Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

PANTABANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

“Kahalagahan ng pag-aaral ng mga malalalim na salita ng mga


estudyante sa baitang 9 AT 10 ng Pantabangan National High
School”

Isang pananaliksik na ipinasa sa


Humanities And Social Sciences
Senior High School Department
Pantabangan National High School

MGA MANANALIKSIK
ABELLERA,JAYCEE
CAPIA,VINCE
ESTEBAN,JAED
GROSPE,MARY ANNE
MABASA,JOHN MICHAEL
PEREZ,RICA LYN
RIOS, ASHLEY
SANGALANG,HARLEY
SENUTO,HANNA MAE
TRINIDAD, ASHLEY
YAMIT, KHEVIN ANDREI

Gng. CECILLE JUAN BARCELO


GURO SA PANANALIKSIK
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang matatalinghagang salita o malalalim na salita ay isang


bagay na nag palaalala kung ano ang lenggwahe natin noong
kasaysayan. Ito ang mga nakagawiang lenggwahe na nanggaling
at ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Ang paggamit ng
mga malalalim na salita ay nagpapakita ng pagtangkilik sa
ating wika at sa tulong nito maaari nating mailahad ang
ating mga opinyon, damdamin at ideya ng mas nakakaaliw. Ang
malalalim na salita ay isang mahalagang bagay sa ating wika
na maari nating gamitin sa ating pakikipag-usap at
pakikisalamuha sa ating kapwa. Ito ay naglalarawan sa
kahusayan ng bawat Pilipino sa kanilang paggamit nito upang
maglahad ng iba’t-ibang kaalaman sa kanilang kapwa.

Alam natin na ang pangunahing salita ng mga Pilipino ay ang


tagalog o Filipino. Sa wikang ito nakapaloob ang mga
malalalim o matatalinghagang salita. Ito ay nagmula sa ating
mga ninuno noong unang kasaysayan. Ang mga malalalim na
salita ay kadalasang ginagamit ng mga bayani sa pag kukwento
o paglalahad ng kanilang buhay na kung saan ito ay ating
nababasa sa aklat. Sa ating kultura, ang paggamit ng
matatalinghagang salita ay isang paraan upang ipahayag ang
mga emosyon sa pamamagitan ng masalimuot na mga salita at
pahayag.

Ang mga malalalim na salita ay nagbibigay daan sa mas


malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa wika at kultura ng
Pilipinas. Ito ay nagpapakilala sa ating pagkakakilanlan
bilang mga mamamayang Pilipino na may sining at kagandahang
asal sa paggamit ng wika. Ngunit sa pag babago ng panahon na
ngayon ay modernisyasyon na, nagagamit pa din ba natin o
nasasambit ang mga salitang malalalim o matatalinghagang
salita? Maaaring oo ,may ilang mga Pilipino na gumagamit
nito ngunit hindi ito kadalasang nagagamit o nasasambit
dahil sa pag babago ng panahon na kung saan ito ay unti unti
nating nalilimutan at mas ginagamit natin ang mga salitang
hindi natin kinagisnan at hindi nanggaling sa ating mga
ninuno.

Ang matalinhagang pahayag o pananalita ay may malalim o


hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika (Filipino-
Panitikang Pandaigdig-Modyul para sa Mag-aaral, 2015). Ayon
kay Dos Santos at Gatti (2014), ang isa sa pinakamahalagang
tao sa lipunan ay walang iba kundi ang wika, sapagkat ito
ang tumutulong upang labis na magkaunawaan ang mga tao sa
lipunan. Ayon din sakanya ang wika ay nabuo para sa lipunan
at hindi mabubuo ang lipunan kapag walang wika, kaya
masasabi na konektado ang kagamitan ng dalawang nabanggit,
sa madaling salita ay walang mas importante at wala namang
hindi importante, pantay-pantay ang kanilang
importansya.Ayon kina Bernales, et al. (2018), totoong sa
pang-araw-araw na buhay, higit na ninanais ng mga karaniwang
tao ang mga salitang karaniwan sa kanilang mga mata at
pandinig. Kung maaari nga ayaw na nilang mag-isip ng
kahulugang malalim. Ngunit may mga pagkakataong kailangan ng
sino mang manunulat o mambibigkas na gumamit ng mga salitang
kasasalaminan ng lawak ng kanyang karanasan, ng dami ng mga
nabasa at ng lalim ng kanyang kultura.

Hangarin ng papel na ito na malaman ang kahalagahan ng


pag-aaral ng mga estudyante ng mga malalalim na salita. Ito
ay maaaring magbigay sa kanila ng mga bagong kaalaman na
maaari nilang gamitin sa kanilang pag aaral. Ito ay pwedeng
maging daan upang mas lumawak ang ating kaalaman sa mga
malalalim o matatalinhagang salita. Napakahalaga na
alalahanin at muling gamitin o sambitin ang mga salita na
ating kinagisnan na nanggaling sa ating mga ninuno at
ipinamana sa atin. Napakahalaga rin na ito ay ating
mapaunlad at aying tangkilikin dahil ito ang ating unang
salita.
PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magawa ang mga


sumusunod na layunin:

1. Na malaman ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga


malalalim na salita.
2. Na matukoy ang iba’t-ibang matatalinhaga at malalalim
na salita.
3. Na malaman ang mga kakayahan ng mga estudyante sa
baitang 9 at 10 sa paggamit ng mga malalalim at
matatalinhagang salita.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga


sumusunod:

1.Bakit mahalaga ang pag-aaral ng mga malalalim na salita?


2. Bakit kailangang tukuyin ang iba’t-ibang matatalinhaga at
malalalim na salita?
3. Bakit kailangang malaman ang mga kakayahan ng mga
estudyante sa baitang 9 at 10 sa paggamit ng mga malalalim
at matatalinhagang salita?
TEORETIKAL NA BALANGKAS

Teoryang Sapir-Whorf o Linguistic relativity Teory ni Edward


Sapir at Benjamin Lee Whorf

Sa pag-aaral na ito, minarapat ng mananaliksik na gamitin


ang Teoryang Sapir-Whorf, na kilala rin bilang linguistic
relativity Theory ay unang ipinresenta ni Edward Sapir noong
1929 at pinagtibay ni Benjamin Lee Whorf noong 1930s at
1940s. Ang kanilang teorya ay nagmumungkahi na ang wika ay
may malaking impluwensiya sa pag-iisip at karanasan ng isang
tao. Ayon sa teoryang ito, ang paraan ng pagsasalita at pag-
iisip ng isang tao ay bahagi ng kanyang kultura at wika, na
maaaring magbunsod ng pagkakaiba sa pag-unawa at pag-iisip
sa iba’t ibang kultura. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng
malalalim na salita, nakikilala ng isang indibidwal ang
masalimuot na kahulugan ng mga konsepto, nagpapalawak sa
kanilang kakayahang maunawaan ang iba’t ibang konteksto.Ang
pangalawang aspeto ng kahalagahan ng pag-aaral ng malalalim
na salita ay nauugnay sa pag-unlad ng kasanayan sa
komunikasyon. Kapag ang isang tao ay may sapat na kaalaman
sa malalalim na mga salita, mas madaling magpahayag ng
kanilang mga kaisipan at damdamin sa mas eksaktong paraan.
Ito ay nagdudulot ng mas malalim na ugnayan sa ibang tao at
mas mabisang pagpapahayag ng kanilang sarili sa iba’t ibang
larangan.

Batay sa kasalukuyang pangyayari, Sa konteksto ng pag-aaral


ng mga malalim na salita ng mga estudyante, ang pag-unawa sa
teoryang ito ay maaaring magbigay ng importansya sa
pagpapalawak ng kanilang kaalaman at pag-unawa sa iba’t
ibang konsepto at karanasan. Ang pag-aaral ng mga malalim na
salita ay maaaring magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa
mga konsepto at ideya na mahalaga sa kanilang edukasyon at
personal na pag-unlad.
Sa nabanggit na teorya ni Edward Sapir at Benjamin Lee Whorf
ayon dito ay may dalawang konsepto na naglalarawan sa
kabuuhan ng Kahalagahan ng pag-aaral ng mga malalalim na
salita ng mga estudyante.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod: (1)Determinsm
(2)Relativity
Determinism. Ang determinism sa kanyang teorya ay
nagpapahiwatig na ang ating kaisipan at kilos ay nakabatay
sa mga salita at kaisipan na ipinapakita ng ating wika. Sa
konteksto ng pag-aaral ng malalalim na salita ng mga
estudyante, maaaring sabihin na ang kanilang kakayahan na
maunawaan at magamit ang mas malalim na mga salita ay
maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanilang pag-iisip
at pag-unawa sa mundo, na nagpapalawak ng kanilang pananaw
at kakayahan sa pag-analisa.
Relativity. Ang relativity ay nagpapakita na ang mga
kaisipan at pananaw ng isang tao ay nabubuo at naaapektuhan
ng kanyang wika. Ito ay nagpapakita na may mga konsepto na
hindi madaling isalin mula sa isang wika patungo sa iba,
dahil sa pagkakaiba-iba ng kultural na konteksto at
karanasan. Ang kahalagahan ng pag-aaral ng malalalim na
salita ay lumalabas sa pagkilala na ang bawat wika ay may
kani-kanilang paraan ng pagpapahayag at pag-unawa sa mundo.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng malalim na mga salita,
nagbubukas ito ng mga bagong konsepto at karanasan na
maaaring hindi agad maipahayag sa pamamagitan ng mga
salitang pangkaraniwan. Ang pag-aaral ng malalim na salita
ay nagbibigay daan sa pag-unlad ng isang indibidwal na
magamit ang mga konseptong hindi basta-basta maipapahayag ng
pangkaraniwang wika, na nagpapakita ng relativity ng
karanasan batay sa wika na ginagamit.

Samakatuwid, ang akademik performans ng mga mag-aaral ay mas


lalong lalawak at uunlad dulot na rin ng mga karanasan nila
sa pagkatuto sa mga malalalim na salita. Maaring mapalawak
ang kanilang pang-unawa sa kahalagahan ng wika at kung paano
ito nakakaapekto sa kanilang pag-iisip at kultura. Ang pag-
aaral ng teoryang ito ay maaaring magbigay sa kanila ng mas
malalim na pag-unawa sa kultural na pagkakaiba-iba at
pagkakaugnay ng wika at lipunan upang ang ating kultura at
mga wika ng ating mga ninuno ay hindi makalimutan.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

KAHALAGAHAN SA MGA ESTUDYANTE


Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito para sa isang
estudyante ay magdudulot kung paano natin maipapakita na
tayo’y may pagpapahalaga sa wika ng ating mga ninuno sa
paggamit ng mga malalalim na salita ng isang estudyante.

KAHALAGAHAN SA MGA GURO


Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magbigay gabay
sa mga estudyante pagdating sa paggamit ng mga malalalim na
salita. Ang mga guro ang siyang nagsisilbing gabay ng mga
mag-aaral upang maging mahusay sa paggamit ng mga malalalim
na salita ang mga estudyante.

KAHALAGAHAN SA MANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay sa mga estudyante
sa darating pang panahon upang malaman ang kahalagahan ng
pag-aaral ng mga malalalim na salita.
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa perspektibo ng mga


estudyanteng nasa Junior High School. Kabilang sa ika-9 at
10 baitang sa Pantabangan National High School sa pagtutupad
sa pag-aaral ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga malalalim na
salita. Pinapakita na ang mga estudyante ng ika-9 at 10
baitang sa Pantabangan National High School ang pangunahing
respondente sa pag-aaral na ito. Samakatuwid, binibigyang
diin sa pag-aaral na ito ang pagpapahalaga ng mga estudyante
sa mga malalalim na salita na kinalakhan ng kanilang mga
ninuno. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa tatlong pung
(30) mag-aaral sa baitang 9 at 10 ng Pantabangan National
High School.
DEPINISYON NG MGA TERMINO

Ang mga salitang ito ay nilagyan ng kahulugan upang mas


lalong maunawaan ng mga mambabasa ang mga nakasaad sa
ginawang pag-aaral.

LENGGWAHE- Ito ay ginagamit sa pakikipag-usap sa kapwa.


KULTURA- Ito ay ang mga kaugalian, paniniwala, gawi, at
tradisyon.
KASAYSAYAN- Ito ay ang mga kaganapan na nagdaan sa nakaraan.
MODERNISASYON- Ito ay ang pagbabago ng wika pagsabay sa
panahon.
KABANATA II

KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga


kaugnayan na literatura at mga kaugnay ng pag-aaral na may
pagkakahawig sa kasalukuyang pananaliksik.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Yayee Lumbres (2016) sa artikulo nyang tungkol sa


“Epekto ng Teknolohiya sa Wika” ang makabagong teknolohiya
ay mayroong masamang epekto sa wika. Isa sa mga masamang
epekto ng teknolohiya sawika ay ang pagiging asa na lamang
sa teknolohiya tulad ng smartphone, tabletat laptop para sa
kanilang araw araw na pangangailangan. Nagiging ugat din
nghindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan ang paggamit ng
teknolohiya.

Sapagkat dito ay may kanya kanyang pananaw ang ibang tao


kung kaya’t dito ay malakas ang loob nilang Makipag sagutan
sa isa’t isa lalong-lalo na at ito aymagagawa sa pamamagitan
ng pagpindot lamang kahit walang pagkilos nanagaganap.
Nagiging sanhi ito sa pagiging agresibo sa mga gumagamit
ngteknolohiya dahil sa mga natatanggap nilang impormasyon.

Ayon naman kay Johanna Therese Diama (2015), ang sariling


wika aysumasalamin sa kulturang ating kinagisnan. Sa
pamamagitan ng wika nakikilalaang kultura ng isang bansa.
Dahilan sa ito ang nagbibigay ng titulo , katawagan
opaglalarawan sa kulturang mayroon tayo. Ngunit sa pagbabago
ng panahon,nagkakaroon din ng pagbabago sa wikang kinagisnan
na maaaring magdulot ngpaglimot sa kulturang iningatan ng
ating mga ninuno. Karagdagan sa sinabi niyaang pagbabago na
sinabi niya ay dahil sa makabagong teknolohiya.
Maramingnaidudulot ang teknolohiya sa wika. Sa pag-usbong ng
makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Kaya naman ang mga pinagiingatan
ng ating mga ninuno ay unti-unti nang nalilimutan.

Samantala, may mga pagkakataon namang nagagawang matumbasan


ng isang kultura ang kulturang isinasalin, ngunit higit na
maraming pagkakataon na humaharap ang tagasalin sa iba’t
ibang suliraning kultural dahil sa lawak ng sakop nito
(Adelnia, 2015). Halimbawa, kung hindi alam ng mambabasa ang
pangalan ng isang lugar na ginamit ng manunulat sa kanyang
akda at ginamit ng tagasalin ang orihinal na pangalan sa
kanyang isinalin, hindi nagiging buhay ang imahen sa isip ng
kanyang mambabasa. Naging matapat man ang tagasalin sa akda,
hindi naman niya naitawid sa kultura ng mambabasa ang
teksto. Sa ganitong sitwasyon, mahalagang gumamit ng mga
teknik ang isang tagasalin upang maging ganap ang
pagtatawid-kultura ng kanyang isasalin.

Ang matalinhagang pahayag o pananalita ay may malalim o


hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika (Filipino-
Panitikang Pandaigdig-Modyul para sa Mag-aaral, 2015). Ayon
kay Dos Santos at Gatti (2014), ang isa sa pinakamahalagang
tao sa lipunan ay walang iba kundi ang wika, sapagkat ito
ang tumutulong upang labis na magkaunawaan ang mga tao sa
lipunan. Ayon din sakanya ang wika ay nabuo para sa lipunan
at hindi mabubuo ang lipunan kapag walang wika, kaya
masasabi na konektado ang kagamitan ng dalawang nabanggit,
sa madaling salita ay walang mas importante at wala namang
hindi importante, pantay-pantay ang kanilang
importansya.Ayon kina Bernales, et al. (2018), totoong sa
pang-araw-araw na buhay, higit na ninanais ng mga karaniwang
tao ang mga salitang karaniwan sa kanilang mga mata at
pandinig. Kung maaari nga ayaw na nilang mag-isip ng
kahulugang malalim. Ngunit may mga pagkakataong kailangan ng
sino mang manunulat o mambibigkas na gumamit ng mga salitang
kasasalaminan ng lawak ng kanyang karanasan, ng dami ng mga
nabasa at ng lalim ng kanyang kultura.

Ayon kay Zafra (2016) Naglalahad sa papel ng isang dulog sa


pagtuturo ng wika na lumilihis na nakagawiang pagtuturo na
may diin sa gramatika at komunikasyon. Ang ipinapanukalang
dulog ay nagpapatingkad sa ugnayan ng wika at kulturang
Filipino. May iba’t ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit
itinatampok ang pagtingin sa wika bilang “daluyan” o
“sisidlan” ng kultura. Gayumpaman, hindi humihinto ang
pananaw na ito sa enumerasyon lamang ng mga tao, lugar,
bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang sagisag-kulturang
Filipino, at sa halip, laging iginigiit na ang kultura ay
dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang konteksto. Naglatag
din ng isang kongkretong modelo, at halimbawang aplikasyon,
sa pagsusuri ng mga cultural domain o pangkulturang larang
na nakatuon sa wika. Sa huling bahagi ng papel ay
iminungkahi kung paano puwedeng ituro sa konteksto ng K-12
ang wika at kultura na nakabalangkas ayon sa wika ng
paglalarawan, wika ng pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon,
at wika ng paglahok.

Ayon naman kay Gallego(2016) Kinakailangan ng masusing


pagsusuri upang maisalarawan ang mga pagbabago sa wika. Sa
pamamagitan ng pagsusuri sa korpus sa mga isyu ng Liwayway
Magazine na inilimbag noong mga taong 1923, 1951, 1969,
1995, at 2013, ipinapakita ng pag-aaral na ito ang ilang mga
indikasyon ng pagbabago sa Filipino katulad ng sa
ortograpiya at pagbaybay, at aspektong leksikal at
estruktural ng wika. Simula 1923 hanggang kasalukuyan,
masasabing maraming nadagdag at nawalang mga salita, hindi
lamang sa pangngalan at pandiwa kundi pati na rin sa mga
pangatnig at ilang kataga. Nagkaroon din ng estruktural na
pagbabago kung saan untiunting dumadalang ang paggamit ng
ilang mga panlapi at maging ng partikular na porma ng
pangungusap. Gamit ang mga software na AntConc at Voyant
Tools, naisasalarawan ang mga padron ng pagbabagong
pinagdaraanan ng mga salita at porma sa Filipino. Ang mga
pagbabagong ipinapakita sa pag-aaral na ito ay masasabing
dulot ng natural na prosesong pinagdaraanan ng anumang wika
(kagaya ng pagbabago ng tunog), o dala ng interaksyon ng
Filipino sa ibang wika, partikular na sa wikang Ingles.
Bagamat ilang dekada lamang ang pinagtuunan ng pansin sa
pananaliksik, hindi maitatatwang mabilis ang pagbabagong
pinagdaraanan ng wika lalo na sa kasalukuyan. Ang noo’y
itinuturing na “balbal” na istilo ay maaaring maging
istandard sa paglipas ng panahon. Masasabing sa kabila ng
pagtatakda ng mga panukala at alituntunin patungkol sa
istandardisasyon ng Filipino, hindi mapipigilan ang
pagbabago sapagkat bahagi ito ng buhay ng anumang wika.

Ayon naman kina Rasouli at Jafari (2016) Ang pagtuturo ng


bokabularyo ay isa sa pinakamahalagang paraan ng
pagpapaunlad ng kaalaman sa bokabularyo ng mga mag-aaral.
Ang papel na ito ay nagbibigay ng masusing pagsusuri sa pag-
aaral at pagtuturo ng bokabularyo mula sa pananaw ng
pananaliksik. Ang isang mahusay na pangkat ng siyentipikong
pananaliksik ay sumuporta sa katotohanan na ang bokabularyo
ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng anumang wika na
dapat harapin nang may labis na pangangalaga at atensyon sa
mga unang yugto ng pangalawang/banyagang pag-aaral ng wika.
Bilang panimula, inilalarawan namin ang papel at kahalagahan
ng bokabularyo sa pag-aaral ng pangalawang wika. Pagkatapos,
tinatalakay kung paano ang iba’t ibang pamamaraan at
diskarte sa pagtuturo ng bokabularyo sa mga silid-aralan.
Pagkatapos, dalawang uri ng bokabularyo, sinasadya at
sinasadya, ay lubusang inilarawan. Panghuli, idinetalye
namin ang mga diskarte sa pag-aaral ng bokabularyo at
ipinapaliwanag nang detalyado ang apat na salik na
nakakaapekto sa mga diskarte sa pag-aaral ng bokabularyo ng
mga nag-aaral ng pangalawa/banyagang wika.

Ayon kay Lumbera (2015), ang wika ay parang hininga, sa


bawat sandali ng buhay ay nariyan ito. Palatandaan ito na
buhay ang mga taong gumagamit nito at may kakayahan itong
umugnay sa kapwa na gumagamit din nito. Ibig sabihin, ang
wika ay kasangkapan ng isang bansa upang mapagbuklod ang
isang nasyon. Ang isang bansang may wika ay
maituturing na buhay sa mundong kinalalagyan nito.
Pinatotohanan ni Lumbera na ang wika at lipunan ay
magkasanib na puwersa at ang bawat isa ay kakikitaan dapat
ng pagkakaisa. Ito ang nagsasabi ng kamalayan ng isang
mamamayan sa lipunang kinabibilangan nito. Dito rin
nagkakaroon ng matibay na ugnayan ang wika at ang
lipunan. Sa pag-aaral ni Flores (2015), nabanggit niya na
ang wikang Filipino bilang wikang pambansa ay nabuo dahil sa
pilosopiya. Ang mga pilosopiyang ito ay ang
sumusunod: (1) katangian- patuloy na payayabungin, (2)
pinagmulan/batayan- linggwistikal (3)gamit- na
instrumental sa pagkakaisa at sa demokratisasyon at
(4) sentimental o pagbibigay identidad at
dignidad bilang isang bansang naghahangad ng
soberanya.

Ang isang kultura ay maaaring hatulan, sa pananaw ni


Aristotle, ayon sa kung paano ito naghahabol ng tatlong
buhay: ang buhay ng aktibidad at pagiging production, ang
buhay ng kasiyahan, at ang buhay ng pagmumuni-muni. Habang
ang ating lipunan ay hindi maiiwasang lumipat mula sa naka-
print na nakabatay sa isang digital na kultura, mahalagang
suriin kung paano nakakaimpluwensya ang paglipat na ito sa
tatlong buhay na ito. Ang digital learner ay tila partikular
na angkop para sa isang buhay ng aktibidad at isang buhay ng
kasiyahan. Ang pagbibigay-diin ng digital media sa mahusay,
napakalaking pagproseso ng impormasyon; nababaluktot
multitasking; mabilis at interactive na mga mode ng
komunikasyon; at ang tila walang katapusang mga anyo ng
digitally based na entertainment ay naghihikayat sa gayong
mga buhay. Ang mga pagbibigay-diin na ito, gayunpaman, ay
maaaring hindi gaanong angkop para sa mas mabagal, mas
matagal na proseso ng pag-iisip na mahalaga para sa buhay na
mapagnilay-nilay at nasa puso ng tinatawag nating malalim na
pagbabasa.
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng
mapa ng pag-unlad sa pagkatuto upang maging gabay sa
pagpapataas ng kasanayang pangwika sa pagsasalita at
pagsulat ng mga magaaral sa junior high school sa piling
pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ng Lucena. Tiyak
na layunin nito na matamo ang sumusunod: Matukoy ang mga
kasanayan sa pagsasalita at pagsulat sa kurikulum ng K-12;
Mataya ang kasanayan sa pagsasalita at pagsulat ng mga mag-
aaral ayon sa parametro ng kakayahang komunikatibo at;
Makabuo ng isang mungkahing mapa ng pag-unlad sa pagkatuto
ng kasanayang pagsasalita at pagsulat sa Filipino. Ginamit
sa pag-aaral na ito ang deskriptibong debelopmental na
paraan ng pananaliksik. Ang pangangalap ng datos ang
isinagawa sa pamamagitan ng pagmamasid, pakikipanayam,
pasalita at pasulat na pagsusulit. Napatunayan sa pag-aaral
na hindi gaanong sapat ang mga inilaang kasanayani ng
kurikulum na K-12 upang mapaunlad ang kasanayan sa
pagsasalita at pagsulat ng mga mag-aaral. Mayroong
pangangailangan na/paunlarin ang mga kasanayan sa
pagsasalita at pagsulat upang maging mabisa ang kakayahang
komunikatibo ng mga mag-aaral. Nabuo ng mga mananaliksik ang
isang mapa ng pag-unlad ng pagkatuto sa kasanayan sa
pagsasalita at pagsulat na makatutulong upang mapaunlad ang
kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Nirerekomenda ng
mga mananaliksik ang na magkaroon nang higit na pokus sa
pagtuturo at paglinang ng mga kakayahang komunikatibo ng mga
mag-aaral sa sekondarya at magamit ang mapa sa pagtukoy ng
pag-unlad ng mga kasanayan sa pagsasalita at pagsulat.
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


Sa kabanatang ito ng pananaliksik, nakapaloob o
nakalagay ang mga hakbang, instrument, sa pangangalap at
pagsasaayos ng mga mahahalagang datos at impormasyon.
Nakasama rin dito ang mga angkop na paraan sa pag sasaayos
ng datos at impormasyon na ginamit sa pag-aaral.

ANG DISENYO PAG-AARAL


Ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlong pung (30)
mag-aaral na siyang sumasagot sa pag-aaral. Ang mga ito ay
mga estudyante sa Junior High ng Pantabangan National High
School mula sa iba’t-ibang seksyon ng baitang ika-siyam at
ikasampu.

ANG MGA INSTRUMENTO


Ang mga instrumento at kagamitang ginamit ay ginawa ng
may halong pag-iingat sa bawat hakbang na gagawin, upang mas
maging maayos ang pagkakatugma ng mga datos na nakalap,
upang hindi malayo at mas mapabuti ang nasabing pag-aaral.

1. Pangangalap ng kaugnay na Literatura at pag-aaral


tungkol sa Kahalagahan ng pag-aaral ng mga malalalim na
salita ng mga estudyante. Ang mga literatura at pag-
aaral na kinalap ng mga mananaliksik ay kinuha sa
iba’t-ibang site sa internet.

2. Pagbuo ng mga katanungan. Ang mga tanong na ginawa ng


mga mananaliksik ay gamit ang wikang Filipino. Ito ay
patungkol sa Kahalagahan ng pag-aaral ng mga malalalim
na salita ng mga estudyante sa baitang 9 at 10 ng
Pantabangan National High School.

PAGKUHA NG DATOS
Ang mga mananaliksik ay nag punta sa bawat silid-aralan
ng baitang 9 at 10 sa Junior High School. Ang mananaliksik
ay gumamit ng interview o pakikipanayam bilang pangunahing
instrumento sa pagkalap ng mga datos.

PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pangalawang
semester ng taong 2023-2024. Ang kabuuan ng mga respondente
ay tatlong pung (30) mag-aaral na nanggaling sa iba’t-ibang
seksyon ng baitang 9 at 10 sa Junior High School ng
Pantabangan National High School.

PAG-AANALISA NG DATOS
Dito isinasagawa ng mga mananaliksik ang mga
magkakapareho at magkakaibang sagot ng mga respondente. Dito
din isinagawa ng mga mananaliksik ang pagtingin sa kabuuang
kasagutan ng mga estudyante.

TRITMENT NG DATOS
Ang mga pananaliksik ay isinaayos ang kanilang datos sa
pamamagitan ng pag-tatali sa bawat talatanungan at kinuha
ang porsyento sa pormulang ginamit.
KABANTA IV

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA


DATOS

Ang kabanatang ito ay nag lalahad ng presentasyon ng mga


datos na nakalap ng mga manunuri sa pamamagitan ng grapik na
presentasyon. Nalikom ang mga datos mula sa kasagutan ng mga
respondante na mga mag-aaral sa baitang 9 at 10, upang
malaman ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga malalalim na
salita ng mga estudyante sa baitang 9 at 10 ng Pantabangan
National High School.

Ang datos ay mahusay na sinuri at inilagay sa grapik na


presentasyon.

Mga Datos kaugnay ng Talatanungan


Ang talatanungang binuo ng mga mananaliksik ay binubuo ng
mga tanong tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga
malalalim na salita ng mga estudyante sa baitang 9 at 10 ng
Pantabangan National High School.Ang mga pangunahing tanong
ay, bakit mahalaga ang pag-aaral ng mga malalalim na
salita?, bakit kailangang tukuyin ang iba’t-ibang-
matatalinhaga at malalalim na salita? at bakit kailangang
malaman ang MGA kakayahan ng mga estudyante sa baitang 9 at
10 sa paggamit ng mga malalalim at matatalinhagang salita?
Sa katanungan 1.1 makikita sa grapikal na presentasyon ng
Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 7 at
may porsyentong 46.66%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 4 at may porsyentong 26.66%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 1 at may
porsyentong 6.66%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 3 at may porsyentong 20%. Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na mayroong magandang maidudulot ang pag-aaral ng mga
malalalim na salita sa pakikipagtalastasan ng mga
estudyante.

Sa katanungan 1.1 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 7
at may porsyentong 46.66%. Ang mga lalaki naman na sumagot
ng oo ay may kabuuang 6 at may porsyentong 40%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 1 at may
porsyentong 6.66%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 1 at may porsyentong 6.66%. Ang mas higit
na sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 10 ay ang oo.
Ipinapakita nito na mayroong magandang maidudulot ang pag-
aaral ng mga malalalim na salita sa pakikipagtalastasan ng
mga estudyante.

Sa katanungan 1.2 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 5 at
may porsyentong 33.33%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 5 at may porsyentong 33.33%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 3 at may
pursyentong 20%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi ay
may kabuuang 2 at may porsyentong 13.33% Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na mas magkakaroon ng interes na mag-aral ang mga
estudyante kapag pinag-aralan ang mga malalalim na salita
upang malaman kung paano ito nabuo.

Sa katanungan 1.2 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 6
at may porsyentong 40%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 5 at may pursyentong 33.33%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 2 at may
porsyentong 13.33%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 2 at may porsyentong 13.33% Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na mas magkakaroon ng interes na mag-aral ang mga
estudyante kapag pinag-aralan ang mga malalalim na salita
upang malaman kung paano ito nabuo.

Sa katanungan 1.3 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 7 at
may porsyentong 46.66%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 5 at may porsyentong 33.33%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 1 at may
porsyentong 6.66%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 2 at may porsyentong 13.33% Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na magiging maganda ang epekto ng pag-aaral ng mga
malalalim na salita sa pag-aaral ng mga estudyante at upang
hindi makalimutan ang ating henerasyon.

Sa katanungan 1.3 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 7
at may porsyentong 46.66%. Ang mga lalaki naman na sumagot
ng oo ay may kabuuang 6 at may porsyentong 40%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 1 at may
porsyentong 6.66%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 1 at may porsyentong 6.66% Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na magiging maganda ang epekto ng pag-aaral ng mga
malalalim na salita sa pag-aaral ng mga estudyante at upang
hindi makalimutan ang ating henerasyon.
Sa katanungan 2.1 makikita sa grapikal na presentasyon ng
Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 6 at
may porsyentong 40%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng oo
ay may kabuuang 5 at may porsyentong 33.33%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 2 at may
porsyentong 13.33%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 2 at may porsyentong 13.33% Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na makakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante kapag
kanilang natukoy ang iba’t-ibang malalalim na salita.

Sa katanungan 2.1 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 7
at may porsyentong 46.66%. Ang mga lalaki naman na sumagot
ng oo ay may kabuuang 5 at may porsyentong 33.33%. Sa mga
babae naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 1 at may
porsyentong 6.66%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 2 at may porsyentong 13.33% Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 10 ay ang oo.
Ipinapakita nito na makakatulong sa pag-aaral ng mga
estudyante kapag kanilang natukoy ang iba’t-ibang malalalim
na salita.

Sa katanungan 2.2 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 7 at
may porsyentong 46.66%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 6 at may porsyentong 40%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 1 at may
porsyentong 6.66%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 1 at may porsyentong 6.66%. Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na mas mapapaunlad ang pag-aaral ng mga estudyante
kapag natukoy ang iba’t-ibang malalalim na salita at upang
maging pamilyar dito.

Sa katanungan 2.2 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 7
at may porsyentong 46.66%. Ang mga lalaki naman na sumagot
ng oo ay may kabuuang 6 at may porsyentong 40%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 1 at may
porsyentong 6.66%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 1 at may porsyentong 6.66%. Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 10 ay ang oo.
Ipinapakita nito na mas mapapaunlad ang pag-aaral ng mga
estudyante kapag natukoy ang iba’t-ibang malalalim na salita
at upang maging pamilyar dito.

Sa katanungan 2.3 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 5 at
may porsyentong 33.33%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 6 at may porsyentong 40%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 3 at may
porsyentong 20%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi ay
may kabuuang 1 at may porsyentong 6.66% Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na mapapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa
bokabularyo kapag natukoy ang iba’t-ibang malalalim na
salita.

Sa katanungan 2.3 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 6
at may porsyentong 40%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 5 at may porsyentong 33.33%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 2 at may
porsyentong 13.33%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 2 at may porsyentong 13.33% Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 10 ay ang oo.
Ipinapakita nito na mapapalawak ang kaalaman ng mga
estudyante sa bokabularyo kapag natukoy ang iba’t-ibang
malalalim na salita.

Sa katanungan 3.1 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 6 at
may porsyentong 40%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng oo
ay may kabuuang 2 at may porsyentong 13.33%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 2 at may
porsyentong 13.33%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 5 at may porsyentong 33.33%. Ang mas higit
na sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo.
Ipinapakita nito na makakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman
sa mga kakayahan ng mga estudyante upang mas maging mahusay
sa paggamit ng malalalim na salita.

Sa katanungan 3.1 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 5
at may porsyentong 33.33%. Ang mga lalaki naman na sumagot
ng oo ay may kabuuang 3 at may porsyentong 20%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 3 at may
porsyentong 20%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi ay
may kabuuang 4 at may porsyentong 26.66%. Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 10 ay ang oo.
Ipinapakita nito na makakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman
sa mga kakayahan ng mga estudyante upang mas maging mahusay
sa paggamit ng malalalim na salita.

Sa katanungan 3.2 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 6 at
may porsyentong 40%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng oo
ay may kabuuang 3 at may porsyentong 20%. Sa mga babae naman
na sumagot ng hindi ay may kabuuang 2 at may porsyentong
13.33%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi ay may
kabuuang 4 at may porsyentong 26.66%. Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na sa paggamit ng malalalim na salita, ito ay
nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa at napapabuti ang
kakayahang sumagot sa mga malalalim na tanong.

Sa katanungan 3.2 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 5
at may porsyentong 33.33%. Ang mga lalaki naman na sumagot
ng oo ay may kabuuang 4 at may porsyentong 26.66%. Sa mga
babae naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 3 at may
porsyentong 20%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi ay
may kabuuang 3 at may porsyentong 20%. Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na sa paggamit ng malalalim na salita, ito ay
nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa at napapabuti ang
kakayahang sumagot sa mga malalalim na tanong.

Sa katanungan 3.3 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 9 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 5 at
may porsyentong 33.33%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 3 at may porsyentong 20%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 3 at may
porsyentong 20%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi ay
may kabuuang 4 at may porsyentong 26.66%. Ang mas higit na
sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay ang oo. Ipinapakita
nito na ang pag-aaral ng mga estudyante ng mga malalalim na
salita ay nagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa paggamit
nito upang mas mapaunlad ang kakayahang magbigay ng
malalalim na sagot.

Sa katanungan 3.3 makikita sa grapikal na presentasyon ng


Baitang 10 ang mga babaeng sumagot ng oo na may kabuuang 6
at may porsyentong 40%. Ang mga lalaki naman na sumagot ng
oo ay may kabuuang 3 at may porsyentong 20%. Sa mga babae
naman na sumagot ng hindi ay may kabuuang 2 at may
porsyentong 13.33%. Sa mga lalaki naman na sumagot ng hindi
ay may kabuuang 4 at may porsyentong 26.66%. Ang mas higit
na sinagot ng mga mag-aaral sa baitang 10 ay ang oo.
Ipinapakita nito na ang pag-aaral ng mga estudyante ng mga
malalalim na salita ay nagpapalawak ng kaalaman at kasanayan
sa paggamit nito upang mas mapaunlad ang kakayahang magbigay
ng malalalim na sagot.
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito ay maipapakita ang pag lalahad ng lagom,


konklusyon, batay sa nabuo na mga resulta ng pananaliksik at
rekomendasyon na iminungkahi ng mga mananaliksik.

Sa pag susuri na ito nag layang na masuri ang kahalagahan ng


pag-aaral ng mga malalalim na salita ng mga estudyante sa
baitang 9 at 10 sa Pantabangan National High School, sa
kabuuang (30) na mga respondante ng aming pag susuri na
sumagot sa aming talatanungan.

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning madetermina


ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga malalalim na salita ng
mga estudyante sa baitang 9 at 10 ng Pantabangan National
High School. Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik ay
talatanungan na naglalarawan sa naratibong nagsasalaysay at
pakikipanamayam naman ang teknik na ginamit sa pangangalap
ng mga datos at impormasyon. Nagdisenyo ang mga mananaliksik
ng isang kwestyoneyr na ginamit na instrument sa pangangalap
ng mga datos mula sa mga respondent. Ang pag-aaral na ito ay
isinagawa sa taong-akademiko 2023-2024.
Batay sa aming ginawang datos sa unang grapikal na
presentasyon na mayroong 80% porsyento na sumagot ng oo sa
nasabing mayroon magandang maidudulot ang pag-aaral ng mga
malalalim na salita sa pakikipagtalastasan ng mga estudyante
at mayroon namang 20% porsyento ang sumagot ng hindi dito.
Sa ikalawang grapikal na presentasyon naman na mayroong 70%
porsyento na sumagot ng oo sa nasabing mas magkakaroon ng
interes na mag-aral ang mga estudyante kapag pinag-aralan
ang mga malalalim na salita upang malaman kung paano ito
nabuo at mayroon namang 30% porsyento ang sumagot ng hindi
dito. Sa ikatlong grapikal na presentasyon naman na mayroong
83.3% porsyento na sumagot ng oo sa nasabing magiging
maganda ang epekto ng pag-aaral ng mga malalalim na salita
sa pag-aaral ng mga estudyante at upang hindi makalimutan
ang ating henerasyon at mayroon namang 16.7% porsyento ang
sumagot ng hindi dito. Sa ika-apat na grapikal na
presentasyon naman na mayroong 76.7% porsyento na sumagot ng
oo sa nasabing makakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante
kapag kanilang natukoy ang iba’t-ibang malalalim na salita
at mayroon namang 23.3% porsyento ang sumagot ng hindi dito.
Sa ikalimang grapikal na presentasyon naman na mayroong
86.7% porsyento na sumagot ng oo sa nasabing mas mapapaunlad
ang pag-aaral ng mga estudyante kapag natukoy ang iba’t-
ibang malalalim na salita at upang maging pamilyar dito at
mayroon namang 13.3% porsyento ang sumagot ng hindi dito. Sa
ika-anim na grapikal na presentasyon naman na mayroong 73.3%
porsyento na sumagot ng oo sa nasabing mapapalawak ang
kaalaman ng mga estudyante sa bokabularyo kapag natukoy ang
iba’t-ibang malalalim na salita at mayroon namang 26.7%
porsyento ang sumagot ng hindi dito. Sa ikapitong grapikal
na presentasyon naman na mayroong 53.3% porsyento na sumagot
ng oo sa nasabing makakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman
sa mga kakayahan ng mga estudyante upang mas maging mahusay
sa paggamit ng malalalim na salita at mayroon namang 46.7%
porsyento ang sumagot ng hindi dito. Sa ika-walong grapikal
na presentasyon naman na mayroong 60% porsyento na sumagot
ng oo sa nasabing sa paggamit ng malalalim na salita,ito ay
nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa at napapabuti ang
kakayahang sumagot sa mga malalalim na tanong at mayroon
namang 40% porsyento na sumagot ng hindi dito. Sa ika-siyam
na grapikal na presentasyon naman ay mayroong 56.7%
porsyento na sumagot ng oo sa nasabing ang pag-aaral ng mga
estudyante ng mga malalalim na salita ay nagpapalawak ng
kaalaman at kasanayan sa paggamit nito upang mas mapaunlad
ang kakayahang magbigay ng malalalim na sagot at mayroon
namang 43.3% porsyento na sumagot ng hindi dito.

KONKLUSYON
Batay sa inilahad ng mga mananalisik na mga datos na
kanilang nakalap. Nakabuo sila ng ilang konklusyon sa
isinagawang interview na nagbigay daan din upang mabigyang
kasagutan ang mga nabanggit na suliranin. Ang mga kasagutan
ay ang mga sumusunod:

1. Ang pag-aaral ng mga malalalim na salita ay may


magandang maidudulot sa pakikipagtalastasan ng mga
estudyante. Sila ay magkakaroon ng interes na mag-aral
kapag pinag-aralan ang mga malalalim na salita upang at
upang malaman kung paano ito nabuo. Magiging maganda
ang epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante at upang
hindi makalimutan ang ating henerasyon.

2. Ang pagtukoy sa mga mamamalim na salita ay makakatulong


upang mas mapapaunlad ang pag-aaral ng mga estudyante
at upang maging pamilyar dito. Mapapalawak nito ang
kaalaman ng mga estudyante sa bokabularyo.

3. Ang pag alam ng mga kakayahan ng mga estudyante sa


paggamit ng mga malalalim na salita ay makakatulong
upang mas maging mahusay sa paggamit ng malalalim na
salita.Ito ay nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa at
napapabuti ang kakayahang sumagot sa mga malalalim na
tanong. Ito ay nagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa
paggamit ng mga estudyante upang mas mapaunlad ang
kakayahang magbigay ng malalalim na sagot.

REKOMENDASYON
Ayon sa pag-aaral na ito ukol sa kahalagahan ng pag-aaral ng
mga malalalim na salita ng mga estudyante sa baitang 9 at 10
ng Pantabangan National High School, ang mga mananaliksik ay
buong-pagpapakumbabang iminumungkahi ang mga rekomendasyong
sumusunod:

1. Pagsasagawa ng mga talakayan o diskusyon na


kinasasangkutan ang malalim na mga salita, para sa mga
estudyante upang mapalakas ang kanilang pang-unawa sa
kahulugan at konteksto ng mga ito.

2. Pagsasagawa ng mga aktibidad sa mga estudyante na


naglalayong palawakin ang kanilang bokabularyo, tulad
ng pagbabasa ng mga komplikadong teksto, at paggamit
ng mga malalalim na salita sa mga gawain sa klase.

3. Pagsasagawa ng mga proyekto o takdang aralin na


nangangailangan ng pagsusuri at pagsasaliksik gamit ang
mga malalim na salita, tulad ng pagsulat ng mga
sanaysay.

4. Paggabay ng mga guro sa mga mag-aaral para sa pag-aaral


nito ng mga malalalim na salita.

You might also like