Modyul 5 - Fil7 Q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

7

Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 5: Mga Mungkahing
Solusyon mula sa mga
Suliraning nakuha mula sa
Akda
7
Filipino
Ikaapat na Markahan

Modyul 5: Mga Mungkahing


Solusyon mula sa mga
Suliraning nakuha mula sa
Akda

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII-CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
COPYRIGHT NOTICE

Section 9 of presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the for of the Philippines. However,
prior approval of the government agency of the office wherein the work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed through the initiative of the Curriculum Implementation Division
(CID) of the Department of education- Siquijor Division.

It can be reproduced for education purposes and the source must be clearly acknowledged. The
material may be modified for the purpose of translation into another language, but the original work must
be acknowledged. Derivatives of the work including the creation of an edited version, supplementary
work, or an enhancement of it are permitted provided that the original work is acknowledged, and the
copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and profit.

Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, picture, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education

OIC- Schools Division Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro


Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L. Cabio

Development Team of the Learning Module


Writer: Cleah Mae Eliza T. Calvadores
Evaluators: Charity E. Dimagnaong, Christine V. Marchan, Anabel R. Jimenez, Rodson M. Jumalon,
Kathleen Rose A. Ocay, Gene T. Gica, Christine Gaye D. Largo, Mary Jean L. Larot
Management Team:
Dr. Marlou S. Maglinao
CID- Chief
Flora A. Gahob
Education Program Supervisor (Filipino)
Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)

Printed by: ____________________


Department of Education-Region VII,Central Visayas, Division of Siquijor
Office address: Larena,Siquijor
Telephone No.: (035) 377-2034-2038
E-mail Address: deped.siquijor@deped.gov.ph

INTRODUKSIYON
Ang modyul na ito ay inihahanda upang matugunan ang mga programa ng K-12
Basic Education Curriculum na mabigyan ng sapat na kaalaman at malinang ang iyong
mga kasanayan bilang mag-aaral.
Layunin ng modyul na ito na malinang ang iyong kahusayang maging sa “Mga
Mungkahing Solusyon Mula sa mga Suliraning nakuha mula sa Akda ” na mula sa
sipi ng aklat na Pinagyamang Pluma para sa ika-7 na baitang.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumsusunod na mga kasanayan:

 Mga layunin ng pagkatuto na inaasahang matamo pagkatapos mong masuri ang


modyul na ito.

 Panimulang Pagtataya na nasa bahaging Subukin.Layon nitong masukat ang


dati mong kaalaman tungkol sa paksa.

 Taglay ng modyul na ito ang mga aralin na dapat mong matutunan.Pag-aralan


mong mabuti ang mga ito upang masagot mo nang wasto ang mga pagsasanay.

 Mga kasanayang pampagkatuto na tiyak lilinang sa iyong kahusayan at


kakayahang umunawa .Huwag mong kalimutang basahin at unawaing mabuti
ang mga panuto upang masagot mo nang tama ang mga gawaing inihanda.Pag-
isipan mong mabuti ang mga tanong bago mo sagutin ang mga ito.

 Pangwakas na Pagtataya na nasa bahaging Tayahin . Layunin nitong matasa


ang iyong kaalaman matapos mong masuri at napag-aralan ang mga aralin.

Sana ay matulungan ka ng modyul na ito upang lalong mapaunlad at mapayaman


ang iyong natutuhan upang mahubog ang iyong tunay na pagkatao.

Alamin
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
 Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa
akda.

Subukin
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng pinaka tunpak
na sagot sa iyong dyornal.

1.Ano ang napanaginipan ni Haring Fernando mula sa kanyang mahimbing na


pagtulog?

A. Siya ay magkakaroon ng karamdaman


B. May masamang mangyayari sa kanyang bunsong anak na si Don Juan.
C. Siya ay magiging isang imortal na hari
D. Magdadalang tao ang kanyang asawa

2. Saang kaharian nagmula si Donya Juana?

A.Sa kaharian ng Armenya


B.Sa kaharian ng Berbanya
C.Sa kaharian ng Isabella
D.Sa kaharian ng Hibaya

3. Sino ang nagbigay kay Don Juan ng pitong pirasong dayap, isang matalim na
labaha atgintong sintas?

A.Haring Fernando
B. Donya Leonora
C.Ermitanyo
D.Matandang Ketongin

4. Ano ang mangyayari sa taong makakarinig sa awit ng ibong adarna?

A.Mabibighani at makakatulog
B.Magkakaroon ng kapangyarihan
C. Mabibigyan ng angking lakas
D.Wala sa nabanggit

5.Sino ang kapatid ni Donya Juana?

A.Francesca
B.Leonora
C.Flerida
D.Juan

6.Sino ang tunay na nakahuli sa Ibong Adarna?


A. Si Don Juan
B Si Don Diego
C.Si Don Pedro
D.Si Don Florante

7.Ano ang isinalaysay ng Ibong Adarna nang siya ay makarating sa palasyo?

A.Isinalaysay niya na ang tunay na nakahuli sa kanya ay si Don Juan.


B.Isinalaysay niya na siya ay papatayin ni Don Pedro
C.Isinalaysay niya na si Don Juan ay magkakaroon kasintahan.
D.Isinalaysay niya na papatayin siya ni Don Fernando.

8.Sino ang umangkin sa pagkakahuli sa Ibong Adarna?

A.Don Juan
B.Don Pedro at Don Diego
C.Ermitanyo
D.Haring Fernando

9. Sino sino ang nakita ni Don Juan nang siya ay mahulog sa balon?

A.Si Donya Juana at Leonora


B.Si Prinesesa Flerida
C.Si Prinsesa Aurora
D.Si Reyna Valeriana at Haring Fernando
10.Sino ang ibinalik ni Don Juan sa taong anyo nang mahuli niya ang Ibong Adarna?
A.Si Don Diego
B.Si Don Pedro
C.Sina Don Juan at Don Pedro
D.Wala sa nabanggit

11.Sino ang nasabing haka-hakang sumulat ng Ibong Adarna?

A.Francisco Balagtas
B.Huseng Sisiw o Jose De La Cruz
C.Jose Rizal
D. Apolinario Mabini

12.Sino ang bunsong anak nina Reyna Valeryana at Haring Fernando sa akda?

A.Don Juan
B.Don Diego
C.Don Pedro
D.Don Lorenzo

Tuklasin
Ang Ibong Adarna

(Buod)
Ito ang mgapangunahing tauhan sa akdang Ibong Adarna:

Don Fernanndo – Siya ang hari ng Berbanya na ama ni Don Pedro, Don Diego at
Don Juan.
Donya Valeriana – Asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong prinsipe.
Don Pedro- Pinakamatanda sa tatlong prinsipe na kilala sa pagiging tuso at
mapaglinlang.
Don Diego – Pangalawa sa tatlong magkakapatid na prinsipe na sunod-sunuran
kay Don Pedro.
Don Juan – Ang bunso sa tatlo, na may pinakabusilak na puso.
Donya Juana – Isang magandang prinsesa mula sa kaharian ng Armenya.
Leonora – Kapatid ni Donya Juana.
Donya Maria- prinsesa ng Reyno De Los Cristales.

Buod ng kuwento mula sa Akda


Mula sa pagkahimbing ng tulog ni Haring Fernando ay napanaginipan niya na
mayroong masamang mangyayari sa kanyang bunsong anak na si Don Juan. Simula
noon ay naging matamlay na ang hari at nawalan ng sigla, hanggang sa siya ay
tuluyang nagapo ng isang matinding karamdaman.

Walang mangagamot at uri ng gamot ang puwedeng makapagbigay lunas sa


sakit ng hari kundi ang Ibong Adarna lamang. Ang Ibong Adarna ay isang
makapangyarihang nilalang na matatgpuan sa Bundok ng Engkantadong Tabor.

Nagpasya ang hari at inutusan niya ang kanyang panganay na anak na si Don
Pedro upang hulihin at iuwi sa palasyo ang Ibong Adarna. Tatlong buwan ang
lumipas at walang prinsipe na nakabalik. Dahil dito ay inutusan na naman ni haring
Fernando ang kanyang pangalawang anak na si Don Diego upang hanapin at iuwi
din ang Ibong Adarna.

Lumipas ang limang buwan at kagaya ng dati, walang prinsipe na nakabalik.


Ayon sa mga matatandang mangagamot sa loob ng palasyo, puno ng kababalaghan
ang Bundok ng Tabor.

Ang sinuman na makarinig sa awit ng Ibong Adarna ay nabibighani at


nakakatulog sa kanyang mga awit. Kapag napatakan ang isang mortal ng dumi ng
Ibong Adarna , sinasabing sila raw ay nagiging bato.

Labag man sa kalooban ng hari ay inutusan na rin niya ang kanyang bunsong
anak na si Don Juan. Mula sa paglalakbay ng prinsipe patungo sa mahiwagang
kabundukan ng Tabor ay mayroon siyang nakasalubong na isang pulubing
ketongin.

Mistulang pagod at gutom ang nasabing estranghero, kaya hindi


nagdalawang isip ang mabait na prinsipe at inalok niya ang kanyang natitirang
baon na tinapay.

Lingid sa kanyang kaalaman ang ketongin na kanyang tinulungan ay isa sa


mga pagsubok na dapat pagdaanan ng sinuman na gustong mahuli ang Ibong
Adarna.
Dahil sa kanyang busilak at ginintuang puso, mayroong nagpakita sa kanya
na isang ermitanyo at tinulungan siya kung paano niya mahuhuli ang Ibong Adarna.

Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha at


isang gintong sintas. Ito ang kanyang magiging sandata upang hindi siya antukin
kapag maririnig niya ang awit ng Ibong Adarna.

Kailangan niya ang labaha upang sugatan ang kanyang sairili, at pagtapos ay
bubuhusan niya ng dayap ang kanyang bawat likhang sugat upang hindi siya
makaramdam ng antok. At ang gintong sintas ay pantali sa mga paa ng Ibong
Adarna kapag ito ay kanya nang nahuli.

Binigyan din siya ng isang timba upang magsalok ng tubig sa isang


mahiwagang balon ng tubig upang gamitin niya na pambuhos sa dalawang prinsipe
na naging mga bato.

Nahuli nga niya ang Ibong Adarna at naibalik niya ang taong anyo ang dalawa
niyang kapatid mula sa pagiging mga bato.

Habang pabalik ng palasyo ang tatlong prisipe, muli ay nagkaroon na naman


ng hindi magandang plano ang panganay na si Don Pedro. Kinausap niya si Don
Diego at pinagtulungan nilang binugbug ang nakababatang si Don Juan.

Nakabalik na sa palasyo ang dalawa habang si Don Juan ay naiwan sa


bundok. Inangkin ng nakatatandang Don Pedro ang kabayanihan sa pagkakahuli sa
ibong Adarna. Ngunit sa kalaunan ay hindi nila mapakanta ang ibon. Lumipas ang
panahon at si Don Juan ay nakabalik na rin sa palasyo.

Pagkakita ng Ibong Adarna kay Don Juan siya ay umawit. Isinalaysay ng ibon
sa pamamagitan ng pag awit ang totoong nangyari sa bundok ng Tabor, na si Don
Juan ang tunay na nakahuli sa kanya.

Pinakawalan ni Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna habang si Don
Juan ay natutulog. Muli, napagbintangan na may kasalanan si Don Juan. Dahil dito,
bumalik and tatlong prinsipe sa enkantadong bundok upang hanapin ang ibong
Adarna.
Sa kanilang pagdaan sa balon ng tubig ay binigla ni Don Pedro si Don Juan.
Sa loob ng balon ay nakita niya ang dalawang prinsesa na naengkanto at
nakakulong dito. Sila ay sina Juana at Leonora. Nailigtas at nailabas niya ang dalawa
mula sa balon.

Sa tulong ng isang lobo siya ay gumaling at siya ay napadpad sa Reyno delos


Cristales at dito niya nakilala si Donya Maria. Isa siyang prinsesa na marunong sa
mga mahika.

Sa katapusan ng epiko ay nagkatuluyan si prinsipe Juan at si Prinsesa Maria


at pinamunuan nilang mag asawa ang kaharian ng Reyno delos Cristales. Sila ay
nabuhay ng mapayapa at masaya

Suriin
Batay sa nabasa mong buod ng Ibong Adarna, may bahagi ba ng kuwento na
nakaantig ang iyong puso? May mga pangyayari ba sa kuwento na nangyari sa totoong
buhay? O maging sa buhay mo bilang isang mamamayan at estudyante?

Kung ating susuriin, ang buong kuwento ay umikot sa buhay ni Haring Fernando
at Donya Valeriana at sa tatlong prinsipe na anak ng hari at reyna na sina Don Pedro,
Don Diego, Don Juan. Kung iyong mapapansin, nagkaroon ng matinding dagok ang
kanilang buhay nang ang amang hari ay nagkaroon ng masamang panaginip na naging
hudyat ng isang malubhang karamdaman. Sinasabi sa kuwento na ang tanging
makakapagbigay ng lunas nito ay ang awit ng Ibong Adarna.

Sa katapusan ng kuwento, naging matagumpay si Don Juan sa paghuli ng Ibong


Adarna at nagamot ang malubhang karamdaman ng hari.

Batid kong marami kang mga suliraning nabasa sa buod ng kuwento ngunit
mayroon ka bang maimumungkahing solusyon sa mga napansing suliranin? Paano nga
ba magbigay o magpahayag ng mungkahi?

Bigyan pansin ang pahapyaw na paliwanag sa ibaba:


A. Sa pagbibigay ng mungkahi ito ay may kalakip na opinyon ng isang tao hinggil sa
isang sitwasyon o mga kaganapang nakapaloob sa kuwentong pinag-usapan.

B. Sa pagbibigay ng mungkahi, kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksang


pinag-uusapan upang masusing mapag timbang-timbang ang mga bagay-bagay
at mga pangyayari at upang maging katanggap-tanggap ang mga iminungkahing
opinyon o solusyon.

C. Sa pagbibigay ng mungkahing solusyon, may mga panandang salita na siyang


nagpapa igting sa iyong paninindigan sa pagbibigay mo ng iyong sariling opinion

 Buong igting kong sinusuportahan ang…


 Kumbinsido akong…
 Lubos kong pinaniniwalaan…
 Labis akong naninindigan na…

D. Mayroon ding mga neutral na pagbibigay ng mungkahing solusyon o at opinyon


na nagpapakita ng kasanayan sa pagtanggap ng iba pang ideya.

 Kung ako ang tatanungin…


 Kung hindi ako nagkakamali…
 Sa aking palagay..
 Sa tingin ko…
 Sa totoo lang…
 Sa aking pananaw….

Iyan ang iyong dapat tandaan at suriing mabuti bago ka magbigay ng iyong mga
mungkahing solusyon o maging opinyon sa akdang pinag-uusapan.

Sa puntong ito, ating pagyamanin ang iyong napulot na kaalaman mula sa


paksang pinag-uusapan na Ibong Adarna kalakip ang paraan sa pagbibigay ng
mungkahi o opinyon.

Pagyamanin
Iguhit Mo!
Panuto: Sa isang buong bondpaper iguhit ang bawat pangyayaring nakapalood sa
nabasa mong buod ng akda.Kinakailangang kakikitaan ng pagkaka sunod-sunod ng
pangyayari ang iyong mga ginuhit. Sa puntong ito, babaguhin mo ang mga suliraning
iyong nakalap sa kuwento na para sa iyo ay di kaaya-aya at kinakailangang makikita ito
sa iyong mga iginuhit. May nakalaang pamantayan para sa pagbibigay sa iyo ng iyong
marka.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka


Organisasyon ng Ideya base sa ipinakitang guhit
20 puntos
Kaangkupan ng mga karikatura na makikita sa guhit 15 puntos
Pagkamalinaw at kainisan ng bawat guhit 10 puntos
Kabuuang puntos 45 puntos

Isaisip

Dapat mong tandaan na:

A. Ang nilalaman ng Ibong Adarna ay patungkol sa paglalakbay ng tatlong anak nina


Haring Fernando at Reyna Valeriana na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan
upang makuha ang Ibong Adarna na siyang magbibigay lunas malubhang
karamdaman ng hari. Ito ay nagpapakita ng walang humpay na pagmamahal ng
mga anak sa kanila ama.
B. Nakasaad sa akda ang matinding inggit at gahaman sa kapangyarihan ng magkapatid na
sina Don Pedro at Don Diego sa bunso nilang kapatid na si Don Juan kaya kanila itong
pinagdiskitahan at bugbugin sa kadahilanang sila ang gustong umangkin sa pagkahuli ng
Ibong Adarna ngunit sa bandang huli ang katotohanan ang siyang nanaig.

C.Sa pagbibigay ng mungkahi, kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksang


pinag-uusapan upang masusing mapag timbang-timbang ang mga bagay-bagay at mga
pangyayari at upang maging katanggap-tanggap ang mga iminungkahing opinyon o
solusyon.

Sa pagbibigay ng mungkahing solusyon, may mga panandang salita na siyang nagpapa


igting sa iyong paninindigan sa pagbibigay mo ng iyong sariling opinyon

*Buong igting kong sinusuportahan ang…


*Kumbinsido akong…

*Lubos kong pinaniniwalaan…

*Labis akong naninindigan na…

D.Mayroon ding mga neutral na pagbibigay ng mungkahing solusyon o at opinyon na


nagpapakita ng kasanayan sa pagtanggap ng iba pang ideya.

*Kung ako ang tatanungin…


*Kung hindi ako nagkakamali…
*Sa aking palagay..
*Sa tingin ko…
*Sa totoo lang…
*Sa aking pananaw…

Isagawa
Panuto: Sumulat ka ng iyong sariling maikling kuwento tungkol sa Ibong Adarna. Mag
mungkahi ng maaring kinalalabasan ng bawat suliraning nakapaloob sa kuwento at
baguhin mo ang wakas ng kuwento sa pamamagitan ng iyong malikhaing ideya.

Isulat ito sa isang shortbondpaper.

Pamantayan sa Pagsulat ng Maikling Kuwento


Organisasyon ng Ideya 15 puntos
Kaangkupan ng mga impormasyong 15 puntos
inilahad base sa nakapaloob sa akda
Katatasan sa paghabi ng mga 5 puntos
pangungusap
Pagkamalikhain ng sariling sulat ng wakas 10 puntos
ng kuwento
Malinaw at malinis na sulat kamay 5 puntos

Kabuuang puntos 50 puntos


Tayahin
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap na nasulat sa ibaba. Kung ang
pahayag ay tama isulat ang salitang Tama. Kung ang pahayag naman ay mali, isulat
ang salitang Mali. Isulat ito sa isang kapat na papel.

1. Ang Ibong Adarna ay maayroong kaakit-akit na boses na at mala engkantadang


anyo.
2. Sinasabing ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa mahiwagang Bundok ng Arayat.
3. Si Don Pedro ang sinasabing tunay na nakahuli ng Ibong Adarna.
4. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha at isang
gintong sintas
5. Napatakan si Don Juan ng dumi ng Ibong Adarna kaya siya ay nakatulog.
6. Si Prinsesa Juana ay isang magandang prinsesa na nagmula sa kaharian ng
Armenya.
7. Sa pagbibigay ng mungkahi ito ay may kalakip na ebidensya na nagmula sa isang
tao hinggil sa isang sitwasyon o mga kaganapang nakapaloob sa kuwentong pinag-
usapan.
8. Sa pagbibigay ng mungkahi,kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksang
pinag-uusapan upang masusing mapag timbang-timbang ang mga bagay-bagay at
mga pangyayari at upang maging katanggap-tanggap ang mga iminungkahing
opinyon o solusyon.
9. May mga panandang salita na siyang nagpapa igting sa iyong paninindigan sa
pagbibigay mo ng iyong sariling opinion
10. Ang nilalaman ng Ibong Adarna ay patungkol sa paglalakbay ng tatlong anak nina
Haring Fernando at Reyna Valeriana na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan
upang makuha ang Ibong Adarna na siyang magbibigay lunas malubhang
karamdaman ng hari.
11. Mayroon ding mga neutral na pagbibigay ng mungkahing solusyon o at opinyon na
nagpapakita ng kasanayan sa pagtanggap ng iba pang ideya.
12. Nakasaad sa akda ang matinding inggit at gahaman sa kapangyarihan ng
magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego sa bunso nilang kapatid na si Don
Juan.
Talasanggunian

Webisites:
https://pdfslide.tips/education/filipino-9-mga-pahayag-na-ginagamit-sa-pagbibigay-ng-
opinyon-at-mga-wastong.html
https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod-ng-buong-kwento/

Aklat:
Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao Nina
Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D. Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D

PLUMA 7 ng Phoenix Publishing House, pp. 75--77, na sinipi rin mula sa aklat na
Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas (Pat Villafuerte, et al.):
Susing Sagot
I. 1.b
2.a
3.c
4.a
5.b
6.a
7.a
8.b
9.a
10.c
11.b
12.a

II. Pagyamanin
*Nakabatay ang sagot sa sariling ideya ng estudyante na nagmula sa akda.

III. Isagawa
*Nakabatay ang sagot sa sariling ideya ng estudyante na nakatuon sa nilalaman ng
akda.

IV. Tayahin

1.Tama
2.Mali
3.Mali
4Tama
5.Mali
6.Tama
7.Mali
8.Tama
9.Tama
10.Tama
11.Tama
12.Tama

You might also like