Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name:_________________________ Petsa:_____________

Baitang/seksyon:___________________________ Iskor:______________
Panuto: Basahin at sagutin ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot, isulat sa
bukod na papel.
____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, disertasyon, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang
unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling
salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9.Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na
ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
____10.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong
layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____13.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____ 14. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
_____16.Maraming gawain dito ang nangangailangan ng masusing pagbasa.panunuod ,
pagsasalita, pakikinig at pagsusulat.
A. akademiya B.opisina C.kantina D.librai
____17. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
A.Abstrak B.Bionote C.Sinopsis D.Hawig
____18.Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa . Ito ay :
A. Gamit B. Katangian C.Kahulugan D.Anyo
____19. Sa pagbubuod, basahin, panuorin o pakinggan muna ang buong teksto. Ito ay ;
A. Paraan B. Kalikasan C.Kahulugan D.Anyo
_____20. Ito ay panauhan ng panghalip na gamitin sa pagsulat ng sinopsis .
A. una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____21.Gamitin ito sa paghahabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang
sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A.Pangngalan B.Pang-ugnay C.Pandiwa D.Pang-ukol
_____22. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____23.Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirang
nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuuan nito.
A.buod B.abstrak C. tesis D. pahayag ng tesis
_____24. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
_____25. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng sinopsis upang makamtan
ang layuning makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda.
A. matalinghaga B.payak C.tayutay D.idyoma
_____26.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Katu-
katulad ito sa talambuhay o kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
A.Bionote B.Abstrak C.Tesis D. Sinopsis
_____27. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o
pinapahayag tungkol sa isang tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa isang
kaganapan. Minsan ay maaaring makita rin ito sa likuran ng mga pabalat ng aklat at kadalasan
ay may katabi itong piktyur ng may-akda.
A. Sinopsis B.Abstrak C.Tesis D.Bionote
_____28. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal , aklat ,abstrak ng mga
sulating papel, web sites at iba pa.
A.Negosyo B. Medikal C.Akademiko D.Arkitektural
_____29.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
_____30. Ang Bionote ay maikli at siksik ang nilalaman. Ito ay
A.layunin B.anyo C.katuturan D.katangian
_____31.Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____32.Ang salitang ito ay gamitin upang madali maunawaan at makamit ang totoong layunin
nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____33.Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
A.una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____34.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____35. Ang Bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga mababasa
ukol sa kasanayan ng may-akda at mga parangal at nakamit nito.
A. naratibo B.impormatibo C.ekspresibo D.deskriptibo

You might also like