MOD8 FPL (TechVoc)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)

Promo Materials

Unang Markahan
Ikawalong Linggo
Modyul 8
Kasanayang Pampagkatuto:
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga
binasang halimbawang sulating teknikal- bokasyunal.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin

1 Promo Materials

Inaasahan

Ang araling ito ay tatalakay sa sulating teknikal-bokasyonal na may


kinalaman sa promotional materials. Matapos ang aralin, inaasahang ang mga
mag-aaral ay makasusulat, maiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat at
makabubuo ng isang promo materials.
Sa araling iyong kinukuha, higit mong kakailanganin ang kasanayan
tungkol dito.

Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:


Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang
halimbawang sulating teknikal- bokasyunal.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa


kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng


pangangalakal o pagnenegosyo.
A. Promo C. Flyer
B. Branding D. Leaflets
C.
2. Mahalagang isaalang-alang sa pagbuo ng promo materials.
A. Promo C. Branding
B. Kompetensya D. Target market

3. Ito ay kailangang isagawa upang maging katanggap-tanggap sa mga


konsyumer.
A. poster C. branding
B. promo D. testing

4. Nagsisilbing inspirasyon sa pagbuo ng promo materials.


A. tema C. branding
B. tagline D. testing

3
5. Ito ay makatutulong upang mapabuti ang produkto
A. promo C. flyer
B. branding D. leaflets

Balik-Tanaw

Pangatwiranan mo!

Panuto: Bigyan mo ng katwiran bakit mahalagang sumunod sa mga


hakbang at pormat sa pagsulat ng liham pangnegosyo.

Liham ng Pangnengosyo

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Alam mo ba na ang promo materials ang mukha ng isang kompanya?


Masasalamin dito ang branding o imahen ng kanilang produkto. Ang
promosyon o promo ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan
ng pangangalakal o pagnenegosyo. Ang promo ay isinasagawa upang
makahikayat o di kaya ay makapang-akit ng mga potensyal na kostumer.
Uso ngayon ang iba’t ibang social media flatforms bilang paggamit ng
promo materials. Nananatiling mahalaga pa rin ang paggamit ng iba’t ibang
anyo ng promo materials sapagkat di hamak na mas personal ito at mura
kumpara sa adbertisment, TV, radyo at billboards. Ginagawa rin ang
promo dahil nagkakaroon ng bagsak-presyo sa mga produkto maging ng
serbisyo.

4
Uri ng Promo Materials

1. Brochures. Ito ay ginagamit upang ipakilala ang produkto ng isang


kompanya o di kaya’y serbisyo na kanilang hatid.
2. Flyer. Ang pinakamurang paraan ng adbertisment at madalas na
ipinamamahagi sa pampublikong lugar.
3. T-Shirts. Isa ring paraan ng adbertisment kung saan kapag isinoot ay
madaling makita at mabasa sa madla.
4. Posters. Isang malaking larawan na ginagamit din bilang dekorasyon.
Madalas ang poster ay alinsunod sa tema o di kaya’y pagbibigay ng mga
anunsyo o kaganapan.
5. Custom Packaging. Promosyonal na materyal na ginagamit bilang
packaging o pambalot sa mga produkto. Sa ganitong paraan agad na
makikita kung anong produkto ang inilalako.
6. Direct Mail/Email Campaign. Anyo ng adbertisment na ipinadadala sa
pamamagitan ng e-mail. Ito ang pinkamadaling paraan upang mag-
advertise ng mga produkto o serbisyo.
7. Custom Postcards. Anyo ng adbertisment na madalas na ginagamit sa
mga kasal, binyag at mga mahahalagang okasyon.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Promo Materials

1. Alamin ang target market. Mahalagang isaalang-alang ang potensyal na


kostumer sa gagawing promo materials. Iangkop sa target market ang tema
ng gagawing promo materials. Lagi ring tandaan na kakabit ng gagawing
promo materials ang imahen at reputasyon ng kompanya.
2. Paghandaang mabuti ang mga materyal na gagamitin. Kinakailangang
magsagawa ng testing sa mga promo materials na gagawin hanggang sa
maging katanggap-tanggap ito sa konsyumer at pinakamalapit na
representasyon ng kompanya.
3. Bumuo ng tema. Ang tema ang magsisilbing inspirasyon sa pagbuo ng
promo materials. Ito kasi ang paghuhugutan ng gagamiting desenyo at
layout ng materyal na gagawin.
4. Isaalang-alang kung paano makaaapekto sa mga kostumer ang mga iniaalok
na produkto o serbisyo. Alamin palagi kung ano ang kakailanganin ng target
na mamimili.
5. Ilarawan lamang ang kayang gawin ng produkto. Huwag maglagay ng
deskripsyon na hindi kayang gawin ng produkto o serbisyo. Ang mga
eksaherado at hindi beripikadong nilalaman ay nilalayuan ng mga
potensyal na kostumer.

5
6. Maging bukas sa mga suhestyon. Komunsulta sa mga propesyunal at
empleyado sa gagawing promo materials. Makatutulong ang kanilang mga
puna sa paglikha ng isang mabisang promo materials.

Gawain 1 (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Suriin ang larawan batay sa uri at pamantayan sa pagbuo ng isang


promo materials. Pagkatapos sagutin sa kwaderno ang mga
katanungan sa ibaba.

1. Anong uri ng promo materials ang natunghayan? Patunayan.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Pansinin ang pagkakahanay ng mga impormasyon, sapat ba ito?


Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Bigyang puna ang lay out ng flyers. May dapat pa bang baguhin?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na magdagdag sa anyo ng flyers,


ano ang iyong maipapayo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6
Gawain 2

(Pakikipagtulungan, Pakikipagtalastasan, Pagkamalikhain)

Panuto: Humanap ng kapareha sa pamamagitan ng pag-chat sa kaklase at


magsaliksik kayo ukol sa magandang dulot ng pagsunod sa mga
hakbang sa pagbuo ng isang promo materials. Pagkatapos
magsaliksik, bumuo kayo ng isang infographics hinggil sa
magandang dulot nito. Gumamit ng elementong biswal sa
paglalahad. Hanggat maaari, i-dokumento ang inyong pagbuo.

Maaari rin itong i-upload sa FB page ng klase.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

BATAYAN PUNTOS
Natalakay ang mga hakbang sa pagbuo ng promo materials at 10
nasunod ang instruksiyon.
Nakasulat nang maingat, may kaisahan, wasto, at angkop ang 5
paggamit ng wika.
Kaakit-akit, lubhang maganda at malikhain ang paggamit ng mga 5
elementong biswal
KABUUAN 20

Tandaan

Malaki ang ginagampanan ng promo materials upang maging


matagumpay ang isang negosyo o serbisyo. Katumbas kasi ng pagbuo ng
isang promo materials ay pamamahagi rin ng pagkakakilanlan at
integridad ng isang kompanya.
Kaya’t mahalagang isaalang-alang ang mga hakbang sa pagbuo ng
isang promo materials para sa isang malagong negosyo, hanapbuhay o
serbisyo.

7
(Mapanuring Pag-iisip)
Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Itala ang mga susing salita sa mga hakbang sa pagbuo ng isang
promo materials at ipaliwanag ito. Ilagay sa kwaderno ang
sagot.

Hakbang 1 Hakbang 2 Hakbang 3 Hakbang 4

Hakbang 5 Hakbang 6

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga sitwasyon.
Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.
1. Si Bren ay komunsulta sa ilang eksperto hinggil sa itatayo niyang
negosyo. Nais niya na magkaroon ng maayos na promo materials. Ang
hakbang ay ______________?
A. tema
B. testing
C. branding
D. suhestyon
2. Nais ni Glenda na magdisenyo ng “Winnie the Pooh” sa kanyang promo
materials. Ang hakbang ay _____________?
A. tema
B. testing
C. branding
D. suhestyon
3. Isinaalang-alang ni Tim ang mga estudyante sa kanyang itatayong
lugawan na malapit sa paaralan. Malaki ang bahagi nito sa kanyang
gagawing promo materials. Ang hakbang ay_____________?
A. testing
B. pagtukoy sa tema
C. paghingi sa suhestyon
D. pag-alam sa target na mamimili
4. Ang yugtong ito ay mahalaga upag mapaghandaan ang promo materials
na bubuuin.
A. Sarbey
B. pagpaplano
C. Feasibility study

8
D. pangangasiwa
5. Ito ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng
pangangalakal o pagnenegosyo.
A. flyers
B. promo
C. branding
D. leaflet

Papel sa Replektibong Pagkatuto (Pagbuo ng Katauhan)

Kaugnay sa mga nabatid na impormasyon sa tinalakay na aralin,


sagutin ang katanungan sa ibaba.

Bakit mahalagang matutuhan ang pagsunod sa


hakbang sa pagbuo ng promo materials?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian
Bernales, R., Ravina, A., Elimar, A., at Codero, M. E. B. (2017). Filipino sa
Larangang Teknikal- Bokasyunal. Malabon City: Mutya Publishing House.
Francisco, C. G. C. at Gonzales, M. G. H. (2016). Filipino sa Piling Larangan
(Tech-Voc). Unang Edisyon. Quezon City: Rex Book Store Inc.
Types of promotional materials. https://www.integralsystemscorp.
com/different-types-of-promotional-materials/

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ferdinand I. Ipanag
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagaguhit: Jamil Q. Carvajal
Tagalapat: Lorena S. Club
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

9
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Teknikal- Bokasyonal)
Unang Markahan-Ikawalong Linggo
Modyul 8

Unang Pagsubok Gawain 1:


Pangwakas na
Maaaring magkaiba- Pagsusulit
1. A
2. A iba ng sagot batay sa
1. D
3. D talakayan ng
2. A
4. D pangkatang dayad.
3. D
5. C 4. B
5. B
Gawain 2:
Maaaring magkaiba-
iba ng sagot batay sa
Pamantayan sa
Pagmamarka

10

You might also like