Modyul 3 - Q4 - Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

9

Ikaapat na Markahan

Modyul 3: Paglalahad ng
Sariling Pananaw,
Kongklusyon at Bisa ng
Akda sa Sarili Gamit ang
Mga Angkop na
Salita/Ekspresyon
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR

PAMATID SA COPYRIGHT

Ayon sa “Section 9, Presidential Decree No. 49”, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Ang materyal na ito ay binuo sa pamamagitan ng inisyatiba ng Curriculum Implementation Division
(CID) ng Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Siquijor.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang
walang pahintulot sa tagapaglathala. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon OIC-Schools Division
Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro ; Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L.
Cabio.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MERRY CHRIS DAUG


Mga Tagasuri: CHARITY E. DIMAGNAONG, CHRISTINE V.
MARCHAN, ANABEL R. JIMENEZ, RODSON M. JUMALON,
KATHLEEN ROSE A. OCAY, GENE T. GICA, CHRISTINE GAYE
D. LARGO, MARY JEAN LAROT
Tagapamahala: Dr. MARLOU MAGLINAO
CID – Chief
FLORA A. GAHOB
Education Program Supervisor
Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Dibisyon ng Siquijor
Office Address: Larena, Siquijor
Telephone No.: (035) 377-2034-2038
E-mail Address: deped.siquijor@deped.gov.ph
9
FILIPINO
Ikaapat na Markahan

Modyul 3: Paglalahad ng
Sariling Pananaw,
Kongklusyon, Bisa ng Akda
sa Sarili Gamit ang Mga
Angkop na
Salita/Ekspresyon

INTRODUKSIYON
Ang Modyul na ito ay isinulat bilang suporta sa K to 12 Basic Education
Program upang matitiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamantayan na
itinakda ng kagawaran.

Layunin nitong maibabahagi ang mga mahalagang kaalaman tungkol sa ibat


ibang Konseptong Pangwika.

Kasama sa modyul na ito ang sumusunod na gawain:

 Inaasahang kinalabasan ng pagkatuto – ito ang inaasahang iyong matamo


matapos ang modyul.
 Panimulang Pagtataya- ito ay mga naunang kalaman tungkol sa araling
iyong pag-aaralan.
 Pagtalakay sa Paksa- ito ay nagtataglay ng mahalagang kaalaman,
simulain, kinalalabasan ng pagkatuto.
 Gawaing Pampagkatuto- ito ay nagtataglay ng aplikasyon sa kaalaman,
simulain at kaugaliang natamo mula sa aralin at nagpapatingkad sa iyong
kakayahan habang isinagawa ang ibat ibang gawain.
 Panghuling Pagtataya- ito ang sumusukat sa lawak ng iyong kaalamang
natamo sa buong modyul.

Sa pamamagitan ng ibat ibang gawaing inihanda sa modyul na ito, nawa’y


maging kasiya-siya ang iyong pagkatuto habang nalinang ang iyong kakayahan sa
pag-iisip.

Alamin…
Pagkatapos pag-aralan ang modyul, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na
kasanayan:
 Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa:
- paglalarawan
- paglalahad ng sariling pananaw
- pag-iisa-isa
- pagpapatunay
 Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakakarami

Subukin…

Panimulang Pagtataya
Huwag kang matakot! Layon lamang na masukat ang dati mong kaalaman tungkol
sa paksa.
Handa ka na ba? Magsimula ka na!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa kuwaderno ang titk ng
tamang sagot.
1. Sino ang hinihintay ni Maria Clara na matagal na niyang hinihintay sa bahay?
a. Ibarra c. Lenares
b. Kapitan Heneral d. Padre Salvi

2. Ano ang kalagayan ni Maria Clara tuwing may magdaraang sasakyan sa tapat
ng kanilang bahay?
a. alumpihit c. nababagot
b. balisa d. napapagod

3. Sino ang napatda nang marinig ang tinig ng binatang bagong dating?
a. Isabel c. Padre Damaso
b. Maria Clara d. Padre Irene

4. Bakit sa umpisa na pagkikita nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara ay


nagpapakiramdaman?
a. dahil mayroon ng ibang minahal si Crisostomo Ibarra.
b. dahil sa kanilang malubhang pag-aawayan
c. dahil sa matagal na nilang pagtatampuhan
d. dahil sa matagal na hindi pagkikita
2
Nabalik sa kanilang isip at damdamin ang iniwang kamusmusan bago pa
sila nagkahiwalay, ang masayang alaala at pinagsamahan noong kanilang
kabataan, ang masuyong paglalambingan, paglalaro at paglalangoy sa batis,
dayaan sa sungka at ang kanilang away- bating suyuan na pinagmulan ng
kanilang espesyal na nadarama

5. Anong ekspresyon ang ginagamit sa paglalahad ng kinawing-kawing na mga


detalye?
a. ekspresyon sa pag-iisa-isa c. ekspresyon sa pagpapatunay
b. ekspresyon sa paglalarawan d. ekspresyon ng sariling pananaw

Panuto: Tukuyin at sagutin kung ano ang wastong gamit ng salita na naglalarawan
ng tao at bagay. Gamitin ang kuwaderno at isulat ang titik ng tamang sagot.

a. matamis b. maliit c. mababa d. malapad

6. Naglalarawan sa panlasa ng tao


7. Naglalarawan sa laki o size ng isang bagay
8. Naglalarawan sa munting bagay sa kabuuan
9. Naglalarawan sa kaliitan ng tao

10. Ano ang angkop na salita/ekspresyong nagpapahayag ng pananaw?


a. gayundin c. sa madaling salita
b. samakatuwid d. sa palagay ko

11. Anong uri ng ekspresyon ang nagpapahayag ng pag-iisa-isa na tumatalakay sa


pangunahing akda at higit na magkakaugnay ang mahahalagang salita?
a. komplekadong pag-iisa-isa c. salimuot na pag-iisa-isa
b. payak na pag-iisa-isa d. sempling pag-iisa-isa

12. Ang mga sumusunod ay mga ebidensyang magpapatunay na maaring


nakasulat, nakalarawan, o nakavedeo maliban sa isa:
a. dokumentaryong ebidensya c matibay na Konklusyon
b. kapani-paniwala d. pahayag ng mga opinyon

Balikan…

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman sa nakaraang aralin.


Panuto: Basahin at sagutin ang mga katanungan. Titik lamang ang isulat na sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang keywords na maaring gamitin sa pananaw ng teksto?
a. sa aking palagay c. sana ikaw lang

3
b. sa aking paglaki d. upang magdala

2. Anong implikasyon ang maaring ibigay pagkatapos mabasa ang isang teksto?
a. konklusyon c. paliwanag
b. opinyon d. pananaw

3. Anong bisa kapag ang anak ay naiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ina?
a. bisa sa isip c. bisa sa kaasalan
b. bisa sa damdamin d. bisa sa sarili

4. Anong bisa kapag ang napanood niyang teleserye ay naikintal sa kanyang


alaalang hindi niya agad malilimutan?
a. bisa sa damdamin c. bisa sa kaasalan
b. bisa sa isipan d. bisa sa sarili

5. Nagdasal siya bilang pasasalamat sa kanyangb kaarawan. Ito ay nagpapakita


ng bisa sa __________
a. isipan c. kaasalan
b. damdamin d. sarili

6. Upang makuha ang kinakailangang datos ang mananaliksik ay


nangangailangang gumamit ng tamang _______.
a. metodo c. teknik
b. rekomendasyon d. analitikal

Suyuan sa Asotea
Kabanata 7

Hindi mapalagay si Maria Clara buhat ng makagaling sa simbahan kasama


ang kanyang Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa ay agad itong nangyaya na umuwi
agad sa bahay. Naramdaman ni Maria Clara ang pagdaramdam ni Tiya Isabel
sapagkat naniniwala ito sa kanyang pagkamadasalin.

Sinadya niyang iparinig dito ang huling panalangin, “ Patawarin ako ng Diyos na
higit na nakakaunawa ng aking kalooban bilang babae.”
Hinihintay ni Maria Clara ang pagdating ni Ibarra at ang pagdalaw nito sa
kanilang bahay. Alumpihit siya sa tuwing may magdaraang sasakyan sa tapat ng
kanilang bahay, sa pag-asam na ito na ang kanyang hinihintay. Si Tiya Isabel ay
abala sa pag-iimis ng kalat ng dulot nang nagdaang kasiyahan samantalang panay
ang buklat ni kapitan Tiago sa kanyang mga papeles.

Napansin ni kapitan Tiago ang pamumutla ng mukha ng anak, “Mas


makabubuti nga sigurong magbabakasyon ka muna para makalanghap ng
sariwang hangin. Saan mo gustong magbakasyon? Sa Malabon o sa San Diego?”

Natigilan si Maria Clara dahil sa sinabi ng ama. Lalo pa siyang kinabahan


nang marinig ang bayan sa San Diego.

“ Ang mabuti pa siguro’y bumalik na kayo ng Tiya Isabel mo sa Beateryo at


kukunin na ang lahat ng iyong damit, hindi ka na babalik doon kaya magpaalam ka
nang tuluyan sa mga kaibigan mo,” ani pa ng ama.

“ Sa San Diego na lamang dahil mas malaki ang bahay doon at isa pa’y
malapit na ang pista,” sabad ni Tiya Isabel.
“ Ikaw pala, Don Crisostomo!” bulalas ni Kapitan Tiago.

Napatda si Maria Clara lalo nang marinig ang tinig ng binatang bagong
dating. Patakbo siyang nagtungo sa silid dasalan. Napangiti na lamang sina
Kapitan Tiago at Tiya Isabel dahil sa iginawi ng dalaga.

Nabigla si Maria Clara nang bumugad sa kanyang harap ang tiyahin habang
sinisilip niya si Ibarra at ang ama habang paakyat sa hagdan mula sa maliit na
butas ng susian ng kanyang silid. Sa tuwa ay nahalikan at niyakap niya ang
matandang babae. Labis na galak ang kanyang naramdaman at namamalas ito ng
matandang babae. Pinag-ayos niya nito ang bihisan upang maharap na ang
bisitang binata.

Sa asotea napadpad ang magkasuyo at doon nag-usap. Sa umpisa’y tahimik


ang dalawa at nagpapakiramdaman dahil sa matagal na hindi pagkikita. Nang
lumaon ay nagsimula na silang magbalik tanaw ng kanilang nakaraan. Nagbalik sa
kanilang isip at damdamin ang iniwang kamusmusan bago pa sila nagkahiwalay,
ang masayang alaala at pinagsamahan noong kanilang kabataan, ang masuyong
paglalambingan, paglalaro at paglalangoy sa batis, dayaan sa sungka at ang
kanilang away- bating suyuan na pinagmulan ng kanilang espesyal na nadarama
hanggang sa kasalukuyan.

Ang kanilang suyuan ang tanging baon nila sa paghihiwalay nang ipadala si
Maria Clara sa Beateryo at nang magtungo naman si ibarra sa ibang bansa upang
mag-aral. Isang liham pamamaalam ang iniwan ni Ibarra kay Maria Clara. Tuyong
dahon naman ng sambong ang inilagay ng dalaga sa loob ng sombrero nang binata
nang hindi ito sakitan ng ulo. Ang biro ni ibarra ay iyon lamang ang tanging naibigay
sa kanya ng dalaga.

5
Sa asotea rin binasa ni Maria Clara ang liham ng binata, na ayon kay Maria
Clara ay pulos kasinungalingan ang laman kaya nais laktawan ang sa palagay
niya’y

bahagi ng liham na hindi totoo. Sa asotea ring iyon ipinagtapat ni Ibarra kay Maria
Clara ang naging usapan nila ng kanyang ama tungkol sa pag-aaral niya sa ibang
bansa.

Tutol ang kalooban ni Ibarra at ipinahiwatig niya ang pagtutol na mangibang


bayan. Napaiyak pa siya sa harapan ng ama. Doon rin niya ipinagtapat sa ama na
iniibig si Maria Clara. Sinagot siya ng ama na ang dahilan ng plano nitong
pagpapaaral sa kanya sa ibang bansa ay para sa kanyang kabutihan.

“Lagi mo ba akong naalaala? O sadyang naging makakalimutin ka na dahil


sa mga magagandang dilag na nakikilala mo sa iyong paglalakbay?”

“ Paano kita malilimutan gayong ang tinig mo’y naririnig ko maging sa gubat
ng Alemanya? Inusal-usal ko ang iyong pangalan kahit saang dako ako mapadpad.
Walang lugar na hindi kita kapiling.”

Natuwa si Maria Clara sa narinig.

“Ilang parusa na ang tinanggap ko mula sa aking kompesor na nagsabing


kalimutan na kita, ngunit hindi ko pa rin magawa,” sabi niya.

Bigla ang pamumutla ni Ibarra sa alalahaning araw ng mga patay


kinabukasan.

“ Nakalimot ako sa aking tungkulin.”

Sinabi ni Crisostomo sa kasintahan na kailangan niyang magbalik ng San


Diego upang gampanan ang tungkulin sa ama bilang pag-alaala sa araw ng patay.
Nalulungkot man si Maria Clara ay hindi na niya pinigilan ang pag-alis ni Ibarra.
Muling nagbalik sa silid dalanginan si Maria Clara at doon siya dinatnan ni Kapitan
Tiago habang lumuluha.

Suriin…

Alam mo ba…

Ang mga Angkop na Gamit ng Salita at Ekspresyon

1. Mga salita/ekspresyong nagpapahayag ng Paglalarawan

Kinakailangang isaisip ang paggamit ng angkop na mga salita upang maiwasan


6
ang hindi pagkakaunawaan

Ano ang iniiwasan sa paggamit ng angkop na salita sa paglalarawan?

-Matamis – panlasa ng tao


-Malambing – tumutukoy sa mapagmahal na tao
-Mataas- tumutukoy sa layo ng bagay
-Matangkad – tumutukoy sa layo ng tao
-Mababa- tumutukoy sa kaliitan ng tao
-Maliit -tumutukoy sa munting bagay sa kabuuan
-Kapiraso- tumutukoy sa isang maliit na bagay
-Malapad – tumutukoy sa laki o “size” ng isang bagay
-Maluwag – tumutukoy sa lawak o “ space” ng isang bagay.
-Mabait – tumutukoy sa masuyong tao

2. Mga salita/ekspresyong nagpapahayag ng pananaw

May mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at


nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng pananaw.

Ekspresyong nagpapahayag ng pananaw

Halimbawa : Sang-ayon sa, alinsunod, batay sa, ayon sa, sa paniniwala,


sa tingin ni/ng, sa aking pananaw, sa palagay ng/ni, pinaniniwalaan, iniisip,
inaakala.

Ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago

Halimbawa: Sa isang banda, sa kabilang dako, samantala

3. Mga salita / ekspresyon na nagpapahayag ng pag-iisa-isa o enumerasyon

Dalawang uri ng pag-iisa-isa o enumerasyon

1. Ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtatalakay sa pangunahing akda at


higit na magkakaugnay ang mahahalagang salita.
2. Ang komplekadong pag-iisa-isa ay pagtatalakay sa paraang patalata
ng pangunahing paksa at ang mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw
ng paksa

4. Mga salita / ekspresyon na nagpapahayag ng patunay

- Ang mga ebidensyang magpapatunay na maaring nakasulat ,


nakalarawan, o nakavedeo

1. May dokumentaryong ebidensya


Ang mga ebidensyang magpapatunay na maaring nakasulat,
nakalarawan , o nakavedeo
2. Kapani-paniwala
Ipinakita ng salitang ito na ang mga ebidensya , patunay at
7
kalakip na datos ay kapani- paniwala at maaaring
makapagpatunay
3. Taglay ang matibay na konklusyon

Isang katunayang pinalakas ng ebidensya, pruweba, o


impormasyong totoo ang konklusyon

4. Nagpapahiwatig
Hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensya
subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan

5. Ebidensya o datos
Ang magagamit na katawan ng mga katotohanan o
impormasyon na nagpapahiwatig kung ang paniniwala o
panukala ay totooo at wasto

Pagyamanin…

Hamunin ko pa ang iyong kakayahang pangkaalaman na tutugon sa iba pang


gawain. Isang pagsubok naman para lumawak ang iyong pag-uunawa sa paksang
tinatalakay. Humanda ka na!

Gawain. Pagpalalim ng kaalaman


Panuto: Suriin ang mga impormasyon na nagpapahayag ng ibat ibang ekspresyon
na napapaloob sa binasang nobela gamit ang chart.
Ekspresyon na Ekspresyon na Ekspresyon na Ekspresyon na
Nagpapahayag ng Nagpapahayag ng Nagpapahayag ng Nagpapahayag ng
Paglalarawan Pananaw Pag-iisa-isa Patunay
1 1 1 1
2 2 2 2
3 3 3 3
4 4 4 4

8
Isaisip …

Laging ikintal sa isipan na mahalaga ang paggamit ng mga salita o


ekspresyon na naglalarawan ng tao at bagay para matiyak ang buong anyo,
katangian at personalidad. Mahalaga rin ang paggamit ng mga ekspresyon tungkol
sa pananaw ng mga tauhan na nakatutulong nang masining sa pagpahayag ng
nobela.

Sa kabilang dako, ang paggamit ng ekspresyon na nagpahayag ng pag-iisa-


isa ng mga detalye, impormasyon at ideya ay bagkos mahalaga rin gayundin ang
ekspresyon na nagpahayag ng patunay sa pagbigay ng mga ebidensya. Ang
paggamit nito ay nagpapatingkad sa kagandahan ng nobela at nagpapakulay sa
mga nilalaman at takbo ng kwento.

Isagawa…

Gawain

Panuto: Tukuyin ang mga ekspresyong ipinahayag ng bawat tanong gamit ang
iyong kuwaderno. Titik ang isulat na tamang sagot.

A. Paglalarawan C. Pananaw
B. Pag-iisa-isa D. Pagpapatunay

1. Ang masasabi ko na ang bagyo ay darating ngayon ayon sa aking narinig sa


telebisyon.
2. Isulat sa iyong kuwaderno ang pangalan ng mga lugar sa Siquijor mula titik
A hanggang titik M.
3. Ang kanyang kapatid ay matulungin, masipag at mabait.
4. Ang pananaw ng masa ay hindi pananaw ng mga taong may pribilehiyong
mabuhay ng marangya.
5. Akala ni Imee Marcos, tatanggapin siyang malugod sa Iloilo ng mga
kabataan.
6. Sa palagay ko, maiiwas tayo sa sakit kung maingat tayo sa ating katawan.
7. Kumain ka ng gulay, prutas at isda para laging malusog ang iyong katawan.
8. Maligaya tra… la…la…la. Tayo ay masaya.
9. Sa katunayan, nakita ko kayo na naglakbay patungong dagat.
10. Ang halaman doon ay sari-sari tulad ng sibuyas, kamatis, bawang at luya.

9
Tayahin…

Panuto: Basahin ang mga piling seleksyon sa nobela at sagutin ito gamit ang iyong
kuwaderno. Titik lamang ang isulat na sagot.

Napansin ni Kapitan Tiago ang pamumutla ng mukha ng anak, “Mas makabubuti


nga sigurong magbabakasyon ka muna para makalanghap ng sariwang hangin.
Saan mo gustong magbakasyon? Sa Malabon o sa San Diego?”

1. Anong uri ng ekspresyon ang sinalungguhitang pahayag?


a. pag-iisa-isa c. pagpapatunay
b. paglalarawan d. pananaw
2. Anong uri ng ekspresyon ang salitang sariwa?
a. naglalahad c. nagpapahiwatig
b. naglalarawan d. nag-uugnay

“ Ang mabuti pa siguro’y bumalik na kayo ng Tiya Isabel mo sa Beateryo at


kukunin na ang lahat ng iyong damit, hindi ka na babalik doon kaya magpaalam
ka nang tuluyan sa mga kaibigan mo,” ani pa ng ama.

3. Ang seleksyong binasa ay nagpapahayag ng _____________


a. paghanga c. pagtanggap
b. pagsang-ayon d. pagtutol

“ Sa San Diego na lamang dahil mas malaki ang bahay doon at isa pa’y malapit
na ang pista,” sabad ni Tiya Isabel.

4. Anong salita ang ginamit sa pagpahayag ng pangangatuwiran?


a. isa pa’y c. malapit
b. lamang d. dahil

Nabalik sa kanilang isip at damdamin ang iniwang kamusmusan bago pa sila


nagkahiwalay, ang masayang alaala at pinagsamahan noong kanilang kabataan,
ang masuyong paglalambingan paglalaro at paglalangoy sa batis, dayaan sa
sungka at ang kanilang away- bating suyuan na pinagmulan ng kanilang
espesyal na nadarama hanggang sa kasalukuyan.

5. Ano ang kabuuan ng ekspresyon sa seleksyong binasa?


a. pag-iisa-isa c. pagpapatunay
b. paglalarawan d. pananaw

6. Anong ekspresyon ang mga kinawing- kawing na mga detalye sa pahayag?


a. pag-iisa-isa c. pagpapatunay
b. paglalarawan d. pananaw

Sa asotea rin binasa ni Maria Clara ang liham ng binata, na ayon kay
Maria Clara ay pulos kasinungalingan ang laman kaya nais laktawan ang sa
palagay niya’y bahagi ng liham na hindi totoo. Sa asotea ring iyon ipinagtapat ni
Ibarra kay Maria Clara ang naging usapan nila ng kanyang ama tungkol sa pag-
aaral niya sa ibang bansa.

7. Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahayag ng ekspresyong ____

a. pag-iisa-isa c. pagpapatunay
b. paglalarawan d. pananaw

8. Ano ang tagpuan ng seleksyong binasa?


a. Asotea c. bansa
b. Pilipinas d. liham

Ang kanilang suyuan ang tanging baon nila sa paghihiwalay nang ipadala si
Maria Clara sa Beateryo at nang magtungo naman si Ibarra sa ibang bansa
upang mag-aral. Isang liham pamamaalam ang iniwan ni Ibarra kay Maria Clara.
Tuyong dahon naman ng sambong ang inilagay ng dalaga sa loob ng sombrero
nang binata nang hindi ito sakitan ng ulo. Ang biro ni Ibarra ay iyon lamang ang
tanging naibigay sa kanya ng dalaga.

9. Ano ang tanging baon nang ipadala si Maria Clara sa Beateryo?


a. liham c. alaala
b. suyuan d. pamamaalam

10. Anong uri ng liham ang iniwan ni Ibarra kay Maria Clara?
a. pagmamahalan c. pamamaalam
b. pangkaasalan d. pag-iibigan

11. Ano ang ebidensyang nagpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan o


nakavedeo?

a. dokumentaryo c. kapani-paniwala
b. matibay na konklusyon d. nagpapahiwatig

12. Anong pagpapatunay ang magagamit ng mga katotohanan o impormasyon


na nagpapahiwatig kung ang paniniwala o panukala na totooo at wasto.
a. ebidensya c. pahiwatig
b. konklusyon d. dokumentaryo

10
Sanggunian

Aklat
 Rizal, Jose. Noli Me Tangere: Suyuan sa Asotea. Department of Education.
2002.

Internet

 Quizlet.com. Paggamit ng Angkop na Salita sa Paglalarawan.

 Tolosa, Maria. Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw.

 www.powtoon.com. Pag-iisa-isa o Enumerasyon.

 m. facebook. Com. Filipinoy. Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay.

 quizlet.com.Mga Pahayag sa Pagbibigay ng patunay.


Susi sa Pagwawasto:
SUBUKIN/TAYAHIN

1. d
2. d
3. d
4. b
5. a
6. b
7. c
8. d
9. b
10. b
11. a
12. d

ISAGAWA
1. Dahil ito ay mahalaga at hind imaging sunod-sunuran sa mga kalalakihan
2. Parehong may kinalaman sa karapatang kababaihan
3. Mahalagang igalang at pahalagahan ang karapatang kababaihan dahil
pareho tayong nabubuhay sa mundong ibabaw at kayang gawin ng mga
kababaihan ang makakaya ng mga kalalakihan

You might also like