pamamagitan nito, nailalagay sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga tinatamasa
18. Masaya sa mga gawaing tiyak, may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at organisado ang record
19. Termino na nangangahulugang calling o tawag
20. Talino o galing sa pag-awit
21. Hindi naglalarawan ng tamang pagpapasya
22. Maibibigay sa ang tunay na misyon ng paglilingkod sa Diyos at kapuwa
23. Dapat masususunod sa pagpipili ng track o kurso
24. Maaaring kunin dahil sa matataas na grades sa Mathematics at Science
25. Ang dapat kuning track kung ang pangarap ay magtayo ng isang Beauty Parlor sa kanilang bayan.
26. Ang dapat kunin kung ang kaniyang hilig ay pagguhit at pagpinta na taliwas sa gusto ng magulang
27. Ang dapat kunin kung may angking kaalaman, galing at talino sa negosyo namana mula sa mga magulang
28. Dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit sa pagpapasiya at pagkilos sa pinili
29. Mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo
30. Dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso
31. Alin sa mga sumusunod ang hindi isang pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa buhay?
A. Suriin ang iyong ugali at katangian B. Tipunin ang mga impormasyon
C. Sukatin ang mga kakayahan D. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
32. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao?
A. Upang siya ay hindi maligaw B. Upang matanaw niya ang hinaharap
C. Upang mayroon siyang gabay D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
33. Ang personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan. Tama kaya ang pahayag?
A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao
B. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay
C. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan
D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay at magkakaroon ng problema kung babaguhin
34. “Anak, mag-aral kang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating pamilya”. Ano ang ideya mo kung bakit ito
sinabi ng tatay o nanay mo?
A. Gusto ng magulang mo na yumaman ka balang araw
B. Gusto ng magulang mo na ikaw ang magpa-aral sa iyong mga kapatid
C. Gusto nila na mapaganda ang buhay mo sa pamamagitan ng makatapos sa pag-aaral
D. Gusto nilang makatulong ka sa kapwa
35. Ayon kay Stephen Covey, kailang nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay?
A. Nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga
B. Nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian
C. Nagagampanan nang balance ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad
D. Kinikillala niya ang kaniyang tunguhin sa kapuwa
36. Sa anumang pagpapasiya ng tao, mahalaga ang pagninilay sa mismong aksiyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi
maaaring gagamiting gabay sa pagpapasya?
A. Mahalagang alam ng karamihan o lahat ang iyong mga plano sa buhay
B. Mahalagang tanungin ang sarili kung ano ba talaga ang iyong personal na hangarin ng iyong gawa
C. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon
D. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon
37. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
A. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa
B. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo na nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa buhay
C. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili
D. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya
38. Alin sa sumusunod na suilranin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng
ekonomiya nito?
A. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapapasukan
B. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinong inaabuso sa ibang bansa
C. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa kita ng mga manggagawa
D. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong lokal o maging sa ibang bansa
na angkop sa hilig, talent at kakayahan na ayon sa kursong natapos
39. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sa iyo?
A. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinabahagi ng magulang, guro at kaibigan
B. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
C. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
D. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig at kakayahan
40. Papaano isinasabuhay ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin sa kaniyang mamamayan?
A. Paglikha ng maraming trabaho para sa kanyang mamamayan
B. Paglulunsad ng mga programang pampagkatuto na magagamit ng kaniyang mamamayan
sa paggawa at mithiin ng lipunan ang kabutihang panlahat
C. Pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga batas na nilikha para pangalagaan
ang kanyang karapatan
D. Pagsasaayos sa sistema ng pamamahala upang mawakasan ang kurapsiyon
at maling pagsasabuhay ng tungkulin.

You might also like