Antas 6 Spcec

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kuwarter 3, Aralin 3

Mga Sasakyang Panlupa at Pandagat

Naranasan mo na bang maglakbay sa iba’t ibang dako ng lalawigan? Paano mo ito


narating? Sino ang kasama mong maglakbay? Sadyang likas sa ating mga Pilipino ang hilig
sa pamamasyal, paglalakbay o pagtungo sa iba’t ibang dako ng bansa upang magbakasyon,
maglibang at kung ano-ano pang kadahilanan. At malaking tulong ang paglinang at
pagsasaayos ng transportasyon ng ating bansa upang lalo pang mapadali ang paglalakbay,
pagbibigay serbisyo, at pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito ay inaasahang magagawa
mo ang sumusunod na kasanayan:

 Natutunton ang mga lugar na nararating ng mga lokal na sasakyan.


 Nababaybay ang halaga ng mga lokal na sasakyan sa araw-araw na pamumuhay.

Balik-Aral
Gawain
Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon upang makabuo ng salita o mga salita.
1.

D U S O N

2.

K U N A S O

3.

E N O A

4.

N D S T Y

5.

S E I S Y G - S I L

Pagtalakay sa Gawain
Tignan ang larawan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong na nakapalibot rito.

5. Bukod sa mapa, sa anong


paraan makararating sa 1. Ano ang larawang ito?
paroroonan ang isang tao?

2. Saan mo ito makikita?


3. Bakit kailangan nating
4. Anong kalahagahan matutunan ang paggamit
nito sa atin? nito?

Maikling Pagtalakay

Bukod na rin sa paggamit ng mapa upang matunton ang isang lugar na hindi kabisado
o pamilyar, malaking tulong din ang paggamit ng mga lokal na sasakyan upang lalong
mapabilis ang paglalakbay. May iba’t ibang uri ng transportasyon tulad ng panlupa na
kinabibilangan ng motorsiklo, kotse, jeep, tren, tricycle, bisikleta, at bus. May pantubig o
pandagat rin tulad ng bangka, barko, at yate.
Ang mga lokal na sasakyan ay nakatutulong upang matunton natin ang mga lugar sa
iba’t ibang dako ng lalawigan, rehiyon, bansa o sa buong mundo man. Dahil sa pagagamit ng
mga lokal na sasakyan ay nararating natin ang mga karatig bayan sa mas mabilis at mas
maagang oras.
Sa nakalipas na mga panahon, nakita natin ang pag-unlad ng ating transportasyon
dahil sa mga proyektong imprastraktura ng ating gobyerno. Bukod sa pangkalahatang
kaunlaran ay mas higit na nakikita ang kahalagahan ng mga lokal na sasakyan sa pang-araw
araw na pamumuhay ng tao. Tulad na lamang sa edukasyon, mas mabilis naipararating ang
serbisyong pangkalaaman sa mga kabataan dahil mas pinadadali nito ang pagpasok ng mga
mag-aaral nang hindi kinakailangang mahirapan o matagalan sa paglalakad ang mga ito.
Nabibigyan ng pribilehiyong makapag-aral sa mas mataas na antas ng pag-aaral tulad ng
kolehiyo ang mga mag-aaral dahil na rin sa tulong ng transportasyon. Ang mga aklat o iba
pang kasangkapan sa pagtuturo ay madaling naipamamahagi at nakararating sa mga paaralan
sa tulong na rin ng mga lokal na sasakyan.

Mahalaga rin ang mga lokal na sasakyan sa sektor ng komunikasyon. Halimbawa na


rito ang pagpapadala ng mga sulat na isang paraan ng komunikasyon sa bansa. Pinadadali
nito ang pagdating ng sulat sa kabahayan sa tulong ng sistemang pangtransportasyon. Piang-
uugnay nito ang mga pamilya kahit saan mang dako ng mundo.
Madaling nakararating sa pamilihan ang mga produkto kung maayos ang sistema ng
transportasyon sa bansa. Mas pinabibilis nito ang produksyon ng isang kalakal. Mula sa
pagkuha ng hilaw na materyales, patungo sa iba’t ibang larangan ng produksyon o
manupaktura hanggang sa paghahatid ng mga kalakal sa pamilihan ay malaki ang papel ng
mga lokal na sasakyan. Napabibilis rin nito ang paglabas at pagpasok ng mga produkto sa
ating bansa kung kaya’t pinauunlad nito ang industriya natin.
Malinaw ding makikita ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil sa sektor ng
industriya. Ang industriyang nagbibigay ng maraming trabaho, pagkakakitaan at kabuhayan
sa mga manggagawang Pilipino.

Malaking tulong din sa pagbibigay serbisyong sibil ang paggamit ng lokal na mga
sasakyang. Tulad na lamang ng pagdadala ng mga relief goods sa mga lugar na nasalanta ng
kalamidad. Mas madaling naipararating ang tulong sa mga karatig lugar sa tulong ng mga
lokal na sasakyan. Maging sa larangan ng kalusugan, ang mga gamot ay mabilis na
makararating sa mga hospital dahil sa sistemang pangtransportasyon ng bansa. Ang mga nars,
doctor, iba pang maggagawa sa ospital o maging mga pasyente ay mabilis na makararating sa
ospital upang magbigay serbisyo o mabigyan ng kaukulang serbisyong medikal. Ang
paglilipat ng pasyente sa isang ospital ay mabilis na naisasagawa sa tulong ng mga sasakyang
ito.

Nakitaan ng malaking pagbabago ang paraan ng paglalakbay noon at ngayon. Dahil sa


modernong mga sasakyan malaking pagbabago sa edukasyon, komunikasyon, ekonomiya,
industriya at serbisyong sibil ang malawakang nakikita ng taong bayan. Ito ay may malaking
epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
Bungkal-Dunong

Paglalahat

Paglalapat

Pagtatasa
REFERENCES FROM GOOGLE

https://images.app.goo.gl/3obcVzc7mAbRP89L9
https://previews.123rf.com/images/junpinzon/junpinzon1407/junpinzon140700093/30089630-
students-ride-a-tricycle-goibg-to-school.jpg
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fliveinthephilippines.com%2Fmail-
delivery-in-the-philippines-
eam0006%2F&psig=AOvVaw0jydKhdOaX5go1lhiBQNrR&ust=1690016715407000&source=i
mages&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CA4QjRxqFwoTCID_uLS5n4ADFQAAAAAdAAAAAB
AD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.flickr.com%2Fphotos
%2Fandrecawagas
%2F176129479&psig=AOvVaw1_yfXXDMzWH7Fp5khSbHue&ust=1690020240468000&sourc
e=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CA4QjRxqFwoTCPii4aHGn4ADFQAAAAAdAAAA
ABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftwitter.com%2Fteamafp%2Fstatus
%2F1482234899503661062&psig=AOvVaw1IsOmiB8URDBbV7nJdnrul&ust=16900210752400
00&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CA4QjRxqFwoTCKCjh6LJn4ADFQAAAA
AdAAAAABAn

You might also like