Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

May angking katangian ang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa kanyang kapwa


at maging sa kanyang lipunan kaya may matatawag silang sariling mga gawing
pangkomunikasyon na sila lang din ang lubos na makakaganap. Ang
komunikasyon ang isa sa mga dahilan sa patuloy na ugnayan ng mga tao. At hindi
maipagkakaila na may ibat ibang paraan sa pakikipagkomunikasyon ang mga
Pilipino. Ayon kay Melba Padilla Maggay (2002), na mahilig umano ang mga
Pilipino sa malapitang pag- uugnayan, na dumadama sa mga tao at bagay-bagay.
Sa talakayang ito ay pag-uusapan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga
Pilipino, at ito ay ang tsismisan, umpukan, talakayan, pagbabahay-bahay, pulong-
bayan, komunikasyong di-berbal, at mga ekspresyong lokal.

TSISMIS
- Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag
hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang
malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng
panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa.
- Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa atin ng
matututunan ang mahahalagang impormasyon nang Hindi na kailangang
makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo.
- Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may
mas negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa ingles na
katumbas nito na 'gossip'.
- Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o
magkalat ng sikreto ng iba, samantalang ang tismosa ay kilala bilang
sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan minsan lamang kung
magsabi ng katotohanan ang mga tsismosa, at kung o0 naman ang mga
kwento ay madalas na exaggerated.
- Karaniwang nilalayuano iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang
mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga
tao sa mga sikreto at baho ng iba.
- Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa
inggit, na maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip natin. Ang
pangtsitsismis ay naging pasimpleng paraan na uраng makaраnаkіt sа kарwа
аt mgа кааwау.
- Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng
reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan,
kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na tsismis sa
komunidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga
hindi kasal o “disgrasyada”, pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit
pinagtsitsismisan din ang iba't-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya
naman ay pag-aaral.
Tsismis vs Katotohanan
- Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis
kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi
naniniwala sa mga tsismis na naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa
mga 'alternative facts'.
- Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong
pinag-uusapan, at mas kakaonti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan
kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap.
- Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit ng social media ay
nagdulot ng malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa bansa.
Ang mga Pinoy ay mabilis maniwala sa mga nababasa nila online, at
pinagbabasehan laman ang mga likes at shares para sa kredibilidad. Bihira
lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan.
Legal na Aksyon
- Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis,ito ay maaaring makasama
kung sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang
makaapekto sa kalagayan ng pinag-uusapan.
- Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng
dignidad ay itinuturing na paninirang- buri, at may mga legal na aksyon na
maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng
pagsampa ng rasong libel o slander.
Kumonekta sa Iyong Tagapakinig
- Ang mabisang tsismis ay hindi lamang tungkol sa iyong sinasabi, o tungkol
sa kanino. Ito ay tungkol sa kung paano mo ito sinasabi. Siyempre,maaari
mong gawing malinaw ang mga benepisyo ng tsismis sa iyong tagapakinig
sa pamamagitan ng malinaw na pagpapaliwanag kung bakit mo ibinahagi
ang impormasyon.
- Ngunit ang pagbabahagi ng partikular na emosyonal na mga keaksyon sa
impormasyon ay maaaring makatulong sa iyo na vmonekta sa iyong
tagapakinig at maiwasan ang mga negatibong reaksiyon.
- Ang pagbabahagi ng nararamdaman mo ay maaaring hikayatin ang
tagapakinig na magreresulta nang higit pa sa iyong pag-uugali sa pag-uuri.

UMPUKAN
- Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na
grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isáng okasyon o pangyayari
o sa anong kadahilanan.
- Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng
tao sa isang grupo o pangkat.
- May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay
nagpapalitan ng kuru-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa.
- Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na
maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na
pakikipagtalo.
- Dito makikita natin ang mga tao ay may kanya- kanyang katwiran batay sa
kanilang mga opinyon.

TALAKAYAN
Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng
pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita,
pagpapaliwanag at pangangatwiran.
Uri ng Pagtatalakayan
1. Impormal na Talakayan
Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at walang
pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang
sampung katao.
2. Pormal na Talakayan
Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala
at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad,
pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro.
Mga Uri ng Pormal na Talakayan
1. Panel Discussion
Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan ng
mga tagapakinig.
2. Simposyum
kahawíg ng panel discussion pero it ay mayroong tiyak na paksang
tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.
3. Lecture-Forum o Panayam
ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng
mahalagang suliranin. maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa
at pagkatapos ay malayang agtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.

Ang talakayan o debate dayalogo ay isasagawa kung kailan magkaroon ng bagay


na hindi mapag-kaunawaan at nanga-ngailangan ng paglilinaw ng magkatunggali
sa layunin upang mangingibabaw ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang
mga salita, linawin ang mga katibayan, iwasan ang mga ágam-agam sa salita o
pananaw at paniniwala.

Bakit kailangan ng tao ang Talakayan?


- Ang hindi pagkaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya,
teyoriya,salita at gawa ay sadyang dina maiwasan sa buhay ng tao simula pa
sa unang panahon hanggang sa katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang
patnubay at gabay upang maiwasan ang di pagka-kaunawaan kadalasan ay
naging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isat-isa.
- Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay
mapatunayan at mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap- tanggap na
basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na ibabahagi ng buong
katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.
PANGKATANG TALAKAYAN
1. Impormal na Debate o Pagtatalo
- Karaniwang isinagawa sa loob ng klase kapag may napapanahong isyung
pinag-uusapan. Wala itong mga tuntuning sinusunod at malayang
makapagsasalita ang lahat tungkol sa panig na gusto nilang pangatwiraan.
2. Formal na Debate
- Kontrglado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin ang debating ito.
NMaydalawa itong pangkat ng mga magtatalo para sa panig afirmatibo o
nfgatibo. Magpapalitan sila ng talino batay sa ilalahad na matitibay na katiran at
katibayan.

PAGBABAHAY-BAHAY
- Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupuna sa iba't ibang lugar at
tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng
impormasyon.
- Halimbawa, ng pagbabahay-bahay ay ang background investigation sa taong
nais bumili ng kotse o mag-loan ng malaking halaga. Nagsasagawa sila ng
interview upang hakakuha ng iba pang impormasyon, at ma-beripika kung
totoo ang lahat ng iyong isinulat sa kanilang application form.
- Katulad na lamang, halimbawa, ang pagbabahay-bahay ng mga pulis sa
isang Ьаrаngау ираng таgsаgаwа пg rаndоm drиgtest. Naging kalakaran din
noon ang pagbabahay-bahay upang magpakilala at magbenta ng mga bagong
produkto.

PULONG-BAYAN
- Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang
pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago.
- Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapagusapan nang maayos ang
mga bagay-bagay.
- Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay
binibigyan ng pagkakataon makapagsalita.
- Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
- Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang
ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita.
- Gumagamit ng Kilos o Galaw ng Katawan.
AYON KAY ALBERT MEHRABIAN (1971)
- 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di- verbal na
komunikasyon.
AYON KAY E. SAPIR
- Ang di-verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na
hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
lba't Ibang Anyo Ng Di-Verbal Na Komunikasyon

1. Kinesika (Kinesics)
Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba't
ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan
ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating
iparating sa iba.
Galaw ng Katawan na ginagamit sa Di-verbal na Komunikasyon
a. Ekspresyon ng Mukha
Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung
umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at
ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag.
b. Galaw ng Mata
Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag- iba ang mensaheng ipinahahayag
batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
c. Kumpas "Galaw ng Kamay"
Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang
magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng
kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga
pagpapakita ng karamdamang pisikal,emosyonal at marami pang iba. Ang
anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at
nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.
d. Tindig o Postura
Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong
kalseng tao ang iyong kaharap o kausap.

2. Proksemika (Proxemics)
- "Pag -aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo" Pag-aaral ng
komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward
T.Hall (1963),isang antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa
komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa
harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-
uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan
3. Pandama o Paghawak (Haptics)
- Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay
nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong
malapit sa isa't isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.
4. Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita
- Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga
salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot,
buntung-hininga, ungol at paghinto. Ang anumang sinasabi natin o
mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga
salita o pangungusap.
5. Katahimikan/Hindi Pag-imik
- Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa
tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang
sasabihin. Sa pagtahimik o di pag- imik, inihahanda ng tagatanggap ang
mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.
- May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang
kalooban ng iba.
- Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin
ng isang tao sa ibang tao.
MGA EKSPRESYONG LOKAL
- Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong ina na naiiba sa anyo at
gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya.
- Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa
pagpapahayag ng damdamin o pakikipag- usáp na ang kahulugan ay hindi
ang literal na kahulugan g bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang
taong hindi bihasa sa lenggwahe.
- Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Ekspresyon:
Pagpapahayag-Pangungusap
Pananalita-Kasabihan
Pagpapahiwatig-Pagpapakita
Lokal:
Раmpook-Рampurok
Pambayan-Panglungsod
Pambansa-Nasyunal
Нalimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman.(Bahala na)
Malay mo.
Charot
Lodi
Petmalu
Нау naku
Susmaryosep!
Edi wow

You might also like