Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bullying

Bullying, isa sa pinaka hindi magandang gawin sa kapwa natin, bata man o matanda. hindi
dapat natin ito ginagawa dahil ito’y nakakasakit ng ibang tao, nagbibigay ng masasamang
pangitain, at nagdudulot ng anxiety at depression. Mayroon tayong tatlong uri ng bullying, ang
berbal, pisikal, at cyber. Ang berbal na bullying ay pagsasabi ng mga salitang ikasasakit ng
isang tao, ang pisikal naman ay nakabibilang dito ang panununtok, pananabunot, pagsisira ng
mga gamit, pagtatamo ng sugat, at iba pang bagay, ang cyber naman ay ang panunutya at
pamimintas ng isa o higit pang tao sa internet o sa social media. Lahat ng ito ay masama para
sa komunidad at lipunan ngunit, bakit nga ba ito ginagawa ng mga tao? Bakit nga ba mayroong
ganitong aktibidad ang nangyayari sa mundo natin? Bakit ‘di na lamang nila mahalin ang isa’t
isa? Sa aking palagay, ginagawa nila ito upang mabigyan sila ng kanilang pansariling kasiyahan
dahil nalulugod sila na nagagawa nila ang lahat ng kung ano mang bagay na makapagbibigay
sa kanila ng satispaksiyon. Ngunit sa kabila ng kasiyahang natatanggap ng isang bully, isang
nabubully na tao o higit pa ang nagdurusa sa kagagawan ng impakta, maaari niya itong
sinasaktan, pinapahiya sa ibang tao, sinisira ang kaniyang mga gamit o ari-arian, binubugbog, o
pinagtatangkahan. Sa aking personal na pagbabahagi, naranasan kong maging bully at
mabully. Noong ako’y elementarya mula grade 3 hanggang grade 6 ay naranasan kong maging
isang bully, naranasan kong magpaiyak, manira ng gamit, at makipag-away, tunay ngang
nakapagbibigay saakin ng kaunting saya na makagawa ng mga bagay bagay na itinuturing na
bawal, ngunit sa kalagitnaan din ng panahong iyon, nang matikman ko ang aking sariling gamot
ay nakaramdam din ako ng pagka-guilty at napagtanto ko na mali ang aking ginagawa at
napakalaking kasalanan ito si diyos. Kaya’t natutunan kong maging mabait, mapagmahal,
maging palakaibigan, at maging mas marespeto pa sa aking kapwa. Ako nga’y natutuwa dahil
wala pa akong nakikitang nabubully ng malupit dito sa ating paaralan. Ang bullying ay dapat
nang mapuksa sa ating mundo dahil ito’y nagbibigay lamang ng kapangitan sa ating lipunan.
Nais nating maging maganda ang ating mundo at nagsisimula ito sa pagbabahagi ng pag-ibig at
respeto sa kapwa, aralin nating mahalin ang ating sarili at ang iba pang tao sa paligid natin
upang tayo’y mabuhay sa isang mundong puno ng mga ngiti sa labi. Bullying, ikaw ay maglaho!

You might also like