Nasyonalismo Sa Europa at Iba't Ibang Bahagi NG Daigdig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 8

Quarter 3
(Marso 13, 2024)

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Naipamamalas ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa makabagong
panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga
kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan
kamalayan.
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):
Kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa,
komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa
makabagong panahon.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies:
Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at
iba’t ibang bahagi ng daigdig.
a. Naibibigay ang kahulugan ng Nasyonalismo;
b. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa Nasyonalismo; at
c. Naitatala ang mga pinuno na nanguna sa paglunsad ng Nasyonalismo.

II. NILALAMAN:
Paksang Aralin: Nasyonalismo sa Europa at Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig
Sanggunian:
1. Kasaysayan ng Daigdig 8
Mga Pahina ng Gabay ng Guro:
Mga Pahina ng Gabay ng Pang Mag-aaral: 413-420
2. Self-Instructional Packets
Mga Kagamitang Pangturo: Laptop, TV
Integrasyong Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Bansa

III. PAMAMARAAN:
A. Paunang Gawain
- Pagdarasal
- Pagtatala ng Liban
B. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
(Subukin)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Bakit nagkaroon ng ikalawang yugto ng kolonyalismo?
2. Paano nakaapekto ang ikalawang yugto ng kolonyalismo sa mga
bansang nasakop?

C. Pagganyak:
Gawain: Bansa mo, Alamin mo!
Panuto: Piliin ang tamang sagot batay sa mga larawang pinapakita.

1. A. Bandila
B. Banner
C. Poster

2. A. Tinikling
B. Carinosa
C. Sayaw sa Bangko

3. A. Maya
B. Haribon
C. Agila

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


Picture Analysis
Panuto: Suriin ang nilalaman at mensaheng ipinapakita ng larawan,
sagutan ito nang pasalita.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mensahe ang pinapakita ng larawan?
2. May kinalaman kaya ang larawang ito sa ating paksa? Ipaliwanag.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng Nasyonalismo?
2. Sa paanong paraan umusbong ang Nasyonalismo?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na pamumuhay


Gawain: Ipakilala Mo Ako sa Madla!
Panuto: Kilalanin ang mga personalidad nagpakita ng Nasyonalismo ang
tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

Ako ang tagapagligtas ng Russia


mula sa mananakop na Tartar. _____________________1.
Nanalo sa Labanan ng Oka.

Ako ang nanguna sa pagpapataboy


sa mga Espanyol sa Argentina

________________________2.
Ako ang tinatawag na ___________________3.
“Liberator”

Hindi ako nagtagumpay sa aking paglaban


sa Kalayaan ng Venezuela at namatay
akong may sama ng loob sa mga Espanyol.
_____________________4.

__________________5.
Ako ang humalili kay Lenin at
pinamunuan ko ang Soviet Union.

G. Paglalahat:

1. Paano nakaimpluwensya ang Rebolusyong Intelektwal sa pagsibol ng


damdaming nasyonalismo?
2. Batay sa naging karanasan ng iba’t -ibang bansa sa daigdig, kailan nadarama
ang nasyonalismo?
3. Sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay
ng halimbawa.
IV-Pagtataya:

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.


1. Ito ay tumutukoy sa damdamin at paniniwalang makabayan na naguugat sa
pagmamahal; sa isang bansa o estadong kinabibilangan
A. Idealismo B. Nasyonalismo
C. Rebolusyon D. Repormasyon
2. Ito ang itinawag sa Russia noong 1923.
A. Democratic of Russia B. Republic of Russia
C. Soviet Union D. Soviet Republic
3. Kung si Bolivar ang naging Bayani sa South America, siya naman ang nagtaboy sa
mga Espanyol sa Argentina
A. Francisco de Miranda C. Jose de San Martin
B. Juan Manuel de Rosas D. Antonio Jose de Sucre
4. Siya ang tagapagligtas ng Russia sa labanan ng Oka laban sa mga mananakop na
Tartar o Mongol sa mahabang panahon na pagkakaalipin.
A. Alexander the Great B. Darius the Great
C. Cyrus the Great D. Ivan the Great
5. Paano maipakikita ang pagiging nasyonalismo sa kasalukuyang panahong dagsa
ang mga dayuhang produkto mula sa kasangkapan, damit at pagkain? Maliban sa
isa.
A. Hindi lamang sa pagtangkilik ng produktong Pilipino maipapakita ang
pagmamahal sa bayan.
B. Maaaring sa ibang bagay hindi natin matangkilik ang produktong Pilipino, pero
ang pagpapatuloy ng ating mga putahe sa ulam ay tiyak na nasyonalismo.
C. Hindi maiiwasan ang pagbili ng mga dayuhang produkto kaya patuloy natin
itong gawin.
D. Suportahan ang mga produktong Pilipino sa pagbabahagi ng mga larawan o
video ng ipinagmamalaki nating produkto.

V. Takdang Aralin:

Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagbibigay ng kahalagahan sa


damdaming nasyonalismo sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang rubrik bilang batayan
sa inyong sanaysay.

Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Kalapitan ng tema/paksa 5
Husay ng pagkakasulat 5
Kabuuan 20
VI- Puna:

You might also like