Suringbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Unang Markahan

Proyekto sa Filipino 10
Suring Basa

Si Pinocchio
Ni: Carlo Collodi

Inihanda ni:
Christopher John C. Sumilang
X-Galileo

Inihanda kay:
Ma’am Panganiban
I. Panimula

A. Uri ng Panitikan

Ang akdang “Si Pinocchio” ay isang nobelang katha ni Carlo Collodi. Noong una, ito
ay inilalabas ng bawat kabanata sa isang pahayagan sa Roma. Ngunit makalipas ang ilang
taon, ginawa na itong isang nobela na mayroong 36 na kabanata. Ang nobelang ito ay
nagpapakita ng kahambugan at hindi pagsunod sa magulang. Ito rin ay nag-iiwan ng isang
ideyalismo sa mga mambabasa na maging mabait at magsabi ng katotohanan sa lahat ng
oras. Ang pagsunod at pagsabi ng mga totoo sa mga nakatatanda ay siyang susi sa isang
matiwasay na buhay.

B. Bansang Pinagmulan

Nagmula sa bansang Italy ang nobelang “Si Pinocchio”. Ang akdang ito ay
kinapapalooban ng mga kulturang Italyano. Isa na rito ang paggawa ng laruan. Isa sa
kultura ng mga taga-Italy noon ay ang palikha ng mga laruang gawa sa kahoy o bakal. Ito
ay kanilang ibinabahagi sa kabataan o kaya naman ay ibinebenta sa pamilihan. Idagdag mo
na rin ang pagkakaroon ng mga Circus na naging pook kasiyahan ng mga tao sa panahong
iyon. Bilang dulot naman sa kultura ng mga taong naroroon sa magulo at madugong
panahong iyon, nagkaroon ng mga istatwa at mga rebulto ni Pinocchio na nakapagbigay ng
pagkakaisa sa panahong iyon sa Italy.

C. Pagkilala sa May-Akda

Ang akdang ito ay kinatha ni Carlo Collodi. Si Carlo ay isang manunulat at isang
journalist. Naging miyembro rin siya ng Tuscan Army sa panahong iyo na kung saan ay
ganap ang digmaan sa kalayaan. Bilang isang manunulat, ginamit niya ang pahayagan
upang ikatha ang Pinocchio. Una niya itong isinapubliko sa pahayagang Il Giornale per i
Bambini, ang unang pahayagang pambata sa Italy. Naisulat ni Carlo ang Pinocchio dahil
na rin sa kanyang pagkahumaling sa mga alegorya at pagkaakit sa mga makabuluhang
karakter. Ito rin ay kanyang naging paraan upang mabawasan ang dugo na naidudulot ng
digmaan sa Italy noong panahong iyon.

D. Layunin ng May-Akda

Isa sa pangunahing layunin ni Carlo Collodi sa kanyang akda ay ang masugpo ang
digmaan. Ginamit niyang instrumento ang pahayagang pambata upang maging maayos at
magkaroon ng pagkakaisa ang mga nagdidigmaang panig sa Italy. Nais niya ring
magkaroon ng pantay na pagtingin sa pagitan ng mga nakaaangat at mga naghihirap na
mamamayan sa kanilang bansa. Ito ay kanyang ninais upang magkaroon ng nag-iisang
ugnayan at kapayapaan para sa bawat isa.
Nais iparating ng akda na huwagsumuway sa utos ng ating mga magulang sapagkat ito
ay maaaring magdulot ng ating kapahamakan. Nais din nitong sabihin sa lahat na ang
paggawa ng mabuti ay magbibigay din ng mas marami pang mabuting bagay sa ating
buhay.

E. Kulturang Masasalamin

Isa sa mga kulturang nakapaloob dito ay ang pagmamahal ng magulang sa kanyang


anak. Ipinakita ito ng muling pagtanggap ni Geppetto sa nagkasalang si Pinocchio. Ito ay
isang kulturang Italyano na makikita rin sa Pilipinas. Marami sa mga Pilipino ang
nagmamahal ng totoo sa kanilang mga anak at muling tinatanggap ang mga lubos na
nagkamaling anak nila. Ikalawa ay ang pagbibigay ng laruan. Isang itong kultura sa Italy
na makikita rin sa Pilipinas. May mga matatandang bumibili pa ng mga laruan at regalong
nagkapagbibigay kasiyahan sa kani-kanilang mga kamag-anak. Ikatlo naman ay ang
pagkahumaling sa mga teatro. Kultura ng mga Pilipino ang mahumaling sa mga dula-
dulaan at mga presentasyong pangtanghalan. Ito ay pinakita ng pagpunta ni Pinocchio sa
isang tanghalan upang makapaglibang.

III. Pagsusuring Pangkaisipan


A. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda

Ang akdang ito ay naglalahad ng unibersal na katotohanan. Pinakita nito ang


ugnayang malilinang sa pagitan ng mga magulang at mga anak. Nagpapakita ito ng
Teoryang Sikolohikal sapagkat pinakita nito ang paghubog g kaalaman ng isang
inosenteng bata at ang pagmulat nito sa tama at maling konsepto sa mundo. Pinakita nito
ang tiyak na sitwasyong nangyayari sa kasalukuyan na kung saan ay labis ang pagsuway ng
kabataan sa kanilang mga magulang. Pinakita rin nito ang kawalan sa edukayon at
kaalaman ay maaaring magdulot sa maling gawi at kapahamakan. Ang kakulangan sa
konsepto sa buhay ay nagdudulot ng labis na pagkalunod sa maling paniniwalang
nahuhubog sa paglaki at paglawak ng kaisipan ng isang tao.

B. Estilo ng Pagkasulat ng Akda

Mahusay at magaling ang pagkakalikha sa akdang ito. Kitang-kita ang maayos na


daloy at ang bawat kabanata ay sadyang kakikitaan ng mga kongkreto at tiyak na detalye.
Ang mga salitang ginamit ay angkop sa mga bata at hindi ito kakikitaan ng mga bayolente
at malaswang mga salita. Epektibo rin itong pamamaraan upang ilahad at mapag-isa ang
isang nagdidigmaang nasyon. Gumamit ang may-akda ng mga simbolismo at mga
makukulay na salita upang mas maakit at mas maantig ang mga mambabasa. Pinakita rin
nito ang angkop na damdaming nakapaloob sa mga kabanatang kakikitaan ng kalungkutan,
kasiyahan, pagtataksil, at pagsisisi. Angkop ang babasahing ito sa kabataan ngayon at
maging sa lahat ng tao dahil ito nga ay sadyang kakikitaan ng tunay na kalagayan ng ating
lipunang ginagalawan.
IV. Buod
Sa isang bahay sa Tuscany, Italy, naninirahan ang isang matandang nagngangalang
Geppetto. Siya ay gumagawa ng mga laruan mula sa kahoy at kanya itong ibinibigay sa
mga bata. Matagal na niyang gusto na magkaanak. Isang araw, sa kagustuhang magkaanak,
humanap si Geppetto ng isang kahoy sa kagubatan. Nang makahanap, inililok niya rito ang
isang batang lalaki at pinangalanan niya itong Pinocchio.
Matapos ang isang araw na pagtratrabaho, natulog si geppetto katabi ang puppet na
kahoy na si Pinocchio. Mula sa bituin, bumaba ang isang diwata at binigyan niya ng buhay
ang batang puppet. Tuwang-tuwa ang bata ng mabuhay. Pinayuhan siya ng diwata na
magpakabait at laging sumunod sa mga binibilin ni Geppetto. Kinaumagahan, labis ang
kasiyahang nadama ni Geppetto. Naglaro at nagsasayaw sila ni Pinocchio. Lumipas ang
mga araw at nagustuhang pumasok ni Pinocchio sa paaralan. Kung kaya’t ibinenta ni
Geppetto ang kaisa-isa niyang amerikana upang ipambili ng gagamitin ni Pinocchio.
Matapos noon ay ibinigay ni Geppetto ang pera kay Pinocchio upang gamitin sa pag-aaral.
Umalis si Pinocchio at naglakad patungo sa paaralan. Dito ay nakita niya ang
maraming tao ang iba’t ibang tindahan. Nakita niya rin ang mga taong nagkukumpulan sa
isang circus. Doon ay nahumaling siya at ginamit niya ang perang pambili ng kagamitan
bilang pambili ng ticket para sa circus. Doon ay nakapaglibang siya. Nang mag-uwian na,
nakita ng isang maestro si Pinocchio. Nais niyang gamitin si Pinocchio bilang libangan sa
kanilang circus ngunit pinaliwanag ni Pinocchio na siya ay may bibilhin pangkagamitan at
ginamit niya lamang ang pera makapanood sa circus. Dahil sa awa, binigayan ng limang
gintong barya ng maestro si Pinocchio. Matapos noon, umalis na siya.
Habang naglalakbay, nakasalubong niya ang isang tusong pusa at isang fox. Nakita ng
mga ito ang perang dala-dala ni Pinocchio. Niloko nila si Pinocchio at sinabing mas
dadami pa ito kung ito ay kanyang itatanim. Ng maitanim na ni Pinocchio ang mga barya,
tinulak siya ng tusong pusa sa isang patibong na ginawa ng sakin na fox. Nalaglag si
Pinocchio at nagmamakaawang humingi ng tulong. Ngunit, iniwan siya ng dalawa dala-
dala ang mga gintong baryang kanyang tinanim. Nakita ng diwata ang kalagayan ni
Pinocchio, tinanong nito kung bakit siya nahulog. Nagsinungaling si Pinocchio at humaba
ang kanyang ilong. Itinanong niya ito sa diwata at sinabi ng diwata na hahaba ang kanyang
ilong sa tuwing siya ay magsisinungaling. Matapos noon, ay inamin ni Pinocchio ang
totoo. Muling bumalik ang kanyang ilong sa dating hugis at tinulungan siya ng diwatang
makalabas.
Nang makalabas, nagmadali si Pinocchio pabalik sa kanilang bahay. Ngunit pinigilan
siya ng kaibigang si Romeo. Niyaya nito si Pinocchio na pumunta sa Lugar ng mga Laruan.
Doon ay kumain sila ng maraming matatamis at naglaro magdamag. Makalipas ang ilang
araw, nakaramdam ng mali si Pinocchio. Pawang may mga tengang malalaki ang tumubo
sa kanya kasabay ng pagkakaroon nito ng buntot. Hindi nila alam, pagmamay-ari ng isang
masamang lalaking ginagawang kabayo ang mga bata ang lugar na kanilang napuntahan.
Sisiluin na siya ng lalaki ng magtatakbo siya ng sobrang bilis papalayo.
Nang makalayo, narinig ni Pinocchio ang isang mga pag-uusap. Ilang araw na raw
siyang hinahanap ng kanyang ama. Sa paghahanap ay napadpad na raw ang ama sa dagat at
lumubog raw ay kanyang bangka dahil sa bagyo. Labis ang pagsisisi at pagkalungkot ni
Pinocchio. Kung kaya’t agad siyang tumakbo at tumalon sa dagat. Unting-unti nagbalik
ang itsura ni Pinocchio sa dati nitong anyo matapos mapagtanto ang kamaliang nagawa
nito. Naglangoy siya ng naglangoy makita lamang ang ama.
Nang mapadpad sa gitna ng dagat, may isang malaking bibig ang lumunok sa kanya.
Isa pala itong balyena. Nalungkot si Pinocchio at hinihiling na muli niyang makita ang ama
sa dilim na nakapalibot sa kanya. Tumugon ang isang boses. Ito pala ay si Geppetto.
Narinig niya ang pagsisisi ni Pinocchio. Dahil sa pagkalungkot kanyang niyakap si
Pinocchio. Inamin ng bata ang mga pagkakamaling nagawa at pinatawad naman siya ng
ama.
Humanap ng paraan ang dalawa kung paano makakalabas sa bunganga ng balyena.
Sinilaban nila ang mga kahoy sa loob ng balyena at lumabas ang makapal at mainit na usok
mula sa apoy. Naramdaman ng balyena ang nasusunog sa kanyang bibig kung kaya’t
umubo ito ng umubo hanggang mailabas sila ang mag-ama. Naglangoy silang dalawa
patungo sa dalampasigan. Doon ay pinasalamatan ni Geppetto ang anak sa pagligtas na
kanyang ginawa. Dumating ang diwata. Nakita at nasubaybayan pala ng diwata ang lahat
ng kaganapan sa buhay ni Pinocchio. Dahil napatunayan na ni Pinocchio ang pagiging
isang mabuting anak, ginawa siyang tunay na tao nito. Laking tuwa ng mag-ama. Sabay
nilang pinasalamatan ang diwata sa regalong ibinigay.
Magmula noon, nabuhay ng matiwasay ang mag-ama kasabay ng pagsasabuhay ng
kabutihan sa kanilang puso at isipan.

V. Mga Larawan

DIGMAANG ITALIA
TEYATRONG
ITALIA

You might also like