GAWAIN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 10

I. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at punan ng angkop na sagot ang mga patlang.
Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Ilarawan ang ibaba ng kubyerta.


a. Maingay ang mga taong sakay at ramdam ang init at sikip
b. Tahimik ang lahat na naghihintay na makarating sa paroroonan at ang iba ay nakatulog na
c. Maginaw sa ilalim dahil ramdam ang mga malalamig na bakal at hampas ng tubig sa bapor
d. Malinis, maluwag at may magarang pasilidad

2. Pangarap ni Basilio na matapos ang pag-aaral sa kanyang kursong


a. abogasya b. inhinyero c. medisina d. guro

3. Si ___ ang kaibigang matalik ni Kapitan Tiago. a. P. Sibyla b. P. Damaso c. P. Salvi d. wala

4. Isa sa mga naging layunin o katungkulan ni Kapitan Tiyago sa kuwentong ito ay ____.
a. mamahala sa paghingi ng pahintulot upang maipatayo ang paaralan na panukala ng mga kabataan
b. magsilbing tagapayo ng mga mag-aaral sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila
c. tumayong pangalawang magulang ni Basilio at Maria Clara
d. Kasabwat ni Padre Damaso sa pagpapakasakit kay Don Rafael

5. Sino ang nakasaksi sa pagkamatay ni Simoun? a. Basilio b. Isagani c. P. Florentino d. Ibarra

6. Ano ang relasyon ni Donya Victorina at Paulita Gomez?


a. mag-ina b. magninang c. magtiyahin d. manugang niya si Paulita

7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng katotohanan tungkol kay Basilio


a. Palihim na dumalaw si Basilio sa libingan ng kanyang ina minsan isang hatinggabi
b. Palihim na dumalaw si Basilio sa mag-anak ni Kabesang Tales minsan isang hatinggabi c.
Palihim na dumalaw si Basilio sa sa alperes minsan isang hatinggabi
d. Palihim na nakipagsabwatan si Basilio sa kapwa kabataan upang tuligsain ang mga prayle

8. Natagpuan ni Simoun ang isang mahalagang gamit na pagmamay-ari ni Maria Clara sa bahay ni
Kabesang Tales.
a. liham b. kuwintas c. Panyo d. Singsing

9. Nagpunta si Basilio sa Maynila upang


a. magtinda b. paalila at makapag-aral c. mag-aral d. mahanap si Huli

10. Bilang mahusay na mag-aaral, nang makapagtapos ng pag-aaral, si Basilio ay nagkamit ng titulong a.
sopressaliente b. consummatum est c. sobresaliente d. excomulgado

11. Kasawiang sinapit ni Tandang Selo


a. nabaliw b. nawala ang alaala c. napipi d. nagkaroon ng katarata

12. Si Juli ay _____ para kumita ng salapi.


a. nagpaalila b. nangutang c. nagpakasal sa mayaman d. Nagnegosyo

13. Ang sumusunod ay paglalarawan kay si Simoun maliban sa isa.


a. arogante b. mapagmalasakit c. may pangarap d. Malihim

14. Ang mga sumusunod ay paglalarawan tungkol kay Basilio maliban sa isa.
a. Siya ang kasintahan ni Paulita Gomez.
b. Tumanggi ngunit kalaunan ay umanib sa samahan ni Simoun
c. Romantiko at masipag mag-aaral
d. Naulila sa pamilya

15. Siya ay nakaranas ng kalupitan ng mga prayle bumalik upang maghiganti.


a. Basilio b. Jose Rizal c. Josephine Bracken d. Simoun

16. Isang mayamang mag-aaral na ipinagkasundo kay Paulita Gomez para ipakasal.
a. Isagani b. Sandoval c. Macaraig d. Juanito

17. Mayamang mag-aalahas a. Maria Clara b. Donya Victorina c. Donya Consolacion d. Simoun
18. Ipinagdamdam ang pagkamatay ni Ibarra kung kaya’t piniling manirahan sa beateryo.
a. Pia Alba b. Tiya Isabel c. Maria Clara d. Sisa

19. ____ ni Juli na humingi ng tulong kay P. Camorra.


a. ayaw na ayaw b. tuwang-tuwa c. ibig na ibig d. walang pakealam

20.Ang babaeng nahulog sa tore ng kumbento ay si_______


a. Juli b. Paulita c. Sisa d. Maria Clara

21. Isang binatang lihim na nagmamasid sa bayan ng San Diego at nagsakripisyo ng buhay nya para kay
Ibarra.
a. Tano b. Pedro c. Macaraig d. Elias

22. Dinakip at hindi agad nakalaya sa bilangguan dahil walang pampiyansa at walang pamilya.
a. Tandang Selo b. Don Rafael c. Basilio d. Isagani

23. Ang nagtapat kay Isagani ng lihim na mangyayari nang gabing iyon ng kasal ay si
a. Simoun b. Basilio c. Kabesang Tales d. Padre Florentino

24. Dahilan ng pagbabalik ni Simoun


a. Magtayo ng paaralan c. Kunin ang loob ni Basilio
b. Magnegosyo sa San Diego d. Kunin si Maria Clara

25. Ang nagnakaw ng ilaw at nagtapon nito sa ilog ay si


a. Basilio b. Isagani c. Ben-Zayb d. Elias6

26. Si Simoun ay ______________


a. nagtago at nagpalit ng katauhan bilang Ibarra
b. tumakas kasama si Maria Clara
c. namatay nang bigo sa paghihiganti
d. nagpayaman sa san Diego

27. Nang dumating sa bahay ni P. Florentino si Simoun ay


a. malakas na malakas b. sugatan c. mamamatay na d. galit na galit

28. Alin ang totoo sa sumusunod na pangyayari?


a. Sumabog ang bomba at sumugod ang mga tulisan sa kwartel
b. Pinamunuan ni Basilio mga tulisan at naitakas si Maria Clara mula sa kumbento
c. Pinagbabaril si Simoun ng mga gwardiya sibil dahil natuklasan na siya ay isang taksil
d. Bumalik si Simoun bilang Ibarra upang maghiganti

29. Ano ang ikinamatay ni Simoun


a. pag-inom ng lason c. Pagbaril ng mga gwardiya sibil
b. pagkasawi sa labanan d. pagtalon sa bangin

30. ____ si Simoun bago namatay na may tunay na Diyos.


a. Napaniwala b. Hindi napaniwala c. Napapaniwala nang bahagya

III. TAMA O MALI

31. Isa si Rizal sa mga pinakakilalang manunulat na tumuligsa sa pagmamalupit ng mga dayuhang Kastila.

32. Gumamit si Rizal ng mga sagisag panulat na DIMASALAMANG at LAONG DAAN.

33. Siya ay isang manunulat, rebolusyonaryo, siyentista, nobelista, makata, mamamahayag, optalmologo, at
mahusay rin siya sa pagpipinta, pagguhit, paglililok at pag-uukit

34. Tatlong nobela ang kanyang natapos isulat, ito ay ang Noli Me Tangere, El Filibusterismo at Makamisa.

35. Ipinanganak si Rizal mula mayamang angkan sa Calamba Laguna noong Hunyo 19, 1861.

36. Dalawampu’t isang lenggwahe ang kayang salitain ni Rizal kaya kilala rin siya bilang poliglota.

37. Sa paaralang Sa Ateneo Municipal de Manila niya nakamit ang karangalang sobresaliente.

38. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas- nag-aral siya ng Filosofia y Letras at lumipat sa pag-aaral ng medisina.
39. Si Josephine Bracken at itinuring na ‘greatest love’ ni Jose Rizal.

40. Hulyo, 1892 nang itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa Maynila, ito ay isang samahang ang mithiin ay
ang magbago ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas

41. Isinulat niya ang tulang Mi Ultimo Adios(Ang Huling Paalam) bago siya binaril sa Dapitan.

42. Naging madali ang kanyang buhay manlalakbay at manunulat kaya’t matagumpay niyang naipalimbag
ang kanyang mga nobela.

43. Dumaan si Rizal sa maraming paghihirap dahil sa kanyang pagiging manunulat.

44. Nagkaanak si Rizal na ang pangalan ay Franco.

45. Isang abogadong Pilipino ang nagmalasakit sa kanya upang ipagtanggol si Rizal sa kanyang mga kaso
sa korte.

46. Inialay ni Rizal ang El Filibusterimo sa tatlong paring martir.

47. Bumalik sa Pilipinas si Rizal sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay, upang operahan ang kanyang
inang may sakit sa atay.

48. Hindi nanalo si Rizal sa kaso at hinatulan ng pagpapatapon sa kanya sa Dapitan.

49. Nang siya ay mamatay, sumiklab ang himagksikan at lalong nag-alimpuyo sa galita ang maraming mga
Pilipino.

50. ‘Consummatum est’, huling salita na sinabi niya bago barilin.

You might also like