Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Magandang hapon po.

Tayo po ay nasa ika 16 na linggo sa


Karaniwang panahon. Sa ating ebanghelyo ay ating
mapapakinggan ang kahalagahan ng Pagtanggap, Pakikinig,
Pananahimik , Pananalangin at pagpili sa higit na tama. Sa
panahon ngayon, mas pinapahalagahan natin ang pagiging
produktibo at matagumpay sa buhay. Ang ating mga gawain
ang nagiging tuwirang hadlang sa ating pagbibigay ng oras sa
Panginoon at pakikinig sa kanyang Salita. Simple lamang ang
hinihingi sa atin at siya rin hamon, maglaan tayo ng panahon na
huminto, makinig, manahimik, manalangin at tanggapin ang
Panginoon. Magnilay po tayo!

Panginoong Hesus, sa mga panahon nakaliligtaan namin na


makinig sa Iyo dahilan sa marami naming gawain at
pinagkakaabalahan. Panginoon, kaawaan mo kami!
Kristo Hesus, sa mga panahon mas pinahahalagahan namin ang
mga bagay na nagbibigay aliw sa aming sarili, mga walang
saysay na pakikipagtalastasan, at nakalimutan namin ang
makinig sa tinig mo at magdasal. Kristo, kaawaan mo kami!
Panginoong Hesus, sa mga panahong inaakala namin na sapat
na ikaw ay aming kinikilala ngunit di ka namin makita sa
presensya ng aming kapwa at lagi kaming sarado sa kanilang
mga pangangailangan. Panginoon, kaawaan mo kami!
Upang ang tagapamuno ng Inang Simbahan ay palagiang
makinig at sumunod sa atas mo, upang tulungan nila ang
Sambayanan na hubugin sa kapakumbabaan at pahalagahan
ang pakikinig sa Tinig ng Ama. Manalangin tayo!
Upang ang tagapamuno ng Pamahalaan ay palagiang makinig sa
tinig ng malilit at nasa mas mababang antas sa lipunan upang
mas makita nila ang pangangailangan at mas dapat pag ukulan
ng sapat na aksyon at tulong. Manalangin tayo!
Upang ang lahat ng naghahanapbuhay ay magkaroon ng
panahon upang pansamantalang huminto, magdasal at
magnilay sa Salita ng Diyos. Manalangin tayo!
Upang mga mga maysakit, naghihirap at nasa bilangguan at
tumanggap ng mga taong sa kanila ay dadalaw at kakalinga,
magbibigay ng pag ibig at pagdamay. Manalangin tayo!
Upang tayong lahat ay patuloy na maghatid ng kakayahang
makinig sa opinyon ng ating kapamilya, kaopisina, kaibigan at
kapwa. Manalangin tayo!
Sa araw na ito Panginoon, inaanyayahan ka namin pumasok sa
aming mga puso. Buong kagalakan ka namin Pinupuri at
pinasasalamatan sa inyong mapagmahal na pagkalinga at
paghahandog sa amin ng mga biyaya upang patuloy kaming
mabuhay. Ang bawat silay namin sa dakilang Araw ay isang
malaking pagpapala na aming tinatanggap buhat sayo at isang
pagkakataon upang masuklian namin ang iyong kabutihan.
Salamat sa kalikasan na sa iyong kumpas ay yumayabong na
ganap nang sa gayon kami rin ang higit na kumalinga upang sa
tamang panahon kami pa rin ang siyang makikinabang. Salamat
sa Banal na Eukaristiya na aming sama sama at buong lugod na
tinanggap, nawa sa pagdaloy nito sa aming katawan ay
maghatid sa amin ng kalakasan at magpalakas ng aming
kakayahan na makinig at makipag usap sayo tuwina. Salamat po
sa bawat isa naririto, sa aming Paring gabay Fr. Imay sa kanyang
pagpapahatid sa amin ng Inyong Banal na Salita, sa
pamamagitan nito tinatanggap ng bawat isa ang inyong buhay
na presensya. Maraming salamat po Ama. Amen.

You might also like