Document 23

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagkakaroon ng 'Nutri Sarap' Feeding Program para sa Kabataan:

Pananggihan sa Malnutrisyon sa Barangay Kabac

Mula kay Krystel Jade Santillan


Purok Malipayon 1
Brgy. Kabac, Madridejos Cebu
Ika-19 ng Enero 2024
Haba ng panahong gugugulin: Humigit kumulang isang linggo.

I. Pagpapahayag ng Suliranin:
Sa loob ng Barangay Kabac, mayroong mataas na antas ng malnutrisyon sa mga kabataan.
Ang kakulangan sa sariwang at masustansyang pagkain ay nagiging hadlang sa kanilang
maayos na pangangatawan at pag-unlad. Sa pamamagitan ng "NutriSarap" Feeding Program,
layon nating baguhin ang takbo ng kalusugan sa ating komunidad.

II. Layunin:
Ang layunin ng proyektong ito ay mapalakas ang nutrisyon ng mga kabataang residente
ng Barangay Kabac sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na feeding program.

III. Plano ng Dapat Gawin:


1. Pag apruba ng badyet
2. Isagawa ang pagsusuri ng pangangailangan sa nutrisyon sa barangay upang matukoy ang
mga batang nangangailangan ng agarang tulong.
3.Rrecruitment ng Volunteers mag re-recruit ng mga volunteers mula sa komunidad para
maging katuwang sa paghahanda at paglalaan ng mga feeding sessions.
4. Regular Feeding Sessions, itataguyod ang regular na feeding sessions, iskedyul na
makakatugon sa pangangailangan ng mga batang benepisyaryo.
5.Monitoring and Evaluation, itatag ang sistema para sa regular na pagsusuri ng kalagayan ng
mga batang benepisyaryo at ang kanilang pag-unlad sa aspeto ng nutrisyon.
IV. Badyet:

Kinaukulang Badyet. P20,000.00


Halaga ng mga sangkap kada Feeding Program P 15,000

Bigas (25kilos) 1,700


Assorted gulay at prutas
500
(1kilo)
Pinagkukunan ng protina 300
Mantika(bawat kilo) 300
Pampalasa at kundiments 300
Gastos sa transportasyong 1,000
Pinagkukunan ng
300
protina(1kilo)
Materyales sa packaging 2,000
Pampalamig para sa mga
2,000
voluntaryo
Badyet para t-shirt 200
Pag-print ng promotional
1,000
materials
Gastos sa social media
1,000
advertising
Bayad sa venue 3,000
Emergency funds 1,000
Kabuuan 15,000

V. Pano mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito

Mapapakinabangan ito sa pag-unlad sa kkalusugan mmagkakaroon ng positibong


epekto sa kalusugan ng mga kabataang benepisyaryo, mapipigilan ang malnutrisyon, at
mapapabuti ang kanilang pangkalahatang kalagayan. Community Empowerment, ang
proyektong ito ay magbibigay ng oportunidad para sa mga lokal na residente na maging
aktibong kalahok at tagapagtataguyod ng kalusugan sa kanilang sariling komunidad.
Pagkakaroon ng matatag na Nutrisyon Program, ang "NutriSarap" Feeding Program ay
magsisilbing pundasyon para sa isang permanenteng nutrisyon program sa Barangay Kabac.
Sa pagpapatupad ng "NutriSarap" Feeding Program, umaasa tayong magkakaroon ng
malaking positibong pagbabago sa kalusugan at kabuuang kaginhawaan ng ating barangay.

You might also like