Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Dilaw – Naganap Na

1. _____ ng sine si Selene kagabi. (Manonood, Nanonood, Nanood)


2. Ano ang pinili mong flavor ng sorbetes? (naganap, nagaganap, o magaganap)
3. _____ ko na ang mga gamit na dadalhin ko. (Nag-aayos, Inayos, Ayusin)
4. Jayden, naghintay ka ba ng matagal? (naganap, nagaganap, o magaganap)
5. Nabalitaan ni Risa na _____ na mula ibang bansa ang matalik niyang kaibigan
na si Mary. (nakauwi, umuuwi, uuwi)
6. Hindi siya kumilos ng mabilis kaya naiwan kami ng bus. (naganap, nagaganap,
o magaganap)
7. _____ ni Sancha ang bigay ni Alvaro na libro dahil hindi na raw niya ito
kailangan. (Nagbalik, Binalik, Ibabalik)
8. Malinaw na _______ sa klase si Royce ng balita kanina.
a. umuulat c. nag-ulat
b. ulat d. mag-uulat
9. _____ siya ng kanyang tiyahin ng maganda at dilaw na bulaklaking bestida.
(Bibigyan, Binigyan, Magbibigay)
10. Nawala ang kuwintas na ________ mo sa akin.
a. ipinatago c. ipinapatago
b. pinapatago d. magpapatago
11. Sina Jack at Nikolai ang ____ ng mga natirang pagkain mula sa handaan sa
nayon. (kumakain, kakain, kumain)
12. _______ ni Irina ang kanyang sapatos nang hindi sinasadya kahapon.
a. sinisira c. masisira
b. nasira d. sinira
13. _____ ng nanay si Zamiel na pumunta kay Aling Nena para bumili ng yelo.
(Inuutusan, Inutusan, Uutusan)
14. Ito ay tumutukoy sa katatapos pa lamang na kilos.
a. Nagaganap o Imperpektibo
b. Naganap na o Perkpektibo
c. Magaganap o Kontemplatibo
15. _____ si tatay noong huling linggo na bibilhan niya ako ng paborito kong laruan.
(pinangako, nangako, mangangako)
16. Kahapon ako _____ ng aklat. (magbabasa, binasa, nagbasa)
17. Kanina lang ako _____ ng aking mga gamit. (kukuha, kumukuha, kumuha)
18. Naghugas ng pinggan si ate kaninang umaga bago pumasok.
a. Naganap na o Perpektibo
b. Magaganap o Kontemplatibo
c. Nagaganap o Imperpektibo
Bughaw – Nagaganap
1. Bilisan mo’t _____ na! (uulan, umuulan, umulan)
2. May pinipirmahan akong papeles. (naganap, nagaganap, o magaganap)
3. _____ kami ni Tati sa labas ng bahay. (Maglalaro, Naglaro, Naglalaro)
4. Ako ay ______ ng aking takdang aralin. (gumagawa, gagawa, gagawin)
5. Mainit ang panahon, kaya kami ay ______ sa mall ngayon. (mamamasyal,
namamasyal, pumasyal)
6. Habang ako ay naglilinis ng kwarto, si nanay naman ay ______. (naglaba,
maglalaba, naglalaba)
7. ______ ngayon ang nanay ko ng isda sa palengke. (Bumibili, Bumili, Bibili)
8. _____ ang mga bata habang naglalaro. (Talon, Tumatalon, Tatalon)
9. _____ ang bunso kong kapatid ngayong hapon. (Natulog, Natutulog, Tumulog)
10. _____ si kuya Mario ng turon sa kanto araw-araw. (Nagtinda, Nagtitinda,
Magtitinda)
11. _____ niya akong gamutin ang aking sugat. (Tutulungan, Tinulungan,
Tinutulungan)
12. Si Damon ay naglalaro ng sipa sa bakuran.
a. Magaganap o Kontemplatibo
b. Nagaganap o Imperpektibo
c. Naganap na o Perpektibo
13. Nagpapaalam si Hettie sa kanyang guro upang bumili ng almusal sa kantina.
a. Magaganap o Kontemplatibo
b. Nagaganap o Imperpektibo
c. Naganap na o Perkpektibo
14. Kadadala pa lamang ni Aling Helena ng inuming pampalamig.
a. Nagaganap o Imperpektibo
b. Naganap na o Perpektibo
c. Magaganap o Kontemplatibo
15. Alin sa mga salita ang nasa aspektong nagaganap?
a. inalisan c. umaalis
b. alisin d. nag-alisan
16. Alin sa mga salita ang pandiwa?
a. mapagkumbaba c. mapagmahal
b. maunawain d. nagdadasal

Pula – Magaganap Pa
1. Pagkatapos ko sa pag aaral ay _____ rin ako ng mga bagay na gusto ko.
(makakabili, bibili, nakabili)
2. Tatawagan ko mamaya si Chayo para kumustahin. (naganap, nagaganap, o
magaganap)
3. Ako ay ______ ng aking paboritong ulam. (nagluto, magluluto, nagluluto)
4. Gabi na, kaya magpapaalam na kami. (naganap, nagaganap, o magaganap)
5. ______ kami sa dagat bukas nang umaga bago mamasyal. (Naligo, Naliligo,
Maliligo)
6. Isusuot ko ang bago kong sapatos at bistida. (naganap, nagaganap, o
magaganap)
7. ______ ako ng mga gagamitin namin para sa aming takdang aralin. (Mamimili,
Namili, Namimili)
8. Matutulog ako nang maaga. (naganap, nagaganap, o magaganap)
9. _____ ang lola mamayang gabi sa kanyang apo. (Tumawag, Tatawag,
Tinawag)
10. Lalabas ako, may nais ka bang ipabili? (naganap, nagaganap, o magaganap)
11. _____ ng alpabeto ang mga mag-aaral sa susunod na araw. (Susulat, Sinulat,
Sumusulat)
12. _____ ang guro ng mga pangdekorasyon sa silid-aralan sa darating na okasyon.
(Hiniram, Nanghiram, Manghihiram)
13. _____ ng mga mag-aaral ang kwento sa libro bukas. (Binasa, Binabasa,
Babasahin)
14. _____ ang sanggol kapag nagutom siya mamaya. (Naiyak, Iiyak, Umiiyak)
15. _____ ang mga bata sa kakalaro mamayang hapon. (Napagod, Pinapagod,
Mapapagod)
16. _______ mo sana kay Penelope kung kailan siya uuwi ng Pilipinas.
a. ipinagtanong c. itanong
b. tinanong d. ipagtanong
17. _______ ng liham si Nico para sa kaibigan niyang nasa Amerika para sa darating
na bakasyon.
a. sinusulat c. sumulat
b. susulat d. sumusulat
18. Sa aspektong pandiwa ang pawatas na maglalaro ay nabibilang sa:
a. Naganap na o Perpektibo
b. Magaganap o Kontemplatibo
c. Nagaganap o Imperpektibo
19. Magsasaliksik ang grupo nila Enya sa silid-aklatan upang magawa niya ang
kanyang takdang aralin.
a. Magaganap o Kontemplatibo
b. Nagaganap o Imperpektibo
c. Naganap na o Perpektibo
20. Aling pandiwa ang pupuno sa hanay ng mga salita ayon sa panahunan nito?
nagsalin, nagsasalin, __________
a. magsasalin c. isinalin-salin
b. pinagsalinan d. isinasalin

You might also like