Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Mga Tradisyonal na Laro!

Ang mga Tradisyonal na Larong


Pilipino o katutubong laro na kilala
rin bilang larong lahi ay mga
larong karaniwang nilalaro ng mga
bata gamit ang mga katutubong
materyales o instrumento.
Ang ‘Tumbang Preso’ ay isang
halimbawa ng target games na
karaniwang nilalaro ng mga
bata. Ito ay unang nakilala sa
isang lugar sa San Rafael
Bulacan.
Ito ay isang laro sa
Pilipinas kung saan
may isang nagbabantay
na nasa loob ng isang
bilog. Ito ang tinatawag
na "prisoner".
Ang layunin ng larong ito ay
hulihin ang naghahagis ng
tsinelas habang ito ay nasa
lupa. Ang nahuling naghagis
ng tsinelas ang susunod na
magiging taya o bantay.
Ang mga materyales na ginagamit
sa larong ito ay tsinelas, lata, at tisa.
MGA PARAAN SA
PAGLALARO NG TUMBANG
PRESO
1. Ilagay ang lata sa loob ng isang
bilog na may diametro na isang
talampakan.
2. Ang manuhan o pulang linya
ay lima hanggang pitong metro
ang layo mula sa lata.
3. Pumili ng isang taya
sa pamamagitan ng
paghagis ng tsinelas sa
manuhan. Ang taong
may pinakamalayong
tsinelas mula sa linya
ang magiging taya.
4. Ang taya ay tatakbo papalapit sa
lata. Dito magsisimula ang rally.
5. Kapag nabuwal ang lata, ang taya
ay dapat unang ibalik ang lata sa
loob ng bilog at pagkatapos ay
hahabol sa mga naghahagis upang
maging susunod na taya bago sila
makabalik sa base.
6. Ang ibang naghahagis na hindi
nakabalik sa base ay bantay ng
taya, kaya hindi sila maaaring
bumalik sa base line at maaaring
maghagis muli.
7. Ang manlalaro sa drawing board
ay hindi maaaring mahuli. Ang
taya ay hindi na maaaring
gumawa ng manuhan kapag
nabuwal ang lata.
8. Kapag nahuli na ang taya,
maaaring sipain ng mga
naghahagis ang lata upang itumba
ito. Ngayon magpatuloy naman
tayo sa mga pisikal na kasanayan
na maaaring mapabuti kapag
naglalaro ng tumbang preso.
Pisikal na katangian na dapat
pahusayin kapag naglalaro
ng tumbang preso:

Pag-target
Lakas at bilis ng katawan
Limang katangian na dapat
taglayin kapag naglalaro ng
tumbang preso:

1. Pagtutulungan
2. Disiplina sa sarili
3. Determinasyon
4. Pagiging makatarungan
5. Pagiging mabait sa laro

You might also like