Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

WRITTEN WORK

Quarter 4 Week 5-6


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pangalan:_____________________________________________Baitang/Seksiyon:_____________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Anong sampling ang ginagamit sa paghuhusga sa kaalaman ng mananaliksik upang makua ang kinatawan ng populasyon?
A. Convrnience Sampling B. Cluster Sampling C. Purposive Sampling D. Systematic Sampling
2. Alin sa sumusunod na gawain ang nabanggit ang nagpapakita ng pliagiarism?
A. Hindi man kilala ang awtor na pinagkunan ay binibigyan pa rin ito ng pagkilala.
B. Hindi paglalagay ng maayos ng panipi sa mga siniping pahayag.
C. Humihingi ng pahintulot sa may-akda ng mga gagamiting tala.
D. Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang sanggunian.
3. Sa ginamit na sanggunian ay hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page. Paano ito ilalagay sa
gagawing bibliograpiya.
A. Ang pangalan ng nagparehistro sa pamagat ng aklat ang isinusulat sa bibliograpiya.
B. Ang pangalan na lamang ng publikasyon ang isinusulat sa bibliograpiya.
C. Ang pamagat na lamang ng unang akda na makikita sa nilalaman.
D. Ang pamagat na lamang ng aklat ang isinusulat sa bibliograpiya, taon ng pagkalimbag, lugar na pinaglimbagan at
palimbagan.
4. Basahin ang nasa loob ng kahon. Anong bahagi ito ng pananaliksik?
Matukoy ang ibat-ibang kaugalian ng mga kostumer kapag kumakain sa isang eat-all-you can restaurant.
A.
A. Depinisyon ng Termino C, Mga Kaugnay na Pag-aaral at LIteratura
B. Kahalagahan ng Pag-aaral D. Paglalahad ng Suliranin
5. Alin sa mga sumusunod ang unang pinag-uukulanng panahon ng isang nagsisimulang mananaliksik?
A. Pagpapasya kung aling paksa ang kanyang sasaliksikin.
B. Pagpapasya kung anong layunin ang kanyang sasaliksikin.
C. Pagpapsya kung anong pamagat ang kanyang sasaliksikin.
D. Pagpapasya kung anong katanungan ang kanyang sasaliksikin.
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto?
A. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isusulat sa loob ng
parenthesis.
B. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, pangalan at taon ng paublikasyon ang isusulat sa loon
ng parenthesis.
C. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang nag isusulat sa hulihan ng pahayag.
D. Kung di nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ang isusulat sa loob ng parenthesis.
7. Basahin ang mga sumusunod na pahayag.
* Ang kuwalitatibong pananaliksik ay pangunahing nakabatay sa masusing pagsusuri, obserbasyon o
paglalarawan sa halip na sa nabibilang na datos.
* Ginagamitan ito n gang angkop na pormulang pangmatematika upang makuha ang pinakatumpak na sagot
na pagbabatayan ng interpretasyon.

A. Parehong tama ang pahayag C. Tama ang unang pahayag habang mali naman ang pangalawa
B. Parehong mali ang pahayag D. Mali ang unang pahayag habang tama naman ang pangalawa
8. Anong bahagi ng pananaliksik ang nasa kahon?
Ang Vietura ay isang aesthetics at wellness center na matatagpuan sa Hotel Sofitiel, isang five star hotel sa
Maynila. Nagmula sa pangalan nito sa mga salitang Pranses na vie na nangangahulugang “buhay” at salitang Latin na
tura na nangangahulugan “likas o natural”. Binuo ang Vientura sa hangaring makapaghandog ng mga serbisyo sa
pagpapagandang hindi ginagamitan ng anumang instrumenting susugat sa tao.

A. Depinisyon ng mga Termino C. Kaligiran ng Pag-aaral


B. Kahalagahan ng Pag-aaral D. Pangkalahatang layunin
9. Ang pananaliksik ay tungkol sa “sanghiyang,” isang sayaw sa apoy na isinasagawa sa Alfonso, Cavite. Upang maunawaan
kung sino-sino ang mga taong karapat-dapat makibahagi sa sayaw, paano ito isinasagawa, ano ang kabuluhan nito sa kultura ng
panayam at iba pa, minabuti ng pangkat na makitira sa isang pamilyang nagsasagawa ng sanghiyang para danasin din kung ano
ang kanilang dinanas. Anong uri ng pananaliksik ang ginamit?
A. Etnograpiko B. Historikal C. Palarawan D. Penomonolohiya
10. Bagamat tradisyunal na hanguan ng paksa, hindi pa rin mapasusubalian ang yaman ng mga paksang maaaring mahango rito.
Anong hanguan ng paksa ang tinutukoy nito?
A. Aklatan B. Dyaryo o Magasin C. Internet D. Radyo at TV
11. Sa isinasagawang pananaliksik ni Princess pinili niyang respondent ng pananaliksik ay mula sa baiting 12 ng pangkat
Automotive at pangkat EPAS sa Senior High School in Progressive. Kinabibilangan ito ng 50 mag-aaral, 30 lalake at 20 babae, na
bumubuo sa kabuoan. Saang bahagi ilalagay ni Princess ang ginawa niyang ito?
A. Kaligiran ng pag-aaral C. Motodolohiya at Pamamaraan
B. Kaugnay na literature D. Paglalahad ng Datos at Interpretasyon
12. Alin ang wastong pagkakasulat ng mga nakatala sa kahon gamit ang APA Style.

May-akda: Lakandupil C. Garcia Pamagat: Paradym: Pananaliksik sa Wikang Filipino


Lugar: Malabon City Tagapaglathala: Jincsy Publishing House.
Taon: 2012

A. Garcia, Lakandupil C., 2012. Paradym: Pananaliksik sa Wikang Filipino, Malabon City: Jimcsy Publishing House
B. Garcia, Lakandupil C. (2012). Paradym: Pananaliksik sa Wikang Filipino, Malabon City: Jimcsy Publishing House
C. Garcia, Lakandupil C, (2012). Paradym: Pananaliksik sa Wikang Filipino, Malabon City: Jimcsy Publishing House
D. Garcia, Lakandupil C, 2012. Paradym: Pananaliksik sa Wikang Filipino, Malabon City: Jimcsy Publishing House
13. Sa anong bahagi inilahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit
upang matugunan ang mga suliraning ipoinapahayag sa pag-aaral? Maaaring gumamit ng sarbey talatanungan (questionnaire-
checklist) at pakikipanayam.
A. Paraan ng paglikom ng Datos C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
B. Paraan ng Pagsusuri ng Datos D. Lokal at Populasyon ng Mananaliksik
14. Alin ang ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin
sa numerikong pamamaraan upang Makita ang magkakaibang reyalidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan?
A. Deskriptibo B. Historikal C. Kwaliteytib D. Kwanteytitib
15. Ang mga gawain sa ibaba ay nakapaloob sa proseso ng pagdidisenyo ng pananaliksik maliban sa isa.
A. Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos.
B. Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik.
C. Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
D. Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik.
16. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pliagiarism?
A. Pagbanggit o pagkilala sa pinagkuhanan ng datos o impormasyon.
B. Paglagay ng tamang impormasyon o pagpapaliwanag sa siniping pahayag.
C. Pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik.
D. Pagpapalit ng mga salita sa mga katulad na wika o kaya pagsasalin sa teksto ngunit pangongopya sa ideya na may
sapat na pagkilala.
17. Ang mga sumusunod ay ang mga batayang impormasyon na kailangang matukoy sa talasanggunian maliban sa isa.
A. Pangalan ng awtor o mga awtor C. Petsa o taon ng pagkalimbag
B. Pamagat ng Libro D. Pangalan ng Paaralan o Institusyon
18. Kapag kumuha ng impormasyon o datos sa Ahensya ng Gobyerno ano ang unang mababanggit sa sanggunian?
A. Taon na pagkalimbag C. Pangalan ng Ahensya
B. Pamagat ng Aklat D. Luga ng Palimbagan
19. Anong uri ng Kard Katalog ang titignan kapag hindi pa tukoy ng mga mananaliksik ang awtor o paksa na gusto nilang
saliksikin?
A. Kard ng Paksa B. Kard ng Awtor C. Kard Katalog D. Kard ng Pamagat
20. Isa sa komponent ng etika sa pananaliksik ay ang pagprotekta sa kaligtasan ng mga kalahok o respondent. Sa paanong paraan
mo ito maisasagawa bilang isang mananaliksik?
A. Hindi isisiwalat ang pagkakakilanlan ng respondent.
B. Paggabay sa kanila sa loob ng paaralan hanggang sa pauwi na sila sa kanilang tahanan.
C. Pagbibigay ng kakailanganin nila bilang pagprotekta sa kanilang kaligtasan.
D. Humingi ng tulong o gabay sa mga kinauukulan na lalo na kapag may banta sa buhay ng ating respondent.

You might also like