MOD4 FPL (TechVoc)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
11
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)

Ang Manwal
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Modyul 4
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay
ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba't ibang anyo
ng sulating-teknikal-bokasyunal.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Ang Manwal
1
Inaasahan

Sa araling ito, matututuhan mo ang kahulugan, kahalagahan, uri at


balangkas ng Manwal. Sa larangang iyong pinili, higit mong kakailanganin
ang kasanayan sa Teknikal at Bokasyunal na pagsulat partikular sa pagsulat
ng Manwal.
Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
teknikal- bokasyunal.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa


kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay nagtuturo sa isang tao kung paano gamitin o gawin ang isang
bagay.
A. Manwal
B. Gabay
C. Panuto
D. Resipe
2. Isang uri ng manwal na tumutukoy sa pagbuo ng isang gamit,
alignment, calibration, testing at adjusting ng isang mekanismo
A. Manwal na Operasyonal
B. Manwal-Serbisyo
C. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit
D. Manwal ng Pagbuo
3. Ito ay naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o
regular na pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan at
pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
A. Manwal para sa gumagamit
B. Manwal na Operasyonal
C. Manwal ng Pagbuo
D. Manwal para sa Pagsasanay

3
4. Sa bahaging ito nakatala ang mga pahina at ang pagkakasunud-sunod
ng mga gawain sa loob ng manwal
A. Pabalat na Pahina
B. Talaan ng Nilalaman
C. Introduksiyon
D. Glosaryo para sa mga Termino
5. Sa bahaging ito matatagpuan kung tungkol saan ang manwal na ito.
A. Pabalat na Pahina
B. Talaan ng Nilalaman
C. Apendiks
D. Bibliyograpiya

Balik-tanaw

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa modyul na ito, Balikan natin


ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sulating teknikal-bokasyunal.
Tukuyin ang mga salita sa loob ng crossword puzzle. Isulat sa kwaderno
ang mga sagot.

1 4

5.

Pahalang
Pababa
2. Ito ang dahilan kung bakit
1. Dito Nakasaad ang kinakailangang maganap ang
daloy ng ideya ng pagpapadala ng mensahe.
kabuuang mensahe ng
komunikasyon 3. Sila ang tagatanggap ng
mensahe.
4. Pagtukoy ito sa estado
kaugnay sa layuning nais 5. Kinapapalooban ito ng tono,
iparating ng mensahe boses, pananaw at iba pang
paaraan kung paano
maipadadala ang mensahe.
4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang Manwal ay mga pasulat na gabay o reperensiyang materyal na


ginagamit sa pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho,
pagbuo ng mekanismo, pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya,
pagseserbisyo ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.
Layunin nitong magturo sa isang tao kung paano gagamitin o
gagawin ang isang bagay. Higit na komprehensibo at malawak ang saklaw
nito kaysa sa instruksiyon sapagkat ang mawal ay nagbibigay ng mga
panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng pagsasaayos ng mga
kompleks na kagamitan. Sa malalaking Sistema tulad ng eroplano o
sasakyan o sasakyan maraming magkakahiwalay na manwal ang
kinakailangan.

Uri ng Manwal ayon sa Gamit


 Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual) – Ito ay para sa konstruksiyon o
pagbuo ng isang gamit, alignment, calibration, testing at adjusting ng
isang mekanismo.
 Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User Manual o User’s
Manual) – Ito ay naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine
maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng mga
kagamitan at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang
mekanismo.
 Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – Ito ay kung paano
gamitin ang mekanismo at kaunting maintenance
 Manwal-Serbisyo (Service Manual) – Ito ay para sa routine maintenance
ng mekanismo, troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira o pagpapalit
ng depektibong bahagi.
 Teknikal na Manwal (Technical Manual) – Ito ay nagtataglay ng
espisipikasyon ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment,
diagnosis at pagbuo.
 Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual) – Ginagamit ito sa mga
programang pampagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal.

5
Balangkas ng Manwal
1. Pabalat na Pahina – Sa bahaging ito makikita ang pamagat. Ang
pamagat ay kailangang malinaw at sumasagot sa tanong na “tungkol
saan ang manwal na ito?” Kung nais lagyan ng disenyo dapat angkop
sa larangang paggagamitan.
2. Talaan ng Nilalaman – Dito nakatala ang mga pahina at ang
pagkakasunod-sunod
3. Introduksyon – Ipinapaliwanag sa bahaging ito kung ano ang nilalaman
ng manwal o tungkol saan ang manwal? Paano gagamitin ang manwal?
At sino ang gagamit o para kanino ang manwal?
4. Nilalaman – Makikita sa bahaging ito ang pagtalakay sa kung ano ang
pangunahing paksa kalakip ang mga biswal na may simbolo na
magagamit upang unawain ang mga bahagi ng manwal.
5. Apendiks – Ito ang mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa
kabuuan ng nilalaman ng manwal.
 Glosaryo para sa mga Termino- nakatala dito nang paalpabeto
ang mga termino ng mga bagay, proseso, gamit ng instrumento
at kahulugan ng mga ito.
 Talahanayang Reperensiya- ito ay nasa anyong talahanayan o
table ang mga reperensiyang ginamit sa mga pagsusuri ng datos
o sa alinmang bahagi ng papel o manwal.

Gawain 1
(Pakikipagtalastasan)
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra na makikita sa bawat kahon sa ibaba
at bigyan ng sariling pakahulugan batay sa mga impormasyong
inyong nabasa sa aralin na ito. Isulat ang sagot sa kwaderno.

LAWMAN RAPA AS NALAWM APAR AS


ASASPAGNAY TIMAGGUMA

_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
______________.
_______________.

6
LAWMAN AN NIKALEKT AN
SYONALOPERA LANMANW

_________________________ _________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_______________.
________________.

ALAWMN BISYOSER ANLAWM GN GAPUBO

_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
________________. _______________.

(Mapanuring Pag-iisip)
Gawain 2

Panuto: Alalahanin o balikang muli ang proseso kung paano magkaroon ng


sariling account sa Facebook. Isulat ang tamang hakbang sa
paraang madaling basahin at sundan ng mga taong nais gumawa
nito. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Facebook Account

1.

2.

3.

4.

7
5.

6.

7.

8.

9.

10.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

BATAYAN PUNTOS
Naibigay ang tamang hakbang sa paggawa ng Facebook Account 10
Naisa-isa nang maingat, wasto at may angkop na paggamit ng wika 10
ang mga hakbang sa paggawa ng Facebook Account
Payak at madaling unawain ang mga salita/pangungusap 10
KABUUAN 30

(Mapanuring Pag-iisip)
Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ng bawat bahagi ng manwal ang mga bagay
na makikita rito. Isulat sa kwaderno ang sagot.

PABALAT NA TALAAN NG INTRODUKSIYON


PAHINA NILALAMAN

8
NILALAMAN APENDIKS

Tandaan

Ang manwal ay isang teknikal-bokasyonal na pagsulat na


nagsisilbing gabay upang maisagawa nang maayos ang isang
komplikadong gawain ng mga target na awdiyens. Sa tulong din nito mas
pinadadali ang paggamit ng isang produkto o bagay.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.
1. Uri ng manwal na naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine
maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng mga
kagamitan, at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang
mekanismo
A. Manwal ng Pagbuo
B. Manwal para sa Gumagamit
C. Manwal para sa Pagsasanay
D. Manwal-Serbisyo
2. Isang uri ng manwal na tumutukoy sa pagbuo ng isang gamit,
alignment, calibration, testing at adjusting ng isang mekanismo
A. Manwal na Operasyonal
B. Manwal-Serbisyo
C. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit

9
D. Manwal ng Pagbuo
3. Ito ang uri ng manwal na naglalaman ng routine maintenance ng
mekanismo, trouble shooting, testing, pag-aayos ng sira, o pagpapalit
ng depektibong bahagi.
A. Manwal-Serbisyo
B. Teknikal na Manwal
C. Manwal na Operasyonal
D. Manwal Para sa Pagsasanay
4. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ng manunulat kung ano ang nilalaman
ng manwal, paano ito gamitin at sino ang gagamit nito?
A. Pabalat na Pahina
B. Talaan ng Nilalaman
C. Introduksiyon
D. Nilalaman
5. Sa bahaging ito matatagpuan ang pinakapuso ng isang manwal.
A. Pabalat na Pahina
B. Talaan ng Nilalaman
C. Introduksiyon
D. Nilalaman

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Nais kong ihalintulad mo sa isa sa mga kagamitang ginagamit ninyo sa


iyong larangang pinili ang kahalagahan ng manwal. Isulat ang iyong
paghahambing sa paraang venn diagram. Muli, isulat sa kwaderno ang sagot.

K
M A
A G
N A
W M
A I
L T
A
N

10
Sanggunian
Francisco, C. G. C., at Gonzales, M. G. H. (2016). Filipino sa Piling
Larangan (Tech-Voc). Manila: REX Book Store.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Anna Lissa G. Rodriguez
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagalapat: Lorena S. Club
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V,
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

11
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Tech-
Voc)
Unang Markahan-Ikaapat na
Linggo
Modyul 4

Unang Pagsubok Gawain 1 Pangwakas na


1. A 1. Manwal para
Pagsusulit
2. D sa Pagsasanay 1. A
3. A 2. Manwal para 2. D
4. B sa Gumagamit 3. A
5. A 3. Manwal na 4. B
Operasyonal 5. A
Balik-Tanaw 4. Teknikal na
1. Nilalaman Manwal
2. Layunin 5. Manwal-
3. Awdiyens Serbisyo
4. Sitwasyon 6. Manwal ng
5. Estilo Pagbuo
Gawain 2
Nakabatay sa
pamantayan sa
pagmamarka

12

You might also like