PETA in Filipino 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALAMAT NG ARAW , BUWAN AT MGA BITUIN

Noong unang panahon ang mundo ay pawang nababalot ng kaliwanagan. Lagingmagkasama ang
mag-asawang araw at buwan. Hindi matiwasay ang pagsasama ng mag-asawa dahil hindi binibigyan
ng kapantay na karapatan ng araw ang kanyang asawang si buwan.

Isa namang hulwarang ina at martir si buwan sa kanyang asawa at kahit na alamnyang hindi na
tama ang inaasal ng kanyang asawa ay sinusunod pa din niya ito, kahit anupang hirap ng iniuutos ng
naghahari-hariang si araw.Nagbalak mamasyal si araw ngunit bago sya umalis ay inutusan niya ang
asawang si buwanna ipaglaga siya ng isang punong palayok ng gabi.

Marahan namang ipinaliwanag ng buwanna hindi maaring mapuno ang palayok kahit na lagain ang
mga dahon ng gabi sapagkatuurong lamang ang mga ito kapag naluto. Sinigawan na lamang siya ng
araw at iginiit pa dinang utos nito na sa kanyang pagbalik ay dapat niyang maabutan ang isang
palayok na punong nilagang dahon ng gabi.Naluha ang buwan sapagkat hindi maaaring mangyari
ang ninanais ng asawa, ngunit inanipa din nya ang mga halamang gabi na kanyang matatanaw at
nilaga.

Nang makarating angaraw ay hindi pa rin puno ang palayok gaya ng inutos nya. Ipinaliwanag ng
buwan na hinditalaga maari ang gustong mangyari ng araw at galit na sinigawan ang asawa sa
pagkukulangnito.”Lagi ka na lang ganyan! Hindi ka marunong sumunod sa kautusan.

Noong nakaraan ay inutusan kitang palitan ng ibang kulay ang asul na karagatan, at pantayin
naman ang mga bundok at burol sa kanluran ngunit ano ang iyong ginawa? Ipinagkibit-balikat muna
lang ang kautusan ko.” Galit na sinisi ng araw ang asawang si buwan.Napuno na ang salop at galit
na sinagot ng buwan ang mapang-abusong asawa. “Asawa moako at hindi utusan. Ako ay iyong
kapantay. Kung ituturing mu din lang akong utusan ay mabuti pang maghiwalay na tayo!”, maluha
luhang pagtatapos ng asawa.”Kung ayan ang kagustuhan mu ay susundin ko”, pagmamataas ng
asawang araw.”Sa aking pag-alis ay isasama ko ang mga anak natin. Ako ang ina nila.””Isasama sila,
para ano? Mamatay sa lamig mo?” ang paghahamon at panunukso ng araw.”Kung sa iyo sila sasama
ay mamatay lamang sila sa init mo!” ang mariing pagtutol ngasawa.”Ako ang ang ama, sa akin sila!”
dabog ng araw at hinila ang ngayo’y umiiyak na mga batang bituin.”Ako ang tunay na nagmamahal
sa kanila, at kayakap nila. Sa akin sila sasama!” Paghatak naman ng inang buwan sa mga anak
niyang bituin.

Sa kanilang pag-aaway at paghila sa mga bata ay nahulog sa kalawakan ang kanilang mgaanak.
Agad na hinabol ng ina ang mga anak na patuloy na lumalayo patungo sa kalawakanhabang ang
amang araw ay magiting at mapangmataas na tumayo lamang sa kanyang tronopara sa pagbabalik
ng kanyang asawa at mga anak.

Ito ang dahilan kung bakit magiting na nakatanglaw ang mainit na araw sa tanghaling tapat,habang
sa gabi naman ang buwan ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa karimlan nggabi kasama ang
kanyang mga anak sa bituin sa kalangitan.

You might also like