Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Joshua M.

Gomez
III-BEED 26
FIL 2
Pagsulat ng Sanaysay: Druga
Maraming kabataan ngayon ang nagamit ng bawal na gamot, Pero ano nga ba ang dahilan kung
bakit ang mga kabataan ay nalululong dito? Ayon sa aking nakikita at naririnig sa mga balita ang
pangunahing dahilan ng mga kabataan ngayon ay problema sa pamilya at kawalan ng sapat na
edukasyon. Ilan lamang yan sa maraming dahilan ng kabataan kung bakit sila nagamit ng droga.

Ngunit alam ba nila kung anong masamang dulot ng droga sa kanilang kalusugan? Marahil ay
hindi nila alam ang masamang dulot nito, kaya sila gumagamit ng droga. Kaya kailangan nating
maimulat ang mga mata ng mga kabataan na ang paggamit ng droga ay nakakasama sa ating
kalusugan. Ito ay nakakasira sa kanilang munting isipan at nagdudulot din ito ng masamang
epekto sa kanilang pangangatawan.

Ang panahon ng paggising ay ngayon. Ang droga ay isang salot sa ating lipunan. Kailan pa kayo
magbabago pag huli na ang lahat? Kaya kailangan nating itanim sa ating mga isipan na ang
paggamit ng droga ay isang malaking pagkakamali na gagawin mo sa iyong buhay. Tandaan po
sana natin na ang DROGA ay isang problema na hindi mo dapat papasukin sa iyong buhay.

You might also like