Reviewer in Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

REVIEWER IN FILIPINO

TULA
Ang Tulang "Ang Aking Pag-Ibig" ay isang makapangyarihang pagpapahayag ng
pag-ibig na tunay, matibay, at sumasaklaw sa lahat. Itinatampok ng tula ang lalim at
tindi ng pagmamahal ng tagapagsalita sa kanyang minamahal, gayundin ang pangako
sa kanyang pagmamahal kahit hanggang kamatayan. Nais ng manunulat na matutunan
kung paano mahalin ang kanilang minamahal upang ipakita kung gaano katotoo ang
nararamdaman nila para sa kanila. Gumagamit din sila ng malalalim na salita sa
kanilang tula, na ipinaparating kung gaano kalalim ang nararamdaman nila para sa
kanilang minamahal.

Mga Elemento ng tula

Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa omaraming
linya o taludtod.

Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salitang
bawat taludtod ay magkasing-tunog.

Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upangmasiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinhaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula.

Apat na pangunahing uri ng tula:

1. TULANG LIRIKO O TULANG DAMDAMIN


- Karaniwang tinutukoy ngayon bilang mga salita sa isang kanta. Ang makata ay
direktang sinasabi sa mambabasa ang kaniyang sariling damdamin, iniisip, at
persepsyon.
- Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, guniguni, kaisipan, at mga pangarap tungkol sa
pag-ibig, ligaya, lungkot, hinanakit, at iba pa.

Uri nang tulang liriko:


A. Awit - Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubo ng tig-aapat na taludtod ang
bawat saknong, na ang bawat taludtod ay maylalabindalawahing pantig, at ang
tradisyonal na dulong tugma ay isahan. karaniwang awiting ating naririnig. Karaniwang
may malulngkot na paksa
B. Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya. hinggil sa damdamin at kaisipan,
may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao
C. Oda - Ang oda ay karaniwang isang liriko o isang uri ng tulang awitin na nakasulat
bilang papuri o dedikasyon para sa isang tao o isang bagay na nakakakuha ng interes o
pagtuon ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa mismong oda.
D. Elehiya - ay isang tula ng seryosong pagninilay-nilay, na kadalasang panaghoy para
sa namatay.
E. Dalit - ang tawag sa awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat. Awit na
inaalay sa Diyos. Nagpapakita o nagpapahayag ng pagdakila at pagsamba. Isang
katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig. Ito ay may apat na saknong at
may isahang tugma.

2. TULANG PASALAYSAY
- ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y kadalasang ginagamitan ng boses ng
tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at ang buong istorya ay nasusulat sa may sukat na
taludtod. Hindi kailangang mayroong huwarang pang-ritmo ang tulang pasalaysay. Ang
ganitong uri ng tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang istoryang kinukwento nito ay
maaaring komplikado. Ito ay karaniwang dramatiko, may layunin, iba’t ibang tauhan, at
sukat. Kabilang sa tulang pasalaysay ang epiko.
- Naglalahad ng mahahalagang tagpo sa buhay sa anyong patula tulad ng pag-ibig at
pagkabigo, tagumpay na mula sa kahirapan.

3. TULANG PATNIGAN
- Ang tulang ito ay kilala bilang tulang sagutan sapagkat ito ay itinatanghal ng
mgannagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa paraang patula
na tagisan ng talino at katuwiran ng mga makata. Ito ay isang uri ng pagtatalong patula
na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip. Karaniwan itong tinatawag
na balagtasan kapag itinatanghal sa entablado.

4. TULANG DULA O TULANG PANTANGHALAN


- Ay ang dramang sinulat bilang isang berso para wikain. At ang dula ay isinasagawa sa
tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang pantanghalan.
- Ito ay naglalarawan ng mga tagpong lubhang madula na maaring magkatulad,
makaparehas o maiba sa nagaganap sa pag araw - araw na buhay.

MITOLOHIYA
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na
kuwento o mito, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano
nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya
sa alamat at kuwentong-bayan.
ELEMENTO NG MITOLOHIYA

1. TAUHAN - Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay
nakakaibang kapangyarihan

2. TAGPUAN - May kaugnayan ag tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang


panahon

3. BANGHAY
 maraming kapana-panabik na aksyon at tunggalian
 maaring tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari
 nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
 ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng diyos at diyos
 tumatalakay a pagkakalikha ng mundo,pagbabago ng panahon atinteraksiyong
nagaganap sa raw, buwan at daigdig

4. TEMA
 A magpaliwananag sa natural na pangyayari
 b.pinagmulan ng buhay sa daigdig
 c. pag-uugali ng tao
 d. mga kapani-paniwalang panreliiyon
 e. katangian at kahinaan g tauhan
 f. mga aral sa buhay

Buod ng Kwentong Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga


higante, ang kalaban ng mga diyos sa Norse. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay
ng karwahe na hinihila ng dalawang kambing. Naglakbay sila hanggang sa makita
nilang ang natutulog na si Skymir isang uri ng higante na naninirahan sa kakahuyan. Sa
tuwing umiinit ang ulo ni Thor at habang si Skrymir ay natutulog, pinupukpok niya ng
kanyang maso ang ulo nito upang ito ay magising. Dinala ni skrymir sina Thor kay
Utgaro Loki ang hari ng mga higante. Nakipag paligsahan sila dito upang malaman
kung gaano kalakas sina Thor, ngunit sa kasamaang palad ay natalo sina Thor sa lahat
ng paligsahan na kanilang sinalihan. Ngunit ang totoo nito ay nilinlang lang sila ni
Utgaro Loki dahil walang kapantay ang kanyang lakas at ayaw ni Utgaro na may
makatalo sa kanya. Nang matapos na ang mga paligsahan. Si Thor ay muling lumisan
at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar,
ang mundo ng mga diyos.

Mga Tauhan:

 Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir


 Loki – isa ring diyos na kasama ni Thor sa paglalakbay, may taglay itong
kapilyuhan
 Skymir – isang higante na naninirahan sa kakahuyan
 Utgaro-Loki - ang hari ng mga higante
 Logi, Hugi, at Elli - mga higanteng kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
 Thjalfti at Rosvka – mga taong anak na lalaki at babae ng magsasaka

DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang
tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Mga Elemento ng Dula


1. Eksposisyon - Bahagi ng dula kung saan ipinasasalaysay ang kasaysayan,
kinakilala ang mga tauhan, at ipinaliliwanag ang tagpuan.
2. Tunggalian - Ang sentral na suliranin o labanang kinakaharap ng mga tauhan.
Maaaring ito ay internal o external na tunggalian.
3. Pandilimang Aksyon - Ito ang bahagi ng dula kung saan tumaas na ang
kaganapan, at naglalabas ng damdamin at kilos ng mga tauhan.
4. Kasukdulan - Ang pinakamataas na bahagi ng labanang kinakaharap ng mga
tauhan. Dito masusing naipapakita ang hirap o ginhawa ng kanilang sitwasyon.
5. Katinigang Aksyon - Ang bahagi ng dula kung saan hinuhulma ang resolusyon.
Dito malalaman kung paano natapos ang tunggalian.
6. Resolusyon - Ang pagtatapos ng kwento o ang solusyon sa suliranin. Maaaring
maligaya, malungkot, o nag-iwan ng tanong sa isip ng mga manonood.
7. Tauhan - Mga karakter na nagbibigay-buhay sa dula. Binubuo ito ng pangunahing
tauhan, kontrabida, at mga tauhang nagbibigay suporta.
8. Tema - Ang pangunahing ideya o mensahe ng dula. Ito ang nagbibigay
kahulugan sa buong kwento.
9. Pormat - Ang estruktura ng dula, kabilang ang aktong bumubuo nito. Karaniwang
binubuo ito ng iba't ibang yugto o aktong may simula, gitna, at wakas.
10. Dialogo - Ang mga salita at linya ng mga tauhan. Ang mahusay na dialogo ay
nagpapahayag ng damdamin, naglalahad ng kwento, at nagbibigay buhay sa
karakter.

Mga Kategorya ng isang Dula


1. Trahedya - Dula na nagtatampok ng mga pangyayaring malupit o malungkot sa
pangunahing tauhan.
2. Komedyang Pantasya - Nagtatampok ng kakaibang pangyayari at mga karakter,
at ang layunin ay magbigay aliw at tuwa sa mga manonood.
3. Dramedy - Pinagsasama ang elementong drama at komedya upang lumikha ng
balanseng damdamin sa mga manonood.
4. Melodrama - Nagsisilbing sentro ng kwento ang matindi at mabigat na damdamin
ng mga tauhan.
5. Musikal - May kasamang mga kanta at sayaw na naglalahad ng kwento.
6. Historical Drama - Batay sa kasaysayan, at naglalaman ng mga pangyayaring
makasaysayan.
7. Thriller - May mga elemento ng kaba at suspensya, kadalasang may
misteryosong plot.
8. Romansa - Ang pangunahing tema ay ang pag-ibig at romantikong relasyon ng
mga tauhan.
9. Social Drama - Tumatalima sa mga isyu at suliranin sa lipunan.
10. Fantasy - Gumagamit ng mahiwagang elemento at kakaibang mundong likha ng
imahinasyon.

MAIKLING KWENTO
Ang Maikling Kwento ay isang anyo ng Akdang Pampanitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng Pangunahing tauhan. Nagiiwan ito ng
isang diwa sa isip ng mga mambabasa. Madalas ring kinapupulutan ng magandang aral
at ginagamit bilang kwentong pambata.

Ang Aginaldo ng mga mago ni O. Henry na isinalin ni Rufino Alejandro sa Filipino

Ang mago ay ang mga haring matatalino na pumunta kay Hesus sa kanyang
kapanganakan. Sa simpleng salita ay ito ang mga taong may dating.

Sa Bisperas ng pasko, hindi alam ni Delia kung anong regalo ang ibibigay niya sa
asawang si jim. Bukod rito, hindi niya rin alam kung anong regalo nga ba ang pwede
niyang bilhin sa natitirang perang piso at walumpu’t sentimos. Dahil rito, napaisip siyang
ipagupit ang kanyang napakagandahang buhok. Ang kanyang buhok ay ma alon-alon
kaya naman plano niyang ibenta ito. Napaiyak si Delia dahil sa kanyang ginawa pero
napalitan rin ito ng ligaya nang maka tanggap siya ng bente pesos para sa kanyang
buhok. Ngayon, may pera na siyang pambili ng regalo sa kanyang asawa. Bumili siya
ng Kadenang platino para sa paboritong relo ng kanyang asawa na matagal na niyang
inaasam. Pag-uwi ni Delia, nakaabang na rin upang ibigay ang kanyang asawa upang
magbigay ng kanyang regalo. Nung nakita ni Jim ang kanyang asawa, nagulat ito dahil
sa bagong hitsura niya.

Niregaluhan panaman sana ni Jim si Delia ng magagandang suklay para sa


magandang buhok ng kanyang asawa na mataga na rin nitong gusto. Bukod rito,
binenta rin ni Jim ang kanyang paborito na relo para ma bili ang mga suklay. Hindi na
ngayon magagamit ng mag-asawa ang mga regalo nila para sa isa’t-isa. Dito nila na
intindihan na ang pasko ay hindi lamang tungkol sa mga materyal na regalo, kundi pati
ang pagpapalitan ng pagmamahalan. Napagtanto rin nina Jim at Della kung gaano nila
kamahal ang isa't-isa, at kung ano ang kayang nilang gawin para sa isa't-isa.

Sa Kwentong Ang Aginaldo ng mga Mago ay natutunan natin na hindi lang sa


pagbibigayan ng regalo o ng aginaldo umiikot ang diwa ng pasko kundi sa pagmamahal
rin natin sa ating mga kapwa na nagmula noong nabuhay si Hesus kaya rin nabigyan
ng pamagat na “Ang Aginaldo ng mga Mago” ang kwentong ito. Nawa’y ‘wag nating
makalimutan kung ano nga ba ang tunay na diwa at dahilan kung bakit tayo ay
nagkakasiyahan sa tuwing panahon ng pasko.\

Ang Mayamang Pulubi

Sa akdang ito ay matututunan natin at maiisip natin na hindi lang tungkol sa material na
bagay dapat umiikot ang ating mundo. Kailangan rin natin ng taong masasandalan at
makakasama panghabang buhay.

MGA POKUS
Pokus sa Tagaganap

 ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap


ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa paksa.
 ang paksa ay sumasagot sa tanong na SINO?

Pokus sa Layon

 nasa LAYON ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ay


pinagtutuunan ng aksiyon.

 paksa ay sumasagot sa tanong na ANO?

Pokus sa Tagatanggap

Ang paksa ng pangungusap ay ang tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos na


ipinahihiwatig ng pandiwa. Kilala rin ito sa tawag na Pokus sa Pinaglalaanan.
Sumasagot ito sa tanong na“para kanino?

Pokus sa Kagamitan

Tumutukoy sa bahagi ng pangungusap na naglalarawan o nagbibigay-diin sa kagamitan


o bagay na direktang apektado ng kilos.
Lokatibong Pokus o Pokus sa Ganapan

-Paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na


"saan?".
Kosatibong Pokus o Pokus sa Sanhi

-Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot


sa tanong na "bakit?".

You might also like