AP8 Q4 W6 7 I DUMASIS - OCBA CABONCE 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

SLK 4

ARALING PANLIPUNAN 8
KWARTER 4 – LINGGO 6 - 7

I. MGA PAUNA

Competencies 1. Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa


hamon ng estabilisadong institusyon ng lipunan.
(AP8AKD-IVi-9)

2. Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng Cold War at ng


Neo-kolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
(AP8AKD-IVi-10)

Mga Layunin 1. Napaghahambing ang iba’t ibang ideolohiya.


2. Nasusuri ang mga epekto ng neokolonyalismo sa
pangkalahatang kalagayan ng papaunlad at di-maunlad na
mga bansa.
3. Nakagagawa ng collage na nagpapakita ng epekto ng mga
ideolohiya, Cold War at Neo-kolonyalismo sa ibat ibang
bahagi ng daigdig.

Paksa Mga Ideolohiyang politikal at ekonomiko


(Cold War at Neo-kolonyalismo)

Aklat TG, LM, MELC, Modyul ng mga Mag-aaral

Mga Short size bondpaper, coloring materials


Kagamitan
Copyright DepEd Talisay City

Puntos 105

Petsa June 21- July 2, 2021

II. MAPA NG NILALAMAN

Demokrasya

Liberalismo
Aspektong Pasismo
Ang Politikal at ng naiimpluwensiyahan ng
Ekonomiko Sosyalismo

Komunismo

Kapitalismo

1
III. MGA NILALAMAN

Kahulugan ng Ideolohiya-

Ideolohiya - isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong


magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito
- galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga
tao
- si Desttutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang
pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya.

Iba’t ibang kategorya ng ideolohiya

1. Ideolohiyang Pangkabuhayan - nakasentro ito sa mga patakarang pang


ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga
mamamayan.
2. Ideolohiyang Pampolitika - nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at
sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala.
3. Ideolohiyang Panlipunan - tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga
mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan

Ang Iba’t Ibang Ideolohiya

1. Kapitalismo - tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang


produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan
sa mga patakarang pangkabuhayan.
2. Demokrasya - ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
3. Awtoritaryanismo - isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno
ay may lubos na kapangyarihan. May napakalawak na kapangyarihan na
sinusunod ng mga mamamayan ang namumuno.
4. Totalitaryanismo - ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng
taong makapangyarihan. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa
malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan.

2
5. Sosyalismo - isang doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na
kung saan ang pamamalakad ng pamamahalaan ay nasa kamay ng isang
pangkat ng tao.
6. Liberalismo - nagmula sa Latin na liber na nangangahulugang kalayaan
- batay sa ideolohiyang ito, ang tao ay likas na mabuti, may
kakayahang makabuo ng wastong pasiya gamit ang rasyonal na pag-iisip, may
kakayahan para sa sariling pag-unlad at may likas na karapatan na dapat
igalang ng pamahalaan at pangalagaan ng batas
7. Pasismo - ang ideolohiya na higit na nagpahalaga sa kapakanan ng estado
kaysa mamamayan. Isa itong radikal na uri ng nasyonalismo na
pinangungunahan ng isang karismatikong pinuno, tulad halimbawa nila Adolf
Hitler ng Germany, Joseph Stalin ng USSR, at Benito Mussolini ng Italy.

Ang Pananaw sa Cold War

Cold War - labanan ng mga ideolohiya, labanan na hindi ginagamitan ng dahas


- ay hidwaan sa pagitan ng United States of America at Union Soviet
Socialist Republics sa aspetong pandiplomatiko, pang-ekonomiko,
pang-militar, ideolohiya at siyensya

Mabuting Epekto ng Cold War


1. Pag-unlad ng scientific research at invention
2. Natulungan ang mga bansa sa kanilang ekonomiya sa pinsala ng digmaan

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War


1. Umigting ang hindi pagkakaunawaang pampolitika, pang-militar, at kalakalan ng
mga bansa
2. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Soviet Union na nagdulot ng
malaking suliraning pang-ekonomiya
3. Dahil sa matinding sigalot bunga ng Cold War, iginigit ng dalawang puwersa ang
kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa.

Neo-kolonyalismo
➢ Ito ay impluwensiyang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa
mga bansang dati nilang kolonya, bagamat wala silang tuwirang military o
political na control sa mga ito.

3
Mga Pamamaraan at Uri ng Neokolonyalismo

1. Pang-ekonomiya - naisasagawa ang neokolonyalismo sa pamamagitan ng


pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang
bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang tinutulungan sa
patakaran at motibo ng bansang tumutulong.
2. Pangkultura - sa pamaraang ito, nababago ng neokolonyalismo ang pananaw
ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito. Bunga ng
kulturang dala ng dayuhang tumutulong o bansang dayuhan, nababago ang
pinahahalagahan ng mga mamamayan ng tinutulungang bansa sa pananamit,
babasahin, maging sa pag-uugali.
3. Dayuhang Tulong o Foreign Aid - isa pang instrument ng mga
neokolonyalismo ang nakapaloob sa dayuhang tulong o “foreign aid” na
maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o pangmilitar.
4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt - anumang pautang na ibigay ng
International Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay lagging may kaakibat na
kondisyon; kabilang dito ang pagbubukas nng bansang pinauutang sa dayuhang
pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos
ng Sistema ng pagbubuwis.
5. Lihim na Pagkilos (Covert Operation) - kung hindi mapasunod nang
mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang guluhin ang
isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan.

Epekto ng Neokolonyalismo
1. over dependence o labis na pagdepende sa iba
2. loss of pride o kawalan ng karangalan
3. continued enslavement o patuloy na pang-aalipin

4
IV. MGA GAWAIN

Gawain 1.

Panuto: Punan ng impormasyon ang kasunod na data retrieval chart. Isulat ito sa
sagutang papel. (Puntos = 25)

Bansang Nagtaguyod
Katangian (magbigay ng dalawang
Mga Ideolohiya
(2 puntos) bansa para makakuha ng
dalawang (2) puntos)

1.
2.
3.
4.
5.

Pamprosesong Tanong:
Sa mga ideolohiyang iyong nabasa, alin ang higit mong pinaniniwalaan? Bakit?

Gawain 2. Anong Say Mo?

Panuto: Gumawa ng collage na nagpapakita ng epekto ng mga ideolohiya, Cold


War at Neo-kolonyalismo sa ibat ibang bahagi ng daigdig. Ilagay ito sa isang short
size bondpaper. (Puntos = 50)

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG COLLAGE

Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Marka
Angkop ang mga nakuhang
larawan sa paksa. Naiugnay
Mga larawan 20
ang sari-saring larawan sa
pagbuo ng pangkalahatang idea
Orihinal ang nabuong collage
Orihinalidad 10
gamit ang mga larawan
Epektibo ang biswal na
pagtatanghal ng
Biswal na
collage.Gumamit ng mga 10
pagtatanghal
angkop na kulay,disenyo at
hugis
Mahusay na naipaliwanag ang
Paliwanag 10
gawang collage
KABUUAN 50

5
V. PAGSUSURI:

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel. (Puntos = 15)

1. Anong ideolohiya na nagbibigay ng pantay na karapatan at kalayaan anuman


ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian, o relihiyon?
A. Liberalismo C. Komunismo
B. Kapitalismo D. Sosyalismo

2. Sino ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinakamaikling pangalan ng


agham ng mga kaisipan?
A. Aristotle C. Hippocrates
B. Herodotus D. Desttutt de Tracy

3. Anong kategorya ng ideolohiya kung saan nakasentro ito sa mga patakarang


pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa
mga mamamayan ?
A. pangkabuhayan C. pampolitika
B. pang-agrikultura D. panlipunan

4. Alin sa mga sumusunod na ideolohiya na tumutukoy sa sistemang


pangkabuyahan kung saan ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay
kontrolado ng mga pribadong mangangalaka hanggang maliit na lamang ang
papel ng pamahalaan?
A. awtoritaryanismo C. sosyalismo
B. kapitalismo D. demokrasya

5. Anong uri ng neokolonyalismo kung saan napaloob sa dayuhang tulong na


maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o pangmilitar?
A. lihim na pagkilos C. dayuhang pautang
B. labis na pagkadepende D. dayuhang tulong

6. Anong doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang


pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao?
A. totalitaryanismo C. pacismo
B. awtoritaryanismo D. sosyalismo

7. Anong kategoryang ideolohiya na tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga


mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mamamayan?
A. panrelihiyon C. panlipunan
B. pampolitika D. pangkabuhayan

8. Ang mga sumusunod ay di-mabuting epekto ng Cold War MALIBAN sa?


A. natulungan ang mga bansa sa kanilang ekonomiya
B. umigting ang hindi pagkakaunawaang pampoltika
C. bumaba ang moral ng mga manggagawa
D. iginiit ng dalawang puwersa ang kanilang pamamalakad

6
9. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa uri ng neokolonyalismo?
A. continued enslavement o patuloy na pang-aalipin
B. dayuhang tulong o foreign aid
C. pang-kultura
D. pang-ekonomiya

10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng neokolonyalismo?


A. dayuhang pautang o foreign debt
B. over dependence o labis na pagdepende sa iba
C. loss of pride o kawalan ng karangalan
D. continued enslavement o patuloy na pang-aalipin

11. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ideolohiya?


A. paliwanag tungkol sa ibat’t ibang bagay
B. isang sistema o kalipunan ng mga ideya na naglalayong magpaliwanag
tungkol sa daigdig
C. nakasentro ito sa kaisipan na nagpapabago ng daigdig
D. isang sistema na nagsusuri sa mga pagbabagong naganap sa daigdig

12. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang


makapangyarihang bansa o super power? Anong bansa ang nakaranas nito
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. United States at Union of Soviet Socialist Republics
B. United States at France
C. Germany at Union of Soviet Socialist Republics
D. Germany at France

13. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga mamamayang


naninirahan sa US at Pilipinas. Alin ang HINDI kabilang?
A. May karapatang makaboto
B. May kalayaan sa pananampalataya
C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan
D. May karapatan sa edukasyon

14. Malaki ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa sa Asya at
Kanluran. Paano nagsimula ang Cold War?
A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States
B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States
C. Pangingibabaw ng ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa
D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Russia na makapasok
sa kanilang bansa

15. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “Ang


sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensiyang dayuhan”?
A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa
B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya
C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang
D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t
ibang impluwensya

7
VI. KARAGDAGANG BABASAHIN
Panuto: Basahin sa sumusunod na talumpati ang mensahe ni Pangulong Ronald
Reagan ng US noong 1987 kay Mikhail Gorbachev ng USSR. Pagkatapos, sagutan
ang mga tanong sa ibaba nito. Isulat sa sagutang papel. (Puntos = 15)

Tibagin Mo ang Pader na Ito

Sa aking likod nakatayo ang isang pader na pumapalibot sa


malalayang sektor ng lungsod na ito…na humahati sa buong kontinente ng
Europe… Ngayon sasabihin ko: Hangga’t nakasara ang tarangkahan, hangga’t ang
malapilat na pader na ito ay pinahihintulutang bukas, …mananatiling bukas…ang
tanong ng kalayaan para sa sangkatauhan. Gayunpaman hindi ako naparito para
manangis sapagkat natagpuan ko sa Berlin ang isang mensahe ng pag-asa, kahit sa
anino ng pader na ito, ang isang mensahe ng tagumpay.

Noong dekada 1950, hula ni Khrushchev: “Ililibing naming kayo.”


Subalit sa Kanluran sa kasalukuyan, nakikita natin ang isang malayang mundo na
nagkamit ng antas ng kaunlaran at kahusayan na hindi pa nasasakhihan sa buong
kasaysayan ng tao. Sa Komunistang mundo, nakikita natin ang kabiguan,
atrasadong teknolohiya, at padalisdis na antas ng kalusugan, kahit sa
pinakapangunahing uri ng kagustuhan---sobrang kaunting pagkain. Kahit sa
kasalukuyan, hindi pa rin kayang pakainin ng Soviet Union ang kaniyang sarili…
Kaunlaran ang tunguhin ng Kalayaan. Hinahalinhan ng Kalayaan ang sinaunang poot
sa pagitan ng mga nasyon ng paggalang at kapayapaan. Kalayaan ang nagwagi.

Secretary General Gorbachev, kung hanap mo kapayapaan, kung


hanap mo ay kasaganaan para sa Soviet Union at Silangang Europe, kung hanap
mo liberalisasyon: Tumungo ka sa tarangkahang ito! Ginoong Gorbachev, buksan
mo ang tarangkahan! Ginoong Gorbachev, tibagin mo ang pader na ito!

Isinalin sa Filipino ni Romina Lou B.Martin


http://www.historyplace.com/speeches/reagan-tear-down.htm.

8
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais iparating ni Reagan sa kaniyang talumpati?
2. Bakit nais ni Reagan na matibag ang Berlin Wall?
3. Ano ang iyong masasabi tungkol sa ugnayan ng US at USSR batay sa talumpati?

VII. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1
Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba-iba.

Gawain 2
Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba-iba.

VIII. SANGGUNIAN

1. Kasaysayan ng Daigdig - Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral


Unang Edisyon 2014
Manunulat: Mark Alvin M.Cruz,Mark Andrew F.Fietas,Michael M.Mercado

2. Kasaysayan ng Daigdig-Learner’s Manual


Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz,
Angelo C. Manalo at Kalenna Lorene S. Asis

Inihanda nina: MIRIAM P. OCBA at MATHESA Q. CABONCE


Paaralan: Talisay City Science High School
Contact No: 09185517368

9
IX. MGA PUNA (AP8 – Q4 – W6-7)

MGA PUNA NG MGA MAG-AARAL


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
___________________

MGA PUNA NG MAGULANG


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________

10
X. SAGUTANG PAPEL (AP8 – Q4 – W6-7)

Pangalan: ____________________ Taon / Seksyon: ________________


Paaralan: ____________________ Contact #: _______________________
Pangalan ng Guro:__________________________________
Petsa:_______________ Marka:_______________

Gawain 1.

Bansang Nagtaguyod
Katangian (magbigay ng dalawang
Mga Ideolohiya
(2 puntos) bansa para makakuha ng
dalawang (2) puntos

1.

2.

3.

4.

5.

Pamprosesong Tanong:

Sa mga ideolohiyang iyong nabasa, alin ang higit mong pinaniniwalaan? Bakit?

Gawain 2
(Isulat sa isang short size bondpaper)

11
PAGSUSURI

1. _____ 6. ______ 11. ______


2. _____ 7. ______ 12. ______
3. _____ 8. ______ 13. ______
4. _____ 9. ______ 14. ______
5. _____ 10. ______ 15. ______

KARAGDAGANG BABASAHIN

1.
___________________________________________________________________
_____________________

2.
___________________________________________________________________
_____________________

3.
___________________________________________________________________
_____________________

12

You might also like