Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

5

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan– Modyul 3:
Kristiyanisasyon ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Kristiyanisasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cherry F. Edon
Editor: Cesar Q. Antolin at Anabel D. Besona
Tagasuri: Ma. Dianne Joy Dela Fuente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Isabel C. Bacea at Crizelle H. Viernes
Ilustrador ng Pabalat: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Regional Araling Panlipunan Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza - CID Chief
Ninfa C. Ortizo - EPS In-Charge of LRMS
Jesus V. De Gracia - ADM Coordinator
Frank T. Nawal, Jr –Araling Panlipunan Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang matulungan
kang makabisado ang aralin ukol sa Kristiyanisasyon ng Pilipinas. Ang saklaw ng
modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa iba’t ibang mga sitwasyon sa
pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang
karaniwang pagkakasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunod-sunod kung
paano mo ito basahin ay maaaring mabago upang tumugma sa aklat na ginagamit
mo ngayon.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga sumusunod na aralin:


1. Kristiyanisasyon ng Pilipinas bilang paraan ng pagsasailalim ng mga
katutubong Pilipino sa kapangyarihang Espanyol.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natatalakay ang mga proseso ng Kristyanisasyon ng mga Pilipino bilang
paraan ng pagsasailalim sa kapangyarihang Espanyol ng mga katutubong
Pilipino.
2. Naipapaliwanag ang pagpapalawak ng mga misyong panrelihiyong
ipinatupad ng Espanya sa Pilipinas.
3. Nasusuri ang Kristiyanisasyon bilang pamamaraan ng pananakop ng mga
Espanyol sa mga katutubong Pilipino.

1
Subukin

Bago tayo magsimula ng ating bagong aralin, subukin mo


munang sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Kristiyanisasyon paganismo Espanyol prayle


Miguel Lopez de Legazpi kura paroko simbahan Isabel
banal na tubig Cebu kaligtasan n g kaluluwa

1. Ang pinakamabisang paraan ng pagpapatupad ng kolonyalismong


Espanyol sa Pilipinas ay ng mga Pilipino.
2. Malaki ang ginampanan ng sa pagpapatupad ng
kolonyalismo.
3. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang binigyang-diin ng mga
sa pagsakop ng Pilipinas.
4. Ang pagsamba sa maraming diyos at diyosang pinaniniwalaang
naninirahan sa kalikasan ay tinatawag na .
5. Ang mga ay malaki ang ginampanan sa
pagmulat ng mga katutubong Pilipino sa paniniwala sa Kristiyanismo
batay sa turo ng Simbahang Katoliko.
6. Dumating si noong 1565 sa Pilipinas, kasama niya
ang limang paring Augustinian na pinamumunuan ni Andres de
Urdaneta.
7. Ang kapalit ng pagtanggap ng mga katutubong Pilipino na ginawang
panghikayat ng mga Espanyol upang matiwasay na tanggapin ng mga
Pilipino ang kolonyalismo ay ang .
8. Ang lugar na unang ipinatupad ang pagmimisyon ng mga prayle sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay .
9. Unang tumanggap ng Kristiyanismo ang pamangkin ni Rajah Tupas na
nagngangalang .
10. Ang paggamit ng ay nakagisnang
pagpapahalaga sa tubig sa paglilinis ng katawan at kaluluwa ng mga
katutubo upang makamtan ang ginhawa.

2
Aralin Kristiyanisasyon: Paraan ng

3 Pagsasailalim ng Katutubong
Populasyonsa Kapangyarihan ng
Espanya.

Isang magandang araw sa iyo!

Ako si Titser Che, ang iyong guro sa Araling Panlipunan.


Isang malaking hamon ang kinaharap ng mga katutubo bunsod
ng kolonyalismong Espanyol. Nagpatupad ng iba’t-ibang
pamamaraan ang mga Espanyol upang matagumpay ang
pananakop gaya ng Kristiyanisasyon.

Gusto mo bang malaman ang detalye nito? Handa ka na


bang matuto? Ngayong araw, ating pag-aralan ang tungkol sa
Kristiyanisasyon ng Pilipinas.

Balikan

Sa nakaraang aralin, iyong napag-alaman ang tungkol sa


paggamit ng pwersang militar at ang istratehiyang divide and rule
ng mga Espanyol sa pananakop sa ating bansa.
Maaari mo bang sagutin ang mga sumusunod na
katanungan patungkol sa nakaraang aralin?

1. Maglahad ng isang pangyayari na nagpapakita ng


matagumpay na paggamit ng pwersang militar ng
mga Espanyol laban sa mga Pilipino sa panahon
ng Kolonyalismong Espanyol.
2. Ano ang ginawang hakbang ng mga katutubong
Pilipino upang labanan ng paggamit ng pwersang
militar ng mga mananakop na Espanyol?
3. Ipaliwanag ang ginawang divide and rule ng mga
Espanyol sa pananakop sa Pilipinas.
4. Nakatulong ba ang divide and rule na diskarte ng
mga Espanyol sa matagumpay na pananakop ng
mga ito? Paano?

3
Mga Tala para sa Guro
Upang higit na maunawaan ng mag-aaral ang aralin, maaaring
panoorin ang isang bidyo sa youtube tungkol sa Kristiyanisasyon ng
Pilipinas. Narito ang link sa nasabing bidyo.
https://www.youtube.com/watch?v=7PHANSpFlFw&feature=youtu.be
&fbclid=IwAR1HXyY-1Yel98whTKCRS-
vEkafItbQqOTpqxMgZb1tHC9lUBK-p7yMp6IM

Tuklasin

Ngayong araw, tatalakayin natin ang mga paraan ng


pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng
Espanya gaya ng Kristiyanasyon.

KRISTIYANISASYON
Malaki ang papel na
ginampanan ng Simbahang
Katoliko sa pagpapatupad ng
kolonyalismo. Bukod sa
kayamanan at kapangyarihang
maidudululot ng kolonya sa
mananakop, isa rin sa mga
layunin ng pag-igting ng
kolonyalismo ang
pagpapalaganap ng relihiyon.
Naging kapaki-pakinabang ang
ideyang ito ng mga Espanyol
sapagkat nagkaroon ng isang dakilang dahilan ang kolonyalismo, at ito ay ang
pagtatangka ng mga Espanyol na sa pamamagitan ng kolonyalismo ay maililigtas
ang kaluluwa ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagtanggap nila sa bagong
relihiyon. Kaakibat nito, pilit ipinaunawa ng mga Espanyol sa mga katutubo na ang
kanilang katutubong relihiyon ay hindi na dapat pang ipagpatuloy sapagkat di-
umano ito ay paganismo, o pagsamba sa maraming diyos at diyosang
pinaniniwalaang naninirahan sa kalikasan.

4
ANG UNANG MISYON

Kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, tiniyak ng Spain ang pagmimisyon


ng mga prayle sa kolonya. Tinawag na Kristiyanisasyon ang pagmimisyon ng mga
prayle. Hinikayat ng mga prayle ang mga katutubo na tanggapin ang relihiyong
Kristiyanismo. Sa pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 sa Pilipinas,
kasama niya ang limang paring Augustinian na pinamumunuan ni Andres de
Urdaneta. Sumunod ang iba pang paring Augustinian kung kaya’t sa pagdagdag sa
kanilang bilang ay ipinatupad ang pagtatalaga ng mga partikular na lugar kung saan
magmimisyon ang mga prayle, at sa bawat lugar ay magtatalaga ng kura paroko.
Unang ipinatupad ang pagmimisyon sa Cebu kung saan unang tumanggap ng
Kristiyanismo ang pamangkin ni Rajah Tupas na pinangalanang Isabel na sinundan
ng pagbibinyag sa pito o walong batang malapit nang mamatay, at ilan pang nagpalit
ng paniniwala noong 1566 kasama rito ang isang Muslim mula sa Borneo na si
Camotuan, kasama ang kaniyang anak, manugang, at apo. May ilan pang taga-Cebu
ang nagpabinyag, hanggang sa magpabinyag din si Rajah Tupas at ang kaniyang
anak na si Pisuncan at ang iba pang mga pinuno, noong Marso 1568. Sa pagtanggap
ng kanilang mga pinuno sa bagong relihiyon ay marami na ring mga katutubo ang
sumunod at nagpabinyag sa Kristiyanismo.

ANG PAGPAPATULOY NG MISYON

Bukod sa Cebu, naging aktibo rin ang mga prayle sa pagmimisyon sa Maynila,
partikular sa Tondo at Pasig; gayundin sa Gitnang Luzon, Timog Luzon, sa Ilocos, at
sa iba pang bahagi ng
Visayas. Bukod sa mga
Augustinian,
nadagdagan pa ang mga
misyonerong prayleng
itinalaga sa Pilipinas.
Dumating ang mga
Franciscan noong
1577; sinundan ng mga
Jesuit noong 1581;

5
sinundan ng mga Dominican noong 1587; at ng mga Recollect noong 1606. Dahil
sa pagdami ng mga prayleng misyonero sa Pilipinas, naging mas aktibo ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo kung kaya’t kinailangang magtatag ng mga
diocese, na binubuo ng mga pinagsama-samang parokya. Nagsimula ang pagtatatag
ng mga diocese sa pagdating ng unang Obispo ng Maynila si Domingo de Salazar.
Sinundan ito ng pagtatatag ng iba pang mga diocese sa Cebu, Nueva Caceres (sa
Kabikolan), Nueva Segovia (Hilagang Luzon), at Panay. Dahil sa pagdating ng mga
prayleng kabilang sa iba’t-ibang samahang relihiyoso at upang maging maayos ang
pagmimisyon ng mga prayle, nagtalaga ang pamahalaang kolonyal ng mga tiyak na
lugar kung saan magmimisyon ang mga prayle. Dahil sa nasabing patakaran, tila
hinati-hati ang mga lugar sa Pilipinas sa kamay ng mga prayleng kabilang sa iba’t-
ibang samahang relihiyoso.

MGA PAGBABAGO AT PAGPAPATULOY SA PANINIWALANG PANRELIHIYON

Malaki ang nagbago sa paniniwalang panrelihiyon ng mga katutubong


tumanggap ng Kristiyanismo. Una, kung dati ay marami silang mga espiritung
sinasamba, sa Kristiyanismo ay isa na lamang ang diyos na dapat sambahin.
Pangalawa, kung dati ay nasa kababaihan (sa katauhan ng mga babaylan) ang
pamumuno sa larangang espirituwal, sa Kristiyanismo ay nasa kapangyarihan ng
mga kalalakihan ang pagiging pari at walang karapatang humawak ng
kapangyarihang panrelihiyon ang kababaihan. Pangatlo, kung dati ay walang tiyak
na lugar na sambahan ng mga espiritu (mga bagay sa kalikasan ang lugar na
sambahan sa animismo o katutubong relihiyon), sa Kristiyanismo ay mahalaga ang
pagpapatayo ng simbahan bilang banal na espasyo ng pagsamba ng mga
mananampalataya.

Gayunpaman, masasabing hindi rin tuluyang nabura ang sinaunang


paniniwala hinggil sa relihiyon. Sa katunayan, pinili ng mga prayle na gamitin ang
katutubong paniniwala upang maging mas katanggap-tanggap ang bagong relihiyon.
Halimbawa, ang mga rituwal na isinasagawa dati upang pasalamatan ang mga
espiritu ay pinalitan ng mga piyesta kung saan ang itinatanghal ay ang mga santo.

Ang paniniwala din sa mga espiritu ay tila pinalitan din lamang ng paniniwala
sa mga santo na gaya ng mga espiritu sa sinaunang panahon, ay may kani-kaniyang

6
larangan ding pinangangasiwaan. Ang paggamit ng banal na tubig (holy water) ay
tila pagpapatuloy lamang ng nakagisnang pagpapahalaga sa tubig sa paglilinis ng
katawan at kaluluwa ng mga katutubo upang makamtan ang ginhawa.

Kung gayon, malinaw na naging mahalagang pamamaraan ang


Kristiyanisasyon upang maging matagumpay ang kolonyalismo. Sa katunayan,
tanggap maging ng pamahalaang kolonyal na malaki ang papel na ginampanan ng
mga prayle sa pagpapalaganap ng kolonyalismo, dahil kung nabihag ng mga
conquistador ang pisikal na katawan ng mga katutubo ay nabihag naman ng mga
prayle ang kanilang mga paniniwala. Sa pamamagitan ng pagiging Kristiyano ay
nagkaroon ng mga bagong konseptong panrelihiyon ang mga katutubo at unti-
unting nabawasan ang pagpapahalaga sa katutubong paniniwala, bagamat mayroon
pa ring nagpatuloy. Naging katanggap-tanggap din ang kolonyalismo dahil pilit
ipinaunawa ng mga prayle sa mga katutubo na kung hindi nila sinakop ang Pilipinas
ay patuloy pa ring nasa panahon ng “kadiliman” ang mga katutubo kung saan
sumasamba di-umano ang mga katutubo sa mga demonyo (dahil sa animismo ay
nagbibigay-pugay ang mga katutubo sa mga bagay sa kalikasan gaya ng bato, puno,
araw, at iba pa na siyang pinaniniwalaang tahanan ng mga espiritu) at hindi pa di-
umano makikilala ang “tunay” na diyos. Kung gayon, ipinalalabas ng mga Espanyol
na dapat tanggapin ang kolonyalismo dahil kaakibat nito ang kaligtasan ng
kaluluwa.

PROSESO NG KRISTIYANISASYON

Ang simbahan at
pamahalaan ay naisipang
palaganapin ang Kristiyanismo sa
bansa upang mas mapadali ang
pagsakop sa Pilipinas. Ang mga
prayle ang siyang nagkaroon ng
kapangyarihan sa simbahan at
pamahalaan. Binigyang-diin ng
mga Espanyol sa pagsakop sa
Pilipinas ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Para mas lubusan
itong mangyari ay isinaayos nila ang mga mamamayan. Inilagay nila ang simbahan
sa istratehikong lugar para mas madaling palaganapin ang Kristiyanismo. Ang plasa
ang pinakasentro, isinaayos ang mga kalsada at ginawang kabisera ang sentro ng
lalawigan. Madaling naakit ang loob ng mga katutubo dahil sa mga makukulay na
ritwal na gaya ng kapistahan, prusisyon, pagbibinyag, pagkakasal na kaiba sa
kinagisnan nilang paniniwala ngunit may pagkakahawig lang sa pagpapahalaga sa
mga espiritu sa mga namatay at sa isang Panginoon na kung tawagin ay bathala o
anito. Kung kaya nanampalataya ang mga Pilipino sa Katolisismo. Iisang Diyos na
lang ang kanilang pinaniwalaan na hindin gaya ng dati ay marami silang sinasamba.

7
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ipaliwanag ang proseso ng Kristiyanisasyong ginawa ng mga Espanyol


sa Pilipinas.
2. Ano ang gampanin ng mga misyonerong Espanyol sa pagpapalaganap
ng Kristiyanismo sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagtagumpay ba ang
kanilang misyon? Bakit mo nasabi?
3. Bakit iba-iba ang naging pananaw ng mga Pilipino sa Katolisismo?
4. Sa anong mga dahilan umalsa ang ilang Kristiyanong Pilipino?
5. Paano hinikayat ng mga prayle ang mga katututubo na tanggapin ang
Kristiyanismo?

Suriin

Ngayon, ating susuriin ang iyong kaalaman tungkol sa


proseso ng Kristiyaniasyon ng Pilipinas bilang bahagi ng
pananakop ng mga Espanyol.

1. Ano ang mahalagang papel ng Kristiyanismo sa panahon ng


pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?

.
2. Sa paanong paraan naakit ang mga katutubong Pilipino na tanggapin
ang Kristiyanismo?

3. Bakit nagkaroon ng ibayong kapangyarihan ang mga prayle sa


panahon ng kolonyalismo?

4. Paano naging instrumento ang Kristiyanismo sa madaling pagsakop


ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino?

8
Pagyamanin

Binabati kita sa iyong kahusayan. Naipamalas mo ang


iyong kagalingan, kaya ipagpatuloy mo ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod.

Gawain A: Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang iba’t-ibang maganda at di-
magandang epekto ng Kristiyanismo sa mga Pilipino.

Magandang Epekto Di-Magandang Epekto

KRISTIYANISMO

Gawain B: Isulat ang letrang N kung ang mga sumusunod na pahayag ay ginawa
noon at HN kung ginagawa pa rin ito hanggang ngayon.

1. Pagdiriwang ng Santacruzan at Flores De Mayo


2. Ang simbahan ang gumanap ng tungkulin ng pamahalaan
3. Pagpapabinyag ng bata at matanda
4. Relihiyon ang pangunahing itinuturo sa paaralan
5. Pagdarasal at pagnonobena
6. Pagdiriwang ng kapistahan
7. Ang pagsamba sa maraming diyos at diyosang pinaniniwalaang
naninirahan sa kalikasan
8. Ang pagdarasal, pagmamano, paggalang at respeto sa nakatatanda
9. Inilalabas sa simbahan ang iba’t-ibang patron kapag may pagdiriwang
10. Nangungolekta ng buwis sa parokya

9
Isaisip

Magaling at nasagot mo ang mga katanungan. Bago tayo


magtapos sa ating aralin, narito nga mga dapat mong tandaan.

• Isa sa naging layunin ng espanyol ang palaganapin ang


Kristiyanismo sa bansa.

• Pinaniwalaan nila ang Panginoon sa dati nilang


paniniwala na Bathala o anito.

• Naakit sa mga iba’t ibang ritwal ang mga Pilipino.

• Ang mga prayle ay malaki ang ginampanan sa kultura


ng mga Pilipino. Iminulat nila ang mga tao sa
paniniwala sa Panginoon. Itinuro nila ang pagdarasal
pagmamano at paggagalang at respeto sa nakatatanda
na lalo pang nagbuklod sa samahan ng pamilya.

• Ang mga pagdiriwang ay isinasasagawa katulad ng


pyesta, binyag, kasal na kung saan ang bawat tao ay
nakikiisa sa kasayahan.

Dapat bang pasalamatan ang mga Espanyol sa ginawang Kristiyanisasyon ng


mga Pilipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.

10
Isagawa

Gumawa ng maikling sanaysay kung paano mo mapahalagahan ang


Kristiyanismo sa kabila ng tinatamasang kalayaan sa kasalukuyang.

Rubric sa Pagtataya ng Sanaysay

Mga Pamantayan Deskripsyon Puntos

NILALAMAN Wasto at substantibo ang 20


mga datos na inilahad

ORGANISASYON Lohikal ang paglalahad ng 15


mga kaalaman o datos at
may kahusayang
gramatiko.

KAAYUSAN AT KALINISAN Malinis at maayos ang 15


NG AWTPUT pagkasulat ng sanaysay.

KABUUAN 50

Tayahin

Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Kristiyanisasyon paganismo Espanyol prayle


Miguel Lopez de Legazpi kura paroko simbahan Isabel
banal na tubig Cebu kaligtasan ng kaluluwa

1. Malaki ang ginampanan ng sa pagpapatupad


ng kolonyalismo.
2. Ang lugar na unang ipinatupad ang pagmimisyon ng mga prayle sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay .
3. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang binigyang-diin ng mga
sa pagsakop ng Pilipinas.

11
4. Ang pagsamba sa maraming diyos at diyosang pinaniniwalaang
naninirahan sa kalikasan ay tinatawag na .
5. Ang pinakamabisang paraan ng pagpapatupad ng kolonyalismong
Espanyol sa Pilipinas ay ng mga Pilipino.
6. Ang mga ay malaki ang ginampanan sa
pagmulat ng mga katutubong Pilipino sa paniniwala sa Kristiyanismo
batay sa turo ng Simbahang Katoliko.
7. Dumating si noong 1565 sa Pilipinas, kasama
niya ang limang paring Augustinian na pinamumunuan ni Andres de
Urdaneta.
8. Ang paggamit ng ay nakagisnang
pagpapahalaga sa tubig sa paglilinis ng katawan at kaluluwa ng mga
katutubo upang makamtan ang ginhawa
9. Ang kapalit ng pagtanggap ng mga katutubong Pilipino na ginawang
panghikayat ng mga Espanyol upang matiwasay na tanggapin ng mga
Pilipino ang kolonyalismo ay ang .
10. Unang tumanggap ng Kristiyanismo ang pamangkin ni Rajah
Tupas na nagngangalang .

Karagdagang Gawain

Gawain: Gumawa ng poster na nagpapakita ng tungkulin ng mga prayle. Pumili


lamang ng isa sa mga sumusunod.

1. Pagbibinyag
2. Pagdarasal
3. Pagbebendisyon
4. Pagmimisa

Rubrik sa Pagtataya ng Gawain:


Mga Pamantayan Deskripsyon Puntos
PAGKAMALIKHAIN Kaaya-aya at nakakatuwang 15
pamamaraan
NILALAMAN Wasto at angkop na mga 20
kaalamang naipakita
KAAYUSAN AT Kaayusan ng awtput at 15
KAGANDAHAN Pagpasa sa takdang oras
KABUUAN 50

12
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin Subukin
Gawain A

Di-mabuting Epekto 1. Kristiyanisasyon


2. Simbahan
1. Nawala ang
kalayaan, 3. Espanyol
katarungan at 4. Paganismo
karapatang 5. Prayle
pantao. 6. Miguel Lopez de
2. Naging panakot Legazpi
ang relihiyon 7. Kaligtasan ng
upang pasunurin kaluluwa
ang mga Pilipino 8. Cebu
sa kanilang
9. Isabel
maibigan.
3. Napigil ang 10.Banal na tubig
pagpapaunlad ng
agham at
teknolohiya.

Magandang Epekto

1. Nagkaroon ng
pagbabago sa
lipunan.
2. Naging
makapangyarihan
ang simbahan.
3. Sa mga Espanyol
nanggaling ang
mga tradisyon,
paniniwala na
gaya ng: binyag,
pagdarasal, kasal,
kapistahan at iba
pa.

Gawain B

1. HN
2. N
3. HN
4. N
5. HN
6. HN
7. N
8. HN
9. HN
10. N

13
Sanggunian

Batayang Aklat:

Gabuat, Maria Analyn P., et. al. 2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City,
Philippines: Vibal Group Inc.

Websites:
https://www.youtube.com/watch?v=7PHANSpFlFw&feature=youtu.be&fbclid=IwA
R1HXyY-1Yel98whTKCRS-vEkafItbQqOTpqxMgZb1tHC9lUBK-p7yMp6IM

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.google.com%2Fsearch%3F
q%3Dkristiyanisasyon%26client%3Dms-android-huawei-
rev1%26prmd%3Dimvn%26sxsrf%3DALeKk01sy8Ogie8urQzX4OLznJrUA1RjdQ%2
53A1599707406059%26source%3Dlnms%26tbm%3Disch%26sa%3DX%26ved%3D
2ahUKEwjx3Lq9zt3rAhVRL6YKHXasBCcQ_AUoAXoECBQQAQ%26cshid%3D15997
07579079%26biw%3D360%26bih%3D662%26dpr%3D3%26fbclid%3DIwAR25Tikq
rnert-
W6QK6Kh23dj73l2pETZV0KboJa28XegCnjUfJzmF01bxs%23imgrc%3D2cVs22cYk
UtCTM&h=AT1WuWDn9spqrWtulhjx6mgzQNm13BsWaPHTK-H05dDzLFYM-
SyGzO-YCDWe_Xj7EVReOa1sdHS3ENrb5_t4s98_h9IMotzA-
43ZYVILgwTo7H72YwMCvUQWxBL03HZNH7aN

https://www.google.com/search?q=kristiyanisasyon%20larawan&tbm=isch&client
=ms-android-huawei-rev1&prmd=imvn&hl=en-GB&sa=X&ved=2ahUKEwjTnuT-
1d3rAhUUMKYKHcXpAtoQrNwCKAB6BAgBEFs&biw=360&bih=662&fbclid=IwAR09
nxlN-
VitAlSqq2BiDpKnyFNhQ3ziuZrwPt0WOHmXa3v7gVVX2PvY3Gw#imgrc=VYAwgBUp
8qeDjM

14
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like