Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAIKLING KWENTO –

“MIRASOL NA BESTIDA”

Isang makulimlim na araw, ang kaninang maliwanag na panahon ay tila sumama ng matakpan ng
makakapal at maiitim na ulap ang asul na kalangitan, tila pinapahiwatig na malapit ng umulan, isang
babaeng nakapusod ang buhok at naka dilaw na bistida na may desinyong mga mirasol sa kaniyang
damit ang kanina pang nakatayo sa ilalim ng lilim na puno nakatanaw sa malayo na parang mayroong
hinihintay, nag sisimula ng kumulog at unti unti ng pumapatak ang ulan subalit parang wala lang sa
babae ito at patuloy na naghihintay, ang mga tao sa lugar ay nag simula ng mag sialisan upang humanap
ng masisilungan, isang dalaga na nakapayong ng kulay asul ang lumapit sa babae “ahm, umuulan na
sumilong ka muna” tiningnan siya ng babae at nginitian “ mayroon akong hinihintay, ang aking
kasintahan, espesyal ang araw na ito para saakin mag dadalawang taon na kami at ito ang madalas
naming tagpuan” kwento ng babae “pasensya na at naistorbo kita hindi ko lang mapigilan na hindi ka
lapitan lalo na at umuulan, sigurado ka bang dadating pa yung hinihintay mo? Kanina ka pa dito ah”

“sigurado ako na dadating ang aking mahal na Andrew, mahal ako nun” sagot ng babae, bumadha ang
pag aalala ng dalaga sa babae “ ano ang iyong ngalan?” “ ako si…..” napatigil ito at parang may pilit na
inaalala “ ayos lang, meron nga din akong hinihintay ang aking asawa anibersaryo din namin ako ng
apala si Veronica.” Biglang mayroong dumating na isang lalaking maayos at malinis ang pagkakayos ng
buhok nito, kayumanggi ang balat matangos ang ilong at napakakisig tignan kahit may katandaan na ito.
“ ayan na pala ang asawa ko, sige at mauuna na kami, sigurado ka bang dito ka lang?” tanong ni veronica
natigilan ang babae “ d-drew? Drew! Dumating ka mahal ko sabi ko na nga ba at dadating ka-” naputol
ang kaniyang sasabihin ng magsalita ang kaniyang asawa “ Mahal ko kanina ka pa ba nag hihintay?
Pasensya na at natagalan may dinaanan lang ako” napangiti ang dalaga at hinagkan ang kaniyang mahal
na asawa “Ang mahalaga ay nandito ka na tara na, ahm lola mauuna na kami, mag iingat ka dito”
nginitian lang siya ng babae “ mahal, sino ang kauusap mo?” lumingon muli si veronica subalit laking
gulat niya nang wala na siyang masumpungang babae ang nasa isip niya ay baka umalis na ito. “ wala
naman mahal, may nakausap lang akong babae kanina, naawa ako kasi kanina pa siya dun may
hinihintay yung kasintahan niya daw, basang basa na nga siya ng ulan eh” bigla siyang niyakap ni
Andrew naguluhan naman siya “ ahm mahal ayos ka lang ba?” “ ayos lang ako mahal ko, masayang
masaya lang ako na andito ka na kasama ko.” Napangiti si veronica sa sinabi ni Andrew. “ tara na?”

“ mahal saan tayo pupunta?” nginitian lang siya ni Andrew at nagmaneho nang nakarating na sila sa
kanilang destinasyon bumadha ang pagtataka ni veronica, dapat ay namamasyal sila ngayon pero bakit
andito sila sa harapan ng isang malaking ospital “ Drew sino ang may sakit? Sino ang bibisitahin natin
dito?” subalit malungkot na ngiti lang ang sinagot sa kaniya ni Andrew at iginiya na siya nito papasok,
“magandang umaga sir Andrew buti naman at nahanap niyo na si maam veronica, sa park ba ulit?’’
tanong ng isang nurse tango lang at isang malungkot na ngiti uli ang isinagot ni Andrew, samantalang
punong puno nanaman ng pagtataka si veronica, bakit sila nandito sa hospital, bakit parang ang lungkot
ng mga ngiti ng mahal niya, pumasok sila sa isang silid kung saan may isang babaeng naka suot ng puting
roba sa tingin niya ay isa itong doctor. “ Mabuti naman at nahanap mo uli siya” saad ng doctor sa
kaniyang asawa “ doc, anon pa ba ang pwede kung gawin para gumaling siya” “ alam mo naman na
Andrew na wala ka ng magagawa tungkol sa sakit niya , ang gawin mo nalang ay alagaan, mahalin, at
pasayahin siya, lumalala na ang karamdaman niya, hindi basta basta ang sakit na Alzheimer at sa
sitwasyon ng asawa mo wala na tayong magagawa nasa last stage na siya nang sakit niya.” Napayakap
nalang ng mahigpit si Andrew sa kaniyang asawa. Napakasakit isipin na madalas ay hindi siya maalala ng
kaniyang asawa, madalas pumupunta si veronica sa park kung saan sila dati nag kikita at namamasyal
ang akala nito ay magkasintahan pa lamang sila, 50 years old na si veronica pero habang lumilipas ang
panahon lumalala din ang sakit niya minsan ay nagiging isip bata pa siya, ang sabi ng doctor nasa huling
stage na daw ng Alzheimer’s disease si veronica, hindi alam kung hanggang kailan nalang siya dito sa
mundo, pero hindi siya kailanman sinukuan ni Andrew. Kaninang umaga nagising siya na wala nanaman
si veronica, alam niya na agad kung saan ito pumunta naabutan niya si veronica na tulala sa kawalan at
parang kinakausap ang sarili habang umuulan. I

You might also like