Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Oriental Mindoro
Baco District
BAYANAN ELEMENTARY SCHOOL
Bayanan, Baco Oriental Mindoro

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

I. Panuto: Guhitan ang mga ginamit na pangngalan sa mga mangungusap.


1. Bumagsak ang kabinet kaya nasira ang mga laruan
2. Kaarawan ni Nanay, pumunta kayo.
3. Mabait ang mga nars na nag-aalaga sa mga maysakit.
4. Dinala sa ospital ang mga bata upang mabakunahan.
5. Si Muning ang alaga kong pusa sa bahay.

II. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Ibigay ang pormal na depinisyon ng mga
initimang salita sa usapan.
____6. Yehey! Ako ay nakakuha ng kaiga-igayang marka sa pagsusulit.
A. mataas na marka B. pasang-awa
C. nakakaiyak na marka D. mabibigyan ng pera
____ 7. Randy may sakit ka ba? Kailangan mo nang magpatingin sa doktor.
A. magpunta sa botika B. magpagaling
C. komunsulta sa doctor D. bumili ng reseta
____ 8. Ayon sa mga dalubhasa ay mas lalong lumalala ang estado ng global
warming sa buong mundo.
A. matalino B.eksperto C. mag-aaral D. guro
____ 9. Tinuturo ni tatay ang mga uhay ng palay na hinog na at maaari ng anahin.
A. bulaklak B. ugat C. tangkay D. dahon
____ 10. Kailangang ibigkis ang walis-tingting upang hindi ito magkahiwalay.
A. pagsamahin B. itali C. ihiwalay D. ibuklod

Panganay
ni Meagan Alexis A. Almasco
Bata pa lamang ay pangarap na ni Aryana na matulungan ang kanyang pamilya. Siya ang
panganay sa siyam na magkakapatid. Ang kanyang tatay ay magsasaka at nagtitinda naman ng mga
kakanin ang kanyang nanay.
Hangang-hanga si Aryana sa kanyang mga guro kaya nais niyang makapagtapos ng pag-aaral
upang maging katulad nila at matulungang mapag-aral ang mga nakababata niyang kapatid.
Pagkatapos ng kanyang klase at tuwing wala siyang pasok ay sinasamahan niya ang kanyang nanay
sa pagtitinda at tumatanggap din siya ng tutorial upang makadagdag sa kanilang gastusin.
Hindi nagtagal, dahil sa sipag, determinasyon at pagsusumikap ay nakapagtapos si Aryana
sa kolehiyo at naging lisensyadong guro ngunit hindi pa dito natapos ang kanyang pangarap. Mula sa
mga naiipon niya sa konting natitira sa kanyang sahod ay nakapag-ipon siya ng pera na kanyang
ginawang puhunan upang makapagtayo ng isang munting restaurant na pinangalanan niyang
“KusinangNatatangi”.
Napagtapos ni Aryana ang kanyang walong kapatid. Dalawa ay naging guro katulad niya,
dalawa rin ang naging pulis, isa ang nagging seaman, dalawa ang naging doktor, at isa ang naging
abogado. Patuloy pa rin ang pagtulong ni Aryana sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Namimigay ng scholarship si Aryana at ang kanyang mga kapatid sa mga batang hindi nabibigyan ng
pagkakataong makapag-aral sa kanilang probinsiya.
____ 11. Ano ang pamagat ng kwento?
A. Panganay B. Kapatid C. Kusinang Natatangi D. Si Aryana
____ 12. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
A. Liana B. Aryana C. Althea D. Ashley
____ 13. Sa anong nagsimula ang kwento?
A. Nakapagtapos ng pag- aaral si Aryana
B. Nagbukas sila ng isang restawran.
C. Hinahangaan ni Aryana ang kanyang mga guro
D.Napagtapos niya ng pag- aaral ang kanyang mga kapatid
____ 14. Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan sa kwento?
A. Ulila sila sa mga magulang. C. Marami silang magkakapatid.
B. Nasunog ang kanilang bahay. D. Walang hanapbuhay ang kanyang mga magulang.
____ 15. Ano ang wakas ng kwento?
A. Nakapagpatayo si Aryana ng sarili niyang restawran.
B. Nakapagtapos din ng pag- aaral ang kanyang mga kapatid.
C. Tumutulong sila sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship.
D. Nagbakasyon sila sa iba’t ibang bansa.

III. 16-20- Panuto: Pag-aralan ang larawan at pangungusap na nasa ibaba. Punan ng
bilang 1-5 sa patlang.

IV. Basahin at isulat ang salitang nawawala sa bawat taludtud upang mabuo ang
tugma ng tula. Piliin ang sagot sa mga bilog.

Salamat
Maraming salamat sa inyong 21._____________
Walang makakapantay sa inyong sakripisyo
Hiwalay man kayo sa inyong mga 22.___________
Inyo pa ring kinakaya
Ang pandemyang ito’y ating 23. _______________
Ngunit kayo pa rin ay lakas loob na pumapasok
Kami ay saludo sa inyong 24._________________
Buong puso naming tatanawin ang inyong pagod.
Maraming salamat sa bawat sa 25. __________
Lahat kami ay sumusunod sa gobyerno
Para makaligtas at iwasan ang pagkalat
Dahil sa sakit na ito’y kami namulat
V. Panuto: Lagyan ng O kung ang pahayag ay opinion at R kung ang pahayag
ay reaksyon.
____ 26. Ang sakit na ito ay nagmula sa tinatawag na coronavirus. Batay sa narinig
kong balita, hindi lamang tao ang maaaring mahawaan nito kundi pati na rin ang
mga hayop.
____ 27. Oo. At saka mayroon pa. Malalaman mong nahawaan ka na nito kung
nakaranas ka ng mga sintomas tulad na lamang ng mataas na lagnat, pag-ubo,
hirap sa paghinga at marami pang iba.
____ 28. Alam mo ba ang bagong balita ngayon sa TV at Radyo? Ito ay ang mabilis
na pagdami ng kaso ng mga taong nahawaan ng nakamamatay na sakit.
____ 29. Mukhang nakakatakot naman yata.
____ 30. Sa aking palagay, mas maganda siguro kung sumunod tayo sa mga utos
ng awtoridad nang sa ganun ay maprotektahan tayo laban sa dulot ng virus.

VI. Panuto: Gamitin ang wastong panghalip sa patlang. Piliin mula sa kahin ang
wastong sagot.
Sinuman Gaanoman kami Sino- sino ako

___________ 31. Maliligo _____ sa Masuso Resort. (kasama ang sarili)


___________ 32. ______ na ang nakapunta sa Infinity Farm? (maramihan)
___________ 33. ___________ ay maaaring lumahok sa patimpalak sa balagtasan.
___________ 34. ___________ kalayo ang iyong bahay ay mararating din natin.
___________ 35. Magdadala _____ ng melon at mangga. (isahan) (sarili)

VII. Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong sarili. Sundan ang gabay upang
maipakilala nang maayos ang sarili. Sa talata, ibigay ang iyong:
Pangalan, edad, petsa ng kapanganakan, pangalan ng mga magulang at kapatid,
pangalan ng paaralang pinapasukan at kung anong baiting.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

You might also like