Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

CATCH-UP

FRIDAY
D.E.AR (Drop
Everything and Read)
FEBRUARY 2, 2024
Objectives:

a.To use spoken language to develop understanding through speculating,

hypothesizing, imagining, and exploring ideas.

b.Students will be able to write a concluding ending to a short narrative.

c.Appreciate the significance of the story by sharing their personal experiences in

life related to the experiences of the main character; and

d. Internalize and apply the moral lessons learned from the story in their daily life.
01

PRE-READING
ACTIVITIES
Activity: “Solid Predictions”

Instruction: Choose the situation given below and after choosing to

create a prediction ending. Do this in your Reflection Journal

1. A boy loses his eyesight in an accident and must get a Seeing Eye dog.

2. A girl discovers a magic portal in her basement that leads to a

mysterious land.

3. Six friends band together to solve the mystery when their teacher

mysteriously disappears.
Processing: Answer this in your Refelection Journal

1. How do you come up with your predictions?

2. How can we create more mystery in writing the ending or prediction of

the story?

3. What word could we use to surprise the reader in writing story

ending/predictions?
02

DURING
READING
ACTIVITIES
SELECTION 1: Ending It Off (ENGLISH)
Instruction: Read the story idea below and invent three different endings. Write quickly, getting down
whatever comes into your mind. See slide 16 for Instructions.

A boy digging a hole outside in his back yard finds a metal box buried
in the ground. Inside the metal box is a beautiful music box. When he
winds up the music box, he is magically transported into a beautiful
foreign land, where a princess is locked up in a high tower. He finds
out that the princess hid the music box in a magic forest with the
hope that whoever found it in another dimension would come there to
save her. The boy succeeds in getting the princess out of the tower
and carries her away in his arms just as the music is winding down.
He knows he will soon find himself back in his own world. As the last
few notes tinkle out, the evil witch who had imprisoned the princess
appears at his side and clasps his arm with her bony fingers.
SE;ECTION 2: Ano ang Wakas? (FILIPINO) (11:00- 12:30) See slide 17 for Instructions

Wala na Siya
Mula sa website na limarx214.blogspot.com

“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng Santisima De Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang
pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room 214.

Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang
magnobya ay punong-puno ng matatayog na pangarap. Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang
pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Donna sa takot na mapurnada ang magagandang plano at pangarap
nilang ito.

Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga bukas na darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng
pangarap na sa tagal makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na piraso? Paano ba siya gigising sa umaga kung wala na
ang kaisa-isang dahilan ng kanyang pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing gabi na bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba
siya bubuo ng tahanan kung ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?

Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng mga luha niyang bigla na lamang pumatak nang marinig
niyang wala na nga si Donna. Napasandal siya sa pader at walang lakas na napaupo at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan.
Kung bakit naman kasi sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan ng power ang battery ng kanyang cellphone. Marahil
ay tumatawag sa kanya ang mga kapatid ni Donna nang mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap man lang niya sana ito kahit
sa huling sandali. Marahil ay galit sa kanya ang ina ni Donna dahil sa pag-aakalang pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang
pangalan niya ang hinahanap at tinatawag.
“Bakit kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Donna ng hindi ipinaalam sa akin?”

Magulo ang isip ni Ralph. Naghahalong emosyon ang namamayani sa kanyang puso.

Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng pag-asa.

Sana hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip siya ng umagang
iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip na siya’y magdiretso na sa ospital.
Kung alam niya lang na sa wala mauuwi ang kanilang pagsasama at pagluha ang
katumbas ng lahat ng kanyang pagsisikap, hindi na sana niya pinanghinayangan ang
anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y ginastos at ginamit niya upang mapaligaya ang
kinakasama. Para saan pa ang kanyang mga naipon? Sino na ang paglalaanan niya nito?

Alam ni Ralph maghahari na ang kalungkutan sa kanilang bahay na kailan lang ay


halakhak nilang dalawa ang namamayani. Magiging kalbaryo ang kanyang bawat araw.
Magiging madilim ang kanyang gabi at pati na ang umagang darating. Matagal bago
muling mabuo ang pangarap na gumuho. Matagal bago muling makabangon mula sa
pagkakadapa. Hindi niya batid kung kailan sisilay muli ang napingasan niyang ngiti.
Hindi niya alam kung kailan muling makakakita ng liwanag ang kanyang matang nahilam
ng luha.
Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni Donna at halos hindi naging paksa ang kanyang
karamdaman dahil tuluyan nang bumaba ang platelets ng nobya, sensyales na pawala na ang dengueng apat na araw
nang nagpapahirap sa kinakasama. Pinag-usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon at planong
pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni Donna sa trabaho bilang manager ng Logistics
Department sa kompanyang pinapasukan nito at ang balaking pagdu-Dubai ni Ralph sakaling may dumating na
magandang oportunidad.

Kaya hindi sukat akalain ni Ralph na sa kisapmata’y wala na si Donna! Wala na ang kanyang buhay, wala na ang
kanyang bukas. Marami nang dengue case kasi ang humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong sa biglaang kamatayan
kahit sabihin pang bumuti na umano ang lagay ng biktima. Pag-aakalang umokay na ang pasyente ngunit sa kabila ng
nakaantabay na mga nurse at doktor, availability ng mga medical equipment ng ospital ay hindi pa rin naisalba ang
buhay ng dengue victim.

“Sir, sir…” tinatapik-tapik ng nurse si Ralph na nakatungo ang ulo, nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader.
Mugto ang nga mata, sumisinok-sinok na halatang galing sa isang pag-iyak. Narinig niya ang nurse ngunit wala siyang
pakialam sa sasabihin nito, bahagyang iniangat niya ang kanyang ulo.

“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po siya, si Ma’am Donna. Gusto na raw po niyang
umuwi dahil gusto niya raw pong i-celebrate ang anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver na pinirmahan niya
kanina.” Mahabang paliwanag ng nurse.

Tulala si Ralph dahil sa narinig niya mula sa nurse.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.


Anniversary nila kahapon.
03

POST
READING
ACTIVITIES
SELECTION 1: ENGLISH 9:00- 10:30 AM

Instruction: Read the story idea below and invent three different endings. Write quickly, getting down whatever
comes into your mind.

POSSIBLE ENDING #1:

________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

POSSIBLE ENDING #2:

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
SELECTION 2: FILIPINO -11:00-12:30

Panuto: Isulat ang iyong sariling wakas ng


kwento sa iyong Reflection Notebook.
Write your journal
REFLECTION reflections on the
situation.

Write in your Reflection


Journal how do you want to
end up your personal ife
story.

You might also like