Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANGALAN: ___________________________ SEKSYON: ___________ PETSA:

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO – FLORANTE AT LAURA, WEEK 3: 4 TH QUARTER

Kasanayang Pampagkatuto:
F8PN-IVg-h-37: Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan.
F8PD-IVf-g-36: Nabibigyang-reaksyon ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1


Panuto: Basahin nang may damdamin ang mga berso o saknong. Pagkatapos ay suriin ang
damdaming namamayani sa mga tauhan.

_____ 1. “Gerero’y namangha nang ito’y marinig a. pagtataka


Pinagbaling-baling sa gubat ang titig b. pagsasaya
Nang walang makita’y hinintay umulit, c. pagkagalit
Di naman naglao’y nagbangong humibik.”
_____ 2. “Lumagi ka nawa sa kaligayahan a. pagseselos
Sa harap ng di mo esposong katipan, b. pagkalungkot
At huwag mong datnin yaring kinaratnan c. pagkainis
Ng kasing nilimot at pinagliluhan.”
_____ 3. “Di ko na masabi’t luha ko’y nanatak a. panghihinayang
Nauumid yaring dilang nangungusap b. pagkaawa
Puso’y nanlalambot sa malaking habag c. kawalang pag-asa
Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.”
_____ 4. “Bayang walang loob, sintang alibugha, a. pagkagalit
Adolfong malupit, Laurang mandaraya b. pagkaawa
Magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa c. pagkalungkot
At masusunod na sa akin ang nasa!”
_____ 5. “Gulong-gulong lubha ang kaniyang loob, a. kawalang pag-asa
Nguniy napayapa nang anyong kumilos b. nabuhayan ng pag-asa
Itong abang kandong na kalunos-lunos c. nasaktan ang kalooban
Nagising ang buhay na nakakatulog.”

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2


PANUTO: Suriing mabuti ang mahalagang mensahe at damdaming taglay ng akda

_____ 6. Hindi Kristiyano si Aladin subalit isinabuhay niya ang sinasabi ng Bibliya sa Mateo 5:44,
“Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin
ninyo ang mga umuusig sa inyo.”

A. Kahit na hindi magkasundo ang kanilang lahi, hindi nag-alinlangan si Aladin na tulungan
si Florante na nakatali sa puno at muntik nang makain ng dalawang leon.
B. Hindi magkasundo ang kanilang lahi kaya pinabayaan na lamang ni Aladin si Florante na
nakatali sa puno at kainin ng dalawang leon.
C. Kailanman ay hindi magkakasundo ang kanilang mga lahi dahil sila ay mortal na
magkaaway.

_____7. Mahal na mahal ni Florante ang kaniyang ama. Ang matinding hirap na pinagdaraanan
niya ay napagagaang ng masasayang alaala nilang mag-ama.

A. Masaya na si Florante na lumisan na ang kaniyang ama dahil hindi na siya


mapapahirapan nito.
B. Ang alaala ng kaniyang ama ang nagsisilbing lakas niya.
C. Hindi na niya maalala ang mga pangyayari noong nabubuhay pa ang kaniyang ama.

_____ 8. Malupit ang ama ni Aladin. Hindi siya nakaranas ng pagmamahal mula rito. Sa halip ay
ang ama pa niya ang naging sanhi ng kaniyang mga paghihirap at masaklap na kabiguan.

A. Naalala ni Aladin ang masasayang araw na kasama niya ang kaniyang amang si Sultan
Ali-Adab.
B. Hindi mapapantayan ng kahit anong bagay sa mundo ang pagmamahal na ibinigay ng
kaniyang ama sa kaniya.
C. Pawang kalungkutan at pagdurusa ang naranasan ni Aladin sa piling ng kaniyang ama.
_____ 9. Binanggit ni Florante ang kaniyang hinanakit hindi lamang sa kaniyang bayan kundi
maging kay Laura dahil inakala niyang tinalikuran na siya ng dalaga.

A. Punung-puno ng kahirapan si Florante sa kabila ng kaniyang sinapit.


B. Punung-puno ng kalungkutan si Florante sa pag-aakalang nagtaksil si Laura.
C. Punung-puno ng panghihinayang si Florante sa mga panahong hindi niya nakasama si
Laura.

_____ 10. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat;masaklap na bunga
na maling paglingap habag ng magulang sa irog na anak.

A. Kapag panay kasiyahan lang ang nararanasan ng isang bata, magiging mahina siya
paglaki.
B. Malayo ang mararating ng taong lumaki sa layaw.
C. Puno ng karanasan ang isang batang laki sa layaw kaya magtatagumpay siya paglaki
niya.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3


PANUTO: Suriin at ibigay ang inyong reaksiyon sa mga sumusunod na saknong mula sa akdang
Florante at Laura. Piliin ang titik ng tamang sagot.

11. “ Yaong Selyang laging pinanganganiban, baka makalimot sa pag-iibigan,


Ang ikinalubog niring kapalaran sa lubhang mallim na karalitaan.”
A. Malulungkot B. matatakot C. mag-aalala

12. “Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, dawag na matinik ay walang pagitan;
Halos naghihirap ang kay Pebong silang, dumalaw sa loob na lubhang masukal.”
A. Matatakot B. Maaawa C. malulungkot

13. “Ang lahat ng ito, maawaing langit, iyong tinutunghaya’y ano’t natitiis?
Mula ka ng buong katuwira’t bait, pinapaygan mong ilubog ng lupit.”
A. Magagalit B. maaawa C. malulungkot

14. “ Sa sinapupunan ng Konde Adolfo aking natatanaw si laurang sinta ko;


Kamataya’y nahn ng dating bangis mo ng di ko damdamin ang hirap na ito.”
A. Magagalit B. malulungkot C. maaawa

15. “ Lumagi ka nawa sa kaligayahan, sa harap ng di mo esposong katipan,


At huwag mong datnin yaring kinaratnan ng kasing nilimot at pinagliluhan.”
A. Magseselos B. malulungkot C. magagalit

PERFORMANCE TASK BILANG 3:


PANUTO: Sa ating bansa ay hindi na bago ang pandaraya tuwing eleksiyon.Tulad ni Adolfo,ang
mga kandidatong nanalo ay hindi nagiging mabuting pinuno dahil ang layunin nila ay hindi upang
maglingkod kundi gamitin ang posisyon para sa pansariling kapakinabangan.Bilang isang
kabataan paano mo hihikayatin ang mga tao na pumili n gmabuti at matalinong pinuno.
Sumulat ka ng isang islogang hihikayat sa mga botante na maging matalino sa pagpili ng tamang
kandidato, huwag ipagbili ang boto at huwag magpasailalim sa takot upang maihalal ang
mahuhusay at mabubuting kandidatong tunay na maglilingkod sa bayan.Isulat sa isang bond
paper o sa intermediate pad ang iyong islogan. Gamiting gabay ang pamantayan na nasa ibaba.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Malinaw ang mensahe ukol sa tamang pagpili
ng lider
Epektibo at makakapukaw ng atensyon ng mga
tao
Gumamit ng mga angkop na mga salitang
madaling maunawaan
Kabuoang puntos
5-Napakahusay 3-katamtaman 2- Di -Mahusay
4-Mahusay 1- Sadyang Di-mahusay

You might also like