Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hindi Dapat Sumuko sa Pagsubok

Isang araw, may dumaang malakas na bagyo sa bayan ng Cavinti. Sa lakas nito, nasira ang
maraming bahay, natumba ang mga puno, at nasira ang mga pananim. Dahil dito, nahirapan ang
mga tao, lalo na ang mga magsasaka, dahil wala na silang aanihin at wala silang makakain sa
mga susunod na buwan.

Makikitang nag-uusap sina Maria, Nicole, at Joseph tungkol dito.

Maria: Nakakalungkot naman. Nasira ang mga tanim naming. Paano na tayo
makakakain?
Nicole: Hindi ko nga alam. Matagal tayong nagtrabaho sa mga sakahan para magkaroon
tayo ng magandang ani at may maimbak tayong pagkain.

Samantala, dumating naman si Joseph na hindi pa rin nawawalan ng pag-asa.

Joseph: Huwag na kayong malungkot. Huwag kayong mag-alala. Kaya nating magtanim
at magtrabaho ulit, Makakabawi pa rin tayo.
Mandy: Oo nga. Tama si Joseph! Wag tayong malungkot. Kaya natin ito basta
magtutulungan tayo.
Nicole: Hindi tayo sigurado. Matatagalan pa bago tayo makabawi.
Mandy: Kahit matagal, hindi tayo dapat sumuko! Kailangan lang nating magsikap ulit at
maging determinado sa ginagawa natin.
Maria: `Sige, subukan nating magtanim ulit.

Magkakasama at nagtutulungang nagtanim ang mga tao sa buong bayan. Pagkalipas ng ilang
buwan ay malapit na silang mag-ani.

Maria: Nagawa natin! Mayroon na ulit tayong aanihin!


Nicole: Oo nga! Tama si Joseph! Kaya nga nating makabawi!
Mandy: Kaya natin hangga’t nagtutulungan at determinado tayo!
Joseph: Oo. Hindi tayo dapat sumuko. Palagi nating subukang makabawi sa mga
pagsubok.

Naging masaya ang lahat dahil nagkaroon sila ng masaganang ani at may pagkain na para sa
lahat.

Salamat po sa inyong panonood at pakikinig.

The End

You might also like