Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

[Type here] [Type here] [Type here]

TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

IKATLONG YUGTO:
Ikalawang Laban: Ang Pakikipaglaban kay MANANANGGAL

Ang MANANANGGAL ay kabilang sa pangkat ng mga


aswang, siya ay ordinaryong tao ngunit nagbabagong-anyo
pagsapit ng dilim, humihiwalay ang kanyang kalahating
katawan, nagkakaroon siya ng pangil at pakpak at gumagala sa
gabi upang makahanap ng bibiktimahin. Alipin niya ngayon ang
mga lingkod-bayan. Kung madali lang sa iyo ang pakikipaglaban
sa mga nauna, ibahin mo si MANANANGGAL. Siya ang may
hawak ng GINTO na siyang magbibigay ng wakas sa pang-
aaalipin ng mga tao sa yugtong ito. Mula sa kanya,
mapapakawalan mo ang isang Diyos, si DUMAKULEM, ang
Diyos ng HIYAS MAKAKALIKASAN. Galingan mo bata!

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Kumusta ka, BATA! Balita ko ay natalo mo ang


MANGKUKULAM dahil sa iyong galing at husay. Ako naman ang
makakalaban mo ngayon. Nagawa mo nang madali ang mga
pagsubok dahil sa pagpapahalaga mo sa mga bayaning buhay.
Ngayon ang hamon ko sa iyo ay hindi magiging madali sa iyo
dahil ang iyong ililigtas ay ang mga lingkod-bayan sa inyong
lugar!
Kung magiging mahusay ka sa iyong pagsagot sa hamon
na ibibigay ko ay makukuha mo sa akin ang ikatlong BATO: ang
GINTO! Maisasalba mo na ang mga tao at si DUMAKULEM!

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Ikalawang Laban: BATONG GINTO

IKATLONG MARKAHAN
MODYUL 2
PANG-URI
(150 minuto)

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

inaasahang matukoy ang


pang-uri at mga kaantasan nito nang ikaw ay makalahad ng iyong
opinyon tungkol sa panununungkulan sa bayan. Sa partikular, ikaw ay
inaasahang:
1. nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at
tekstong napakinggan gamit ang pang-uri;
2. naipapahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang
napakinggang balita, isyu o usapan gamit ang mga pang-uri;
3. naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang
teksto at datos na hinihingi; at
4. nakasusulat ng simpleng talumpati batay sa nabuong panukala
gamit ang pang-uri.

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Natitingnan kung maayos ang pagsagawa ng talumpati bago ito isaulo.

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

1. makupad
2. maliit
3. matamis Hitsura Ugali

4. mapakla
5. tuwid
6. mataba
7. masarap
8. masipag Sukat Lasa
9. mabait
10. maikli
11. mapait
12. malapad
13. matigas
14. marikit
15. maitim

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Tanawin/Paliwanag

1.
2.
3.
4.
5.

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o


panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga
salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan
ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
Halimbawa:
1. Masaya ang aking nanay.
2. Di-gaanong mataas ang nakuha kong iskor kanina sa pasulit.
3. Ang sampaguita ang pinakamabango sa lahat ng bulaklak.

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Kayarian ng Pang-uri
May apat na anyo/kayarian ang mga pang-uri. Ito ay ang mga
sumusunod:
Payak
Ito ay binubuo ng mga salitang-ugat lamang.
Halimbawa: hinog, sabog, ganda
Maylapi
Ito ay mga pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: tinanong, kumakain, pagmahal
Inuulit
Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o
bahagi ng salita.
Halimbawa: pulang-pula, puting-puti, araw-araw, gabi-gabi
(Hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro)
Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.
Halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas,
kapit-tuko, bahag-buntot

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Uri ng Pang-uri
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:

Panlarawan
Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at
hugis ng mga pangngalan o panghalip.
Halimbawa: munti, biluhaba, matamis, malubha
Pantangi
Sinasabi nito ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang
pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang
pangngalang pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay
naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.
Halimbawa: wikang Ingles, kulturang Espanyol, pagkaing Iloko
Pamilang
Ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng
pangngalan o panghalip. May ilang uri ito.

Patakaran
Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal
na bilang o numeral. Halimbawa: isa, apat, limang libo

Panunuran
MONSANTO.TIMAY SALAZAR
Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng
TINTA 5

Patakaran
Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga
basal na bilang o numeral.
Halimbawa: isa, apat, limang libo
Panunuran
Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-
sunod ng mga tao o bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao
o bagay.
Halimbawa: ikatlo, una, pangalawa
Pamahagi
Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang
unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na pamamahagi (equal
distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o
natanggap ay parepareho.
Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang
(fraction sa Ingles) ang pamahaging pamilang. Ginagamit din ang
salitang bahagdan, persentahe, o porsiyento pagkatapos ng bilang para
sa bahagi ng isang daan.
Halimbawa: kalahati, limang-kawalo, sangkapat

Pahalaga
Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o
anumang binili o bibilhin.MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Pahalaga
Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o
anumang binili o bibilhin.
Halimbawa: piso, limampung sentimo, sandaang piso
Palansak
Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o bagay.
Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay
na pinagsama-sama.
Halimbawa: dalawahan, sampu-sampu, animan
Patakda
Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na
ito ay hindi na madadagdagan o mababawasan pa.
Halimbawa: iisa, dadalawa, lilima

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Antas ng Hambingan ng Pang-uri


May tatlong antas ng hambingan ng pang-uri.
Lantay
Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip.
Halimbawa: maliit, kupas, mataba
Pahambing
Ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
1. Magkatulad
Ito ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad.
Ginagamitan ito ng mga unlapi tulad ng ga-, sing-/kasing-, magsing-
/magkasing-.
2. Di-magkatulad
Ito ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi o pagsalungat.
Palamang - may higit na positibong katangian ang inihahambing
sa bagay na pinaghahambing. Gumagamit ng higit, lalo, mas, di-
hamak at iba pa.
Pasahol - may hugit na negatibong katangian ang
pinaghahambingan Gumagamit ng di-gaano, di-gasino, di-
masyado at iba pa.
Pasukdol
Ito ang pinakadulong digri ng kaantasan. Ito ay maaaring positibo
MONSANTO.TIMAY SALAZAR
o negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring
TINTA 5

Pasukdol
Ito ang pinakadulong digri ng kaantasan. Ito ay maaaring positibo o
negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumagamit ng
mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng ___, at kung
minsa'y pag-uulit ng pang-uri.

Pahambing

Lantay Di-magkatulad Pasukdol


Magkatulad
Palamang Pasahol

higit na di-gaanong
pangit kasing-pangit pinakapangit
pangit pangit

mas di-masyadong
maganda singganda ubod ng ganda
maganda maganda

magkasing- lalong di-gasinong tunay na


mabango
bango mabango mabango mabango

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

LUGAR PAGLALARAWAN
1
2
3
4
5

bandang Asin. Subuking mag-isip ng mga pamagat na maaari mong ipalit sa


kanta gamit ang mga pang-uri. Isulat ang sagot sa notbuk.

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Upang mas mapatunayan mo na naintindihan mo ang aralin natin


ay buksan mo ang iyong aklat na Pinagyamang Pluma.
1. Gawain 1: Sagutin ang Madali Lang Iyan at Subukin Pa Natin sa
pp. 175-176, 191-192.

MONSANTO.TIMAY SALAZAR
TINTA 5

Magsaliksik ng isang balita tungkol sa pananalasa ng bagyong


Odette sa Pilipinas. Magbigay ka ng reaksyon o opinyon mula sa dito.
Isulat ang sagot sa notbuk.

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

You might also like