Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

KABANATA

36
ANG KAGIPITAN NI BEN ZAYB
Ben Zayb
TAUHAN
Isang mamamahayag na maabilidad sa pagsusulat. Gumawa siya ng mga kuwento na mas tumatampok sa
mga awtoridad at simbahan habang pinahihina ang imahe ng mga tunay na biktima.
Heneral
Nagpatupad ng pagbabawal na banggitin ang pangyayari sa kaguluhan sa bahay ni Kapitan Tiago sa mga
pahayagan, ngunit ginawang bayani sa report ni Ben Zayb.
Padre Irene
Isa pang tauhan na ginawang bayani sa report ni Ben Zayb.
Don Custodio
Binigyan ng pagpapahalaga ni Ben Zayb para sa kanyang ‘katalinuhan’.
Padre Salvi
Sinabing hinimatay gawa umano ng malaking dalamhati ng mabait na Pransiskano.
Padre Camorra
Binanggit na nasugatan sa isang insidente kung saan may pumasok na tulisan sa kanilang bahay-pahingahan.
Matanglawin
Ang karakter na nag-imbita sa mga tulisan para sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman.
Simoun
Kaibigan daw ng Kapitan Heneral, na iniugnay bilang lider ng mga tulisan.
TALASALITAAN
Kaguluhan – kawalang kaayusan o kalituhan
Bayani – taong kinikilala dahil sa kagitingan o kabayanihan
Katalinuhan – ang kakayahan na mag-isip nang maayos at mabilis
Tulisan – tulisan o bandido
Gulok – itak, karaniwang ginagamit para sa pagputol ng mga puno o
malalaking halaman
Pulbura – isang uri ng materyales na ginagamit para sa mga
pampasabog
Inaya – iniimbita
Kumbento – lugar kung saan naninirahan ang mga prayle o pari
BUOD
Matapos ang mga kaguluhan sa bahay ni Kapitan
Tiago, pumunta si Ben Zayb sa kanyang bahay upang
magsulat ng artikulo. Binago niya ang katotohanan at
ginawang bayani ang Heneral at si Padre Irene,
samantalang ipinagbunyi ang katalinuhan ni Don
Custodio at kung paano hinimatay si Padre Salvi
gawa umano ng malaking dalamhati ng mabait na
Pransiskano. Ngunit hindi tinanggap ng pahayagan
ang kanyang sinulat dahil ipinagbawal ng Kapitan
Heneral na banggitin ang pangyayari.
BUOD
Balita rin na may tulisan ang pumasok sa
bahay-pahingahan ng mga prayle at
nagnakaw ng halos dalawang libong
piso. Sugatan ang isang prayle at
dalawa niyang utusan. Naisip ni Ben
Zayb na gawing bayani ang isang kura
na nagtanggol sa kanila gamit ang silya
laban sa tulisan. Dumating siya sa Pasig
at natagpuan si Padre Camorra na may
sugat sa kamay at pasa sa ulo. Ayon sa
pari, tatlo ang magnanakaw at may dala
silang gulok, habang limampung piso ang
natangay.
BUOD
Hindi rin naniwala si Ben Zayb sa salaysay ni Padre
Camorra. Ginawa niya ang lahat para palakihin ang
kwento tungkol sa tulisan. Sa isa pang balita, may isa sa
mga tulisan na nahuli. Inamin nito na inaya sila ni
Matanglawin para sumalakay sa kumbento at mga bahay
ng mayayaman. Iniugnay pa ang Kastilang si Simoun, na
kaibigan daw ng Kapitan Heneral, bilang lider ng grupo.
Maraming bala at pulbura ang natagpuan sa bahay ni
Simoun, at mabilis na kumalat ang balita tungkol sa kanya.
MGA KATANUNGAN
1. Matapos ang kaguluhan, ano ang ang ginawa ni Ben Zayb?
2. Papaano niyo binago ang katotohanan?
3. Bakit hindi tinanggap ang pahayagan na kaniyang isinulat?
4. Magkano ang ninakaw ng mga tulisan sa mga prayle?
5. Saan niya natagpuan si Padre Camorra na may sugat sa
kamay at pasa sa ulo?
6. Ilan ang magnanakaw na may dalang gulok?
7. Magkano ang natangay na pera?
8. Sino ang nanganyaya ayon sa tulisan na sumalakay sa
kumbento at mga bahay ng mayayaman?
9. Sino ang iniugnay na lider ng grupo?
10. Magbigay ng dalawa hanggang tatlong tauhan na nasa
kabanata.
SALAMAT !!

You might also like