Professional Documents
Culture Documents
Mensahe Sa Aking Kababayan
Mensahe Sa Aking Kababayan
Pagsulat ng Adyenda
Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon
ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong
1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:
a.mga paksang tatalakayin
b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c.oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung
gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay
kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o
pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:
1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon
ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung
kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo, mangayaring ipadala o
ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na
kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o
nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format
kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong
naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay
may kaugnayan sa layunin ng pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay
muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
Gawain 2
Panuto: Gumawa ng adyenda ukol sa gagawing pagpupulong na nakasaad sa inyong memorandum.
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Ayon sa aklat ni Ailene Baisa Julian et.al sa Piangyamang Pluma Filipino sa Piling larangan (Akademik) na ang
paglalakbay o pagsasagawa ng tour ay itinuturing nang isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami.Kaya
naman,bagama’t minsan ito ay magastos,ito ay pinag-iipunan at kasama na sa plano ng maraming tao taon-taon.Ika
nga,maraming bagay ang natutuhan sa paglalakbay.Mga karanasang di mababayaran.
Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue.Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing
layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay.Ayon pa kay Nonon Carandang,ito ay tinawag niyang
sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ayon sa kanyna ay binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay,sanay at
lakbay.Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinaka epektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan
sa paglalakbay.
Samantala ang nakalarawang sanaysay o pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakararami ang
larawan kaysa sa salita o panulat.May pagkakataong nakaugnay ito sa sa isang lakbay sanaysay lalo na’t karamihan
ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan.
Gawain 3
PAGKUHA NG LARAWAN.Kumuha ng larawan tungkol sa pagiging mabuting tao gamit ang iyong selpon o kamera at I
printa.Pagkatapos,gawan ng nakalarawang sanaysay.Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na
kraytirya. Maaari ninyong gamitin ang inyong ginawang OUTREACH PROGRAM tiyakin lamang na ang inyong mukha
ang nakunan sa larawanGawin ito sa isang long size bond paper.