Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGKAKABIT NG SOLAR POWERED STREET LIGHTS SA

PUROK 2, BARANGAY NAGBAYAN

Mula kina:
Aglibot, Nickhole
Garcia, Marielle Denise D.
Salarda, Jerrica Luna
Valiente, Alexa S.

Purok 2, Barangay macupit nagbayan


Castillejos, zambales
Ika-14 ng abril 2024

Haba ng panahon na gugugolin:


3 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pailaw sa daan ay napakaimportante para sa kaligtasan ng mga mamamayan


sa isang barangay. Kaakibat ng seguridad ang pagkakaroon ng mga pagpapailaw
sa daan.
Nakakatulong ito upang maiwasan ang mga kaso ng krimen at aksidente sa
kalsada.

Upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga mamamayan,


Nangangailangang magpakabit ng solar powered street lights sa ibang bahagi ng
purok 2, Barangay Nagbayan na hindi pa nakabitan ng street lights. Sa
pamamagitan nito hindi magkaroon ng lakas ng loob ang mga kriminal na gawin
ang kanilang masamang balak at hindi na rin matatakot ang ating mga kababayan
namaglakad sa gabi dahil maliwanag na ang mga lugar nakanilang dadaanan.

Ang paggamit ng solar powered street lights ay mas mura kumpara sa


ordinaryong street lights. Makakatipid ang bawat barangay kung ito ang
gagamiting pailaw dahil ito ay kumukuha ng enerhiyamula sa sinag ng araw.
Hindi lamang magiging ligtasang kalye ngunit makakatipid pa sa kuryente.
Il. Layunin
Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay magpakabit ng solar powered
street lights sa mga daan ng Brgy. Nagbayan na makatutulong upang magbigay ng
kasiguraduhan sa kaligtasan ng mga
Mamamayan at maiwan ang aksidente at krimen.

Ill. Plano ng Dapat Gawin


Plano ng Paggawa ng pagpapakabit ng solar powered street lights sa Barangay
Nagbayan.
1. Pagpapasa pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa
pagpapakabit ng solar powered street lights. (2 linggo)
• Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang
tawad para sa pagpapakabit ng solar powered street lights kasama ang
gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpiling kontraktor na gagawa
ng breakwater. (1 araw)
IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I.Halaga ng Php 1,500,000
pagpapakabit ng
Solar powered street
lights batay sa
isinumeti ng
Napiling kontraktor
(kasama na rito ang
mga materyales at
sweldo ng mga
trabahador )
II. Maintenance Pho 2,000.00
Kabuoang Halaga Php 1,520,000

V. kongklusyon

Ang pagpapakabit ng solar powered street lights sa kalsada ay magbibigay ng


maraming benepisyo sa pamayanan. Ito ay nagbibigay ng mas maraming
seguridad at proteksyon sa mga residente ng pamayanan o samahan.
Makakatulong ito sa pag-iwas sa krimen at aksidente sa gabi, pati na rin sa
pagtutulungan ng mga tao sa paglalakad o pagda-drive sa kalsada. Magdudulot
ito ng kapanatagan ng loob at ginhawa sa mga residente dahil sa sapat na ilaw sa
kanilang paligid. Bukod dito, magbibigay ito ng mas magandang ambiance at
visibility sa lugar, na makakatulong sa pag-unlad ng komunidad. Sa kabuuan, ang
pagpapakabit ng solar powered street lights ay isang matalinong desisyon para sa
kapakanan ng lahat.

You might also like