Edukasyon Sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikatlong Markahan

Modyul
GRADE 10 PICTURES USED

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.istockphoto.com%2Fillustrations%2Funconscious&psig=AOvVaw1fLOIrKAuLhNLioODfTqby
&ust=1598013954399000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCJjJhofoqesCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pngfuel.com%2Ffree-
png%2Fnxfhx&psig=AOvVaw3L59CVtRc3gYG22M6R9fo1&ust=1598014487870000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCJjJ_YPqqesCFQAAAAAd
AAAAABAK

1
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa paggawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos, maipamalas ang
paggalang sa buhay, pagmamahal sa bayan (Patriyotismo), at pangangalaga sa kalikasan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa paggawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos, maipamalas ang
paggalang sa buhay, pagmamahal sa bayan (Patriyotismo), at pangangalaga sa kalikasan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.

2
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang b
ahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natut
uhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Susi sa Pagwawasto gawain sa modyul.

3
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul
na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo
ito!

4
Aralin Pagmamahal sa Diyos
1 (Espiritwalidad at Pananampalataya)

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos. (EsP10PB-IIIa-9.1)

Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa konkretong pangyayari
sa buhay. (EsP10PB-IIIa-9.2)

Alamin
I. Paksa
Pagmamahal sa Diyos
(Espiritwalidad at Pananampalataya)

II. Layunin
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos. (EsP10PB-IIIa-9.1)

Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa konkretong pangyayari sa
buhay. (EsP10PB-IIIa-9.2)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Ang aralin na ito ay tungkol sa pagmamahal: pagmamahal ng Diyos, pagmamahal ng tao sa Diyos
at sa kapwa. Bilang mananampalataya, mahalagang maunawaan ang koneksyon ng bawat isa at kung
paano ito nakatutulong upang mahubog ang ating kabutihang panlahat. Mahalaga din na alam mo kung
paano mapapalago ang iyong mabuting ugnayan sa Diyos at kapwa na nagpapakita ng pagmamahal.

IV. Pamamaraan

Isa sa napakasarap na pakiramdam ay ang magmahal at mahalin. Ang pagmamahal ay


pagbabahagi ng tao ng kanyang sarili sa kanyang kapwa: oras, kakayahan at pag-aari.

Ayon kay C.S. Lewis,


may apat (4) na uri ng pagmamahal:
1. Affection - Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o
maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
2. Philia - Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon na
kung saan sila ay magkakaugnay.
3. Eros - Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang
makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil
maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao.
4. Agape - Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal
na walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila
ng mga pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang
minamahal dahil ang tao ay mahalaga sa Kaniya.

5
Mababatid sa Juan 3:16 ang lubos na pagmamahal
ng Diyos sa tao, sabi dito “Sapagkat gayon na lamang ang
pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang Pagmamahal Pagmamahal
kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sa Diyos sa Kapwa
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Mas nagiging makabuluhan at may saysay ang buhay ng tao kung mamumuhay siya ng may
pagmamahal kasama ang kanyang kapuwa at Diyos. Ang tao ay inaanyayahan na magmahal ng walang
kapalit gaya ng Diyos. Hindi maaaring paghiwalayin ang pagmamahal sa kapuwa at pagmamahal sa
Diyos dahil ito ay magkaugnay at parehas na mahalaga. Malinaw ito sa turo ng Banal na Kasulatan.
Ayon sa Bibliya, ang dalawang pinakamahalagang utos ay: (1.) mahalin mo ang Diyos ng buong
isip, puso at kaluluwa at (2.) mahalin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Sinabi naman sa Juan
4:20, “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang
sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi magawang ibigin, paano niya iibigin ang
Diyos na hindi n’ya nakikita?”
Ang espirituwalidad at pananampalataya ay maituturing na daan tungo sa mabuting pakikipag-
ugnayan sa Diyos at kapuwa. Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan
ang ibinigay sa kanya ng Diyos pinagkalooban din siya ng espiritu na nakakapagbukod-tangi sa kanya
at nagpapawangis sa kanya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kanyang espiritu na
kinaroroonan ng persona. Ang persona, ayon kay Scheler ay, “ang pagka-ako” ng bawat tao na
nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kaya’t ang espirituwalidad ng tao ay galing sa kanyang pagkatao. Ito ay
lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kanyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano niya
minamahal ang kanyang kapuwa. Kaya’t ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng
mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at
kapanatagan sa kalooban. Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay
sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan.
Kaya’t anuman ang relihiyon ng isang tao, ang espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan niya
nakakatagpo ang Diyos. Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong
malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at
sa pagkatao niya.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10)
V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Isulat sa loob ng mga bilog ang mga salita na tumutukoy sa kahulugan ng pagmamahal.
Gumamit ng hiwalay na papel.

PAGMAMAHAL

Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagmamahal? Ano ang magandang maidudulot nito sa
tao?______________________________________________________________________________

6
B. Gawain 2:
Panuto: “Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin” (1 Juan 4:19). Magbigay ng
limang (5) konkretong paraan kung paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa Diyos bilang
kabataan. Gumamit ng hiwalay na papel.

C. Gawain 3:
Panuto: Gumawa ng slogan na nagpapahayag tungkol sa lubos na pagmamahal ng Diyos. Gumamit ng
hiwalay na papel.

D. Gawain 4:
Panuto: May mga taong patuloy na nagmamalasakit at naglilingkod sa kanyang kapwa lalo na sa
panahon ng krisis at sakuna. Pumili ng isang taong kilala mo o idlolo mo sa larangan ng paglilingkod at
sumulat ka ng nakakaantig na mensahe para sa kanya. Isulat ito sa pamamagitan ng 8-10 pangungusap.
Gumamit ng hiwalay na papel.
VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.
_____1. Ano ang tawag sa personal na ugnayan ng tao sa Diyos?
A. Pag-ibig C. Espirituwalidad
B. Panalangin D. Pananampalataya

_____2. Ano ang tawag sa pinakamataas na uri ng pagmamahal, ang pagmamahal na walang kapalit?
A. Affection C. Philia
B. Agape D. Eros

_____3. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritawalidad?


A. Ang pagiging maawain at matulungin sa kapwa.
B. Ang palagiang pag-aaral o pagbabasa ng salita ng Diyos.
C. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
D. Ang pagpunta sa simbahan tuwing Lingo upang magdasal kasama ang buong pamilya.

_____4. Alin sa sumusunod ang dalawang pinakamahalagang utos ng Diyos ayon sa Bibliya?
A. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong kapuwa.
B. Paglingkuran mo ang presidente at ang iyong jowa.
C. Igalang mo ang iyong magulang at wag kang magnanakaw.
D. Magsimba ka tuwing Linggo at huwag kang maninira sa ibang tao.

_____5. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay
sinungaling.” Ang pahayag ay______.
A. Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa..
B. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal.
C. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.
D. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang
kapuwa.

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa pamamagitan ng limang pangungusap o higit pa.
Gumamit ng hiwalay na papel.

VIII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2015
Inihanda ni:
7 Kenneth B. Formentera
Las Piñas North National High School
Aralin Pagmamahal sa Diyos
2 (Espiritwalidad at Pananampalataya)

Kasanayang Pampagkatuto:
Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa (EsP10Pb-IIIb-9.3)

Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos (EsP10PB-IIIb-9.4)

Alamin
I. Paksa

Pagmamahal sa Diyos
(Espiritwalidad at Pananampalataya)

II. Layunin
Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa (EsP10Pb-IIIb-9.3)

Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos (EsP10PB-IIIb-9.4)

III. Pamamaraan
Mga dapat gawin upang mapangalagaan ang
ugnayan ng tao sa Diyos.

1. Panalangin-Ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa


Kaniya.
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay-Mula rito mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng
Diyos sa kaniyang buhay.
3. Pagsisimba o Pagsamba-Ito ang makakatulong sa tao upang lalo lumawak ang kanyang
kaalaman sa Salita ng Diyos at pagsasabuhay ng kaalaman na napulot sa pagsisimba o
pagsamba.
4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos-Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman
ang Kaniyang mga turo o aral.
5. Pagmamahal sa Kapuwa-Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapuwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa Espiritwalidad-Ito ay nakatutulong sa paglago at
pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.

Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis

1.Affection-Ito ay ang pagmamahal bilang


pamilya o mga tao naging malapit sa isa’t isa.
2.Philia-Ito ay pagmamahal ng magkaibigan.
3.Eros-Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao.
4.Agape-Ito ay ang pagmamahal na walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao.

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10)

8
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga tamang sagot upang mapangalagaan ang ugnayan sa Diyos.
Gumamit ng hiwalay na papel.

____
____
PPP
PAANO
MAPAPANGALAGA
NO
AN ANG UGNAYAN
OAAMAPANGAN
SA DIYOS
GALAGAAN ANG

B. Gawain 2:
Panuto: Ang gawaing ito ay isang Self-Assessment Questionnaire. Lagyan ng tsek (/) ang iyong sagot
sa bawat kolum at bigyan ng paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum. Gumamit ng hiwalay na
papel.
PALA- PAMINSAN- HINDI PALIWA
GING MINSANG GINA- -NAG
GINA- GINAGAWA GAWA
GAWA
1. Naglalaan ako ng panahon sa panalangin.
2. Nagsisimba ako o nagsasamba.
3. Nagbabasa ako ng Bibliya.
4. Nagbobo- luntaryo akong tumulong sa pamayanan.
5. Naglalaan ako ng panahon sa pakikinig sa isang kaibigan.
6. Nililinang ko ang aking kakayahan at lakas sa pamamagitan ng pag-
aaral na mabuti.

C. Gawain 3:
Panuto: Gamit ang graphic organizer, tukuyin kung paano maipamamalas ang pananampalataya at
pagmamahal sa Diyos. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.

Pananampalataya at
Pagmamahal sa Diyos

Ipamalas sa pamamagitan ng

9
D. Gawain 4:
Panuto: Gumuhit ng hugis krus at isulat sa loob ng krus ang mga gusto mong idulog o ipanalangin sa
Diyos. Gumamit ng hiwalay na papel.

V. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.

_____1. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapag-isip ng mensahe ng Diyos.


A. pagninilay
B. panalangin
C. pagsimba
D. pagkanta

_____2. Ito ang pinakamataas ng uri ng pagmamahal.


A. Affection
B. Agape
C. Eros
D. Philia

_____3. Ito ay mahalagang pinaniniwalaan ng tao anuman at saan man siya kaanib na relihiyon.
A. panalangin
B. pagninilay
C. pagsimba o pagsamba
D. pagmamahal sa kapwa

_____4. Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan.


A. Affection
B. Agape
C. Eros
D. Philia

_____5. Ito ay pagmamahal bilang kapamilya.


A. Affection
B. Philia
C. Agape
D. Eros

VI. Pagninilay

Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VII. Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng


Edukasyon, Republika ng Pilipinas, Unang Edisyon 2015

Inihanda ni:
Maria Rowena O. Reyes
Las Piñas National High School-Main

10
Aralin
Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
3

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.1)

Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.2)

Alamin

I. Paksa
Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay

II. Layunin
Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.1)
Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.2)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Maituturing mo ba na ang iyong BUHAY ay ang pinakamahalagang kaloob sa iyo ng Diyos? Bakit
kaya sagrado ang buhay ng tao?
Sa pamamgitan ng aralin na ito, inaasahan na makamit ng kabataang tulad mo ang malalim na
pag-unawa sa iba’t ibang pananaw kalakip ng mga isyu sa buhay na sa huli ay makabuo ng
pagpapasiyang papanig sa kabutihan. Inaasahan rin na matukoy at masuri mo ang mga gawaing taliwas
sa Batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay.

IV. Pamamaraan

Buhay
- Ayon sa aklat na “Perspective: Current Issues in Values Education” (De Torre, 1992), ang
buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga.

- Tungkulin ng tao pangalagaan, ingatan at palaguin ang sariling buhay at ng ating kapuwa.

Mga Isyu Tungkol sa Buhay

ISYU KAHULUGAN
Ang Paggamit ng - Ito ay isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang
Ipinagbabawal na mapanganib na gamot na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit
gamot at sa tuloy-tuloy na pagkakataon. (Agapay, 2007)
- Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan ang isip
na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito.
Alkoholismo - Ang labis na pagkonsumo ng alak.
- Ito ay unti-unting nagpapahina sa enerhiya ng tao, nagpapabagal ng pag-iisip
at sumisira sa kapasidad na maging malikhain.
Aborsyion - Ang pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
Pagpapatiwakal - Ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay na naaayon sa sariling
kagustuhan.

11
Euthanasia - Ito ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong
(Mercy Killing) may matindiat wala nang lunas na karamdaman.
- Tinatawag din itong assisted suicide.

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sa sariling pananaw, bigyang kahulugan ang salitang “buhay”. Gumamit ng hiwalay na papel.

B. Gawain 2:
Panuto: Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung anong isyu tungkol sa buhay ang inilalarawan ng mga
ito. Isulat sa loob ng kahon ang kasagutan. Gumamit ng hiwalay na papel.

1. 2. 3. 4.

5.

C. Gawain 3:
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba. Tukuyin ang maaring maging epekto ng pagsasagawa ng mga
sumusunod na isyu. Gumamit ng hiwalay na papel.
Mga Gawain Epekto
1. Ang Paggamit ng Halimbawa:
Ipinagbabawal na gamot Nahihirapan ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na
dumadaloy dito.
2. Alkoholismo

3. Aborsyion

4. Pagpapatiwakal

5. Euthanasia (Mercy Killing)

D. Gawain 4:
Panuto: Gumawa ng isang “Slogan” na
naglalayong mabigyang kahalagahan ang Ang buhay ay ating pahalagahan,
paggalang sa buhay. Ilagay sa hiwalay na papel
ang kasagutan. Gumamit ng hiwalay na papel. kasagraduhan nito’y ating
Tignan ang halimbawa. pangalagaan at ingatan.

12
VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay na
naaayon sa sariling kagustuhan?
A. Euthanasia
B. Aborsiyon
C. Pagpapatiwakal
D. Alkoholismo

_____2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa labis na pagkonsumo ng alak?


A. Euthanasia
B. Aborsiyon
C. Pagpapatiwakal
D. Alkoholismo

_____3. Ang pisikal na pagdepende sa isang


mapanganib na gamot na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na
pagkakataon ay tumutukoy sa __________
A. paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
B. euthanasia.
C. alkoholismo.
D. aborsiyon..

_____4. Ang isa pang katawagan sa euthanasia ay_____.


A. suicide
B. assisted suicide
C. aborsiyon
D. alkoholismo

_____5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng
ina?
A. Euthanasia C. Pagpapatiwakal
B. Aborsiyon D. Alkoholismo

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VIII. Mga Sanggunian


• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012
• https://www.legacyhealing.com/top-10-illegal-drugs-and-their-effects/
• https://tl.controversyextraordinary.com/2015/12/stop-ang-pagpapatiwakal-ay-hindi-kailanman-
solusyon-period.html
• https://theconversation.com/as-nz-votes-on-euthanasia-bill-here-is-a-historical-perspective-on-a-
good-death-126580

Inihanda ni:
Julius M. Jupia
CAA National High School-Annex

13
Aralin Paggalang sa Buhay: Pagmamahal sa Diyos at sa Kapuwa
4 (Culture of Life and Culture of Death)

Kasanayang Pampagkatuto:
Napapangatwiranan na:
a. mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapapahalagahan ang mas mataas na
mahalaga kaysa buhay.
b. ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang
mapatibay an gating pagkilala sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang
nilalang ng Diyos. (EsP10PB-llld-10.3)

Nabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa
moral na batayan. (EsP10PB-llld-10.4)

Alamin

I. Paksa
Paggalang sa Buhay: Pagmamahal sa Diyos at sa Kapuwa (Culture of Life and Culture of Death)

II. Layunin
Maipamalas ang paggalang sa buhay (i.e., maituwid ang culture of death na umiiral sa lipunan).
Napapangatwiranan na:
a. mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapapahalagahan ang mas mataas na
mahalaga kaysa buhay.
b. ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang
mapatibay an gating pagkilala sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang
ng Diyos. (EsP10PB-llld-10.3)

Nabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa
moral na batayan. (EsP10PB-llld-10.4)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Sa araling ito ay ating matututunan at mapapahalagahan na ang buhay ay sagrado dahil ito ang
pinakadakilang biyayang kaloob ng Diyos sa tao. Kaloob ito upang kalingain at pagyamanin. Sa kabila ng mga
umuusbong na isyu at mga pangyayari na laban sa buhay, isang katotohanan ang nananatili – hindi
nakasalalay ang ating buhay sa ating sariling kagustuhan o kaginhawahan lamang.

IV. Pamamaraan
Ang buhay ay sagrado mula sa kanyang pagkalalang sa sinapupunan hanggang sa kusang pagpanaw
sa mundo. Ito ay dapat igalang sa maraming kadahilanan:
Una: Nilikha at hinubog ng Diyos ang bawat tao na Kanyang kawangis at kalarawan.
Ikalawa: Ang kasagraduhan ng buhay ang pinakamatibay na pundasyon na dignidad ng tao.
Ikatlo: Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na pananagutang panlipunan.
Ikaapat: Likas ang karapatan ng buhay na mabuhay.

14
Pagsulong ng Culture of Life sa halip na Culture of Death

1. Paggalang sa Buhay
2. Culture of Death: Trahedya ng Buhay
3. Paglaho ng Kamalayan sa Diyos at kamalayan sa Tao: Ugat ng Culture of Death.
4. Abortion, Suicide, Euthanasia: Pagtuligsa sa kapangyarihan ng Diyos sa buhay at kamatayan.
5. Mahalagang gampanin para sa culture of life at sa pagtutuwid ng culture of death

Tayong lahat ay kalahok at kabahagi sa hindi maiiwasang pananaagutang manindigan para sa buhay ng
tao. Sama sama tayong mag – alay sa mundong ito ng ating pag – asa, at magsikap na siguruhin na ang
katarungan at pagbubuklod ay mag – iibayo at ang bagong kultura ng buhay ng tao ay maisusulong para sa
pagkakaroon ng tunay na kalinangan ng katotohanan at pagmamahal.

Upang magawa ito…


➢ Unang – una, kailangan ang paghubog ng konsensiya kaugnay ng walang kapantay at kasagraduhan ng
buhay ng bawat tao.
➢ Ang gawain sa edukasyon na malapit sa paghubog ng konsensiya ay tumutulong sa mga indibidwal upang
magpakatao.
➢ Kailangan natin ang magkaroon sa ating sarili at sa kapuwa ng isang mapagnilay na paninindigan.
➢ Ang pamilya ay may natatanging gampanin sa buong buhay ng kanyang miyembro mula sa
pagkapanganak hanggang kamatayan.
➢ Ang programang panlipunan tulad ng pag – aasikaso at paggamot ng mga nalululong sa droga, AIDS, sakit
sa pag – iisip, at sa mga samahan para sa mga may kapansanan, lahat ay pagpapakita ng pwedeng
magawa ng pagtutulungan upang bawat isa ay mabigyan ng pag – asa at pagkakataon sa buhay.
➢ Patuloy ang mga sentro o institusyong magbibigay suporta sa buhay na may dedikasyon at serbisyo, na
nag – aalay ng moral at material na tulong sa mga inang nasa kahirapan at nag – aalangang dumanas ng
abosyon.
➢ Kailangan ang pagdami ng mga pangkat sa lipunan na sumasalungat sa kamatayan bilang parusa.
➢ Malaki ang inaasahan sa mga kabataan na matuto ng tunay na kalayaan na may kakayahang pagyamanin
ang kanilang sarili.
➢ Kailangang pahalagahan at seryosohin ng media ang kanilang pananagutan na ang mga mensaheng
mahusay nilang inihahayag ay suporta sa culture of life.

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa loob ng bawat hugis at ipaliwanag ang buong dayagram sa ibaba.
Gumamit ng hiwalay na papel para sa kasagutan.

Ano ang buhay at


saan ito galing?

Ano ang mga patunay na Ano ang mga patunay na


ang tao ay may paggalang may mga taong walang
sa buhay? paggalang sa buhay?

Bakit kailangan
ang paggalang sa
buhay?

15
B. Gawain 2:
Panuto: Pagnilayan ang konsepto ng pagpapahalaga at sagutin ang kasunod na tanong.

Ang paggalang sa buhay ng tao ay pagpapakita ng pag – unawang mahalaga ang buhay dahil may may
higit na mahalaga kaysa rito – ang pagmamahal sa Diyos at sa kapuwa. Kapag walang paggalang at
pagpapahalaga sa buhay, wala ring paggalang at pagpapahalaga sa tao. Kapag nangyari ito, masasaktan
natin an gating sarili ating kapuwa at hindi natin magagampanan ang pinakamahalaga sa lahat – ang
magmahal sa ating Maylalang.

“Paano maipamamalas ang tunay na paggalang sa buhay at ano – ano ang mga paraan upang lumago ang
pag – unawang mas mahalaga sa buhay ng tao?”

C. Gawain 3:
Panuto: Ilarawan ang sinabi ni Leo Buscaglia, isang
Hindi sapat ang basta nabuhay:
manunulat na nagbigay ng inspirasyon sa buhay ng
Dapat ay determinado tayong mabuhay para
kabataan. Gumamit ng hiwalay na papel.
sa ibang bagay.

Iminumungkahi kong ito ay ang paglikha ng


ikaliligaya ng iba, pagbabahagi ng kung anong
mayroon tayo para sa ikabubuti ng kapuwa,
pagbibigay pag – asa para sa nawawala at
pagmamahal para sa nagdurusa.

- Leo Buscaglia

D. Gawain 4:
Panuto: Isa – isahin ang mga pagpapahalang dapat itaguyod bilang pagpapahalaga sa buhay. Gawin ito sa
pamamagitan ng akrostiks na BUHAY. Gumamit ng hiwalay na papel.

VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.
___1. Ang pinakamahalagang biyayang pinagkaloob ng Diyos sa tao.
A. Buhay B. Pagmamahal C. Lipunan D. Pananampalataya
___2. Ano ang mas mahalaga sa buhay?
A. Pagmamahal sa Diyos C. Pagmamahal sa kalikasan
B. Pagmamahal sa kapwa D. Lahat ng nabanggit
___3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa buhay?
A. Pagkakaroon ng bisyo C. Iginagalang ang karapatan ng kapuwa
B. Pag – eehersisyo araw – araw D. Iniiwasang makahawa sa kapwa pag may sakit
4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paglabag sa kasagraduhan ng buhay MALIBAN sa
A. Abortion B. Suicide C. Euthanasia D. Pornograpiya
5. Ito ay tumutukoy sa paggalang sa buhay at isang moral na obligasyon
A. Pagpapahalaga sa buhay C. Kalayaan
B. Kaligayahan D. Pagdarasal

VII. Pagninilay
Ano ang kahalagahan ng buhay at paano natin mapapanatili ang “kasagraduhan” ng buhay?

VIII. Sanggunian
• Pagpapakatao Baitang 10, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya, ni Twila G.
Punzalan, 2015 Inihanda ni:
Rubina G. Hernandez
Las Piñas National High School
16
Aralin
Ang Pagmamahal sa Bayan
5

Kasanayang Pampagkatuto:

PagNakakapagpaliwanag
(EsP10PB-IIIe-11.1)
ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)

Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na umiiral sa lipunan.


Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang
(EsP10PB-IIIe-11.2)
kuwento
Alamin

I.Paksa
Ang Pagmamahal sa Bayan
II.Layunin
Nakakapagpaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
(EsP10PB-IIIe-11.1)
Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na umiiral sa lipunan.
(EsP10PB-IIIe-11.2)

III.Pamamaraan
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat
mamayanang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang pater na ibig sabihin ay
ama na karaniwang inuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.

Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native land). Ang
pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong
pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat.

Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng


responsabilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay
nangangahulugan na tayo bilang tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating kapwa.

Paano malalaman gaano kahalaga ang pagmamahal? Gawin nating halimbawa ang mga
sumusunod:
Una: Ano ang mangyayari sa isang pamilya kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat miyembro
nito?
Pangalawa: Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro
kung hindi nila maipapamalas ang pagmamahal sa kapwa Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging
manlalaro nila sa kanilang koponan? Maipapanalo ba nila daan upang makamit ang layunin.
ang grupo?

17
Unang natutunan na ang pamilya ay ang
unang paaralan ng pagmamahal: pinapalawak ito ng Pinagbubuklod ng
paaralan at pinauunlad ng pakikisalamuha sa kapwa pagmamahal sa bayan ang
sa lipunang ginagalawan. mga tao sa lipunan.

Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng pagkamamamayan: isang


indibidwal na ibinabahagi ang talion sa iba, pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao,
pinahahalagahan ang karangalan ng pamilya, na ang pagmamahal ay likas bilang taong may malasakit
para sa adhikaing mapabuti ang lahat. Ang pagmamahal na ito ay nakaugat sa kanyang pagkakakilanlan
bilang taong may pagmamahal sa bayan na iniingatan ang Karapatan at dignidad.

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10)

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1:
Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o Gawain na nakatala sa ibaba. Lagyan ng asteris
“*” kung ang angkop na kolum ay ayon sa mga katangian na iyong isinasabuhay.
Mga Katangian Ako ito Hindi ako ito
Hal. Inaawit ko nang maayos ang Lupang Hinirang at binibigkas na may
paggalang ang panunumpa sa Watawat ng Panatang Makabayan. *
1.Sinusunod ko ang ang mga panuntunan sa paaralan at
komunidad.
2.Inihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri nito.
3.Lagi akong nagpapasalamat at humihingi ng patnubay sa Diyos.
4. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga nangangailangan.
5. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan
kahit sa simpleng pagsisinungaling.

B. Gawain 2:
Panuto: Pag-aralan at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot sa
mga tanong.
Galit na galit ka sa kapitbahay mo na anak ng konsehal sa inyong barangay dahil nakuha niya ang
trabaho na sana ay napunta sa iyo. Alam mong mas kuwalipikado ka kaysa sa kanya kung pinag-aralan at
kakayahan ang nagging sukatan. Inireklamo mo siya sa inyong alcalde dahil sa palagay mo, ito ay hindi
makatarungan at sistemang palakasan ang pinairal. Naging negatibo ang pag-uusap ninyo. Sa sobrang galit
mo napagsalitaan mo ng di kanais-nais na salita ang inyong alcalde. Sa iyong pag-uwi, di maalis ang galit na
iyong naramdaman at di mo napansin ang pagpalit ng kulay pula ng traffic light sa daan kaya nahuli ka ng traffic
enforcer. Sa pagnanais na di maabala, kinausap mon a lang ito at sinabi mong pamangkin ka ng isa sa mga
kasama nila.

Mga Tanong:
1. May pagkakatulad ba ang mga kilos na ipinakita sa mga sitwasyon sa iyong pang araw-araw na
gawain? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ano ang iyong gagawin o magiging tugon? Ipaliwanag.
2. Sa sitwasyon nabanggit, paano mo gagamitin ang mapanuring pag-iisip bilang pagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan?

18
C. Gawain 3:
Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awiting pinasikat ni Noel Cabangon na may pamagat na “Ako’y
Isang mabuting Pilipino”. Maaari mo itong pakinggan gamit ang mp3 o i-download sa internet.

Ano ang mensaheng ang gustong ipahiwatig ng awitin?

Gumamit ng hiwalay na papel.

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

D. Gawain 4:
Panuto: Magsaliksik ng mga balita sa radio, telebisyon o social media na nagpapakita ng pagmamahal
sa bayan. Buuin ang kinakailangan datos sa ibaba. Gumamit ng hiwalay na papel.

Hal. Petsa: Panahon ng panunugkulan


Pangalan: Isko Moreno Domagoso
Edad: 45
Pagpapahalaga:
May integridad, may malasakit at
pagmamahal sa nasasakupan, at may takot sa Diyos.

Petsa: _______________
Pangalan:____________________________
Edad: _____
Kasarian: ___________________

Mga Pagpapahalaga (Values) na nagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa bayan:


1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________

19
V. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinaka angkop na
titik.
1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. Katatagan at kasipagan
B. kabayanihan at katapangan
C. pinagkopyahan o pinagbasehan
D. pinagmulan o pinaggalingan

2. Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa kanilang
koponan? Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso’ sa tuwing kinakapanayam ang isang
manlalarong nagbigay ng malaking puntos. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag nito?
A. Pagmamahal sa laro
B. Pagmamahal sa koponan
C. Pagmamahal sa bayan
D. Pagmamahal sa kapwa

3. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?


A. Sa bawat kilos ng bawat Pilipino natutugunan ang nga pangangailanagn ng taong bayan.
B. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapuwa-Pilipino.
C. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
D. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.

4. Kung saan unang itinuro ang pagmamahal


A. Paaralan
B. Pamilya
C. Simbahan
D. Kaibigan

5. Ito ang nagiging daan upang makamit ang layunin at pagbubuklod ng tao sa lipunan.
A. Kalayaan
B. Kahalagahan
C. Pagmamahal
D. Konsensya

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel..

VII. Mga Sanggunian


• Brizuela, M. J., Arnedo, P. S., Guevarra, G. A., Valdez, E. P., Rivera, S. M., & Celeste, E. G. (2015).
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang (Modyul para sa Mag- aaral). Pasig City: FEB
Printing Corporation.

Inihanda ni:
Syrene S. Cruz
CAANHS-Annex

20
Aralin
Ang Pagmamahal sa Bayan
6

Kasanayang Pampagkatuto:
Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan.
Pag(“Hindi ka global citizen kung hindi ka mamamayan.”) (EsP10PB-IIIf-11.3)
Naiuugnay
Nakagagawa ang
ng angkop na kilossariling karanasan
upang maipamalas sa sa
ang pagmamahal napakinggang
bayan (Patriyotismo).
(EsP10PB-IIIf-11.4)
kuwento

Alamin

I. Paksa
Ang Pagmamahal sa Bayan

II. Layunin

Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan. (“Hindi ka


global citizen kung hindi ka mamamayan.”)
(EsP10PB-IIIf-11.3)

Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan (Patriyotismo).


(EsP10PB-IIIf-11.4)

III. Nilalaman

Tungkol saan ang aralin na ito?


Ang aralin na ito ay tungkol sa mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan tungo sa maunlad at maayos na lipunan.

IV. Pamamaraan
Ang Pilipinas bilang lipunan ay naghihikayat sa mga mamamayan na isabuhay ang mga birtud
na makakatulong upang gumawa ng makataong pagpapasiya at kilos, tungo sa makabuluhan at
mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, kapwa at sa kapaligiran.
Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan. Nakapaloob ang mga ito sa Panimula (Preamble) ng1987
Konstitusyon ng Pilipinas.

Mga Pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan


Dimensiyon ng Tao
mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
• Pagpapahalaga sa Buhay Pangkatawan
• Katotohanan Pangkaisipan
• Pagmamahal
Moral
• Pagmamalasakit sa kapuwa
• Pananampalataya Ispirituwal
• Paggalang
• Katarungan
• Kapayapaan Panlipunan
• Kaayusan
• Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
21
• Kasipagan
Pang-ekonomiya
• Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
• Pagkakaisa,
• kabayanihan,
Pampolitikal
• Kalayaan
• Pagsunod sa batas
• Pagsusulong ng Kabutihang Panlahat Lahat ng Dimensiyon

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na nakatala sa ibaba. Lagyan ng tsek
(/ ) ang angkop na kolum ayon sa mga katangian na iyong isinasabuhay.

Ako Hindi
MGA KATANGIAN
ito ako ito
1. Nakikipagtulungan ako sa mga organisasyong ang adbokasiya ay protektahan
ang buhay at kalusugan ng mamayang Pilipino.
2. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga nangangailangan

3. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan kahit simpleng


pagsisinungaling.
4. Lagi ako nagpapasalamat at humihingi ng patnubay sa Diyos.

5. Nagmamano at humahalik ako sa kamay sa mga nakatatanda sa akin.

6. Sinisigurado na nakukuha ko kung ano ang dapat para sa akin at naibibigay kung
ano ang nararapat para sa iba.
7. Isinasaalang-alang ko ang karapatan ng iba bilang tanda ng paggalang at
pagkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan ng loob.
8. Sinusunod ko ang mga panuntunan sa paaralan at komunidad.

9. Sumasama ako sa pagbisita sa mga museo.

10. Tinatapos at ginagawa ko ang lahat ng makakaya upang magawa ang gawain
nang higit pa sa inaasahan.
11. Inihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri nito.

12. Sinisikap kong gamitin ang aking kalayaan sa kabutihan sa kabila ng mga
masasamang impluwesiya sa kapaligiran.
13. Nakikiisa ako sa mga pagtitipong kailangan ang aking pakikilahok upang
ipaglaban ang aking Karapatan bilang mamamayan.
14. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi nakikipagunahan o sumisingit sa pila.

15. Nakihahalubilo ako samga kabataang nagpapalitan ng kuro-kuro sa kung anong


maaring gawin upang makatulong sa kapuwa Pilipino
16. Gumagawa ako ng paraan upang maisulong ang kapakanan ng lahat hindi
lamang ang aking sarili, kundi pati ang aking pamilya, kaibigan at kabaranggay

22
Paraan ng Pagmamarka: Balikan ang gawain at bilangin ang mga aytem na nilagyan ng tsek sa kolum
na Ako ito.
Nangangailangan nang sapat na kaalaman at pag-unawa sa kahalagahan
0-4 ng pagmamahal sa bayan

May kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na


5-8 nangangailangan ng pagpapaunlad

May kasanayan sa pagsasabuhay ng kahalagahan sa pagmamahal sa


9 - 12 bayan

13 - May sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa


16 pagmamahal sa bayan na kailangang ipagpatuloy.

B. Gawain 2: PICTURE ANALYSIS


Panuto: Anong katangian ng Pilipino ang ipinakikita sa bawat larawan? Isulat ito sa hugis parisukat sa
ilalim ng bawat larawan. Gumamit ng hiwalay na papel.

C. Gawain 3:
Panuto: Kung tatanungin ka kung ano-ano ang mga bagay na maipagmamalaki at gusto mo sa Pilipinas
at sa mga Pilipino, may maisasagot ka ba? Subuking sagutin ang tanong na ito at isulat ang iyong sagot
sa speech balloon sa ibaba. Gumamit ng hiwalay na papel.
Bilang Pilipino, ito ang ipinagmamalaki ko!

D. Gawain 4:
Panuto: Isulat ang mga gawain mo dati na hindi makabayan. Sa tapat ng bawat isa, isulat ang
pagbabagong gagawin mula ngayon. Gumamit ng hiwalay na papel.
Dati ako ay …. Mula ngayon, ako ay ...
_________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________
1. _________________________________ _________________________________
2. _________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________

23
VI. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
titik ng iyong napili.

_____ 1. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?


A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa
lahat ng pagkakataon.
B. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin sa bansa.

_____ 2. Ito ang pagpapahalaga na nagpapakita ng pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may
layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa.
A. Katarungan C. Kasipagan
B. Kaayusan D. Pagkakaisa

_____ 3. Ito ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.


A. Katarungan C. Kasipagan
B. Kaayusan D. Pagkakaisa

_____ 4. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
A. Sa bawat pagkilos ng bawat mamayan natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan.
B. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamayan tungo sap ag-unlad ng sarili at kapuwa-Pilipino
C. Sa pagtutulungan ng bawat mamayang Pilipino sa panahon sa sakuna at kalamidad.
D. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.

_____ 5. Ito ang pagpapahalagang nagpapakita ng pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-


isa ang naisin saloobin.
A. Katarungan C. Kasipagan
B. Kaayusan D. Pagkakaisa

VII. Pagninilay Ang bawat mabuting mamamayan ay itinuturing na sariling


Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba. karagalan ng kanyang bayan, hindi lamang ito minamahal
Pagnilayan ang kahulugan nito at ipaliwanag ang kundi itinuturing na banal. Handa siyang ilaan ang kanyang
iyong pagkaunawa kaugnay sa konseptong buhay para sa pagtatanggol sa bayan sapagkat alam niyang
tinalakay sa aralin. Isulat ito sa hiwalay na papel.
nagakakaroon siya ng proteksyon habang ibinibigay niya
ito

-Andrew Jackson-

VIII. Mga Sanggunian


• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul ng Mag-aaral
• K-12 Pagpapakatao: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekundarya

Inihanda ni:
Susana C. Candelaria
Las Piñas National High School

24
Aralin Ang Pangangalaga sa Kalikasan
7 (Kalikasan at Kapaligiran, Aking Pananagutan)

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan (EsP10PB-IIIg-12.1)

Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa


kalikasan (EsP10PB-IIIg-12.2)

Alamin

I. Paksa Ang Pangangalaga sa Kalikasan (Kalikasan at Kapaligiran, Aking Pananagutan)

II. Layunin
Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan
(EsP10PB-IIIg-12.1)
Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan
(EsP10PB-IIIg-12.2)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
“Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran?” Pamilyar sa iyo ang linyang ito ng isang awit,
hindi ba? Usong-uso ito noon at patuloy na binabalik-balikan dahil sa kahulugan nito na magpahanggang
ngayon ay masasabing totoo pa rin. Tama. Marami tayong nakikitang nangyayari ngayon sa ating
kapaligiran at kalikasan. Nakararanas tayo ng matinding tag-init, mga pag-ulang nauuwi sa pagbabaha,
malalakas na bagyo, at kung ano-ano pa. Kadalasan, nauuwi ito sa pagkasira ng mga ari-arian at ng
pagkitil sa buhay. Minsan, hindi natin maiwasang magtanong, “Ano nga ba itong mga nangyayari sa
atin?” Galit na ba sa atin ang Inang Kalikasan? Sa modyul na ito, inaasahang maunawaan mo kung ano
ang maaaring gawin o gampanin ng tulad mo upang makaiwas sa ganitong mga pangyayari. Sa gitna ng
mga pangyayaring nauukol sa kalikasan at kalamidad na ating nararanasan, mahalagang masagot mo
ang mahalagang tanong na: Bakit kailangang pangalagaan ang kalikasan?

IV. Pamamaraan
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito
ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang
sa malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o
tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang
buhay. Kabilang dito ang hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay man o wala, kapag
sumusuporta sa pagpapatuloy ng buhay ng mga nabubuhay na nilalang ay maituturing na bahagi ng
kalikasan.
Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay. Samakatuwid, tayo
ay binubuhay ng kalikasan. Dahil dito, kung kaya’t binigyan Niya tayong lahat ng tungkulin at
pananagutang ito’y ating igalang at pangalagaan.
Ang konsumerismo ay isang paniniwala na mabuti para sa tao ang gumasta nang gumasta para
sa mga materyal na bagay at serbisyo habang ang Urbanisasyon ay tumutukoy sa patuloy na pag-unlad
ng mga bayan na maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium
units.

25
Ano-ano bang pang-aabuso ang nagawa ng tao sa kalikasan? Ano-anong paglabag sa
pangangalaga sa kalikasan ang isinagawa at patuloy na isinasagawa ng tao na nagbunga ng unti-unting
pagkasira ng kalikasan?

Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan


1. Maling pagtatapon ng basura
2. Iligal na pagputol ng mga puno
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
5. Malabis at mapanirang pangingisda
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying
7. Global warming at climate change
8. Komersiyalismo at urbanisasyon

Ang tao bilang tagapangalaga ng kalikasan


Inuutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan at hindi maging tagapagdomina nito para sa
susunod na henerasyon. Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa
kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan. Ang tungkulin
natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng
iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan.

Ang bawat nilalang ng Diyos, tao man o kalikasan, ay hindi kailanman maaaring tratuhin na mga
kasangkapan o gamit lamang na maaaring manipulahin at gamitin nang hindi naaayon sa tunay nitong
layunin. Ang tao lalo higit ay itinuturing na kamanlilikha ng Diyos at tagapangalaga ng lahat ng Kaniyang
nilikha. Ang lahat ng tao ay mamamayan ng iisang mundo, sapagkat tayo ay nabubuhay lamang sa
iisang kalikasang lalang ng Diyos para sa ating lahat.

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1: Picture Analysis
Panuto: Pag-aralan o siyasating mabuti ang mga larawan, pansinin kung ano ang pagkakaiba ng mga
ito sa isa’t isa. Itala ang mga napansing pagkakaiba ng mga ito. Gumamit ng hiwalay na papel.
1. 2.

.
3.

26
B. Gawain 2:
Panuto: Tukuyin kung alin sa sumusunod ang mga karaniwang paalala na iyong nakikita sa iyong
pamayanan o barangay? Gumamit ng hiwalay na papel.

1. Ano-anong tema o paksa mayroon ang mga paalala?


2. Alin sa mga paalalang ito ang iyong sinusunod/
hindi sinusunod?
3. Paano nakatutulong ang mga paalalang ito sa pangangalaga ng
kalikasan? Ipaliwanag.

C. Gawain 3:
Panuto: Ipaliwanag ang sinasaad ng pahayag. “Sapat ang mga bagay sa daigdig para sa pangangailangan ng
Gumamit ng hiwalay na papel. tao, ngunit hindi para sa kanyang kalayawan”

-Mohandas Gandhi

D. Gawain 4:
Panuto: Isulat ang mensahe ng larawang nakikita sa ibaba. Gumamit ng hiwalay na papel.

VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.
_____1.Ang kalikasan ay tumutukoy sa ________.
A. Lahat ng nakapaligid sa atin.
B. Lahat ng nilalang na may buhay.
C. Lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao.
D. Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay.
_____2. Isa sa dahilan ng pagkasira ng kalikasan ang ating materyalistikong pamamaraan. Ang
materyalismo ng tao ay dulot ng sumusunod MALIBAN sa:
A. Maling pagpili ng mahahalagang bilihin at gamit.
B. Maling pagpapahalaga sa mga bagay sa paligid.
C. Maling paggamit ng mga bagay kaysa sa nararapat.
D. Maling konsepto ng kaligayahan at mga bagay nakakapagpaligaya.
_____3. Suriin sa mga sumusunod ang tamang pangangalaga sa kalikasan
A. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan
B. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.
C. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
D. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba
_____4. Ito ay isang paniniwala na mabuti para sa tao ang gumasta nang gumasta para sa mga
materyal na bagay at serbisyo.
A. Komersyalismo B. Konsumerismo C. Industriyalismo D. Urbanisasyon
_____5. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng pagpapatayo
ng mga gusali tulad ng mga mall at condo units.
A. Industriyalismo B. Konsumerismo C. Komersyalismo D. Urbanisasyon

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa.
VIII. Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon, 2012
• Punsalan, Twila G. et al (2015). Pagpapakatao 10. Rex Publishing
Inihanda ni:
Penny Rose C. Llaban
LPNHS - Gatchalian Annex
27
Aralin Ang Pangangalaga sa Kalikasan
8 (Kalikasan at Kapaligiran, Aking Pananagutan)

Kasanayang Pampagkatuto:
Napangangatwiranan na:
a. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao ay may
paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
b. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan
(Mother Nature). Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging
tagapagdomina para sa susunod na henerasyon.
c. Binubuhay tayo ayon sa moral na batayan ng kalikasan (EsP10PS-Ib-12.3)

Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng


kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan (EsP10PS-Ib-12.4)

Alamin

I. Paksa
Ang Pangangalaga sa Kalikasan (Kalikasan at Kapaligiran, Aking Pananagutan)

II. Layunin
Napangangatwiranan na:
a. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao ay may paninindigan sa
tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
b. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan (Mother
Nature). Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging tagapagdomina
para sa susunod na henerasyon.
c. Binubuhay tayo ayon sa moral na batayan ng kalikasan (EsP10PS-Ib-12.3)

Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan


at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan (EsP10PS-Ib-12.4)

III. Nilalaman

Sa pamamagitan ng araling ito ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kamalayan sa kahalagahan


ng pangangalaga sa kalikasan. Mapauunlad nila ang kanilang sarili nang may pagmamahal at
pagmamalasakit pa rin sa kapaligiran.
Sa pamamagitan din ng araling ito, mauunawaan ng mga mag-aaral na ang lahat ng tao ay
mamamayan ng iisang mundo, sapagkat tayo ay nabubuhay lamang sa iisang kalikasan. Lalang ng Diyos
para sa ating lahat. Tayo ay binubuhay ng kalikasan.

IV. Pamamaraan
Ating pakatandaan, ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan na pangalagaan ang
kalikasan na kaniyang nilikha, tayo ay binubuhay ng kalikasan.
Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan at hind maging tagadomina nito para sa
susunod na henerasyon. Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng galang sa
kabutihang panlahat na siya naming layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan.
28
Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo
ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. Ang bawat nilalang ng
Diyos, tao man o kalikasan, ay hindi kailanman maaaring tratuhin na mga kasangkapan o gamit lamang
na maaring manipulahin at gamitin nang hindi naayon sa tunay nitong layunin. Ang tao lalo higit ay
itinuturing na kamanlilikha ng Diyos at tagapangalaga ng lahat ng kanilang nilikha. Ang lahat ng tao ay
mamamayan ng iisang mundo, sapagkat, tayo ay nabubuhay lamang sa iisang kalikasang lalang ng
Diyos para sa ating lahat. Kapag kinalimutan ng tao ang Diyos, ang kalikasan ay mawawalan ng
kahulugan at mauuwi sa kahirapan

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa hiwalay na papel.
Halimbawa:
1. Ipinakikita sa larawan ang ibat-ibang uri ng pagkasira o pagsira sa kalikasan.

Mga tanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan sa itaas?
2. Nasaan ang mga tao?
3. Ano ang tawag sa kalagayang ito?
4. Bakit nangyayari ito sa kalikasan?

B. Gawain 2:
Panuto: Ang gawaing ito ay isang Self-Assessment Questionnaire. Lagyan ng tsek (/) kung alin sa mga
sumusunod ang nagagawa mo o hindi para sa inang kalikasan.
Mga Gawain Nagagawa Hindi Nagagawa
1. Pagtapon ng basura sa tamang tapunan
2. Pagsali sa urban tree planting
3. Pagtatanim ng halaman sa bakuran o paso
4. Pagsisiga ng basura sa bakuran
5. Paghihiwalay ng basura ayon sa uri nito:
nabubulok, hindi nabubulok, nagagamit muli

C. Gawain 3:
Panuto: Gumawa ng tula, slogan o gumuhit ng larawan na nagpapakita ng tamang paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan. Gumamit ng hiwalay na papel.
Halimbawa:

D. Gawain 4:
Panuto: Isulat ang mga inaasahan sa iyo bilang isang tao na mamamayan ng mundo. Gumamit ng
hiwalay na papel. Tignan ang halimbawa.

29
VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.
_____1. Paano ipinapakita ng tao na pinapahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na kaniyang
ginagawa?
A. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkakatiwala sa
kanya.
B. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay
mapag-iwanan ng pag-unlad at panahon.
C. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapuwa na maiwasan ang
pagkawasak ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran.
D. Makikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at earth
balling.

_____2. Ano ang maaring epekto ng global warming?


A. Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari.
B. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at makakaroon ng malawakang pagbaha.
C. Unti-unting nararamdaman ng tao ang pag-iba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay
at ari-arian.
D. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.

_____3. Paano mo isasagawa ang programang magsususlong ng pangangalaga ng kalikasan?


A. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag.
B. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing maka-kalikasan
C. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan.
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng
isang gawaing pangkalikasan.

_____4. Ano ang paraan na maaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapamahala at
tagapangalaga ng kalikasan?
A. Magtapon ng basura sa tamang tapunan. C. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado.
B. Magpatupad ng mga batas. D. Maging mapagmasid at matapang sa
pakikipaglaban para sa bayan.

_____5. Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng:


A. nakapaligid sa atin. C. bagay na nagpapayaman sa tao.
B. nilalang na may buhay. D. mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang
na may buhay.

VII. Pagninilay
Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
VIII. Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, 2012
• https://rmn.ph/para-sa-kalikasan-kbp-pangasinan-chapter-oplan-brocastreeing-tagumpay/
• https://steemit.com/poetry/@aaronplando/tawag-ni-inang-kalikasan
• https://www.facebook.com/2079426392279602/photos/a.2079435052278736/2079434828945425
• http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2011/07/tula-tungkol-sa-kalikasan.html
• http://slide.ly/view/cf971949642f5904300d282f768e9fc7
• https://www.facebook.com/470184590440715/photos/a.471720710287103/499564890836018/
• https://www.pinterest.ph/pin/606367537301517258
• https://ph.lovepik.com/image400104308/embrace-nature.html
Inihanda ni:
Edilberto Gatdula Requioma
Las Piñas National High School-Main

30
31
B – Biyaya na kaloob ng Diyos
U – upang mapangalagaan ang lahat ng likha
H – habang may buhay
A – at gumawa ng mabuting sa kapwa
Y – yaong isa ito sa Kaniyang mga nais.
Aralin 4
Aralin 3
Pagtataya Gawain 2
1. C - Pagpapatiwakal 1. Ang Paggamit ng Pagtataya Pagtataya
2. D - Alkoholismo Ipinagbabawal na gamot 1. A 1. A
3. A - Paggamit ng ipinagbabawal 2. Pagpapatiwakal 2. B 2. B
na gamot. 3. Alkoholismo 3. C 3. C
4. B - Assisted suicide 4. Euthanasia (Mercy Killing) 4. D 4. A
5. B - Aborsiyon 5. Aborsyion 5. A 5. D
Aralin 3 Aralin 3 Aralin 2 Aralin 1
Aralin 1
Aralin 1
SUSI SA PAGWAWASTO
32
Pagtataya
1. C - Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili ang kaniyang kapuwa na maiwasan
ang pagkawasak ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran
2. B - Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at makakaroon ng malawakang pagbaha
3. C - Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan
4. C - Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado
5. D - Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay
Aralin 8
Gawain 1
Sagutan ang tanong sa hiwalay na papel
Mga maaaring sagot:
1. Ipinakikita sa larawan ang mga ibat-ibang uri ng pagkasira o pagsira sa kalikasan.
2. Dalawang uri ng tao ang ipinakakita dito, ang mga walang pakialam at mga taong tumutulong upang
maibalik ang sigla ng kalikasan.
3. Pagkasira ng kalikasan
4. Pagwawalang bahala at kawalan ng pagpapahalaga sa kalikasan ng mga tao
Aralin 8
Pagtataya
Pagtataya
1. D 1. C
2. A 2. B
3. A 3. D
4. B 4. A
5. D 5. D
Aralin 7 Aralin 7 Aralin 6
Pagtataya
1. D - pinagmulan o pinaggalingan
2. C - Pagmamahal sa bayan
3. B - Sa mga hangarin at pangarap
Aralin 6 ng bawat mamamayan tungo sa
pag-unlad ng sarili at kapuwa-
Pilipino.
Gawain 1 4. B – Pamilya
Rubrics 5. C – pagmamahal
Interpretasyon: Aralin 5
Kung ikaw ay may bilang na
4-5 May sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa
Pagtataya
pagmamahal sa bayan na kailangang ipagpatuloy.
1. A. Buhay
2-3 May kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na
2. D. Lahat ng nabanggit
nangangailangan ng pagpapaunlad
3. A. Pagkakaroon ng bisyo
1-0 Nangangailangan ng sapat na kaalaman at pag-unawa sa
4. C. Pornograpiya
kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
5. A. Pagpapahalaga sa buhay
Aralin 5 Aralin 4

You might also like