Talumpati

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

VILLEGUEZ, Yzabel Godwyn I.

A2 GEC 122

Komunikasyon? Para sa susunod na henerasyon?

Siguradong marami sa inyo ang sasang-ayon kung sasabihin ko na sa ating henerasyon


ngayon, mas matatalino na ang mga tao, mas may kaalaman na sa mga bagay-bagay, at mas may
paninindigan na tayo kumpara noon. Ngunit, kung hindi naman dahil sa mga napag-aralan,
naranasan, at napatunayan ng mga taong nauna sa atin, at kung hindi dahil sa komunikasyon, sa
tingin ninyo, magkakaroon ba tayo ng sapat na kaalaman sa buhay at mga bagay-bagay?

Ang sagot ko riyan ay, hindi. Malamang sa malamang, hindi tayo uunlad sa maraming
aspeto tulad ng edukasyon, medisina, at kalakalan kung hindi dahil sa pag-uugnay ng mga tao
mula sa dalawang magkaibang panahon, sa pamamagitan ng komunikasyon. Sa edukasyon,
halimbawa, mayroong guro at mayroong mag-aaral. Sa simpleng daloy ng impormasyon mula sa
guro patungo sa mga mag-aaral, at gayon din mula sa mag-aaral pabalik sa guro, ay siyang
komunikasyon. Ito ay isang paikot-ikot at pauli-ulit lamang na daloy, ngunit dito tayo natututo.
Natututo tayo dahil sa komunikasyon.

Aking mga kaklase, sa mga simpleng bagay natin masisimulang maunawaan at


mapapahalagahan ng higit ang komunikasyon. Tayo’y bukod na pinagpala lalo na ngayong
makabangong mundo ng teknolohiya, mas napapabilis ang komunikasyon, ‘one click away’ ika
nga. Ngunit huwag nating samantalahin ang pagpapala na ito, subalit mas dapat nating pagigihan
ang pakikipag-komunikasyon ng wasto. Ang teknolohiya ay hindi lamang isang benepisyo
ngayon, kung hindi isang hamon para sa ating henerasyon.

Nawa’y sa bawat minutong ating ginugugol sa ating mga gadyet, ay siya ring sindami ng
positibong mga bagay na ating matututuhan upang tayo ay mas maging marunong at mas maging
mabuting ehemplo sa ating kapwa at sa susunod na henerasyon. Ako, ikaw, tayo ang
magsisilbing daluyan ng impormasyon mula sa ating mga karanasan, ating mga kaalaman, at
ating napatunayan, at mapapatunayan sa ating panahon.

Komunikasyon ang aksyon para sa pagtaguyod sa susunod na henerasyon.

You might also like