Maikling-Pagsusulit Q4 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Maikling pagsusulit sa EKONOMIKS_Q4_#2

Pagtataya 1
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Suriin ang mga impormasyon sa
ibaba at tukuyin ang mga isinasaad nito. Piliin ang titik ng wastong sagot at itala sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproproseso ng mga hilaw na materyales upang
gawing tapos na produkto?
A. Impormal na sektor B. Industriya C. Paglilingkod D. Agrikultura
2. Malaki ang gampanin ng industriya sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil sa mga sekondaryang sektor
nito na tumutugon sa pangangailangan ng tao mapaserbisyo man o produkto. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang nagpapatunay dito?
A. Ang sektor ng industriya ang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan mapahanapbuhay man o
produkto na siyang pinagkukunan ng kita ng bansa.
B. Nakasalalay sa sektor ng industriya ang pag-unlad ng makinarya at teknolohiya upang tumaas ang kalidad
ng mga produktong ipinoprodyus dito.
C. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ang kita na nanggagaling sa sektor ng industriya.
D. Kaalinsabay ng pag-unlad ng ekonomiya ay siya rin ang pagtaas ng limitasyon sa mga produktong
nanggagaling sa sektor ng agrikultura.
3. Sa kabila ng biyayang naidudulot ng industriyalisasyon sa ekonomiya ng bansa ay may mga suliranin din
itong kinakaharap na nakakasama sa tao at lipunan dahil sa walang pakundangang paggamit ng likas na
yaman sa ngalan ng industriyalisasyon. Ano nga ba ang dahilan ng mga suliranin na ito?
A. Lubhang matigas ang ulo ng mga Pilipino at ang nais lamang ay kumita para sa pansariling kapakanan.
B. Sa dami ng namumuhunan sa bansa ay iilan lamang ang sumusunod sa patakarang pang-ekonomiya na
isinusulong ng pamahalan.
C. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tama ang paggamit sa mga kagamitang pang-industriyal.
D. Kawalan ng interes na bigyan pansin ang mga suliranin ng industriyalisasyon.
4. Ang Pilipinas ay kilala bilang isang bansa na hindi pahuhuli sa larangan ng industriyalisasyo. Bilang mag-
aaral paano mo masasabing maunlad ang ating bansa?
A. Maunlad ang industriya ng bansa kung nalilinang ang lahat ng hilaw na materyales na nanggagaling sa
sektor ng agrikultura.
B. Maunlad ang industriya kung natutugunan ang pangangailangan ng tao .
C. Maunlad ang industriya ng bansa kung lubos na napakikilos ang lahat ng pabrika at may mataas na
bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas paggawa.
D. Maunlad ang industriya kung handa itong humarap sa anumang suliranin pang-ekonomiya.
5. Ang sektor ng industriya ay may mga pangunahing sekondaryang sektor na nakatutulong sa pagpapasigla
ng gawaing pang-ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. Pagmamanupaktura B. Pagmimina C. Paghahayupan D. Konstruksiyon
6. Masasabing maayos ang takbo ng sektor ng industriya kung halos lahat ng mga Pilipino ay sumusunod sa
mga patakarang pang-ekonomiya upang mapangalagaan ang karapatan at likas na yaman ng bansa. Sa iyong
palagay, sino ang nangunguna sa pagpapatupad ng mga programa at batas pangindustriya?
A. Pamahalaan B. Presidente C. Mga namumuhunan D. Mamamayang Pilipino
7. Isinulong ng patakarang pang-ekonomiyang ito ang paglaban sa mga gawaing hindi patas, pag-iwas sa
kartel at monopolyo at ang hindi pagsunod sa tamang proseso ng pagnenegosyo pagdating sa kalakalan.
A. Pagsusog sa Intellectual Property Code
B. Pagsusog sa Tariff and Custom Code ng Pilipinas
C. Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs)
D. Pagpapatibay sa Anti-Trust/Competition Law
8. Ang mga sumusunod ay mga gampanin ng sektor ng industriya maliban sa isa. Alin dito ang hindi
kabilang?
A. Naglilinang at nagproproseso ng mga yaman ng bansa gamit ang makabagong teknolohiya at makinarya.
B. Nakapagbibigay ng trabaho sa mga tao sa pamamagitan ng apat (4) na sekondaryang sektor.
C. Pinagkukuhanan ng mga produktong naproseso upang ibenta sa pamilihan.
D. Pinagmumulan ng mga hilaw na materyales o sangkap upang maiproseso.
9. Masasabing masigla ang ekonomiya kung nagagamit lahat ng makina para sa pagproproseso ng produkto at
nabibigyan ng trabaho ang lahat ng mamamayan. Bilang mag-aaral paano ka makakatulong upang patuloy na
matamo ng bansa ang maunlad na ekonomiya sa sektor ng industriya?
A. Susunod sa lahat ng alituntunin ng paaralan at bayang kinabibilangan patungkol sa tamang pangangalaga
ng likas na yaman ng bansa.
B. Makikisapi sa mga samahang may layunin na ipagtanggol ang karapatan ng mga namumuhunan.
C. Pahahalagahan ang lahat ng yamang likas at magiging responsableng mamamayan.
D. Magiging responsable na mag-aaral sa paggamit ng mga likas na yaman at kagamitang makinarya.
10.Mahalaga ang mga patakarang pang-ekonomiya ng sektor ng industriya sapagkat ito ay nagiging daan
upang mapagtibay ang nasabing sektor. Sa iyong palagay mahalaga bang patuloy na rebisahin ang bawat
patakang pang-ekonomiya?
A. Oo, dahil makatutulong ito upang mas mapasunod ang bawat mamamayan sa mga polisiyang ipinatutupad.
B. Hindi, sapagkat mas kailangang pagtoonan ng pansin ang mga walang trabaho.
C. Oo, dahil ito ay magiging daan upang mas maging epektibo ang bawat patakarang pang-ekonomiyang
ipinatutupad.
D. Hindi, sapagkat epektibo na ito kahit hindi baguhin.
Pagtataya 2
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang GO kung tama ang isinasaad nito at STOP kung hindi
tama ang ang isinasaad ng pahayag. Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel.
_____11. Isa sa mahalagang gampanin ng industriya ay ang patuloy na pataasin ang produksyon ng mga
produkto sa pamamagitan ng mga makinarya at kagamitang teknolohikal.
_____12. Nakatutulong ang sektor ng industriya sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga mamamayang Pilipino
sa pamamagitan ng mga sekondaryang sektor nito.
_____13. Malaki ang naitutulong ng mga patakarang pang-ekonomiya sa pagpapalawig ng kaayusan at
pagpapatibay ng sektor ng industriya.
_____14.Bilang suporta sa patas na pakikipagkalakalan at pagpigil sa paglaganap ng smuggling ay
ipinatutupad ang patakarang “Pagsusog sa Tariff and Custom Code” sa bansa.
______15.Mahalagang maipatupad ang mga patakarang pang-ekonomiya sa sektor ng industriya upang
mapangalagaan at mabigyang pansin ang mga pribadong sektor.

You might also like